Chereads / My Husband's Revenge / Chapter 34 - Chapter 34

Chapter 34 - Chapter 34

Sina Tyron at Matt ay nagkukuwentuhan sa may kubo malapit sa pool ng nang dumating sina Jamie at Sophie with their sexy bikini. Napasipol pa si Brent na nakatampisaw sa pool nang masulyapan ang nagsesekhihang dalaga. Bukod sa matatangkad ang mga ito ay perfect sa ganda ang mga pangangatawan. Parang mga contestant sa Miss Philippines sa swimsuit competition. Si Aedan ay lihim ding napasulyap sa mga ito sapagkat nasa tabi nito ang kanyang fiancee. Pagdating sa kubo ay pumulupot sa bisig ng kanyang boyfriend si Jamie na agad naman nitong ginawaran ng halik sa labi. Si Sophie ay tumabi din kay Tyron na sinadyang idikit ang katawan dito. She leans in his shoulder, at sinasadya nitong madikit ang boobs sa kanyang katawan. She's hot pero wala ni isang balahibo ni Tyron ang tumayo para dito. He wanted to drag her away but Matt smiled at him. He even gave him a toast sa hawak nitong beer. Wala siyang magawa kundi iistable ang sarili at ngitian ng makahulugan ang kanyang kaibigan. Ezekiel also join them, pagkaupo ay kumuha ng beer at agad nilagok. Umahon din si Brent mula sa pagtatampisaw at bitbit ang bote ng beer ay umupo rin ito katabi ni Ezekiel. Pagtungga ni Brent sa kanyang bote ay biglang lumaki ang kanyang mga mata. Paparating sina Arabella at Ana wearing their swim suites. Si Arabella with her angelic aura, she is flawlessly beautiful kahit hindi ganon kareavealing ang suot nito. Ana also looks amazing with her black swimsuits na kung saan lalong naemphasized ang curvy shape nito. They are both beautiful in the eye, simple yet charming and elegant.

"Woow!", di napigilang sambit ni Brent na ikinalingon ng lahat. Halos tumigil naman ang mundo para kay Tyron nang makita si Arabella, first time niyang makitang nakaswim suite ang kanyang asawa and she is gorgeously sexy. Maputi si Arabella at kumikinang ang napakanis nitong balat which makes her more fresh and attractive. Ngunit sa isiping pinangpipiyestahan ng mga kasama ang katawan ng kanyang asawa ay agad siyang tumayo, kinuha ang nakasabit na robe sa may sandalan ng upuan at dalidaling sinalubong iyon.

Hindi naman alam ni Arabella kung babatiin niya si Tyron o hindi, medyo may inis pa siya dito dahil enjoy na enjoy ang lalaki sa pagkakasandal ni Sophie sa kanya. Ngunit nabigla siya nang harangin siya nito, pinatalikod at isinuot sa kanya ang hawak nitong roba.

"Anong...", saad niya ngunit hindi sumagot iyon, kundi mabilis na pinagbuhol sa kanyang harapan ang tali nito.

"Don't you dare remove that!", matigas na utos ni Tyron kung kayat di niya naiwasang tumingin kay Ana na nooy pigil pigil ang pagkakangiti.

"Pero maliligo kami ni Ana", protesta niya dito ngunit umirap iyon na animo'y hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.

"Sa shower room ka nalang maligo, lets go I'll take you there", saad nito. Hinawakan na ni Tyron ang kanyang kamay at hihilain na siya palabas sa pool area.

"Saglit lang, si Ana kasama ko", turan niya sa lalaki. Huminto iyon at tinignan ang natatawang kaibigan. Luminga si Tyron sa paligid, kinuha ang malong sa may upuan at inihagis kay Anna.

"Help yourself; go and change your clothes.", iritadong panenermon niya dito. Maya maya ay walang lingong likod na hinila si Arabella na hindi na rin nakaprotesta dito. Nagpatianod na lang din siya dito kung saan man siya dalhin ni Tyron hanggang sa marating nila ang Queens house. Saka lang siya nito binitwan ng makapasok na sila sa kanilang room.

