Chapter 8
Kinabukasan. . .
"Nasaan ba kasi ang asawa nyo?" Tanong ni Inara sa tiyahin nyang si Isabella.
"Inaasar mo nanaman ba ako, Inara?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Isabella sa pamangkin nya.
"Hindi po. Curious lang ako." Palusot ni Inara.
"Naalala mo ba ang ama ni Snow White?" Mapait na tanong ni Isabella. Tumango naman si Inara.
"Sya ang pumatay sa asawa ko. Noon masaya lang ang buhay ko, kasama ko ang asawa ko, nagmamahalan kami, hanggang sa dumating sa akin ang isang balita. Pumanaw na daw ang asawa ko. Ang sabi ng mga tao ay pumanaw daw ito dahil sa isang sakit ngunit hindi ako naniniwala. Alam kong hindi sa kitin ang asawa ko. Nag-imbistiga ako at doon ko nga nalamang ang ama ni Snow White, ang hari, ang pumatay sa asaw ko. Ano ang dahilan? Dahil sa isang lupang ayaw ipagbili ng asawa ko dahil pamana pa iyon sa kanya ng lolo't lola nya, na balak nyang ibigay sa mga susunod na henerasyon namin. Sa galit ako, nag-aral ako ng itim na mahika, at ginamit ko iyon upang gumanda at maging pinakamaganda sa lahat. Nang ikasal ako sa ama ni Snow White ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo, ngunit malungkot din dahil nakaganti nga ako sa ama ni Snow White, wala naman sa tabi ko ang asawa ko." Malungkot na kwento ni Isabella.
"So you mean.... May kasalanan din ang tatay ni Snow White?" Tanong ni Inara.
"Akala ng mga taong nasasakupan nila Snow White ay mabait ang hari nila. Ngunit, sa likod ng maskara nya ay may nakatagong halimaw na hindi mo gugustuhing makita." Madamdaming sabi ni Isabella habang nakatingin sa malayo.
"Malungkot pala talaga ang naging buhay nyo, ano?" Malungkot na sabi ni Inara. "Sana ako, hindi maging malungkot. Gusto ko palagi lang masaya." Malungkot pading sabi nya.
"Wag kang mag-alala. Lahat ay kaya naming hawakan, lahat ay kaya naming isaayos." Proud na sabi ni Ursula.
"Ahh, ewan." Mataray na sabi ni Inara at umirap sa hangin. Natawa nalang sila dahil sa inasta ni Inara. Pero lahat sila ay nabahala dahil sa sinabi ni Inara, gusto nitong maging masaya palagi, ngunit anong mangyayari kung malaman na nito ang nangyari sa kanila ni Troy.
"BAKIT nga kasi kayo magkasama?!" Sigaw ni Inara kay Troy.
"Bakit ka sumisigaw?" Mahinahong tanong ni Troy habang pinipigilan si Inara'ng sumigaw.
"Bakit nga kasi kayo magkasama?!" Sigaw ulit nito.
"Nagkataon lang naman iyon." Mahinahong sabi parin ni Troy.
"Nagkataon? Ehh, bakit nakaibabaw sya sayo?!" Sigaw pa ni Inara.
"Mahal ko, mali ang iniisip mo. Natumba kasi kami pareho, kaya ganong posisyon mo kami nakita. I'm sorry..." Nagmamakaawang sabi ni Troy at lumuhod pa sa harap ni Inara. Si Inara naman ay hindi lang pinansin si Troy.
Kung umasta naman itong dalawang to, parang mag-asawa na.
"Patawarin mo na ako, please. I'm sorry." Nagmamakaawang sabi pa ni Troy. At ayan nanaman ang malilikot na kaya. And history repeat itself nanaman.
"Ano to?" Tanong ni Troy habang ang paningin nya ay nasa kamay nyang may marka.
"Ako pa ang tinanong mo, ehh, hindi ko din naman alam kung anong meron sa kamay ko." Mataray na sabi ni Inara at pinakita kay Troy ang marka sa kamay nya.
"Meron ka din?" Gulat na tanong ni Troy habang nakatingin sa palad ni Inara.
"Ate?" Tanong ni Rhea. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ang palad nila pareho. "Anong ginawa nyo?" Gulat na tanong nito.
"Bakit? May problema ba?" Inosenteng tanong ni Inara sa kapatid nya.
"Ina!! Ama!!" Bigla itong tumakbo habang isinisigaw iyon. Nagtatakang nagkatinginan silang dalawa. Pagbalik nito ay dali-daling hinawakan ng ama nya ang kamay nila na may marka. Biglang namula ang ama nila at pumunta sa likod ng nila.
"Magiging ina ka na." Nakangiting sabi ni Hera sa anak nya.
"P-po?" Gulat na tanong ni Inara sa ina nyang nakangiti.
