Chereads / Lost (Tagalog) / Chapter 5 - 5 Chapter 4

Chapter 5 - 5 Chapter 4

Chapter 4

- Inara's POV -

"Ahh... Ok." Humarap ako ulit sa lalaki at napasigaw.

"Anong problema?" Tanong ng tatay ko.

"Paano mo ginawa yon? Paanong nagkapag-shave ka ng ilang sigundo?" Tanong ko habang inuusisa pa ang muhka nya. "Ang gwapo mo pala. Tatay nga kita." Kinindatan ko sya at humarap ulit sa nanay ko.

"Ma, nasaan ako? Bakit parang nasa langit na ako?" Tanong ko. Mahina naman syang natawa.

"Nasa langit ka na talaga, Inara. Ito ang ating kaharian. Ang kaharian natin ay ang langit dahil mga dyos tayo." Napatango-tango naman ako.

"So, dyos din ako?" Tanong ko.

"Oo, pero ang tawag sayo ay prinsesa. Dahil kami ng ama mo ang huling tagapangalaga. Ang lolo't lola mo kasi ay hindi naging immortal dahil pumanaw sila kaagad. Pero kami, kami ay immortal na. At ikaw din, pero noong una ay hindi." Napakunot naman ang noo ko.

"Ano daw? Hindi ko gets." Pagkausap ko sa sarili ko.

"Namatay ka kasi bago ka mag-dalawangpu. Pero ngayong nabuhay ka ulit, immortal ka na. Mabuti nalang ay magaling mag-alaga ang kumopkop sayo." Nakangiting sabi ng ina ko.

"Bakit ako hindi umabot ng dalawangpu? Bakit ako namatay?" Tanong ko.

"Namatay ka kasi dahil sa pagkakamali. Pinatay ka ng isang lalaki dahil sa pagkakamali." Sabi ng ama ko, umawang naman ang labi ko.

"Talaga? Sino naman iyon?" Tanong ko.

"Basta. Dadating ang araw na sasabihin na namin ang mga nagyari sayo. Maghintay ka lang, makakamit mo din ang gusto mong malaman." Nakangiting sabi ng ama ko habang hinahaplos pa ang buhok ko.

"By the way, may kapatid po ba ako?" Tanong ko.

"Meron, wala sya rito dahil may ginagawa sila ngayon."

"Sila? Ahm... So, more than one? Ok." Saad ko at naupo na sa upuang nasa harap ko.

"Ina!!" Biglang may sumigaw na mga bata at may kasama pa itong babaeng medyo may kabataan lang sa akin.

"Ina, ayaw po ibigay ni Ate Rhea ang laruan namin." Parang maiiyak nang sabi ng isang batang lalaki.

"Ayaw nya din po kaming palabasin." Sabi pa ng isa pang bata.

"Ehh, mga pasaway kasi kayo." Saad ng babae.

"Rhea, Theseus, Tristan. Wag nga kayong ganyan, nakakahiya sa ate nyo." Sabi ni Ina at tumingin sa akin silang lahat. Nakakahiya dahil papasubo na sana ako ng malaking karne.

"Wag nyokong tawanan. Gagawin ko kayong ipis." Pananakot ko kunwari.

"Haha. Anak, wag kang magbibiro ng ganyan. May kapangyarihan ka kaya magagawa mo yan." Natatawang sabi ni Ina. Napahawak naman ako sa labi ko.

"Hala. Sorry, Ma. Di ko alam." Gulat kong sabi habang nakahawak pa sa bibig ko. Natatawa parin sya sa akin.

"Sino sya, ina?" Tanong ng batang babae. Mas matanda lang siguro ako sa kanya ng mga ilang taon.

"Sya ang ate nyo. Ang ate Inara nyo." Sabi ng nanay namin. Lumapit naman sa akin ang dalawang batang lalaki at parang sinusuri ang muhka ko.

