Laoag International Airport
Bumababa palang si Arabella sa eroplano ngunit ramdam na ramdam niya ang napakasarap na simoy ng hangin sa probinsiya. Pati ang amoy sa palingid ay napakasarap, nakikinita niya ang amoy ng palay, ng mais, ng tabako at mga gulay na nakatanim sa paligid.
Insan! insan! ", palabas na palamang siya sa may exit ng airport ngunit kitang kita na niya ang pinsang si Michael. Halos naglulundag ito habang panay ang pagkaway. Natawa na lamang siya sa hitsura ng pinsan, akala mo ilang dekada silang hindi nagkita sa sobrang excited.
" Welcome back insan, halos di kita makilala mukha ka kasing artista", masayang pahayag nito ng tuluyang makalapit siya dito.
" Mikiong ka pa rin hanggang ngayon, wala akong pasalubong saiyo noh?", natatawa niyang turan dito. Sa lahat ng kanyang pinsan si Michael talaga ang pinakamalapit sa kanya kahit noong bata pa lamang sila. Napagkakamalan pa ng mga tao noon na magkapatid sila dahil bukod sa labas pasok ito sa kanilang bahay noon ay, nakabuntot din ito noon sa kanyang ama.
" Haist! akala ko may bago na akong cellphone.", pakenkoy nitong biro at pati naman siya ay natawa.
" Andami mo daw cellphone sabi ni Inah, pinagchichix mo daw yung iba", saad niya at natatawang napakamot ito sa ulo.
" Ai cge, tara sa sasakyan baka kung isipin na naman noon may tinawagan akong iba", saad nito na kinuha ang hawak hawak niyang luggage. Napapailing na lang din siyang sumunod dito.
" Araaaaa! ang ganda ganda mo", si Inah nang makarating sila sa parking lot na kinalalagyan ng sasakyan ng kanyang pinsan. Asawa ito ni Michael at kababata din nila ito mula sa kanilang barangay.
" Hahaha salamat, kumusta?", turan niya dito. Magkakaedad lang silang tatlo pero mukhang mas matanda iro sa kanya, dahil siguro sa pangaganak nito or kunsimisyon sa kanyang pinsan.
' Mabuti naman sa awa ng Diyos, mabuti at nakauwi ka namimiss kana rin namin.", turan nito na nasa mukha din ang sobrang tuwa.
" Ako din, miss ko ding umuwi. Asan yung mga bata?", tanong niya sa mga ito nang walang makitang chikiting na kasama nila.
" Haist! iniwan na namin sila, ang kukulit.", sagot nito na natatawa.
" Ginusto niyo yan, dapat panindigan niyo.", turan naman niya at natawa iyon.
" Insan sa Robinson muna tayo, biglaan kasi ang bakasyon ko kaya hindi ako nakadala ng mga pasalubong", turan niya sa pinsan nang makalulan silang lahan sa sasakyan.
"Ok insan, you're the boss!", nakangising pahayag nito bago inapakan ang silinyador at tuluyan na silang umalis sa airport.
" Mukhang bago itong sasakyan mo ah insan", pansin niya sa sinasakyan nila. Dati kasi old model lang na kotse ang sasakyan nito ngunit ngayon ay naka MB van na ito.
" Swap lang yan insan, medyo sinuwerte sa bawang noong nakaraan kaya pinalitan ko na rin. Lahat na kasi nang bahay doon saatin ay naka van na", saad ng pinsan at tumango tango siya.
"Wow! progresibo na ang mga tao sa ating nayon ha? Ang galing naman insan",
" Oo insan, medyo maganda ganda kasi ang ani ng palay at bawang ngayon.",
" Maganda kung ganoon insan, taniman mo lahat yung lupa ni papa",
" Maganda sana kung masipag sipag sa bukid ang pinsan mo, naku itsura lang nito", sabat ni Inah.
" Siyempre, may trabaho naman ako sweetheart, ikaw naman", saad ni Michael at nginusuan siya ng asawa. Natawa naman si Arabella sa asal ng dalawa, parang iba ang sweetness ng dalawa ngayon kesa noong nagliligawan pa ang mga ito. Naalala pa niyang patay na patay ang kanyang pinsan sa asawa nito noong nag-aaral silang lahat sa high school. May pahatid sundo pa ang hipag kasama ang paflowers at chocolate.
