Tyron has long been awake but Arabella is peacefully and sweetly asleep in his chest. She look innocent and charming kahit may mangilan ngilang buhok ang nakausli sa mukha nito. She has the sweetest smell and the softest hair. With him by her side eto na yata ang pinaka peaceful and magandang gising niya after how many days of not seeing her and ignoring his calls. For those days, he describes his days as chaotic. He was disturbed, never cross in his mind that this girl is a little bit of naughty. He even accused him of cheating. Natawa ang binata nang maalala ang hitsura ng dalaga, she's bursting with anger but she looks so cute. Sa isiping iyon ay di niya napigilang hinalikan ang ulo nito.
" Good morning!", halos nakapikit pa ang mata ni Arabella nang itaas ang mukha para tignan ang lalaking yakap yakap niya.
" Hindi ka ba nakatulog?", dagdag pa niya nang mamulatan niyang gising na ito.
"You're snoring too loud, how can I sleep?", nakangiting biro ni Tyron sa dalagang agad natutop ang bibig dahil sa kanyang sinabi.
" OMG, sorry! dapat ginising mo ako para lumipat ako sa kabila", nag-aalalang pahayag niya dito. Inisip niya, hindi na nga komportable ang binata sa kuarto niya tapos ay naghihilik pa siya.
" Just kidding! With you by my side, I have a good sleep sweetie", natatawang pahayag ng binata sabay pisil sa ilong nito. She's lovely kahit bagong gising.
"Talaga? hindi ka ba nasikipan sa higaan natin?",
" I have a good sleep sweetheart, I don't mind whether its big or small, okey?", pagcucut ni Tyron sa kanyang pag-aalala kung kayat hindi niya napigilang yakapin ito.
" Thank you! this is the happiest morning in my life", turan niya .
" Hmmmm",
"Kasi nakatulog ka sa maliit na kuarto at...yakap yakap kita paggising ko, I love you Mr. Tyron Alegre", she sweetly hissed and Tyron kiss her in the mouth. Nabigla naman ang dalaga ngunit agad agad niya namang tinugon ang mga iyon. They're kissing passionately when Tyron's mobile phone rang. Sabay pa nilang iminulat ang kanilang mga mata at nagkatitigan. Tyron tried to ignore his phone pero hindi yata titigil ang tumatawag hanggat hindi niya ito sasagutin. May pagkainis niyang binitiwan ang labi ng dalaga at kinuha ang cellphone na nakapatong sa side table.
" Matt! what's up bro?", dinig niyang turan nito. At dahil never siyang nakikinig sa usapan ng may usapan lalo na sa personal calls ng binata ay bumangon na si Arabella at nagtungo sa banyo. Pagbalik niya ay nakikipag usap pa rin si Tyron sa phone nito kung kayat sumenyas siyang lalabas para maghanda ng kanilang pagkain na sinagot naman iyon ng thumbs up.
" Sweetheart can you come at Hannah's?", si Tyron nang lumabas ito sa kuarto. Bagong ligo ito at humahalimuyak ang napakafresh nitong amoy na bagong ligo.
" Hannah's Resort?",
" Hmmmm",
" Sa Pagudpud yun, medyo malayo dito",
" Yeah, that's according to Matt. Can you come?"
" Hindi ba nakakahiya? baka lakad niyong magkaibigan yan", pahayag niya dito. As much as possible ay ayaw niyang mainvolved o makainteract ang sinuman sa mga kaibigan nito.
" No! it's about business", sagot ng binata at napatingin siya dito. Business? Ibig bang sabihin may balak magput-up ng business ang lalaki dito?
" The resort is for sale, gusto ko siyang tignan.", turan nito at tumango tango siya. Hannah's is the most luxurious beach resort in the north, bukod sa ipinagmamayabang na white sand sikat din ito sa kanyang amenities kung kayat hindi iyon nawawalan ng customer kahit ano mang panahon, tag-init man or tag-ulan.
"Sure, if you say so", pahayag niya kung kayat napatayo ang binata sa pagkakaupo at binigyan siya ng halik sa ulo.
" Thank you sweetheart, we'll have lunch at Hannah's. Don't forget to bring your swim wear", turan nito kasabay ng pagyakap sa kanya. Kasalukuyan siyang nagtitimpla ng kape kung kayat idinikit na lamang niya ang kanyang ulo sa pisngi nito.
" Ay naku, sorry sorry! ", mula sa pintuan ay halos mapaatras si Inah sa pagpasok sa kusina. May hawak itong mga gulay galing sa labas. Bigla namang humiwalay si Arabella mula sa pagakakadikit ng katawan niya kay Tyron nang marinig ang tinig ni Inah.
" My nagmomoment palang lovers in parish dito, pasensiya na", turan pa nito at sabay na tumawa naman ang dalawa.
" Haha halika na at magkape na tayo", saad niya sa hipag.
" Tapos na po, kanina pang alasais", sagot nito na inilagay sa bilao ang mga dala. Agad namang tumingin si Arabella sa may orasan na nakasabit sa dingding at natutop niya ang kanyang labi nang malamang pasado alas otso na nang umaga. Did she really slept that long?
