Chereads / This Girl (Tagalog) / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

- - - Chapter 14 - - -

- Chad's POV -

Ang Section 2-A ang pasok sa top 10. Limang Boys and Girls. Nandito na sila sa Q & A portion at ang huling tinanong ay si Faith.

Walang pimples ang Faith na sinasabi nila. Totoo nga ang sinasabi nila Lake. Kahawig nga nya si Chantal, kung tatanggalin ang bangs nito at salamin ay maari na syang pagkamalang kapatid ko.

"Ok, Faith. My question is, if you have a chance to choose, what kind of parents do you want to choose and why?" Tanong ni lolo na nanginginig-nginig pa. Tumikim muna si Faith bago sumagot.

"If i have a chance to choose, I don't want to choose, either. Why? Because I know that every parents wants what's the best for they children. I know that sometimes we, the teenager, we are suffocated about our parents. They always saying that it's for our own good. If they say it, then, believe it. Kagaya ng sinasabi ng matatanda, papunta palang tayo pero sila ay pabalik na. Because, our parents sometimes do bad things in there past. And they don't want to happened it to you. So, makinig kayo sa mga magulang nyo dahil wala na kayong mahahanap pang ganyan sa buhay nyo." Saad nito at nagpahid ng luha. Nagsalita ulit ito pero may kasama ng mahinang hikbi.

"Our parents have there own way to protect us. Sometimes we can't see it because we're just focus on what we like to do." Humihikbing saad nito at sandaling huminga ng malamin at nagsalita ulit. "Ayoko nang magpalit at mamili ng magulang dahil alam isa lang naman ang dahilan non." Saad nito at tumingin kay Mommy and Daddy. "Dahil mahal nila tayo. Thank you." Saad nito at ngumiti tapos patakbong pumasok ng backstage. Bigla namang tumayo si Mommy sa pagkakaupo sa tabi ko pero pinigilan namin sya ni Daddy.

"Hon, wag. Hayaan mo muna sya." Saad ni Daddy tapos pinaupo na ulit si Mommy. Nag-compute na ng mga scores at may biglang lumapit na babae sa mga judges.

"Ahm... Pwede po bang si Sheila ang manalo?" Tanong ng babae. "Ayaw daw po kasi ni Faith. Ok na daw sya sa second or kahit third." Saad ng babae at nagkatinginan naman ang mga judges.

Makalipas ang ilang minuto ay in-announce na ng emcee ang nanalo at first runner up lang si Faith. Papalapit naman ngayon si Faith at Lake sa gawi namin at parang nag-aaway sila.

"Bakit mo naman ginawa yon?" Galit na tanong ni Lake.

"Hindi ko kailangan ng perang iyon! Marami na akong pera!" Galit na sigaw ni Faith... Or Faith nga ba?

"Hindi naman issue ang pera sa akin, Faith. Ang issue sa akin, ikaw ang may magandang sagot pero bakit mo sinabihan ang stuff na ayaw mong manalo?" Sigaw na tanong parin ni Lake, shempre galit parin. Kami nalang ang nandito. Ang mga kaibigan nila, ang pamilya nila Lake, Ian, Ryan, at Leon, at kami ng pamilya namin.

"Kasi, hindi kita magiging partner!" Sigaw ni Faith na nakapagpatahimik kay Lake. Tapos nagsimula nang tumulo ang mga luha. "Pinamimigay mo ba ako, ha?" Umiiyak na saad nito. "Hindi mo ba naisip yon, ha? Na kapag nanalo ako, si Javen ang magiging partner ko at hindi ikaw. Pano ka?! Pano si Miss Pres.?!" Galit na sigaw nito habang humihikbing. "Palibhasa, wala kang paki, ehh! Pare-pareho lang kayo, ehh. Kung hindi ko pa nakilala sila Ivy siguro magagalit na ako sa mundo. Ang hilig nyo kasing mang judge! Hindi nyo muna iniisip ang good side dahil nakafocus kayo sa bad side!" Sigaw nito.

"I-im sorry..." Mahinang saad ni Lake at nanginginig at natatarantang pinunasan ang luha ni Faith. "G-gusto ko lang naman ikaw ang manalo dahil magaling ka." Saad ni Lake.

"Pero ikaw ang gusto ko." Naluluhang saad ni Faith. May kung ano sa aking gustong mag-protesta pero meron ding hindi.

"T-talaga?" Nakangiti pero naluluhang tanong ni Lake.

"Hindi, jok lang." Saad ni Faith at nagpunas na ng luha tapos humarap sa amin.

"Hoy, Faith, nag-uusap pa tayo." Saad ni Lake at nagpapadyak-padyak pa dahil nag-simula nang maglakad si Faith papalapit sa amin. Nagulat kami ng biglang lumuhod si Faith sa harap ni Mommy.

"M-mommy...." Mahinang saad nito. "I'm sorry..." Saad nito habang nakaluhod. At nagsisimula nanamang humikbi. "Mom, im sorry. I lied. I lied for everything." Saad nito at tumayo at hinawakan ang kamay ni Mommy na umiiyak na din. "Mom, all my life is full of lies. Mom, yung grades ko. Yung sinabi ng doktor, yung sa pagsasalita ko, sa lahat. I-im sorry, Mom." Humihikbing saad nito. Nagulat ako ng bigla syang sampalin ni Mommy. Bigla ko namang hinawakan sa balikat si Faith at inilayo kay Mommy.