"You take a bath in the shower", seyosong utos nito tsaka tinungo ang refrigerator. Naglabas ng isang bottled water at straight na ininom ang laman na 500 ml na tubig. Hindi naman sumunod si Arabella bagkus ay nakatingin lang din siya dito.

'What? gusto mong paliguan pa kita?", angil nito nang hindi siya kumukilos.

"Tapos na, naligo na ako bago lumabas kanina", saad niya. Mukhang hindi maganda ang timpla ng asawa at wala siyang ideya kung ano ang dahilan.

"Then why did you come out with that f***n swimsuit?", galit na saad ni Tyron at napakunot noo siya. Ano bang ikinagagalit nito, dahil ba pangit ang swim wear niya or hindi siya kaaya ayang tignan katulad ni Sophie?

"Sabi ni Gob may pool party, ano ba dapat ang isusuot ko pajama?", sarkastikong pahayag niya at pinanlisikan siya ni Tyron ng mata. Napailing siya sa reaction nito. Hinagilap niya ang kanyang mini travelling bag at inilabas ang kanyang white maxi dress. Wala na siyang ganang maligo sa pool, baka ayaw na din niyang dumalo sa party kung ganitong nag-aalburuto ang kanyang kasama. Pumasok siya sa banyo, tinanggal ang roba, maging ang kaninay suot suot na swimsuit. Naghilamos ng mukha tsaka isinuot ang dress, pagkatapos ay lumabas. Tinungo ang dresser at pinahiran ulit ng moisturizer ang mukha. Nakaupo naman si Tyron sa sala na hindi alam kung may iniisip o nag-oobserba lang din sa kanya. Sa klase ng mood nito parang ayaw na niya itong pansinen. "Ano kaya ang ikinagalit ng taong ito?" sa isip niya. Diyata at nagtalo sila ni Sophie? Wala siyang ideya kung anong relasyon meron ang dalawa, at kung meron man wala na siyang balak pang alamin. Pagkatapos maglagay ng moisturizer ay naglagay din siya ng konting lipstick na kulay pink sa kanyang bibig. Tinangggal ang pagkakatali ng buhok at ilang ulit na pinasadahan ng hair brush. Wala na siyang balak pang talian iyon kung kayat hinayaan na lamang nitong nakalugay iyon. Nagwisik siya ng konting pabango sa may pulso at pasimpleng idinampi sa kanyang leeg. Pagtingin niya ulit sa salamin ay nasa likod na niya si Tyron habang nakatunghay sa kanya. Biglang nag-eratiko ang kanyang puso, sa paraan ng pagkakatitig ni Tyron sa kanya ay parang tumagos hanggang sa kanyang kaluluwa. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito, nakipagtitigan siya sa binata ngunit para din siyang napaso at binawi ang paningin. Inobserbahan niya ang kilos nito ngunit steady lang ito sa pagkakatayo, nakapamulsa at hindi inaalis ang paningin sa kanya. Huminga ng malalim si Arabella, as much as possible ayaw niyang nagagalit or naiinis si Tyron sa kanya. Pumikit siya ng ilang segundo bago, tumayo at humarap dito. She's half inch away to him at sa tangkad nito ay sa lips lang nito lumevel ang kanyang paningin. Tyron has the perfect lips, bukod sa parang inukit iyon ng isang magaling na pintor ay pulang pula ito at lasang candy. Sa isiping iyon ay napangiti ang dalaga, she lifted her feet at mabilis niya itong ninakawan ng halik saka dali daling tinungo ang pintuan at lumabas.

