Chereads / My Husband's Revenge / Chapter 32 - Chapter 32

Chapter 32 - Chapter 32

Pagkatapos maligo at magbihis bi Arabella ay lumabas din siya agad sa kuwarto. Nabunguran niya sa sala si tita Lucing kasama ang ilan niyang mga pinsan habang naglilinis ng mga gulay. Medyo sumilip pa siya sa azotea ngunit walang kahit ni isang tao nag naroon.

" Tita si Tyron po?" tanong niya sa matanda nang hindi matanawan ang lalaki sa loob at labas ng bahay.

"Aba'y sumama sa mga pinsan mo titingin ng baboy", saad nito habang ipinapapatuloy ang ginagawa.

" Baboy? para saan po yun?", nahiwagaang tanong niya.

" Para sa handaan mamaya anak, sabi kasi namin kailangan icelebrate din dito saatin ang inyong kasal para makilala din siya ng lahat ng iyong kamag-anak. Pumayag naman siya, sabi niya magkakatay tayo ng sampung baboy", ani Tita Lucing na ikinagulat niya.

" Ano po? ", parang binging turan njya sa matanda. Bakit naman pumayag nng ganun ganon si Tyron at andami namang baboy ang lima?

" Sssh! dapat lang naman yun anak, sa kultura nating mga ilocano dapat magbibigay pa yan ng dote.", saad nito at napahawak siya sa labi. Ano na lang ang iniisip ni Tyron sa kung ano anong pinagsasabi ng kanyang mga tita.

" Tita modernong panahon na po, hindi na po uso yan ngayon", hirit niya ngunit tinignan siya ng matanda ng mariin.

" Anak saating mga Ilocano hindi pwedeng walang ibibigay na dote sa babae bago magpakasal. Pasalamat kayo at wala na ang mga magulang mo kundi mahihirapan kayong ikinasal.", mahabang paliwanag ng matanda . Itinaas naman niya ang kanyang kamay tanda ng pagsuko dito dahil alam niyang hindi siya mananalo sa mga matatandang Ilokano.

" Okey! cge tita, sana lang hindi niyo prinessure ang asawa ko.huhuhu", pagdadrama niya kung kayat di napigilan ng matanda na bigwasan sa braso.

" Hindi naman anak, saka madali naman siyang kausap. Oo naman lahat", si Tita Lucing at lumaki ang kanyang mga mata. Ano kaya ang mga pinagsasabi ng mga ito na umoo ng umoo si Tyron?

" Haist! huwag mo nang problemahin yun, kami na ang bahala sa lahat. Tignan mo nga kung okey na ang mesa sa kubo, doon na tayo kakain at masyado na tayong marami dine", pagtataboy ng kanyang tita. Agad naman siyang tumalima habang nasa isip ang mga posibleng reaction ng lalaki.

Papunta siya sa kubo nang may humintong sasakyan sa kanilang harapan. Medyo huminto siya para silipin lung sino iyon at siya namang paglabas ni Mayor mula dito.

" Hi Ara, good morning!", bati nito habang napakalawak ang pagkakangiti.

" Hello mayor, Good morning too.", sagot naman niya habang papalapit ito sa kanyang kinaroroonan.

" Napadaan lang ako, galing ako sa tabing dagat bumili ng preskong isda", turan nito.

" Oh, how nice", sambit niya na nahawa sa pagkakangiti ng mayor.

" Si Michael hindi ko siya mahagilap sa ngayon, baka gusto mong magkape muna habang hinihintay siya?", suwestiyon niya dito. Malapit kasi ang dalawa kung kayat sigurado siyang ang pinsan niya ang pakay nito.

" Okey lang ba?", saad nito at natawa siya.

