Chereads / Hidden (Tagalog) / Chapter 4 - 4

Chapter 4 - 4

Chapter 3

- Luna's POV -

Nang mag-uwian na ay masasabi kong malas talaga ako sa araw na to. Sibrang malas ko talaga dahil nakasabay ko pa ang lalaking nampatid sa akin.

"Hey, blindy!" Biglang sigaw ng isang babae. Pasimple naman akong tumingin sa lalaking kasama nya, yung nampatid sa akin.

Blindy daw? Ito ang mahirap kapag maarte ang babae, ehh.

"It's nice to see--- no. Hindi pala, it's not nice to see you around of our school." Maarte at mayabang na sabi ng babaeng iyon.

"Our school? Kelan nyo pa naging pagmamay-ari ang school na to?" Tanong ko. Walang bakas ng yabang at walang lakas makipag-away, walang paki.

"Huh! So stupid, you are! How dare you to talk to me like that! Kilala mo ba ako?!" Inis na sigaw nito.

"Sino ka ba para kilalanin pa?" Walang ganang sabi ko.

"Pwede ba, umalis ka na. Nananahimik kami dito, diba?" Sabat ng lalaking kasama nya, yung nampatid sa akin.

"Kayo nga ba? Sino ba ang naglalakad lang at biglang sinabihan ng 'hey, blindy.'" Panggagaya ko sa sinabi ng babae kanina.

"Ang bastos mo talaga, ahh? Get ready, stupid blindy girl. You're going to get out of this school!" Inis na sigaw nito.

"Scarlett, tama na yan!" Biglang sulpot ni Angel. Pasimple ko syang tiningnan at nakita kong nakatingin din sya sa akin.

"Pwede ba, Angel? Wag mong kampihan ang bulag na yan! She's nothing but a trash!" Sigaw pa ng Scarlett.

"Cade, inalis mo na si Scarlett dito. Pwede ko syang isumbong sa council kong ganyan sya palagi sa freshmen's." Nakangiting sabi ni Angel.

Pinsan nga kita.

"I'm sorry, Angel. Pagsasabihan ko sya dahil sa ginawa nya." Sabi nitoat inakay na paalis ang babaeng masama parin ang tingin sa amin.

"Ano ba kasing ginagawa mo, miss?" Tanong nito. Tinanggal ko ang shades ko at biglang nagbago ang ekspresyon ng muhka nito. Kaninang nakangiti ay naging parang walang gana habang nakangisi sa akin. "Sabi ko na nga ba ikaw yan." Nakangising sabi nya.

"Do you think you're creeping me out when you smirking like that?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Hindi kita tinatakot." Nakangiting sabi na nya. Nagulat ako ng ipit syang tumili at yumakap sa akin. "I miss you, Luna!" Ipit na tili parin nya.

"Miss you too." Sabi ko.

"Kelan ka pumunta dito? Alam ba nila Lolo na nandito ka." Tanong pa nito.

"Oo..."

"Nag-almusal ka ba? Parang wala kang gana, ehh." Sabi nito.

"Bye na. Uuwi na ako." Sabi ko at ibinalik ang shades ko.

"Ingat! Visit us, ha!! Love you, sis!"

"Love you more!" Pahabol ko bago lumabas ng campus.

"Sinong I-na-I Love you han mo?" Biglang sulpot ni Adrian.

"Tsk. Ate mo. Kakakausap ko lang sa kanya." Sabi ko.

"I think you're tired. Wala ka nang gana, ehh."

"Ganito na ako dati, Adrian." Sagot ko.

"Haha. Siguro, nasanay lang ako sa kakulitan ni Ate." Natatawa at medyo naiilang nyang sabi.

"Haha. Hindi ka lang talaga sanay. Palagi kasing ako ang kasama ng ate mo." Medyo natatawang sabi ko.

"Sabay ka na sa akin."

"Sige." Sagot ko.