" Insan nagugutom ako", pahayag ni Michael ng makapasok sila sa Robinson. Natawa siya sa pinsan ngunit hinayaan niyang ito ang pipili nang kanilang kainan. Sa Max's sila napadpad at doon ipinagpatuloy ang kanilang kwentuhan. Pagkatapos kumain ay dinala niya ang mag-asawa sa bilihan ng cellphone, tuwang tuwa ito nang papiliin niya ito nang gustong unit and brand.
" Talaga insan? woow! ang swerte ko talaga", masayamg saad nito ngunit pasimpleng kinurot ito ng kanyang asawa.
" Pili kana rin nang saiyo Inah para may pang tawag ka sa kanya kung late umuwi", saad niya kay Inah at di rin mailarawan ang sobrang katuwaan nito.
" Ai. hihihi...thank you. thank you! saad nito na kumaripas din para tumingin ng cellphone.
"Insan wala pa akong damit para sa reunion natin.", malambing na saad ni Michael, inakbayan pa man din siya paglabas nila sa bilihan ng cellphone.
" Hay! wag kang palalo oi, wala pang isang oras si Ara dito bankrupt na agad", agad na sita ni Inah sa asawa.
" Cge cge, bibili tayo", pahayag niya kung kayat lalong natuwa iyon.
" Thank you insan, bait bait mo talaga", si Michael na halos gatainga ang pagkakangiti.
" Haist! masyado mo iniispoiled yang pinsan mo", reklamo ni Inah at nginitian niya lamang ito.
" Okey lang yan, paminsan minsan lang naman. Kuha ka din ng gusto mo pati yung mga bata", turan niya dito. Nagliwanag naman ang mukha ni Inah at excited ding pumili ng mga damit sa store.
Pagkatapos nila sa department store ay inaya ang mag-asawa sa grocery. Tiyak maraming tao ang pumupunta sa bahay nila ngayon kapag nalaman ng kamag anak na umuwi siya. May makikikape, makikimerienda at makikikain. Parang fiesta palagi sa bahay nila kapag umuuwi, naroon ang ibat ibang pinsan niya ganon din ang mga kapatid ng kanyang mama.
" Andami naman nito pinsan, parang abasto na natin ito ng ilang buwan", si Michael habang ikinakarga sa sasakyan ang kanilang pinamili.
" Baka hindi aabot ng tatlong araw yan, doon nalang natin bibilhin yung iba", pahayag niya.
" Okey insan, iba ka talaga kapag nagbakasyon dinaig mo ang mga galing abroad", natatawang pahayag ni Michael at di rin niya napigilang huwag matawa.
" Matutuwa na naman ang mga tao doon ngayon, sabi nga ni nanay magpapabili daw siya saiyo ng biik para kanyang alagaan", patuloy pa nito.
" Kaya pa ba ni tita?",
" Oo insan, malakas pa yun. May mga kambing pa nga siya, alam mo na naexercise sa hirap kaya malakas na malakas pa hehe."
" Oh edi bilhan natin, meron ba don satin?",
" Marami insan, hay sobrang matutuwa yun.",
"Dami nating pinapabili kay Ara, sa susunod hindi na siya uuwi dito", si Inah at nginitian niya ito. Hindi naman niya naisip ang ideyang iyon, ang iniisip niya ay napapasaya niya ang kanyang mga kamag anak paminsan minsan. Hindi naman siguro aaray ang kanyang ipon sa kanyang pag -uwi.
" Minsan minsan lang naman Inah, okey lang yan. Masaya naman ako na makita kayong lahat",
" Yan ang pinsan ko. Mabait, hindi madamot at higit sa lahat maganda. Naku ang swerte swerte ng mapapangasawa mo insan", may pagmamalaking pahayag ni Michael habang busy sa pagdadrive.
" Speaking of mapapangasawa, wala ka pa bang boyfriend Ara?", si Inah sa dalaga. Hindi naman siya makasagot. Wala kasi siyang balak sabihin na may asawa na siya ngunit hanggang tatlong taon lang. Sa isiping iyon ay napatawa siya ng wala sa oras.
" Hay naku! sa ganda mong iyan insan? bulag ba ang kalalakihan sa Maynila?", turan ni Michael kung kayat mas lalo siyang natawa.
" Tamang tama, baka taga dito nga saatin ang iyong soul mate. Excited nga si mayor noong nalaman niyang uuwi ka",
" Ai naku naku! huwag mo ngang inerereto ang pinsan mo sa mayor na yan",
" Aba'y bakit? Gwapong lalaki naman si Mayor, mabait pa. Tsaka noong high school tayo si insan lang hindi nabuli ni Mayor. Akala ko dahil prinsipal si tita, yun pala crush daw niya si insan", Si Michael na natawa. Pati siya ay nakitawa rin, di nga niya alam ang ganong kwento. Talaga nga namang bully at siga noon si Joseph De Lara, mabuti at naging mayor na. Bakit hindi? eh matagal ding naging mayor ang daddy nito sa bayan nila.