" Of course! halika sa azotea, kukuha lang ako ng kape", pahayag niya na iginaya nga sa azotea ang kausap. Nagpatianod naman iyon at kusang umupo tanda ng paghihintay nga sa alok niyang maiinom. Agad siyang pumasok sa loob ng bahay at tinungo ang kusina. Kumuha agad siya ng kubyertos at tasa saka pinahalo ang kape, asukal at creamer bago binuhusan ng mainit na tubig mula sa thermos. Sa kasamaang palad ay naubusan ng mainit na tubig ngunit may nakasalang sa electric kettle kung kayat medyo natagalan siya sa loob.

Paglabas niya ay bitbit niya ang isang tray laman ang kape para kay mayor. Nagpasalamat naman iyon nang iabot niya ang kape nito at ngumiti lamang siya dito. Habang sumisimsim ng kape ang alkalde ay nagkukuwentuhan silang dalawa tungkol sa nakaraan. Nandoong pareho silang nakatawa habang naalala ang mga kaklase nila at mga nangyari sa kanilang nakakatawa before. Halos hindi mapuknat ang kanilang pagtawa nang dumating si Michael kasama nito ang pinsan nilang si Lucky, maging sina Tyron at Ronnie. Agad umayos sa pagkakaupo ang dalaga pagkakita sa mga ito lalo at napakaseryoso ni Tyron na nakatingin sa kanya.

" Mayor, naparito ka?", saad nito agad tinapik ang balikat ng kanilang bisita.

" Oo galing ako sa pantalan, bumili ako ng fresh na isda", pahayag nito habang napatigil nang makita si Tyron na tila ba may hinahagilap sa isip.

" Kumusta mayor?", si Tyron na lumapit kay Ara at inakbayan ito.

" Oh hi bro, nandito pala kayo hindi nagpasabi si gob?", ang alkalde na halatang nagulat sa pagkakaakbay nito kay Arabella.

" Matt is not here bro, anyway I want you to meet my wife Arabella ", turan ni Tyron na nakangiti kasabay ng pagtingin sa kanya. Nabigla ang dalaga ngunit tinugon niya ng isang fake na ngiti ito.

" So its real? Akala ko nagbibiro lang kayo kagabi?", di makapaniwalang pahayag ni Mayor. He fancied Arabella all his life at naghihintay lang din talaga siya ng tamang tiyempo para magpropose dito. Sa narinig niya ay parang gumuho ang isang bahagi ng kanyang mundo.

" It's real, shes been my wife almost a year now, busy kasi kami pareho kaya ngayon lang kami nakauwi dito", si Tyron na ramdam ang matinding pagkadismaya nang mayor. He can see it in his eyes sapagkat biglang namula ang mga mata nito.

" Well if that's the case, congratulations bro! you really are the luckiest man on earth", ang mayor na agad iniabot ang kamay sa binata.

" Arabella is the smartest and most sensible lady I know, please treat her well", saad nito sa kanya kung kayat di niya napigilang tapikin ito sa balikat.

" I will bro, don't worry she's in good hand",tugon niya sa mayor at tumango tango iyon.

It's one of the hardest para kay Joseph De Lara, he's ready to take risk na sana ipaalam kay Arabella ang totoong nararamdaman niya dito. But he's too late, she's already married to someone. Tinignan niya si Tyron Alegre, bukod sa matangkad at gwapo ay disente itong tignan. He is the governor's bestfriend, ibig sabihin hindi lang ito simpleng mamamayan. Kung hindi ito mula sa pamilya ng mga malalaking politiko ay isa itong businessman. At sa nakikita niya ay maaalagaan naman niya si Arabella, after all he looks possessive towards his girl.

" Mga anak kain na, mayor dito ka na din mag-umagahan", si Tita Lucing na lumabas mula sa kubo kung saan nakaayos ang mga pagkain.

" Ah, hindi na tita, paalis na ako hinihintay ni Daddy yung binili kong isda sa pantalan. Sa susunod na lang ho, salamat", pagtangging turan ni Mayor saka gumayak na para umalis.

