Chapter 9
Masaya ang tatlong taong meron sila Inara at Troy. Hindi pa selosa si Inara noon kaya hindi sila nag-aaway ni Troy. At ang kasiyahan nila ay na akala nila ay wala ng katapusan ay may hanggan pala. Isang gabi, galing si Troy sa labas dahil nakita sila ni Inara, may balitang sinabi sa kanya ang ama nya.
"Ama, ayoko po." Nagmamakaawang sabi ni Troy.
"Pero, anak. Matagal na ito, kakapanganak palang sa iyo ng yumao mong ina ay nakatakda na kayong ikasal." Kwento sa kanya ng ama nya.
"Pero, ama. Ayoko nga po!" Sigaw ni Troy. "May mahal na po akong iba, ayoko pong pakasalan ang babaeng yan!" Sigaw ni Troy. Dahil sa hindi nya paggalang sa ama nya ay hindi sya nito pinalabas sa kwarto nya. Nang makahanap ng tyempo ang prinsipe ay agad syang tumakas at pinuntahan ang kinaroroon ng prinsesang papakasalan nya.
Hindi nya alam kung bakit may dala syang patalim ng umalis sya ng kaharian nila. Nang makarating sya sa bahay ng prisesang papakasalan nya ay agad syang pumasok. Naglakad sya sa buong bahay ng makita nya ang isang pintong nakabukas ay tumingin sya doon. May babae doon ay hindi nya maaninag ang muhka nito dahil sa katawan nito tumatama ang sinag ng buwan.
May kung anong nagsabi kay Troy na patayin nya ang dalaga. Nawala sya sa saliri nya at pinagsasaksak nya ang dalagang natutulog sa harap nya. Ang dalagang walang-kalaban-laban ay pinatay ni Troy gamit ang patalim nyang dala-dala. Pumasok nalang ito sa sarili nya ng makarating na ulit sya sa kwarto nya at masarap ang pagkakahiga nya.
"Ayon ang dahilan kung bakit ka namatay..." Mahinang sabi ni Troy.
"P-paano si Aqua?" Tanong ni Inara.
"Buntis ka noon kay Aqua. Mabuti na nga lang ay nailigtas namin ang bata. Pero ikaw naman ang hindi namin nailigtas." Naiiyak na sabi ni Hera. Lumapit naman si Inara sa anak nya, binuhat nya ito at niyakap.
"Anak, nandito na si Ina. Wag ka nang malungkot, hindi na ulit kami mawawala ng iyong ama." Nakangiti ngunit umiiyak parin nyang sabi sa anak nila ni Troy. Nagulat sya dahil biglang lumuhod sa harap nya si Troy.
"Patawarin mo ako, Mahal ko. Hindi ko alam na ikaw iyon, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita." Umiiyak at nagmamakaawang sabi ni Troy. Tinapunan naman sya ni Inara ng paningin.
"Tumayo ka nga dyan. Muhka kang gwapong iniwan. Iniwan na ba kita?" Seryosong sabi ni Inara kay Troy. Nakahinga naman ng maluwag si Troy ng ngitian sya ni Inara.
"Tapos na kayo? Ikaw, Troy, tapos ka na?" Seryosong tanong ulit ni Inara. Parang batang tumango naman sa kanya si Troy. "Buti naman. Gutom na ako!" Sigaw ni Inara at nauna na sa kanilang lumabas ng silid. "Kakain muna si Ina, ok? Tapos d*d*d* ka na, ok? Ok." Pagkausap ni Inara sa sarili nya.
Nang makarating sila ng hapag-kainan ay naging masaya ang kainan kahit na ganon naging pangyayari bago ang almusal nila. Lahat sila ay naging masaya habang kumakain, biro dito, biro doon. Panay naman buyo nila kay Inara at Troy.
"Wait, pero si Troy? Paano ka namatay?" Bilang tanong ni Inara.
"Nagpakamatay sya."
- Someone's POV -
Sa kabila ng mga ngiti sa labi ko ay naroon ang galit na umuusbong nanaman sa loob ko.
Bakit ba kasi bumalik pa sya?! Masaya na kami, ehh! Bakit pa ba sya bumalik?!
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng big kong makasabulong si Tryton. Ang lalaking laging naghahabol sa kanya.
"Mahal ko!" Sigaw nito. Napapikit naman ako.
"Ano nanaman bang kailangan mo?!" Sigaw ko sa kanya. Ngunit imbis na lumayo at umalis, ngumiti pa ito sa akin at nilapitan ako. "Ano ba?! Lumayos ka nga sa akin!" Sigaw ko pa.
"Sinong nagpaiyak sa prinsesa ko?" Seryosong tanong nito na ikinagulat ko. Masayahing tao si Tryton, hindi ito seryoso, kung meron mang ganon sa amin, ako yun.
"W-wala." Pagsisinungaling ko at inalis ang kamay nya.
