Chereads / Lost (Tagalog) / Chapter 6 - 6 Chapter 5

Chapter 6 - 6 Chapter 5

Chapter 5

- Third Person's POV -

Habang masayang naghaharutan ang dalawang malandi sa harap ng mga magulang ni Inara ay napapaisip naman ang dyos at dyosa.

Ang harsh ko ba masyado sa mga bida natin? Heh! Deserve naman nila yan. Hindi joke lang. 

"Anong maaari nating gawin para hindi masaktan ang anak natin kapag naalala nya na ang lahat?" Tanong ni Hera sa asawa nya.

"Sa tingin ko, katulad ni Inara, kailangan din nating maghintay. Kailangan din natin ng pasensya hanggang sa maalala na din nya ang lahat. Hihintayin natin ang magiging reaksyon nya." Malamlam na sabi ni Zeus sa asawa nya.

"Alam kong nagagalit ka kay Troy pero, hindi naman nya sinasadya. Hindi naman nya alam na si Inara pala iyon. Nakita mo naman na nagsisisi na sya, hindi ba? Wag ka nang magalit." Paglalambing ni Hera sa asawa.

"Alam mo, malaki kasi ang naging tiwala ko kay Troy. Akala ko, sya ang pro-protekta sa anak natin pero sya din ang nanakit dito. Hindi ko lang matanggap na hindi ko napigilan ang pangyayaring iyon." Malungkot na sabi ni Zeus.

"Hindi din magtatagal iyan. Dadating ang araw, mawawala din ang hinanakit mo. Pero, alam mo kung kanino ka talaga nagagalit?" Tanong ni Hera sa asawa. "Sa sarili mo.... Hindi mo kasi matanggap na masyado kang nagtiwala kay Troy." Makahulungang sabi ni Hera habang ang paningin ay nasa anak nya.

Marami pang mga lihim ang hindi nabubunyag, makakaya mo pa kaya hanggang sa kabilang chapter? Ako, hindi na. Haha. Joke lang.

Ang bawat salita ay may kahulugan, ngunit minsan, kahit anong talino ang mayroon ka, kapag hindi tugma ang salita sa isang pangungusap, hindi mo ito maiintindihan.

Minsan ang mga sinasabi ng mga tao ay may kahulugan, pero hindi mo ito maiintindihan kung wala ka namang nalalaman. Ang buhay ni Inara ay puno ng mga palaisipan. Minsan kailangan mo nalang itong hulaan.

"Did you miss me?" Tanong ni Inara sa lalaking kasama nya. Narito sila sa balkonahe.

"Yes." Nakangiting sagot ni Troy sa babaeng pinakamamahal nya.

"You know what, this place is very familiar. Well, sinasabi nilang ito daw ang tahanan ko nung past life ko but parang hindi ako naniniwala. Hindi kasi ako naniniwala sa reincarnation reincarnation na yan." Nakasimangot na sabi ni Inara.

"Well, wala namang mawawala kung maniniwala ka. And, in fact, kamuhka mo ang mahal na dyosa. And, you should be thankful kasi sya ang naging Ina mo." Malamlam na sabi ni Troy. Nagulat sya ng masamang tumingin sa kanya si Inara.

"Minumura mo ba ako?" Tanong ni Inara. Napakunot naman ang noo ni Troy.

"Hindi naman, ahh?" Nakakunot ang noong sabi ni Troy.

"Whatever." Mataray na sabi ni Inara at umirap sa hangin.

"WAG kayong papasok sa silid na iyan, naiintindihan nyo?" Makapangyarihang utos ni Zeus sa mga anak nya. Sa kambal nya lang ang sinasabihan nya dahil alam nyang parang si Inara ito. Mahilig sa kung ano-ano.

"Bakit po, ama?" Makulit na tanong ni Theseus sa kanyang ama.

"Basta. May mga lihim na nakatago sa likod ng pintuang iyan. Hindi kayo pwedeng pumasok dahil magagalit ako sa inyo. Ayaw nyo naman atang magalit ako, hindi ba?" Pananakot ni Zeus sa mga anak nya.

"Opo." Sabay na sagot ng kambal at sabay ding umalis. Napatitig naman si Zeus sa pinto.

"Patawad, apo. Hindi ko hahayaang may makaalam na nariyan ka, kahit na ang sarili mong ina." Malungkot na sabi ni Zeus sa sarili nya.

"Ama!" Tawag sa kanya galing sa kung saan. Nang lingunin nya kung sino iyon ay ang pinakamamahal nyang si Inara iyon. "Ano pong problema?" Tanong nito habang nagpapapalit-palit ng tingin sa kanya at sa pinto.

"Wala." Sagot nya at pilit na ngumiti.

"Hindi, ama. Hindi kayo ok. What's the problem? And, don't lie to me, what happened?" Makapangyarihang tanong ng anak nya. Iyan ang isang ugaling namana sa kanya ng panganay nya. Namana nito ang pagiging makapangyarihan nya, kahit sa pananalita.