" Sigurado ka ba diyan?", pahayag ni Arabella dito at ngumiti iyon.

" Oo sige, mauna na ako. Bro, pakiregards ako kay gob", turan nito sabay tapik kay Tyron at lumakad na ito patungo sa gate ng bahay. Sumunod si Michael dito upang ihatid ang kaibigang mayor hanggang sa sasakyan nito. Si Lucky naman ay sumenyas kay Ronnie para tumungo na sa may kubo ngunit tinanguan lang din ng huli ito. Siyempre hihintayin nito ang kanyang amo.

" Seems like you're enjoying his company", saad ni Tyron sa dalaga nang isa isang magsilayasan ang kanilang mga kasama sa azotea.

Tinignan ng dalaga sa mukha ang lalaki ngunit napakaseryoso nito habang nakatitig din sa kanya.

" He is a good friend of mine and my cousin's bestfriend" pagbibigay alam niya dito. Sa halip na magloosen up si Tyron ay nakatitig pa rin sa kanya na parang nananantiya.

" Siya ba ang dahilan why you keep our marriage in secret?" di niya inaasahang pahayag ni Tyron at di niya napigilang tumawa. Parang baligtad naman yata? di ba't yun ang gusto nito, ang hindi malaman ng madlang people na may asawa siya?

" Where's your ring?", mayamaya ay narinig niyang pahayag ni Tyron, nakahawak ito sa kanyang kamay at nakatingin sa kanyang mga daliri.

" Naiwan ko sa bahay", turan niya dito. Sinadya niya talagang iwanan iyon sapagkat ayaw niyang malaman ng mga kamag anak niya na ikinasal na siya.

" Naiwan or sinadya mong iniwanan? ", pagmamaktol nito.

"Did you require me to wear it?", may halong panunumbat ang kanyang tono at napalunok iyon

" Yes! from now on!", agad ding pahayag nito. Tinitigan niya ito ng mariin, hinanap niya sa mukha ng lalaki kung nagbibiro lang ito o di kaya ay nagdradrama ngunit napakaseryoso naman kanyang kaharap kung kayat di niya napigilan ang tumawa.

" Sure! meron ka pa bang gustong ipagawa saakin aking mahal na asawa?", sa halip ay pambibiro niya dito para basagin ang sobrang kaseryosohan nito. Kahit paano ay nakaramdam siya ng kilig ngunit hindi gaano dahil naalala niyang nagpapanggap lamang ito. Ngunit di niya inaasahan na hawakan ni Tyron ang kanyang ulo at biglang binigyan siya ng makapigil hiningang halik. Nang bumitaw ito ay halos magkulay kamatis ang kanyang mukha lalo na nang makita si Kuya Ronnie sa malapit na marahil tumalikod dahil sa ginawang paghalik ni Tyron sa kanya.

" That's what you get if you're making fun of me", turan ng lalaki at di niya napigilang pandilatan ito. Hindi naman iyon natinag sa halip ay tumawa iyon na parang tuwang tuwa. Sa inis niya ay binigwasan niya iyon ngunit nakailag ang binata.

" Ehem ehem! Sir, ma'am...hinihintay kayo sa kubo kakain na daw", pagbubut-in Ronnie sa kanilang paghaharutan.

" Ai oo nga pala, sige kuya papunta na", si Arabela na agad inihinto ang panghahampas kay Tyron. Inayos ang sarili at magpapatiuna na palabas ng bahay ng hawakan siya sa kamay ni Tyron. Napatingin siya sa pagkakahawak ng kanyang kamay pagkatapos ay halos tumaas ang kanyang kilay ng tignan niya ito.

"Sabi nila ilocanos are sweet and caring, can you prove that to your husband?", turan nito. Tatanungin sana ng dalaga kung sinong poncho pilato ang nakapagsabi sa kanya sa mga katagang iyon ngunit natigil siya ng hawiin ng binata ang buhok na nakalihis sa kanyang mukha at iniipit sa kanyang tainga.