"Magiging ina kana. Magkakaanak na kayo ni Troy." Nakangiting sabi pa nito.
"Pero hindi pa po kami---" bigla nyang naalala na hindi pala sa ganoong paraan nakakabuo ng sanggol ang mga tao. Nabubuo pala ito sa pamamagitan ng pagtatapat ng mga palad. Nag-aapoy ang mata nya ng tumingin sya kay Troy. "Bakit hindi ka kasi nag-iingat!" Sigaw ni Inara habang sinusuntok si Troy. Panay lang ang sigaw nito sa sakit at ang pag-ilag at pagsangga sa mga suntok nya.
"A-aray! Tama na! Baka mapano si Baby!" Sigaw ni Troy na nakapagpatigil kay Inara.
"Naiinis ako sayo!" Sigaw ni Inara at yumakap kay Troy.
"Tara na?" Tanong ni Troy at inilahad ang kamay kay Inara.
"Saan nanaman tayo pupunta?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Inara.
"Magpapahinga ka. Ihahatid lang kita." Mahinahong sabi ni Troy habang nakangiti. Tumingin muna si Inara sa ina nya saka nya tinanggap ang kamay ni Troy. Nang makaalis ang dalawa ay napabuntong-hininga naman si Zeus at Hera.
"Ito na ang kinakatakotan natin." Malungkot na sabi ni Hera.
"Kailangan na nating magtiwala na hindi gagawin ni Inara ang bagay na yon. At sigurado akong hindi nya na gagawin iyon dahil nag-dadalang-tao na sya." Pang-aalo ni Zeus sa asawa nya.
"Sana nga, Zeus. Sana nga." Malungkot na sabi ni Hera habang nakatingin sa dinaanan nila Inara. Habang malungkot ang ama't ina ni Inara, sya naman ay nakikipagharutan sa boyfriend nyang medyo hindi.
Bahala kayo kung hibdi nyo magets yan.
"Ano ba! Tumigil ka nga." Sigaw ni Inara.
"Huh? Wala akong ginagawa sayo." Nagtatakang sabi ni Troy. Umirap naman sa hangin si Hera.
"Anong gusto mong ipangalan sa magiging anak natin?" Tanong ni Inara. Napalingon naman si Troy dito.
"Hindi ko alam, siguro pag-iisipan ko ang pangalan nya kapag lumabas na sya. Hindi kasi nating malalaman kung babae o lalaki ba sya kung nandito tayo." Nakangiting sabi ni Troy.
"Oo nga. Sige, magpapahinga na ako. Pagod na ako." Malamlam na sabi ni Inara tapos humikab.
"Inaantok ka na ba?" Tanong ni Troy. "Matulog ka na, ha? Uuwi muna ako sa amin, babalik ako." Nakangiting sabi ni Troy.
"Ano namang gagawin mo?" Tanong ni Inara.
"Ipapaalam ko lang sa kanilang nag-dadalang-tao ka. Para maipahanda ko na din ang kasal natin." Nakangiting sabi ni Troy. Ngiti din ang iginanti ni Inara. Napaigtad sa kinakatayuan si Inara ng halika sya ni Troy. "Bye, my love. Babalik ako, wag mo akong masyadong ma-miss." Mayabang na sabi ni Troy at iniwan syang nakatayo parin. Napahawak si Inara sa labi nya at ngumiti na parang tanga.
"Hinalikan nya nanaman ako." Nakangiting sabi nya sa sarili nya. At biglang pabagsak na nahiga at nagpagulong-gulong sa higaan nya. "O! M! G!!!!" Sigaw nya habang tumitili-tili pa. Biglasyang napatigil ng mapahawak sya sa tyan nya. "Ayy, I'm Sorry, Anak. Di na uulitin ni Mama." Natatawang sabi nya at tumingin sa kisame habang kinikilig-kilig pa.
Kinabukasan. . .
Busy sa paglalakad si Inara habang naglalakad ay napatingin sya sa pintong hindi nya alam kung anong laman. May kung ano sa kanya na gustong pumasok sa loob at tignan kung ano ang nasa likod ng pintong iyon.
"Gising ka na pala?" Nakangiting tanong ni Troy kay Inara. Nawala ang ngiti nya ng hindi sya sagutin nito. Napatingin din sya sa tinitignan nito. "Gusto mo bang pumasok dyan?" Tanong ni Troy. Nagdadalawang-isip man, tumango si Inara sa kanya.
"Gusto kong makita ang nasa loob." Nakangiting sabi ni Inara kay Troy. Hinawakan sya ni Troy sa balikat at bewang saka sya inalalayang maglakad. Binuksan nila parehoang pinto at pareho silang nagulat ng makita nila ang laman ng kwarto.
"NASAAN na sila Inara at Troy?" Tanong ni Hera.
"Hindi pa po namin sila nakikita." Sagot sa anya ng pangalawa nilang anak.