"Wala nga." Doon na lumabas ang ngiti nya. Naalala nya kasi ang panahong maliit pa ito at patuloy ang pag-iwas sa kanya.

"Ama, hindi ka nga ok! Tignan mo, umiiyak ka nga kanina, ehh! Tapos sinasabi mong wala lang?!" Nakakunot ang noo nitong sigaw.

"Wala nga ito. Siguro ay nangulila ang ako sayo ng lubos." Pag-amin nya. Lumambot naman ang kaninang namumula na sa inis na muhka ni Inara at nagulat si Zeus ng yakapin sya ng anak nya.

"Ang drama mo, Pa. Hindi bagay sayo, muhkang hotdog." Natatawang sabi ni Inara.

"Hotdog? Ano iyon?" Natatawang tanong nya sa anak.

"Hotdog. Pagkain iyon sa amin. Paborito ko yon noong bata pa ako, ehh. Sige na, halika na. Pinagluto tayo ni Ina ng meryenda." Nakangiting yaya ni Inara sa ama. Nakangiti namang tumango si Zeus sa anak nya.

Parang biglang natuwa si Zeus sa pagbabago ng ugali ng anak nya. May mga bagay na hindi nabago rito, ang pagiging mapagbiro, ang pagiging mabait, ang pagiging makapangyarihan nito, at marami pang iba.

Ang mga nabago naman sa ugali nito ay marunong na itong sumunod sa mga utos. Dati, hindi nito sinusunod ang utos ng kahit na sino, maliban sa asawa nya. Ngunit ngayon, takot na itong sumaway sa utos na hindi nito gawain noon. Siguro ay dahil ito sa naging karanasan nito.

"Ohh, bakit hindi pa kayo sumama sa amin?" Biglang tanong ni Inara sa mga tiyahin nya. Pinapanood ni Zeus ang anak nya kasama ang mga tagapag-bantay nya.

"Hindi na. Hindi kami welcome dito." Saad ng pinsan ni Zeus, si Isabella.

"Ano ba kayo. Lahat kayo welcome dito. Sinong nagsasabing hindi? Gagawin kong daga." Matapang na sabi ni Inara habang isa-isang tinitignan ang mga tao sa paligid nya. "Ikaw ba, ama?" Biglang turo ni Inara sa ama nya.

"Hala! Hindi ako!" Sigaw ni Zeus.

"Ikaw?!" Biglang turo ni Inara sa kapatid nyang babae.

"Hindi." Maikling sagot nito.

"Kayo?!" Biglang turo nito sa kapatid nyang kambal.

"Hindi!" Takot na sigaw ng mga kapatid nya. Sumimangot naman si Inara.

"Ehh, bakit si Ina hindi mo tinanong?" Reklamo ni Tristan.

"Alam ko namang hindi gagawin iyon ni Ina." Sagot ni Inara.

"Sige na, sumalo na kayo sa amin." Nakangiting sabi ni Hera sa mga kaibigan nya. Ginawa naman iyon ng mga kaibigan nya at masayang umupo ang anak nya sa tabi ni Medusa.

"Diba, kapag may tumingin sa mata mo magiging bato sya?" Tanong ni Inara kay Medusa na puno ng kyuryosidad.

"Ahm... Binigyan ko kasi kayo ng proteksyon kaya hindi kayo naaapektohan." Nakangiting sagot ni Medusa sa alaga nila. Nakangusong kumain naman si Inara.

"Alam nyo, naiinis ako sa mga tao. Sinasabi nilang masasama daw ang mga ugali nyo pero mababait naman kayo." Nakangusong sabi ni Inara.

"Hindi lang naman ang mga mortal ang may sabi ng ganyan. May mga dyos din na sinasabihan kami ng ganyan." Saad ni Ursula.

"Sayo lang kasi kami mabait." Sabat ni Isabella.

"Talaga? Mabait ka na sa lagay na yan?" Nakataas ang kilay na sabi ni Inara sa tiyahin nyang si Isabella.

"Gusto mo bang ikuling kita sa itaas ng tore?" Mataray na tanong ni Isabella sa pamangkin nya.

"Bakit? Ikaw ang Queen of Hearts. Hindi si Mother Gothel. Shut up." Mataray na sabi ni Inara.

"Hindi ka naman namin binigyan ng ganyang ugali, ahh? Bakit ganyan ka? Wala kang manners." Nakangiwing sabi ni Isabella.

"Baka dahil sayo. Ikaw ang nag-alaga sa akin, hindi ba?" Mataray pang sabi ni Inara.

"Tama na." Pigil ni Zeus sa anak nya.

"Fine. Pikon lang kayo, ehh." Naaasar na sabi ni Inara at umirap sa hangin. Si Isabella naman ay humagikgik.

Si Inara ang nang-asar pero sya din ang napikon.

- To Be Continued -

(Mon, April 26, 2021)