Chereads / Lost (Tagalog) / Chapter 7 - 7 Chapter 6

Chapter 7 - 7 Chapter 6

Chapter 6

"Paano ba kayo naging magkakaibigan?" Tanong ni Inara sa mga tiyahin nya. Nakasabambitin ang mga braso sya sa braso ng Ina nya at ni Medusa.

"Bata palang kami magkakaibigan na kami." Sagot ni Hera.

"Talaga?" Namamanghang tanong ni Inara. Tumango naman lahat ang mga tiya nya, including her mom. "Sana ako din. Wala kasi akong naging kaibigan, ehh." Malungkot na kwento ni Inara.

"Patawad. Kami ang may kasalanan kaya wala kang kaibigan." Nakangiwing sabi ni Isabella. Nanlaki at napaawang naman ang mga labi ni Inara.

"Why did you do that?" Gulat nyang tanong. Nagkibit-balikat lang ang mga ito at ina naman nya ay tinatawanan lang sya. "This is so unbelievable." Hindi parin sya makapaniwala dahil sa nalaman nya. Makalipas ang ilang minuto ay nagbago ulit ang mood nya.

"So... Paano nga? I-kwento nyo naman sa akin?" Puno ng kyuryosidad na tanong ni Inara.

"Sige na nga." Sagot ni Medusa. Naupo silang lahat habang ang nasa tapat ng dalampasigan. "Dito kami noon naglalaro." Panimula ni Medusa.

"At maganda pa sya noon." Sabat ng Ina ni Inara. "Noong mga bata pa kami, maganda pa noon si Medusa kasi hindi pa sya noon sinusumpa ni Athena." Dugtong nito.

"Totoo po pala iyon? Akala ko hindi. Pero totoo po bang dahil kay poseidon ang nangyari sa kanila?" Tanong ni Inara. Umiling ang kanyang ina.

"Hindi. Dahil iyon sa inggit, hindi naman iyon sinasadya ni Athena." Malungkot na kwento ng ina ni Inara. Tumingin namab si Inara sa tiyahin nya.

"Ano po bang totoong nangyari?" Tanong ni Inara. Nag-iwas ng tingin si Medusa at tumitig sa kawalan bago ito nagsimulang magkwento.

"Bata palang kami ay magkakalaro na kaming lahat. Lagi nilang sinasabing maganda daw ako at minsan gusto ko na silang maniwalaan. Isang araw naglalaro kami at namimili kami ng mga kapares."

"Poseidon, ako nalang ang maging kapareha mo." Nakangiting tanong ni Athena kay Poseidon pero hindi sya pinansin nito at lumapit kay Medusa.

"Medusa, pwede ba kitang maging kapareha?" Tanong ni Poseidon. Nakangiti namang tumango si Medusa at hindi nila napansin ay ang masamang tingin sa kanila ni Athena.

Lumupas ang mga tao, lalong gumanda si Medusa. Lalo syang naging kapansin-pansin dahil hindi lang ang ganda nya ang nagbunga. Ang hubog din ng katawan nya ay naging kapansin-pansin din sa lahat ng mga kalalakihan.

Maraming nagkagusto kay Medusa ng tumuntong sila sa edad na labing-lima. Lahat sila ay hinahangaan ang kagandahan ni Medusa sa loob at sa labas. Lalong gumanda ang dalaga dahil sa natural nitong pag-uugali.

Ang lahat ay gusto syang maging kabiyag, ang lahat ay hinahangad ang kagandahang mayroon sya. Lalong-lalo na ang kapatid ni Hera, si Athena.

"Poseidon, ako nalang ang mahalin mo. Wala kang magiging kaagaw sa akin!" Sigaw ni Athena.

"Pero hindi nga ikaw ang mahal ko, Athena. Si Medusa nga ang bumibihag sa akin puso. Sa kanya ko lamang ibibigay ang aking puso." Mahinahong sagot ni Poseidon.

"Mamahalin mo pa ba sya kung maging halimaw na sya?" Wala sa sariling sabi ni Athena.

"Mamahalin ko sya kahit na anong gawin mo. Hindi mo mababago ang nararamdaman ko para sa kanya." Mahinahong sagot parin ni Poseidon.

"Poseidon? Athena? Ano't narito pa kayo? Gabing-gabi na, ahh?" Takang tanong ni Medusa nang makita nya ang dalawa sa labas ng tahanan nila.

"Ikaw, Medusa!" Sigaw ni Athena at itinuro pa si Medusa. Punong-puno sya ng galit para kay Medusa, galit nang dahil sa selos. "Ikaw nalang lagi ang hinahangaan! Ikaw nalang lagi ang bida! Ikaw nalang lagi ang ginugusto! Ngayon, tignan natin kung sino sa atin ang mananalo! Isinusumpa kita, Medusa! Isinusumpa kong magiging ahas ang iyong mga buhok upang katakutan ka ng lahat! Isinusumpa ko ding maging makapangyarihan ang mga mata mo at kung sino man ang tumingin ng deritso sa mga iyan ay magiging bato!" Galit na galit na sigaw ni Athena at iniwan si Medusa'ng namimilipit sa sakit at nakahandusay sa lupa.