- Cade's POV -

Habang nasa kalsada kami ay sobrang tahimik namin ni Scarlett. Nakaramdam ako sa kanya ng pagka-turn off sa pangalawang pagkakataon. Pero naiinis din ako sa babaeng yon dahil ang galing nyang mang-inis.

"Are you mad?" Mahinang tanong ni Scarlett.

"Oo. Paano kung isumbong ka talaga ni Angel? Magagalit nanaman sayo ang parents mo?" Hindi ko mapigilan ang inis ko habang sinasabi ko iyon.

"Pero nakakainis kasi talaga sya. Masyado syang pakalat-kalat. Masyado syang basura." Mahinang sabi pa nito. Hindi ko naman sya makita dahil sa kalsada lang nakatuon ang atensyon ko.

"Pero mali kadin. Dapat iniintindi mo nalang yung tao. May disability sya, ikaw wala. Bakit ba hindi mo nalang sya tigilan?"

"Ayoko. Masyado syang attention seeker!" Sigaw nito. Sakto namng paghinto ko nasa harap na kami ng bahay nila.

"I'm telling you this because I want you be better. Wag ka nang gumawa ng kalokohan, Scarlett."

"Fine! Bahala kayo sa mga buhay nyo!" Sigaw nito at dali-daling lumabas ng kotse ko. Ako naman ay napahilamos at makalipas ang ilang minuto ay pinaandar ko na ulit ang kotse ko.

- Luna's POV -

"Malapit na ba ang bahay mo dito?" Tanong nya habang panay ang tingin sa labas.

"Malapit na, wag ka nang mag-alala." Sabi ko at bumaba na ng kotse nya. Pero bago ko isara ang pinto ay humarap ulit ako. "Mag-ingat ka, ha? Ang paalam mo pa naman sa ate mo may project kayong magkakaklase."

"Ok lang yon. See you tomorrow, huh?" Nakangiting sabi nito. Tumango lang ako at sinara na ang pinto. Saka ako naglakad papunta sa kotse kong nakaparada sa may kanto dito.

"Ate!" Sigaw ng bata. Sya yung nagsabing babantayan daw ang kotse ko. "Nakabalik ka na po pala?" Masayang tanong nito.

"Kanina ka pa nandito?" Tanong ko.

"Opo. Binantayan ko po talaga ang kotse nyo." Nakangiting sagot nya. Napatango-tango naman ako.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko. Nag-baba naman ito ng tingin. "Nasaan ang mga magulang mo?"

"Wala po akong mga magulang. Hindi ko po sila kilala kasi simula sanggol palang ako nasa kalsada na po ako." Parang nahihiyang sabi nito.

"Saan ang bahay mo?" Tanong ko pa.

"Wala po..." Mahinang sagot nito. Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko. Agad itong nag-angat ng tingin at masayang tumango sa akin. "Sumakay ka." Sabi ko at saka ko binuksan ang pinto ng kotse ko. Pumasok sya sa passenger's seat at ako naman ay umikot at sumakay sa driver's seat.

Nag-drive ako papunta ng isang restaurant at pinakakain ang batang nagbantay sa kotse ko.

"Bukas po, ako po ulit ang magbabantay ng kotse nyo." Masayang sabi ng bata nang pabalik na kami sa pinaradahan ko kanina.

"Hmm... Ikaw ang bahala. Basta wag ka nang magpapagutom." Sabi ko. Agad itong tumango habang nakangiti. Ako naman ay itinuon nalang ang buong atensyon sa kalsada.

"Dito nalang po ako." Sabi nito. Pinalibot ko naman ang paningin ko sa abandonadong bahay na iyon.

"Wala bang nakatira dyan? Baka pagalitan ka?" Sabi ko.

"Ok lang po ako. Wala na pong nakatira sa bahay na to, kaya ok lang po." Sabi nya habang nakangiti. Tumango lang ako. Lumabas sya at kumaway pa muna sa akin bago ako umalis.

- To Be Continued -

(Tue, May 11, 2021)