Arabella was stunned, it was one of the cutest gesture of Tyron kung kayat hindi maiwasang tignan ito ng may paghanga. Sa kanyang mata ang binata pa rin ang pinaka gwapo at pinakamamahal niya. She misses him and wanted to hug him just right here. Dinig na dinig niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib kung kayat agad niyang hinagilap ang kamay nito at idinantay sa kanyang pisngi. Ipinikit niya ang kanyang mata at dinama ang hatid nitong kapayapaan sa kanyang dibdib. Tyron's hand is so warm and it takes away all her anguished including how he missed him.

"I am here!'. Arabella slowly opened her eyes and right there infront of him is his man who's looking at him lovingly. She smiled at him and Tyron held her in his arms and kiss her in the head.

" I miss you too sweetheart", parang musika sa pandinig ni Arabella ang sinambit ng binata. She doesn't care kung totoo o hindi, sa labis na pangungulila niya dito sa ilang araw ay hindi na niya matantiya ang sarili.

" I love you", she utter. Tyron didn't answer but he hug her tighter and planted small kisses in his forehead.

" Ara malamig na yung pagkain anak", dinig niyang pahayag ni Tita Lucing mula sa kubo.

Arabella felt disappointed, payapang payapa ang kanyang puso mula sa yakap ng binata ngunit kailangan niyang humiwalay dito dahil sa pagtawag ng kanyang tita. Hindi naman nakaligtas kay Tyron ang disappointment nito kung kayat nakangiti niyang inakbayan ang dalaga papunta sa kubo. Pagdating nga nila doon ay nakatanggap sila ng pangangantiyaw mula sa kaanak ni Arabella kesyo lalanggamin daw sila sa kasweetan at kung ano ano pa na kapwa ngiti lang din ang itunugon ng dalawa sa mga ito. Pagharap nila sa mesa ay si Arabella ang naglagay ng pakain sa plato ng binata. Tinanggal na rin niya ang tinik ng tinapa para dito, alam niya kasi na hindi mahilig ang lalaki sa mga pagkaing may mga tinatanggal na tinik tinik or mga kaliskis bago isubo. Dahil nakakamay ang lahat ng kanilang mga kasama ay kumuha din siya ng gloves at siya na rin ang nagsuot sa kamay nito.

" Agkammet tayo barok", turan ng tita niya sa salitang ilocano sabay pakita sa kamay na may hawak na pagkain. Kultura kasi sa mga ilocano ang pagkakamay habang kumakain, sabi nila mas malinamnam daw ang kanilang kinakain kapag gamit ang kanilang kamay sa pagsubo. Nakangiti namang tumango tango ang binata habang di mapigilan ang paghanga sa dalagang nagsusuot sa kanya ng gloves. He can do by himself but Arabella naturally take his hand and put this thing in his hand, siya pati ang nagtanggal ng mga tinik ng kanyang pagkain. Sa ginagawa ng dalaga, it's like her mom is always around.

" Try this tinapa and longganisa, deep mo siya sa kamatis, masarap yan", saad nito sabay subo at pagkatapos ay parang sarap na sarap sa kanyang pag nguya. Kahit simple ang pagkain, she enjoyed it and act as if it is the most delicious food in the universe. Never niyang nakita si Arabella na nagsayang ng food, she has a great respect whatever that is in the table.

" Ayaw mo ba? gusto mo ng egg?", turan nito. He's busy with his thoughts kung kayat hindi siya nakasubo agad.

" No, it's fine. I like it", sagot niya dito. Nagsimula na rin siyang kumain and find that perfect to his tongue. First time niyang kumain ng mga ganoong ulam pero nasarapan siya kung kayat hindi niya napigilang humirit ng isa pa sa dalaga. Hindi naman mapuknat ang pagkakangiti nito nang malamang nagustuhan niya ang native dish ng mga ilocano.