"Haist! tigilan mo ang pinsan mo, pareho kayo ng karakas ni Mayor dahil magbarkada kayo noh?", si Inah at napahalakhak silang tatlo.
"Paano palaging mayor ang rason nito, si mayor kasi nag aya, may pakain si mayor, may pupuntahan si mayor at kung ano ano pa. Bakit di nalang si mayor ang pinakasalan mo aber?", sermon ni Inah sa asawa at sobra siyang natuwa sa tinuran nito. Talaga nga namang magbarkada sina Michael at Joseph noon noon pa, yung tipong hindi makakaalis yung isa kapag hindi kasama ang isa. Hangang ngayon pa pala ganun pa rin sila.
" Bakit ba kasi hindi pa iyon nag asawa?", nahihiwagaang tanong niya.
" Suwestiyon ko na nga rin yan, parang mas gusto nga niyang makasama utong bugok mong pinsan kesa mag-asawa", si Inah na animo nayayamot.
" Ewan ko ba don, may girlfriend naman siya kaso masyadong selosa. Anak nong may ari ng sikat na resort saatin.",
" Paano hindi magseselos yun eh mukha namang hindi matino si mayor pagdating sa mga babae. Kaya ikaw huwag kang gumaya gaya kay mayor kung hindi sasamain ka saakin", pagbabanta ni Inah na may halong pagbibiro. Natahimik ang pinsan niya sa sinabi ng asawa nito kung kayat di niya mapigilang matawa. Kung ano ano pa ang pinagkumwetuhan nila bago sila makadating sa kanilang nayon. Halos papadilim na nang makarating sila sa kanilang bahay and as expected may mangilan ngilang kamag anak na nga ang naghihintay sa kanilang pagdating. Kanya kanyang yakap at halik ang ibinigay sa kanya at sobrang natutuwa siya sa mainit na pagwelcome ng mga ito sa kanya kahit paminsan minsan lang siyang umuuwi dito.
Ang dating bahay nila ay ganoon pa rin, kahit hindi siya nag nakatira dito ay napapanatili naman ng kanyang pinsan ang kaayusan ng bahay. Kung may masisira o di kaya ay magpipinta ay sinasabi naman niya sa kanya at binibigyan niya ito ng panggastos. Ito nalang kasi ang alaala ng kanyang mga magulang kung kayat ayaw njyang masira ang pinundar ng mga ito. Bungalow ang kanilang bahay, may tatlong kwarto, may malawak na bakuran. Kung noon ay piling pili ang mga halaman ngayon naman ay napakaraming halaman sa paligid dahil hobby din ni Inah ang pagtatanim tuloy mag parang sanctuary ng bougainvillea ang kanilang bakuran.
" Insan may meeting pala tayo bukas para sa Grand Alumni home coming, sa bahay daw nina mimi.", Si Michael bago pa siya tumungo sa kanyang kwarto kinagabihan. Past 11 na nang gabi, ngayon lang naisipan ng kanyang mga kamag anak na magkakahiwalay. Sa dinami ng kwento ng mga ito parang hindi niya naramdaman ang pagod.
" Sige insan. Bukas ulit, good night.", paalam niya dito bago tinungo ang kanyang kuwarto.
Pagpasok niya sa kuarto ay wala siyang nakitang nabago, ang design at pati ang mga nakadecorate ay ganon pa rin. Napalitan nga lang ng mga kurtina at beddings. Nagpapasalamat din siya kay Inah dahil kahit paano ay naaalagaan din ang kaniyang mga gamit kahit paminsan minsan lang din siyang umuuwi. Plus sobrang linis nito, hindi nga alang kasing ganda at elegante kagaya ng kuwarto niya sa bahay ni Tyron pero hindi naman pahuhuli sa kalinisan at kaayusan.
Kanya kanyang bati ang magkakabatch nang magkitakita. Parang nabalik lang din ang kahapon para sa kanila. Yung iba successful in their own fields, yung iba naman may kanya kanya na ring mga pamilya.
" Maligayang bati sa inyong lahat mga batchmate, naku ang saya saya parang complete tayong magkaklase.", pag iingay ni Mimi habang isa isang nagsisibatian ang lahat. Si Mimi ay isang nurse ngunit nakabase ito sa USA, meron na din itong asawa't anak.