"Hanapin muna natin, mahal." Nag-aalalang sabi ni Zeus. Nginitian naman sya ni Hera.
"Nasisigurado kong ayos lang ang mga bata, Zeus. Wag ka nang mag-alala dyan." Nakangiting sabi ni Hera. Naglakad na sila at inikot ang buong paligid. Nagulat sila ng makitang mabukas ang pintong pinagtaguan nila kay Aqua.
"Sino ang pumasok doon?" Tanong ni Zeus. Nagkatinginan sila ng asawa na at sabay silang naglakad palapit sa pinto at nagulat sila ng makita si Inara na buhat-buhat si Aqua habang si Troy naman ay naka-alalay dito.
"Kaya ko naman sya, ehh." Reklamo ni Inara.
"Ehh, baka mabitawan mo, kawawa naman yong bata." Nakangiting sabi ni Troy. Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Ohh, ama, ina? Kaninong anak to?" Tanong ni Inara habang buhat parin ang bata.
"Ahh... K-kay---"
"Zeus, sabihin na natin sa kanila." Malungkot na sabi ni Hera.
"Pero---"
"Anong sasabihin?" Nakangiting tanong ni Inara. Nakatingin naman si Troy sa kanila na parang naiintindihan ang lahat. "Ano nga?" Nakangiting parin nitong tanong. Animong nagbibiro ang mga magulang nya. "Kanino po ba talagang anak tong bata? Kasi, kawawa po, ehh. Iyak ng iyak, parang gutom na gutom na." Nakangiting sabi ni Inara. Unti-unti namang nawala ang ngiti nito nang ang lahat ay dumating na at nagulat ng makita syang buhat ang bata.
"Anak mo si Aqua." Malungkot na sabi ni Hera. Taka namang syang nilingon ni Inara.
"A-anong anak, ina? Wala pa akong anak. I-ina, nandito ang anak namin ni Troy, nasa tyan ko pala." Naiiyak na sabi ni Inara habang itinuturo ang tyan nya.
"Anak.... Hindi ito ang unang buhay mo, hindi ba?" Naiiyak na tanong ni Zeus. "Inara, si Aqua ang anak mo noon. Kaya lang sya ganyan at hindi tumanda dahil ginamitan namin sya ng mahika." Naiiyak na kwento ni Zeus.
"Pero, paano?!" Naiiyak na sigaw ni Inara. "Paano ako nagkaanak?!" Sigaw pa nito. Humarap ito kay Troy, si Troy naman ay nag-iwas ng tingin. "Alam mo ba ang tungkol dito?!" Sigaw pa nito.
"A-alam ko... Pero hindi nila alam na alam ko...." Mahinang sabi ni Troy.
"Bakit?!" Naiiyak nitong tanong habang yakap si Aqua. "Bakit hindi nyo sinasabi?!" Sigaw pa nya. Doon na sya binababa sa higaan si Aqua at saka humarap ulit sa mga tao.
"Nag-simula kasi iyon ng magkakilala tayo..." Panimula ni Troy.
Naglalaro lang si Troy sa tabi ng dalampasigan. Naglalaro sya ng mga shell sa gilid ng dalampasigan. Ganon din ang paglalaro nito ng puting buhangin.
"Hi...." Tawag ng kung sino sa kanya. Humarap sya sa likod nya at doon nya nakita ang batang babae sa likod nya.
"Hello." Masayang bati nya.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Inara kay Troy. Umaktong parang nagpapakilala si Troy sa isang ball, yumuko at inilagay ang braso sa tapat ng tyan nya at ang isa ay nasa likod nya.
"Ako si Prinsipe Troy." Magalang na sabi ni Troy. Pagkatapos nitong yumuko ay nginitian ito ni Troy.
"Ako si Prinsesa Inara." Magalang na bati din ni Inara at yumuko din ngunit sa pambabaeng paraan. Simula ng araw na iyon lagi na silang magkalaro. Laging magkasama, hindi mapaghiwalay. Hanggang sa dumating ang araw na nagkaroon na ng pagtingin ang dalawa sa isa't isa.
"Inara, Do you believe in love at first sight, or should I walk past you again?" Nakangiting tanong ni Troy.
"Para kang tanga, Troy." Kinikilig na sabi ni Inara.
"You're beautiful, why are you always like that?" Nakangiting pang banat ni Troy.
"Hala. Tama na." Kinikilig pang sabi ni Inara.
"Every one has a partner, can you be mine?" Nakangiting tanong ni Troy. Napakunot naman ang noo ni Inara. Makalipas ang ilang segundo ay bigla ulit itong kinilig.
"Oo." Kinikilig nitong sagot. Niyakap naman agad sya ni Troy. Lumipas ang tatlong taon at patuloy parin ang patagong relasyon ng dalawa.
- To Be Continued -
(Thu, April 29, 2021)