"Niloko mo kami lahat! Pinag-muhka mo kaming tanga!" Sigaw ni Mommy.

"I'm sorry po..." Umiiyak na saad ni Faith at yumakap sa akin. Kaya niyakap ko na din sya.

"Bakit mo ginawa yon, ha?" Tanong ni Mommy.

"Ehh, kayo? Bakit nyo ginawa yon?" Biglang matapang na tanong ni Chantal at bumitaw sa pagkakayakap ko at hinarap si Mommy. Ang Blue nyang mata ay kulay pula na ngayon. "Bakit nyo ako ikinakahiya porket hindi ako matalino? Porket hindi ako kasing talino ni kuya? Mom, oo, hindi ako kasing talino ni kuya. Mas matalino kasi ako." Mayabang na saad nito.

"Grabe, pano mo napagsasabay ang pagda-drama at pagya-yabang?" Tanong ko sa kanya. Humarap naman sya sa akin. .

"Mana kasi ako sayo. At wala kang paki." Mataray na saad nito.

"Ayan nanaman sya." Bulong ng mga kaibigan nya.

"Bakit parang hindi kayo gulat, girls?" Tanong ko.

"Alam na kasi namin." Saad ni Ivy.

"Bat di nyo sinabi sa amin?" Tanong ni Lake.

"Kasi tinuruan kami ni Fay na 'a promise is a promise'. Sabi nya, kung hindi mo kayang tuparin, wag kang mangangako." Saad nito.

"Tsk." Singhal ni Lake.

"Sana all. Magiging girlfriend ang isang Chantal Fay." Bulong ko kay Lake.

"Ayoko syang maging girlfriend." Seryosong saad nito na ikinasama ng muhka ko. "Hindi lang girlfriend ang gusto ko." Saad nito at biglang ngumiti kay Chantal.

"Edi don't." Saad ni Chantal at lumapit kay Mommy tapos yumakap kay Mommy. "Mommy, si Lake, aasawahin na ako." Saad ni Chantal habang parang batang nagsusumbong kay Mommy.

"Makapagsumbong ka dyan, ahh. Kaya mo na ngang bumuhay ng isang daang tao." Nakangusong saad ni Lake.

"Wala kang paki. Gusto ko paring magtapos ng college." Saad ni Chantal habang nakayakap parin kay Mommy na parang hindi sila nag-aaway.

"Kung gusto mo nang magpakasal, magpakasal ka na." Saad ni Mommy habang tinatapik ang ulo ni Chantal.

"Uhmmmm. Mommy, binubugaw ako." Parang batang saad nito na nakapagpatawa sa amin.

"Tara na nga. May kailangan ka pang sabihin sa akin." Saad ni Lake habang hinihila si Chantal.

"Mommy, si Lake, ohh! Isa, Lake! Bitaw! Ayoko! Tulong!" Sigaw ni Chantal habang kumakawala kay Lake.

"Wag ka ngang sumigaw! Parang may gagawin akong masama sayo sa sigaw mo, ehh!" Angal ni Lake.

"Wala akong paki!!" Sigaw ni Chantal. Naglakad naman si Mommy at yumakap kay Tita Medz, Mommy ni Lake.

"Muhkang magiging magbalae tayo." Saad ni Mommy habang nakatanaw kay Lake at Chantal na nag-haharutan at nag-sasakitan.

"Oo nga." Sagot ni Tita Medz habanh nakangiti.

"Kuya, si Lake, ohh! Ano ba?! Aray! Hahahaha---ahh! Hahaha!" Sigaw ni Chantal habang kinikiliti sya ni Lake.

"Tangina! Respeto naman sa single dito!" Sigaw ni Ryan.

"Ryan?!" Saway sa kanya ng Mommy nya.

"S-Sorry po, Mom." Saad ni Ryan. Naglakad naman ito at lumapit kay Ivy.

"Nagseselos ka ba sa kanila?" Tanong ni Ivy na may kirot.

"Hindi. Nahanap ko na kasi yung para sa akin." Nakangiting saad ni Ryan.

"Tsk. Corny." Saad ni Ivy at nagpipigil ng tawa.

"Ohh, ikaw? Kailan ka mag-aasawa?" Tanong ni Daddy sa akin.

"Pag pwede na si Lazy." Saad ko at tumingin kay Lazy na sobrang pula na ang muhka.

"P-para kang tanga. Kahit naman hindi mo ako gustong pakasalan, papakasalan parin kita, ehh." Saad ni Lazy na nagpangiti sa akin.

"Muhkang mag-aasawa na ang mga panganay natin." Saad ni Mommy.

"I-Arrange narin kaya natin ang kasal ng mga bunso natin?" Saad ni Tita Medz.

"Haha. Wag muna, hayaan natin sila ang magkagusto sa isa't isa para hindi tayo mahirapan." Saad ni Mommy.

- - - To Be Continued - - -