Hindi naman agad nakapagreact si Tyron sa ginawa ni Arabella, he's bursting in anger deep inside kung kayat wala sa kanyang hinagap na bigla siyang hahalikan ni Arabella at pagkatapos ay kumaripas na lumabas. Nahawakan na lamang ang kanyang labi at sinundan ang halos tumakbong dalaga. And when he gets back to his senses ay napangiti siya sa ginawa nito. It's kind of childish but it feels cute. Para lang nakanakaw ng halik sa kanyang crush at nagtago pagkatapos. Dahil doon ay biglang nawala ang kaninay nararamdamang galit dito. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili, wala namang nagawang mali ang dalaga ngunit nainis siya sa ideya na pinagpiyestahan ng ibang tao ang katawan nito. She's her woman at para sa kanya, siya lamang ang dapat makakita sa kaseksihan ng asawa.

Hindi naman makapaniwala si Arabella sa kanyang ginawa, ewan niya kung ano ang pumasok sa kanyang isip. She had kissed Tyron many time pero hindi sa kalagitnaan ng galit ito. Kinabahan din siya pagkatapos kung kayat kumaripas siya ng takbo palabas. At ngayong nakalabas na siya sa Queens ay medyo natatawa siya sa sariling hinawakan ang dibdib. Kinokompos pa niya ang sarili nang makitang palabas sa prince house si Ezekiel Eduardo. Seryosong seryoso pa rin na tila ba palaging pasan nito ang mundo. Napahinto ito nang mapansin siyang nakatayo at nakatingin sa kanya. Nakita niyang pinasadahan siya mula ulo hanggang paa, ngunit nang makalapit na ito sa kanya ay hindi na gaanong stiff ang mukha.

"Are you waiting for your husband or your bestfriend?", turan nito habang palinga linga sa paligid, pakiwari niya ay hinahanap kung sino ang kanyang kasama.

"I'm looking for my best friend, did you see her?". casual niyang pahayag dito, ngunit nagkibit iyon na tila ba sinasabi nitong wala siyang pakialam kay Ana. Sa reaction nito ay pinag-ikutan niya ng mata. Nakita naman ng lalaki ang ginawi niya at hindi nito napigilang tumawa. Sa isip niya marunong din palang tumawa ang Ezekiel na ito at cute din kung nakatawa.

"How can you say that she's your best friend when you just met an hour ago?" turan nito na hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti sa mata nito.

"Required ba ang haba ng pagkakakilala para ituring mong kaibagan ang isang tao?" balik niyang tanong dito. Tiningnan siya ang kausap pagkatapos ay hinawakan ang sariling baba na kunwari ay nag-iisip.

"You a have point...but still it depends", bawi nito at di niya napigilang magpalatak ng tawa, napailing pa si Arabella kung kayat mas lalong tumawa si Ezekiel.

" I thought you don't know how to smile", turan niya dito, mas lalong lumawalak ang pagkakangiti ng lalaki.

"What makes you say that?", natatawa nitong tanong.

"You seem so serious all the time", pahayag niya kay Ezekiel ngunit tinawanan siya nito.

"That means you've been observing people all along." sa halip ay sagot ng lalaki. Sasagutin sana niya ito na hindi naman sa ganon subalit biglang may pumulupot na kamay sa kanyang baywang.

"Did I miss the fun?", pahayag ni Tyron mula sa kanyang likod kasabay ng paghalik nito sa kanyang batok. Saglit na nabigla si Arabella sa ginawa nito ngunit napuno ng napakafresh na amoy ni Tyron ang kanyang ilong. Bagong ligo ito at addictive ang kanyang amoy.

"It's nothing, bro; we're just met here and having a little talk", si Ezekiel ang sumagot dito. Tyron Alegre is too possessive with his woman, at ayaw niyang pag-isipan siya nang hindi maganda lalo na sa pakikipag usap sa asawa nito. Yes, his wife is like an angel, she has a gentle smile that exudes warmth and kindness, she has a melodious voice, and her movement is imbued with an elegant and grace. She is every man's dream, but she is married. Ayaw niyang magaya kay Brent na halos mawalan ng ulirat dahil sa kahihiyan.