" Oo nga guys, I'm happy to see you all", ang si Deborah naman. May asawa't anak na rin ngunit mukha pa ring dalaga sa napakasosyal nitong aura. Isang businessman din pala ang napangasawa nito.
" Aw! you came too, guys look here ang ating batch na tiktok sensation, Ms. Arabella Simon", bigla nitong turang ng mahagilap siya ng mga mata nito.
Bigla namang bumaling ang lahat sa kanya na sinasabing napanood siya ng mga ito. Kung pwede lang bubuka ang lupa at lamunin siya ay kanyang pinakawish sa ngayon. Hindi kasi siya sanay na nagiging center of attention kaya hindi siya comportable sa isiniwalat nito.
" Papicture tayo guys, ang ganda ganda nga naman", saad ng ilan na talaga namang naexcite din pagkakita sa kanya.
" Naku! hindi naman guys, nag-expire na yun", saad niyang di malaman kung ano ang gagawin.
" Ikaw talaga, napakahumble mo pa rin. Asan ang mister mo? Dika pa ba nag-aasawa?", isa isang tanong ng kanyang mga batchmate at halos pagpawisan siya ng malagkit.
" Anong ginagawa mo ngayon? wow, big time kana ngayon ah nakakarating kana sa ibang bansa", ang isang kaibigan niya noong high school, nasa friend list niya ito sa social media kaya siguro nakikita nito ang kanyang mga post.
" Hindi naman, isa lang akong emplayado, nakakapunta lang ako sa ibang bansa dahil sa company na pinagtratrabauhan ko", sa wakas ay sagot niya.
" Wow! ang sosyal naman ng company niyo friend, may paibang bansa sila sa kanilang emplayado",
" Sa PR kasi ako friend, kaya kasali sa trabaho ko", sagot niya at tumango tango naman ang lahat.
" Sa ganda mong yan wala ka pang asawa?", tanong naman ng isa kung kayat napalunok siya ng matindi sa katanungan nito.
" Ah, meron naman kaso busy siya ngayon", hindi niya alam kung tama ang kanyang sagot o hindi dahil lahat naman ay napatingin sa kanya.
" Dapat isinama mo rin siya para makilala namin siya, ano ba naman ang dalawang araw di ba? ",
" Busy kasi baka sa susunod lang",
" Haist! kung talagang mahal ka niya dapat sinamaham ka niya dito. Kita mo yung asawa ni Deborah? umuwi rin siya para samahan siya eh businessman pa yun ah. Ano pala work ng mister o fiance mo?", gusto na niyang magquit makipag usap sa mga ito dahil tungkol naman sa kanyang personal na buhay ang tinatanong ng mga ito. Alangan sabihin niya ang totoo.
" He's into small scale business lang naman", saad niya na medyo kinagat ang labi. Alangan sabihin niya CEO ng multinational company ang kanyang mister. Ni hindi nga nito rinerecognized ang kanilang kasal noh?
" You better think twice friendship, kung gusto may paraan kung hindi gusto maraming dahilan", saad nang isa kung kuyat napangiti na lamang siyang tumatango sa mga ito.
" Ayan na si Mayor!"
" Hi mayor!", isa isang bati ng lahat kung kayat nagpasalamat siya sa pagdating nito. Baka hindi na niya alam ang sasabihin kung patuloy ang pag enterogate ng mga ito.
" Hello batchmate, kumusta kayo?", ang bagong dating na napakalawak ang pagkakangiti. Isa isa nitong kinamayan ang madadaanan at tinatapik ang mga balikat ng kalalakihan.
" There you are, how are you Miss beautiful Arabella Simon?", turan nito nang iabot nito nag kamay para makipagshakehands.
" Very much okey Mr Mayor, sir", sagot niya dito at napangiti ito ng matamis.
" Call me Joseph, para naman hindi tayo magbatch", saad nito at tumawa ang lahat.
Hindi nagtagal ay sinimulan na ang meeting, kung ano ang kanilang pakulo sa motorcade, ano ang project nila sa school at kung ano ano pa. Hindi na rin umalis sa tabi njya si Mayor Joseph, panay din ang kantiyaw ng kanilang mga kaklase na bagay daw sila o di kaya naman daw ay sila nalang mag-asawa. Hindi na rin lang niya pinansin ang mga iyon bagkus ay nag-enjoy siya na kasama ang mga dating kaklase at mga kaibigan.