" Anak pinalista ko na kay Tito Ambo niyo yung mga kailangan sa pagluto nang baboy", halos patapos na ang kainan nang magsabi si Tita Lucing.

"Okey tita, pakilagay na rin po lahat ng kailangan sa handaan", magalang na sagot ni Tyron sa matanda.

" Eto anak", sabay abot sa isang papel ngunit si Arabella ang unang kumuha dito, halatang lumaki ang mata ng dalaga nang makita ang napakahabang listahan.

" Ako na!" saad nito sabay bulsa sa tinanggap na listahan. Sa dami nga nakalista parang bigla siyang nahiya kay Tyron.

" As if you know where to buy those things, baka bukas kana makakabalik", biro nang binata dito sabay dukot sa ibinulsa niyang papel. Pinasadahan lang din niya ito ng tingin at tumango tango bago ipinasa iyon kay Ronnie.

" Charge it to my allowance, huwag mo na akong bigyan this month", bulong ng dalaga dito.

Napangiti si Tyron sa sinabi ng dalaga. Did she think he will become poor with a small amount?

" Naghihirap na ba ako sa paningin mo sweetheart?", pabirong bulong din niya dito.

" Hindi! hindi naman, pero napakarami naman niyan nakakahiya saiyo", sagot ni Arabella dito.

" uhmmm...just not mind it", turan nito.

" its too much, yung pledge sa school...",

" Shhhh! I've been giving millions to charities ages ago, stop thinking nonsense or else I'll kiss you here infront of your old folks", si Tyron kung kayat biglang nagretreat ang kanyang dila. She also covered her lips and Tyron can't help himself not to laugh.

Pagkatapos ng kainan ay pumunta na sina Ronnie at Michael sa city para sa mga kailangan sa handaan. Ronnie knows what to do, hindi humahawak ng cash ang kanyang amo ngunit alam na niya ang ginagawa lalo na kapag may travel ito. May hawak siyang card ni Tyron at siya na ang bahala sa mga errands nito pagdating sa mga ganoong usapin. Sina Tyron at Arabella naman ay nagpaiwan upang makipagkwentuhan sa mga matatanda. Hindi maikakailang nag-eenjoy ang binata na marinig ang mga kwento tungkol sa kanyang asawa sapagkat napapahalakhak ito sa kwento ng kanyang mga tita. Ang ipinagtataka ni Arabella, kilala niyang metikuloso at reserve si Tyron ngunit bakit parang at home na home ito sa kabila ng napakalayong agwat ng way of life nito sa kanilang pamilya. Over a short period of time ay naging favorite ito ng kanyang pamilya. Tinalo pa nito ang celebrity dahil walang bukambibig ang mga ito kundi ang kabaitan ng kanyang asawa.

Pagkatapos ng handaan ay wala na itong energy kung kayat inaya na niya itong magpahinga. She led him to his room, bukod kasi sa ito lang ang airconditioned ay baka magtaka din ang kanyang kaanak kung sa ibang room niya ito patutulugin. Habang naliligo ito sa banyo ay pinalitan niya lahat ng beddings, nagspray ng air freshener at linakasan ang aircon. Inilabas ang mga pinagpalitang mga beddings, tinignan din ang silid kung saan magiging tulugan ni Ronnie. Pagbalik niya sa silid ay nakaupo na si Tyron sa kama habang nakahilig ang likod sa headboard at nagbrobrowse sa kanyang cellphone.

" Okey ka lang ba dito?", tanong niya nang luminga sa kanya ang binata. Sa sobrang laki at ganda ng tulugan nito ay nag alala siyang hindi komportable ang binata sa pagtulog.

" I'm in peace", narinig niyang pahayag nito. Kasalukuyan siyang naghahanap ng kanyang damit sa closet at napalingon siya dito. Hindi niya maintindihan ang laman ng sagot nito kung kayat napangiti siya dito.