"I think so too, bro. Let's go to the pool area., siguradong namamaga na ang mata ni Matt sa kahihintay saatin", si Tyron sa lalaki at nagaptianod iyon.

Tyron holds her hand, nang tignan niya ito ay maaliwalas na ang mukha hindi kagaya ng iwanan niya ito sa kanilang silid. Ngumiti ito sa kanya pagkatapos ay sumenyas para sundan si Ezekiel. Nakangiti naman siyang nagpatianod dito kung kayat magkahawak kamay silang tinungo ang kinaroroonan ng pool.

Kasalukuyang nasa tubing ang lahat at nag-eenjoy sa paglalangoy nang sila ay dumating. Sumenyas si Matt para pasulungin sila sa pool ngunit kumaway lang si Tyron dito. Bagkus ay naupo sila sa may table kaharap sa kinauupuan ni Ezekiel kung saan malapit sa mga ito.

"Have you seen Ana?", tanong niya kay Ezekiel ng hindi makita ang anino nito.

" She's in her room, baka hindi na yun pupunta dito", pormal na sagot ni Ezekiel. Tinignan niya ito ng mariin but he laughs silently.

"It's beyond office hours, and I am not minding what she's up to.", pahayag nito sa nag-aakusa niyang tingin. Arabella is too beautiful, and he cannot stop himself not to admire her. Mabuti nalang at kumuha si Tyron Alegre ng maiinom. Para namang hindi kumbinsido si Arabella sa sinabi niya dahil napailing habang nakatingin sa kanya.

"I'm not that cruel", hindi makapaniwalang pahayag ni Ezekiel dito at napatawa iyon ng mahina. Sakto namang may dineliver na mga prutas at kumuha ito ng isang slice ng watermelon.

"uhhh! Sarap ang tamis, tikman mo", saad ni Arabella kay Ezekiel. He rarely ate watermelon; it's too watery and messy, but Arabella eats it like it's the most delicious fruit kung kayat naengganyo siyang kumuha ng isang slice at tikman iyon. Masarap nga, and they eat more hanggang kaunti nalang ang natira. Siya namang pag-ahon nang mga naliligo na kanya kanyang hanap ng upo sa kinaroroonan nila. Bumalik na rin si Tyron mula sa kubo at bitbit ang mga maiinom. Dahil natuluan ng juice ng watermelon ang kamay ni Arabella ay tumayo siya upang tunguhin ang hand washing area na nakapwesto sa pinakadulo ng pool.

"Who are you?" mula sa nakatutok na kamay sa gripo ay napatingin si Arabella sa katabi niya. It's Sophie with her sexy bikini. Nakatutok na din ang kamay nito sa isang gripo. Nang magtama ang kanilang mata ay ngumiti siya.

"Are you a star? celebrity? beauty queen?", saad nito sa nagtatanong niyang mata.

"I am nobody!", pormal niyang saad dito. Ngumiti naman iyon ng nakakaloko.

"You and Tyron were strange husbands and wives, weren't you? ", turan nito. Medyo napalunok si Arabella, thinking kung bakit ganito ang sinasabi ng kaharap.

"What do you mean?", stammer niyang pahayag.

"It's strange because Tyron's girlfriend is Samantha White, the famous and fabulous supermodel, and look at you; you don't even owe a ring.", turan ni Sophie na tinignan siya from head to toe. Para namang niyanig ang katawan ni Arabella sa pagkakatayo, hindi niya kilala ang babaeng ito ngunit bakit may alam ito sa buhay ni Tyron?

"Huh! am I right?", nakangising pahayag nito. Para namang umurong ang dila ni Arabella sapagkat may katotohanan naman ang sinasabi ni Sophie.

"What do you want?", saad niya dito nang makompos ang sarili. This arrogant girl is too confident at hindi niya mapigilang tubuan ng inis dito.