"Hehe. Mga bata, hindi naman magnanakaw si Ate. Wag nyo akong titigan ng ganyan." Nahihiyang sabi ko.

"Wag nyong ganyanin si Ate. Baka gusto nyong maging ipis kagaya ng sinabi nya?" Pananakot na sabi ng babae na tingin ko ay si Rhea.

"Sige na, umupo na kayo. Kakain na tayo. Malayo ang nilakbay ng ate nyo." Sabi ng nanay namin na sinunod naman ng mga kapatid ko.

Ang weird naman.

"Ate, pwede mo ba akong subuan?" Tanong ng isa kong kapatid.

"Wag, Ate. Ako nalang ang subuan mo." Pagpigil sa akin ang isang ko pang kapatid.

"Kayo nalang kaya ang kumain? Dadamay nyo pa ako." Nakangusong sabi ko.

"Narinig nyo yon? Kayo na daw ang kumain." Sabi ni Rhea. Sumimangot naman ang dalawang lalaki.

"Ama, pwede ba akong pumunta sa kaharian nila Troy?" Tanong ko habang nakatingin sa ama namin.

"Hindi." Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wag ka nang madaming tanong. Basta hindi ka pupunta sa kaharian nila." Madiin nitong sabi. Napasimangot naman ako habang kumakain.

GABI  na ngayon pero hindi parin ako makatulog. Gusto kong matulog pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog.

"Inara, may problema ba?" Tanong galing sa likod ko. Pagharap ko doon ay si Ina pala iyon. "Bakit parang matamlay ka?" Tanong pa nya.

"Hindi po kasi ako pinayagan ni Ama. Ayoko naman pong tumakas dahil baka magalit sya." Malungkot kong sabi. Tumabi sya sa akin at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay nya.

"Ayaw lang naming masaktan ka. Nag-aalala lang kasi ang iyong ama dahil baka sa huli, masaktan mo lang ang iyong sarili."

"Bakit po?" Tanong ko pa.

"May mga bagay kasing hindi mo na maalala pero unti-unting babalik iyon. Mga alaala mo. Kailangan mong maghintay at kailangan mo ng mahabang pasensya." Mahinanong sabi nya.

"Gusto ko lang pong makita si Troy. Bakit naman po ayaw akong payagan ni Ama." Tanong ko pa.

"Nalaman kasi namin ang nangyaring aksidente kanina. Hindi kasi pwede ang ginawa nyo kanina. Paano kung natuloy iyon?" Tanong ni Ina.

"Edi magpapakasal kami." Sagot ko.

"Pero, anak. Mas maganda kung kasal muna ang magkaanak." Malambing nitong sabi.

"Opo, ma." Malungkot kong sabi. Bumuntong-hininga si Ina tapos nagsalita ulit.

"Sige na, pumunta ka na bukas kay Troy. Ano nang bahala sa ama mo." Tumingin ako sa kanya at tinititigan sya. Tapos niyakap ko sya.

"Sana matagal na akong namatay. Para nakasama ko kayo agad." Malungkot ko pang sabi.

"Wag ka nang malungkot, anak. Nandito na kami ngayon. Kasama mo na kami kaya dapat maging masaya ka na." Nakangiting sabi nya dahilan para ngumiti din ako. Nahiga na ako at tumingin sa kanya.

"Good night, po." Malamlam kong sabi.

"Good night." Nakangiti nyang saad at hinalikan ako sa pisnge. Lumabas na sya ng kwarto ko at ako naman ay unti-unti nang kinain ng antok.

KINABUKASAN nang magising ako ay matamlay parin ako. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil nagdadalawang-isip akong pumunta sa kaharian nila Troy dahil ayokong magalit si Ama sa akin at baka mag-away nanaman sila ni Ina at makabuo nanaman sila.

Dahil sa naiisip ko ay bahagya akong natawa. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naririnig ko ang salitang away, pumapasok sa utak ko palagi ang kwento sa akin ng mga tagapag-alaga ko.