"Iiyak ka ba kung walang dahilan? Nakatingin ka sa isang bagay na walang ginagawa o hindi gumagalaw ay bigla ka nalang maiiyak? Ako ba akong niloloko mo?" Tanong nito habang nakataas ang isang kilay.
"Basta." Maikling sagot ko at nag-iwas sya ng tingin. Hindi ako maka tagal sa presensya ng lalaking to, kasi....
MAY GUSTO DIN AKO SA KANYA.
"Kailan mo gustong magpakasal?" Biglang tanong nito sa akin.
"Kapag gusto ko na." Sagot ko. "Ikaw, kailan mo gustong magpakasal?" Tanong ko.
"Kapag gusto mo na." Nakangiting sagot nito. Ako naman ay napatitig sa kanya tapos nag-iwas ng tingin.
"Paano kung gusto ko na?" Wala sa sariling tanong ko.
"Edi papakasalan na kita." Nakangiti parin nitong sagot. "Ohh, may nasabi ba akong mali?" Tanong nito ng makitang umiiyak ako.
"W-wala. M-masaya lang ako." Naluluha kong sabi. Sya naman ay niyakap ako at napaigtad ito ng yakapin ko sya pabalik. "Tryton, gusto ko nang magpakasal." Bulong ko sa kanya hababng ang muhka ko ay nakasubsob sa leeg nya. Inalis nya iyon at pinaharap nya ako sa kanya.
"P-pumapayag ka?" Nakangiting tanong nito. Nakangiti din akong tumango sa kanya. Nagulat ako ng buahatin nya ako at magsisisigaw sa tuwa.
"Hoo!!! Ikakasal na ako!" Sigaw nito pagkatapos ay tinadtad ako ng halik sa buong muhka ko.
"Hahaha! Tama na, Tryton! Wag mo na akong papakin!" Sigaw ko.
"Mahal na mahal kita, Rhea." Nakangiting sabi nito.
"Mahal din kita, Tryton." Nakangiting sagot ko.
- Third Person's POV -
Makalipas ang isang taon. . .
"Ina!! Manganganak na si Rhea!" Sigaw ni Inara. Agad namang nataranta ang mga tao, ang mas natataranta ay ang ama nila at si Tryton.
"Ang sakit!" Sigaw ni Rhea.
"Kaya mo yan!" Pagpapalakas ng loob ni Inara sa kapatid nya. "Kaya mo yan, Rhea! Isipin mo ang batang nasa loob ng sinapupunan mo. Lalabas na ang anak nyo, kaya mo yan!" Dagdag pa nya. Ang mga naroon ay ang asawa ni Rhea, si Tryton, ang pinsan ng asawa ni Inara na si Troy, ang ama nilang mas O.A. pa sa asawa, ang ina nilang kalmado lang, at si Inara, ang nagpapalakas ng lood ng kapatid nya. Makalipas ang ilang minuto, nakapanganak ng matiwasay si Rhea.
"Ayos ka na ba?" Tanong ni Inara sa kapatid nya. Ngayon ay nandito na ang lahat. Ang kambal nilang nakababatang kapatid, ang mga anak nila Inara, ang mga dyos at dyosa, at iba pang pwedeng makita doon.
"Lalaki nga pala ang anak mo." Nakangiting sabi ni Inara.
"Ang gwapo-gwapo ng anak ko. Buti nalang sa akin ka nagmana, at hindi sa ama mo." Biro ni Rhea.
"Naku, kung gising lang ang asawa mo, makikipag-argumento nanaman iyan kung sino ang kamuhka ng bata." Natatawang sabi ng Ina nila.
"Sakin naman talaga kasi nagmana ang mga anak ko--- ano nga palang nangyari sa asawa ko?"
"Hinimatay." Sabay na sagot ni Inara at ni Hera.
Nadagdagan nanaman ang pamilya nila. Panibagong henerayon nanaman ang kinahaharap nila. Ang bagong henerasyong pro-protektahan nila, dahil ang nangyaring kamalian noon ay sisiguraduhin nilang hindi na ulit mangyayari ngayon.
Si Rhea na puno ng inggit sa ate nya ay nakahanap ng true love dahil sa lalaking inaaway nya lang noon. Yes, po. Opo. Inaaway lang ni Rhea si Tryton. Kaya. . . Sana oll, may true love.
But, my beloved readers, always remember, every mistakes that you make in your past, let them be in your past. Every pain that you felt, let's considered that all as our lesson. And, I know this is common na but, I want to say it again. Wag magmadali, keep reaching your goals, and true love? Just wait for it, buddy. God has a plan for you. So don't give up already because when the sun is now down, always remember that the sun is still rising tomorrow.
Basta, wag kang mawawalan ng pag-asa, kasi kung bigo ka man ngayon, may pag-asa pa dahil may kinabukasan pa.
- The End -
(Thu, April 29, 2021)