" I like your husband!", direktang pahayag ni Sophie at hindi siya makapaniwala sa naring mula dito. Sa narinig ay hindi niya alam kung magbuburst siya ng tawa o sasabunutan niya ang babae.

"He is not for sale!", maya maya ay pahayag niya. Binilisan na niya ang paghugas upang makalayo na sa babaeng ito.

"Yeah, but he can be mine", turan ni Sophie. Napahinto siya sa ginagawa at hinarap niya itong may ngiti.

"Tyron likes models; if you can snatch his attention from the famous supermodel, why can't I? ", turan ulit nito at mas lalo siyang nangiti ng hindi abot sa mata. Kung alam lang ng babaeng ito kung paano napunta si Tyron sa kanya. At kung gaano nito kamahal si Samantha. Pero tama nga naman ang kaharap, Tyron likes models, and she is a beauty queen baka nga makukuha nito ang attention ng lalaki.

"Go ahead! I won't mind. I'm excited to watch you luring my husband', pahayag niya na idiniin ang huling word.

'Watch me!", nakangising pahayag ni Sophie na animoy panalong panalo, winisikan pa siya ng tubig sa mukha bago ito tumalikod. Sa pagkabigla ay napatawa nalang siya sa sarili pagkatapos. Kahit saang lupalop talaga maraming nagkakagusto kay Tyron Alegre, ngunit alam niyang sarado ang puso at utak ng lalaki sa iisang babae at sigurado siyang katulad niya ay mabibigo din si Sophie. Ngunit para siyang nasiyahan sa confident nito sa sarili, parang sureball na makukuha nito si Tyron at yun ang kanyang aabangan.

Lumakad na parang nagrarampa lang sa entablado si Sophie, dumirecho sa table na kiauupuan nina Tyron at halos magpakandong ito dito. Nakita naman niyang tila nabigla ang binata ngunit agad din iyong ngumiti pagkatapos. Sa reaction ni Tyron ay tila ba nasuntok siya sa dibdib. Tanggap niyang may Samantha ito, ngunit ang makipaglampungan ito ng harap harapan ay parang gusto niyang magpasabog ng granada. Nagdecide siyang umalis sa may handwashing area, bumalik siya sa kinaroroonan ng mga ito subalit parang hindi nya kayang makita na may nakaangklang iba kay Tyron kaya pasimple siyang umupo sa isang mesa na puno ulit ng mga prutas. Nasa tubig pa sina Ali at Aedan at kinawayan siya ng mga ito sapagkat malapit ang kinauupuan niyang table sa mga ito. Maya maya lamang ay umuhon ang dalawa, kinuha ni Aedan ang robe na nakapatong sa upuan at isinuot sa fiancee nito. Umupo si Alli sa harap niya pagkatapos, samantalang nagpaalam si Aedan dito para kumuha ng maiinom. Kinuha niya ang kutsilyo sa ibabaw ng table at binalatan lahat ang apple na naroon at inislice ng inislice. After a while ay nagpaalam si Allie para magpalit ng damit, nginitian niya lamang ito habang busy sa ginagawa.

"Hi!", mula sa harap niya ay naroon si Brent. May hawak na beer sa kanang kamay at juice naman sa kaliwa. Nginitian niya ito at tinanggap ang isang baso ng juice ng ibigay nito sa kanya.

"Thank you.", nakangiting pahayag niya dito.

"Pwedeng makiupo?', alanganing pahayag ni Brent na itinuro pa ang upuan sa kanyang harapan. Agad naman siyang tumango at isinenyas na uupo ito.

"Thank you", maikling pahayag ni Brent ng makaupo. Sa wakas makakaharap at makakausap niya rin ito nang sila sila lamang. And it's true, this girl in front of him has the most angelic face he'd ever seen.

"Pasensiya ka na sa mga nangyari earlier", turan niya dito. Tumingin naman sa kanya si Arabella at ngumiti pagkatapos. Shocks! his heart melts with her smile.