"At ayon, wala paring napala si Athena. Mas lalo syang hindi nagustuhan ni Poseidon at nagalit pa ito dito." Pagtatapos nya sa kwento.

"Nasaan na si Poseidon?" Tanong ni Inara.

"Kasama sya palagi ng iyong Ama. Ganon din ang aming anak." Nakangiting sagot ni Medusa sa kanyang pamangkin. Umawang naman ang mga labi ni Inara na lalong nagpapangiti sa kanila.

"May anak na kayo?" Tanong pa nito na parang gulat na gulat.

"Oo. Mabuti nga't hindi ito nahawaan ng sumpa sa akin." Nakangiting sabi ni Medusa. Tumingin naman si Inara sa ibang tiyahin nya.

"Wag mo kaming tignan ng ganyan. May mga asawa din kami." Nakataas ang isang kilay na sabi ni Isabella.

"Hala. Affected agad, wala pa nga akong sinasabi." Gulat at nang-aasar na sabi ni Inara habang nakatingin sa isa nyang tiyahin. "Kayo po? Paano kayo nagkakilala ni Tito Fern?" Tanong ni Inara sa Tita Ursula nya.

"Ahhh.... Bata palang kami noon. Kalaro din namin sya." Kwento ni Ursula kay Inara.

"Ahm... Paano nabuo ang love story nyo?" Tanong ulit ni Inara.

"Nagsimula iyon lahat ng malaman nya ang ginawa ko sa pamangkin ko kay Neptune. Gusto ko lang tulungan ang pamangkin ko, natulungan ko naman sya." Nakangiting panimula ni Ursula.

"Ursula?" Niglang sulpot ni Fern isang gabi. Narito si Ursula sa harap ng dalampasigan, pinapanood ang kasiyahan sa kasal ng pamangkin nya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito.

"Gusto ko lang naman maging masaya katulad ni Ariel. Bakit parang hindi ako pwedeng sumaya?" Malungkot na tanong ni Ursula.

"Hindi pa kasi dumadating ang taong magmamahal sayo. Malay mo, nasa paligid mo lang pala sya." Nakangiting sabi nito habang nakatingin din sa malayo.

Makalipas ang ilang taon, hindi na muling nagkita ang dala hanggang isang araw ay biglang inimbita si Ursula sa isang handaan, handaan para sa pagbubuntis ni Hera.

"Masaya ako para sayo." Nakangiting sabi nya sa kaibigan nya.

"Masaya din ako na magkakaroon na kami ng sanggol. Matagal ko nang miniminhi ang magkaroon ng isang sanggol." Emosyonal na sabi sa kanya ni Hera. Niyakap nya ang kaibigan at nagpatuloy sila sa saya. Nang kunin na ni Zeus sa kanila si Hera ay doon na lumapit sa kanya si Fern.

"Kumusta?" Pagputol nito sa katahimikan habang naglalakad sila sa gilid ng dalampasigan. "Kailan ka babalik sa tahanan mo?" Tanong pa nito.

"Hindi ko alam. Siguro ay mamaya." Sagot ko.

"Pwede bang bukas nalang?" Tanong nito para mapalingon sa kanya si Ursula. Tumitig sya sa muhka ni Fern at mayroon itong emosyong hindi nya mapangalanan.

"Bakit?" Tanong ni Ursula.

"Basta. Pwede ba?" Tanong pa nito. Nagdadalawang isip man, um-oo nalang si Ursula sa gusto ni Fern. "May gusto kasi akong sabihin sayo, Ursula." Nahihiyang sabi nito habang ang paningin ay nasa lupa.

"Ano ba iyon?" Tanong ni Ursula habang nakatingin sya kay Fern.

"Ano kasi.... Ahm...."

"Ano nga yon?" Tanong ni ulit nga Ursula.

"Ahmm.... A-ano...."

"Ano nga kasi?" Natatawang sabi ni Ursula dahil nauutal pa si Fern.

"P-pwede ba akong manligaw?" Biglang sabi ni Fern kaya napawi ang ngiti ni Ursula sa mga labi nya. "Matagal na kitang gusto. Mga bata palang tayo."

"A-ano?" Naguguluhang tanong ni Ursula.

"Alam kong wala kang gusto sa akin, pero handa akong maghintay ng matagal sayo, handa akong hintayin ka. Nakapaghintay na ako ng ilang libong taon, mahihintay pa kita ng mas marami." Makahulungang sabi ni Fern habang hawak ang kamay ni Ursula at pinipisil-pisil ayon.

"P-pero... P-paano?" Naguguluhang tanong parin nya.

"Wag ka nang magtanong. Hindi ko din alam, pagmulat ko ikaw na ang hinahanap ko." Nakangiting sabi nito habang si Ursula ay hindi parin makapaniwala.

- To Be Continued -

(Tue, April 27, 2021)