"Baka gusto mo din ikwento sa akin yan, para matawa din ako." Biglang may nagsalita habang naglalakad ako papuntang kusina. Humarap ako doon at bigla akong sumaya.

"Troy!!" Sigaw ko at wala sa sariling tinakbo ang pagitan namin at niyakap sya. Makalipas ang ilang sigundo ay ako din ang bumitaw. "Anong ginagawa mo dito? Pumuslit ka ba? Baka magalit si Ama kapag nakita ka."

"Ayos lang. Ang iyong ama ang nag-imbita sa akin dito. Na-miss mo ba ako?" Tanong nito habang nakangisi pa.

"Tsk. Hindi kaya, asa ka." Nakasimangot kong sabi habang hindi makatingin sa kanya. "Kaunti lang." Nahihiyang sabi ko.

"Haha. Namumula na ang pisnge mo, mahal ko." Natatawang sabi nya habang tinutusok-tusok pa ang pisnge ko. Iniiwas ko naman ang muhka ko sa kanya dahil sobrang init talaga non. Alam kong sobrang pula na nito.

"H-hindi kaya. T-tigilan mo nga ako." Nahihiyang sabi ko habang nakahawak sa pisnge ko.

"Haha. Sige na, tayo na. Punta na tayo sa labas. Doon tayo kakain, nandoon na ang mga kapatid mo." Nginitian nya muna ako bago nya ako ninawakan sa pulsuhan ko tapos marahan akong hinila hanggang sa marating namin ang hardin.

"Ama, narito na sila!" Sigaw ni Theseus. Nang makalapit kami at umupo ay dumating na si Ama. Dali-dali nitong tinignan ang mga palad namin at nang parang walang makita doon ay nakahinga ito ng maluwag.

"Bakit po, ama?" Tanong ko.

"Wala, naninigurado lang ako." Napanguso ng makita kong tumingin ito kay Troy na masama ang tingin.

"Ama naman, ehh. Tinatakot mo sya." Nakangusong sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Zeus, tama na yan. Kumain na tayo." Pagpigil ni Ina na agad namang sinunod ni Ama. Magkatabi kami ni Troy habang kumakain at nagkwe-kwentuhan din kami at sabay na tatawa.

"ANO nanaman ba to?" Tanong ko habang nakahawak sa kamay nya na nakatakip sa mata ko.

"Basta, isa itong surpresa." Masayang sabi nya. Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa huminto na sya sa paglalakad. Tinanggal na nya ang kamay nya at doon ko na idinilat ang mga mata ko.

"Wow...." Namamanghang sabi ko habang pinapalibot ang paningin ko. Nandito kami ngayon sa labas, malapit nang magdilim at papalubog na ang araw. Napakaganda ng paglubog ng araw dahil parang may kasama pa ito northern lights. "Ang ganda..." Namamanghang sabi ko parin.

"Ang ganda nga..." Bulong ng katabi ko. Lumingon ako sa gawi nya at nahuli kong nakatingin sya sa akin. Pabiro ko naman syang sinampal.

"Baliw. Wag ako ang tignan mo, yung langit." Natatawang sabi ko.

"Hahaha. Oo na, mas maganda ka naman kasi sa langit, ehh." Natatawang sabi din nito.

"Haha, nambobola ka pa talaga." Natatawang saad ko din.

"Mahal kita, Inara." Bulong nito sa tainga ko.

"Mahal din kita, Troy." Wala sa sariling sabi ko at napapikit ng yakapin nya ako mula sa likod.

"May naaalala ka na ba sa nakaraan natin?" Biglang tanong nito.

"Wala pa naman." Nakangusong sabi ko.

"Ok lang yan. Wag mong pilitin, ako nga hindi pa masyado."

"Sige. Siguro matagal-tagal din ang aantayin natin bago ko maalala ang mga iyon." Mahinang sabi ko.

- To Be Continued -

(Sun, April 25, 2021)