"No worries, you are forgiven', tudyo ni Ara dito at medyo nagblush iyon. Hindi alam ni Ara kung tungkol sa alcohol na iniinom nito ang dahilan o ang kanyang sinabi.

"I really thought you were not married yet; how come you're not wearing a wedding ring?'turan nito sabay tingin sa kanyang mga daliri.

Hindi naman sinagot ni Arabella ang lalaki ngunit nagpakawala ito ng ngiti habang ipinagpatuloy ang pag-iislice ng prutas. Kumuha naman si Brent ng iniislice niyang prutas at idinirecho sa bunganga. Kahit hindi masyadong nagsasalita si Arabella ay parang naeexcite siya na kaharap ito. She's innocently beautiful, and he felt peace with her calm nature. Parang hindi pa matanggap ng kanyang isip na may asawa na ito. She really catches his attention and instantly falls in love. Napakaswerte naman ni Tyron Alegre dahil mas nauna nitong nakita si Arabella, kung hindi ay pakakasalan niya agad ito kahit saang simbahan sa mundo. Sa isiping iyon ay napatawa sa sarili si Brent na ikinapangunot naman ni Arabella na kanyang kaharap.

"I'm just thinking if you have sister", nakatawang pahayag niya. Rumihistro naman sa mukha ni Arabella ang pagkamangha sa sinabi nya ngunit umilig din iyon pagkatapos.

"Baka pwede mo naman akong ireto kung meron, baka gusto mo lang naman akong maging brother-in-law", dagdag ni Brent kung kayat tuluyan ng tumawa si Arabella.

"I don't have sibling, but I'm sure I won't entrust it to you if I have one.", directang pahayag ni Arabella.

"Ouch! It's hurt.", kunwari ay hinawakan pa ni Brent ang kanyang dibdib habang hindi makapaniwala sa sinabi ng dalaga. She's like an angel, but she's sharp-tongued.

"With your looks? I'm sure hindi lang lilima ang girlfriends mo", hindi maiwasang biro ni Arabella sa kaharap at bigla itong napatawa ng malakas.

"Hahaha, I'm already convicted without trial?", natatawang bulalas ni Brent at pati si Arabella ay hindi naitago ang pagtawa. Although she thought Brent was a womanizer, she likes his friendly nature. Hindi nawawala ang ngiti sa labi at natutuwa siya sa napakasaya nitong vibe.

Halos mapatayo si Tyron nang mapaupo si Sophie sa kanyang kandungan. Kadarating lang nito from somewhere at naoff balance habang patawid sa kinaupuan niya papunta kay Jennie. Innitial reaction naman ng lahat na agad saluhin ang mga naooff balance lalo at malapit saiyo yung tao. He catched her at dahil may kabigatan din ito ay napaupo siya pabalik sa kinauupuan habang nakakandong si Sophie. He let her go urgently, but Sophie placed her hand around his neck while looking at him seductively. Imbes na matuwa si Tyron sa ginawa ni Sophie ay nairita ito at pinangunutan niya ng noo. Kung pwede niya lang itapon ang babae sa pool para matauhan sa pinaggagawa nito. Hindi talaga siya natutuwa sa mga babaeng lantarang magpakita ng motibo besides, Sophie's kind is not her type. Agad niyang binitiwan si Sophie sa pagitan nila ni Jennie, and then nagmamadaling tumayo para hagilapin si Arabella. She might witness the scene and think the other way. Tumingin siya sa buong paligid, seryoso itong naglalakad mula sa dulo ng pool. Ineksamin niya ang aura nito, sa tingin niya ay wala naman itong nakita sapagkat napakakalma ang aura nito sa kabila ng kaseryosohan. Ngunit ang ipinagtaka niya ay naupo ito sa isang table na may prutas malapit sa kinaroroonan ng magkasintahang Aedan at Allie habang nakalunoy sa pool. Pagkaupo ni Arabella ay kumuha ng mga prutas at nagbalat, nang isa hangang sa lahat yata ng pwedeng balatang prutas ay binalatan niya. Pagkatapos ay pinag-iislice ang mga iyon. Napakunot siya sa giangawa ng dalaga subalit biglang dumilim ang aura ni Tyron ng lumapit si Brent sa kinauupuan ni Arabella and offer a glass of juice. Kagyat na napatigil ang dalaga ngunit kinuha ang juice mula kay Brent at nginitian ito saka itinuro ang upuan sa kanyang harapan. At first, nakikita niyang hesitant pa si Arabella sa presence ni Brent ngunit di naglaon ay nakangiti na ito habang nakikipagpalitan ng kwento. He started to feel annoyed, thinking kung ano ang sinasabi ni Brent sa dalaga at mukha itong nag-eenjoy sa company ng lalaki. Seeing Arabella smile delightedly with another man makes him feel sick mas lalong natrigger ang kanyang pagkairita nang biglang tumawa ng malakas si Brent at nagsitinginan ang kanyang mga kasama sa kinaroroonan ng mga ito. Without thinking ay mabilis siyang lumakad papunta sa direksiyon ng dalawa while ignoring the eyes of everyone.