" Well, if that's the case, thank you!", saad niya bago sumenyas na papasok siya sa banyo para maligo.

Paglabas ni Arabella sa banyo ay tahimik na ang buong silid. Sinulyapan niya ang lalaki na nakahiga sa kama ngunit nakapikit na ito habang taas baba ang dibdib nito. Sa pakiwari niya ay tulog na si Tyron kung kayat hindi na niya itinuloy ang pagblower ng buhok. Medyo maingay kasi at baka magising ang binata. Maingat na lamang niyang binuhay ang electric fan saka nagsuklay sa harap nito. Pagkatapos ay lumapit siya sa kama, hindi nakakumot ang binata kung kayat dahan dahan niyang kinuha iyon sa may gilid. Pero bago niya ispread ang kumot ay napadaan ang kanyang paningin sa mukha ng binata. Tyron is sleeping calmly, pati tunog ng paghinga nito ay kalmado lamang. He sleeps like a prince charming, kahit tulog ay napakagwapo pa rin. His face is sculpted perfectly. Hindi niya tuloy nakontrol ang sarili na huwag hawakan ang noo, ilong, pisngi at mga labi nito. This man is so perfect and she loves him dearly.

" Alam kong pansamantala ka lamang sa buhay ko ngunit magkaganoon man, ikaw pa rin ang pinakamagandang nagyari sa aking buhay.", di naiwasang sambitin. She loves him so much and it breaks her heart into pieces everytime na marealized niyang mag-eend din ang lahat soon. Na hindi na niya ito pwedeng hawakan, amuyin, and watch him sleep like this.

" I love you until my last breath", turan niya sa may tainga nito kahit alam niyang hindi siya nito naririnig. She kiss his forehead then slowly wrap him with blanket.

Pagtaas niya ng kumot hanggang sa may dibdib ng binata ay halos mapasigaw siya ng biglang hawakan ni Tyron ng mahigpit ang kanyang kamay.

" Sorry, sorry! inaayos ko lang yung kumot mo", saad niya habang hawak hawak ang sobra sa kabang dibdib.

Tyron open his eyes then hinila ang dalaga palapit sa kanyang katawan then reverse his position. Hindi naman nagreact ang dalaga dahil hinahanap pa ang nawala sa lokasyon na puso dahil sa sobrang pagkabigla.

" You owe me woman, how dare you not responding my calls!", saad nito na lalong dinaganan ang dalaga habang hawak hawak ang mga kamay nito.

" Sabi ko naman okey lang ako, besides you're with her, you should give all your attention to her", pagpapaliwanag niya. Inilayo niya ang paningin dito dahil ayaw niyang mabasa ng binata ang disapproval sa kanyang loob.

" Don't be silly, kung hindi pa ako dumating ng mas maaga siguradong mapupunta na sa iba ang aking asawa.", inis na turan nito. Sa tinuran nito ay hindi naman napigilan ni Arabella ang matawa.

" You're impossible! pwede ba yun eh kasal pa ako saiyo", turan niya.

" So kung annuled na tayo, you're going to marry again?", pinanlakihan siya nito ng mata.

" Mr Alegre, what would you like me to do after our annulment? hindi makapaniwalang pahayag niya. Although alam niya sa sarili niya na hindi na siya magpapakasal ulit sapagkat ang binata lamang ang tanging gusto at magiging asawa magpakailanman. Curious lamang siya sa gusto nito para sa kanya.

" You're married with me, don't ever mention that f****n' annulment again", banas na saad ng binata. Di naman siya makapaniwala sa tinuran nito, did he decided to stay with her forever? Sa kasiyahan ay bigla niyang hinalikan sa labi ang binata. Kung ilang ulit niya itong hinalik halikan habang hindi mawala sa labi ang pagkakangiti. Sa isip niya hindi mawawala sa kanya ang binata.

" I love you forever", she promised. When Tyron heard that, he sealed her lips and take her lovingly with his arms.

"