" Andito ka lang pala sweetheart, you know I'm incomplete if you're not by my side ", malambing na pahayag ni Tyron habang parang sawang ipinulupot ang mga kamay sa kanyang baywang. Nagulat naman si Arabella sa biglaang paglitaw ni Tyron ngunit mas namatanda siya nang hindi mapigilang magsitayuan ang kanyang balahibo ng isubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. Sa pagkakakiliti ay hindi niya naiwasang isandal ang ulo sa binata which makes them the sweetest couple in town.

"Nagbabalat lang ako ng prutas, I'll be there", turan ni Arabella na inilayo ang ulo sa binata at tumingin siya dito.

"You know I miss you kahit ilang saglit lang kitang hindi makita", pahayag nito habang nakatitig sa kanya. Sa narinig ay napangiti si Arabella, hindi dahil nakikilig siya pero natatawa siya sa kadramahan nito. Kung hindi lang niya alam ang totoong score niya kay Tyron paniwalang paniwala na sana siya.

"Uhmmm", tukso niya sa binata habang nagsasayaw ang matang nakatingin dito. Natutuwa siya sa pinaggagawa ni Tyron at di niya mapigilang matawa ng kanyang mga mata. Sa ginawa niyang panunukso ay nagulat siya nang bigla siya halikan ng binata sa labi kung kayat agad agad na nagkulay kamatis ang kanyang mukha.

"I love you, sweetheart", narinig niyang turan nito kung kayat sunod sunod ang ginawa niyang paglunok . Sa isip niya ang galing namang magpanggap ng lalaki at parang totoong totoo ang pagkakabigkas ng I love you sa kanya.

" I...I love you more", halos di niya marinig ang boses na sagot niya. Buti na lang hinawi ni Tyron ang kanyang ulo at binigyan siya ng mumuntik halik sa kanyang tuktok. Only then did she realize that Brent was still sitting in front of them. at hindi mapuknat ang pagkakangiti habang nakatunghay sa kanila. Gusto niyang sampalin ang sarili, bakit naman napakadali nyang makalimutan na may kausap siya kanikanina lang, dumating lang si Tyron parang nag-iba agad ang kanyang mundo.

"Oh sorry Brent", sa labis na kakahiyan dahil sa PDA nila ni Tyron ay hindi niya alam ang sasabihin dito.

"You guys are the sweetest; you are so in love with each other." nakangiting pahayag ni Brent na mukhang tuwang tuwa sa kanilang dalawa. Agad namang umupo si Tyron sa kanyang tabi, inakbayan siya at nakangiting tumingin kay Brent.

"Who do you think is more head over heels, bro?", nakangising turan ni Tyron sabay tingin sa dalaga. Pasimple namang siniko ni Arabella ang binata ngunit mas lalo lamang iyong natuwa.

"Oh geez, I'm sorry, bro, but I think you love her more.", nakatawang pahayag ni Brent na kung saan hindi nila napigilang magkatinginan sa isa't isa. Ikiniling ni Arabella ang kanyang ulo saka nginitian ang binata ng napakalawak. Napatawa naman si Tyron sa kanyang reaction bago humarap ulit kay Brent.

"That's right, bro, I am so in love with this not-so-sweet wife of mine." nakatawang pahayag ni Tyron kasabay nang pagkabig nito sa dalaga.

"She's a gem; you should cherish her all your life." si Brent, Napangiting tumango tango si Tyron and then he landed his eyes on Arabella, asking himself what was so special about her that made Brent and Joseph tell him to take care of her.

"Of course, bro, she's my wife; she will have my best", turan ni Tyron kay Brent habang nakatitig sa dalaga.

Tyron seems so sincere and melts Arabella's heart. Ikiniling niya ang ulo sa balikat ng binata at napayakap siya dito ng wala sa oras.

"You must, or else", nakatawang pahayag ni Brent bago tumayo at tinapik ang balikat ni Tyron. "Give me a ring just in case.", saad naman nito kay Arabella kasabay ng pagkindat sa dalaga bago ito nagpalaam at lumayo sa kanila.

"In your dreams", di napigilang bulalas ni Tyron nang makalayo si Brent sa kinaroroonan nila. Pagtingin niya kay Arabella ay nakaabang na ang nakatawa nitong mata.

"and the best actor goes to...", panunudyo niya dito. Tumawa iyon ngunit napailing din pagkatapos.

"Don't you dare make him a call.", pahayag nito pagkatapos.

"Wala na po siya, stop acting na", nakatawang turan ng dalaga dito.

"I'm serious!", seryosong pahayag ni Tyron. Hindi man niya maintindihan ito ay napailing na lamang siya.

"Can you make a promise?"

'What the...",

'Please?", saad pa rin ni Tyron na nasa mukha pa rin ang labis na pagkaseryoso.

"Why?", hindi niya napigilang tanong dito habang ang mga mata niya nagsasayaw sa tuwa.

'I just don't like it!". turan ni Tyron kung kayat napatitig siya dito. Did he still in character? tanong niya sa sarili. She dislikes the hope that fills her heart. Ngunit hinawakan niya ang kamay ng binata at nilarolaro ang mga iyon.

"You have the most precious hands, and in these hands of yours, I can be happy or torn apart.", makahulugang pahayag niya. Mahal na mahal niya ang binata at talagang nakasalalay sa mga kamay nito ang kanyang kaligayahan. When Tyron catches her eyes, he can see her unwavering devotion to him. Sa kasiyahan ay kinabig niya ang dalaga at pinupog nang mumuntik halik ang ulo nito.

"I love you, sweetheart". turan niya sa dalaga na siyang ikinatawa nito ng malakas. Kung hindi lang talaga alam ni Arabella ang score nila ng binata ay talagang mapagkakamalan niyang inlove din ito sa kanya. He is too sweet at kahit palabas lang nito ay talagang natutunaw ang puso niya.

Tyron hold her hands nang pabalik sila sa kumpol ng mga kasama, everbody is having a good time chatting and drinking beer together. Nagsipagtanguan pa sina Brent at Ezekiel nang maupo siya adjacent to them. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Tyron kung kayat pasimple niyang tinignan si Arabella at iniipit sa tainga nito ang lumilipad lipad na buhok ng dalaga. Sa ginawa niya ay ngumiti ng matamis sa kanya si Arabella kasabay ng paghagilap nito ng kanyang kamay at iniipit ang mga daliri sa pagitan ng kanyang mga darili. Nakatawa pa ang mga mata nito nang magkatinginan sila ng dalaga kung kayat the whole time ay magkahawak kamay sila. Sa sweetness nilang dalawa ay sinong mag-aakala sa kanilang mga kaharap na pawang pagpapakita lang lahat.