"Iba talaga ang sarap ng tulog kung katabi ang sweetheart", panunudyo ni Inah sa dalawa. Napailing ang dalaga at tawang tawa din si Tyron sa sinambit nito habang humihigop ng kape.
Bago magtanghali ay umalis na sina Tyron, Arabella at Ronnie papunta sa Hannah's Resort, mga isang oras din kasi ang tatakbuhin ng sasakayan bago makarating dito. Sa tagal niyang hindi pumunta sa pinakanorte ng probinsiya ay nag enjoy siya sa napakagandang tanawin na kanilang daanan. Ang napakagandang bundok sa may kanan at ang napakagandang pagakakaukit ng dagat mula sa parteng kaliwa. Kahit si Tyron ay namamangha din sa ganda ng tanawin dito.
Pagkaraan ng isang oras sa daanan ay narating na rin nila ang Hannah's Resort, mula sa entrance nito namamangha na sa kagandahan ang kanyang mga kasama. Halos napuntahan na ni Tyron ang lahat ng magagandang beaches sa labas at loob ng bansa ngunit kakaiba din ang ganda ng Hannah's Resort. He was amazed by the scenic view nang pagpunta dito pero mas lalo siyang nainlove sa place nang marating nila ang kanilang pupuntahan.
Pagdating nila sa Resort ay agad sinalubong sila ng crew at dinala sila sa may resto kung saan naroon na sina Governor Matt at ilang mga kasama nito.
" You arrived just in time bro, kakain na tayo.", bungad ni Gov Matt sa binata ng makalapit sila sa long table na kinauupuan ng mga ito. Sa haba ng table parang may magaganap na salo salo.
" By the way, meet my friends here, Aedan Alejandro and Ezekiel Eduardo, guys my good friend Tyron Alegre", pagpapakilala ng gobernador sa mga kasama nito. Magiliw namang nakipagkamayan ang mga ito na sinabayan pa ng tapik sa braso.
" Nice to meet you bro, by the way this is my wife Arabella", di inaasahang turan ni Tyron sa mga kaharap at muntik pang masamid ang dalaga. Hindi siya makapaniwala na ipapakilala siya nito bilang asawa.
" Hello sirs!", halos di niya mahanap ang dila para batiin ang mga ito. Buti nalang nakaakbay ang binata sa kanya, kung hindi pa pinisil ni Tyron ang kanyang balikat ay hindi siya makakapagsalita.
" Drop the sir, just call me Ade, and this is my fiance Allie", pagpapakilala naman ni Aedan sa magandang babaing nasa tabi nito na nagpakawala ng isang tipid at matamis na ngiti. Sa pakiwari ni Arabella ay si Lucy Torres ito, matangkad, maputi, maganda at mahinhin. Sa isip niya ay magiging ulirang ina at mapagmahal na asawa si Allie.
" Just call me Kiel!", pahayag naman ni Ezekiel na nasa aura ang labis na kaseryosohan. Ang lalaki ang total description ng tall, dark and handsome. Ngunit mababanaag sa aura nito ang kaseryosohan. Ang ipinagtaka niya hindi man lang niya ipinakilala ang kasama nito. Sigurado naman si Arabellang hindi nito fiancee or girlfriend ang kasama, bukod kasi sa walang pakialam sa existence nito ay nakaslacks ang babae habang nakatuck-in ang walang manggas na blouse nito. She look nerd dahil sa suot nitong may kakapalang salamin. ngunit sa kanyang paningin ay may kakaibang ganda din ito tulad ni Allie.
" Hi!", saad ni Arabella dito, ngumiti ng pilit iyon at nagwave ng konti tanda ng pagbati sa kanya.
" Well, you may take your sits now at maya maya lamang ay kakain na tayo. Brent is still in his way kung kayat dina natin siya mahintay sa lunch", pahayag ni Gob. May isa pa pala silang kasama na paparating, kaya pala nasobrahan sa haba ang mesa na kinauupuan nila.
Dahil nagsisidatingan palang ang mga dishes ay nag-excuse muna siya na pupunta sa CR. Naiihi siya kanina pa at di na niya kayang maghintay pa ng ilang minuto. Pagtayo niya ay hinawakan ni Tyron ang kanyang kamay.
" I can manage, balik din ako agad", turan niya dito. Tinitigan siya ng binata na animo'y nag-obserba ngunit binitiwan din siya nito. Nginitian niya ang binata saka nagbigay ng bow sa mga kasama nila tanda ng kanyang pag-excuse. Dahil hindi naman siya familiar sa lugar ay nagtanong siya sa crew na nakasalubong niya palabas ng resto. Itinuro naman ng crew ang kinarorooanan ng CR na nasa labas lang din. Nagpasalamat siya sa crew at pagkatapos ay pinuntahan ang itinuro nito. Paglabas niya sa pintuan ay muntik siyang mabunggo nang kung sino. Halatang nagmamadali iyon at pati siyang makakasalubong ay hindi napansin.
" I'm so sorry miss, it's my fault I'm preoccupied", saad nito sa dalaga na hindi pa nakarecover sa kanyang sudden stop sa harap ng lalaki. Sobrang lapit nila at ilang gadangkal na lang talaga para tuluyang bumulusok sa isat isa.
" It's alright, I didn't notice you either", pahayag niya na napaatras nang konti dahil hindi siya komportable na sobrang lapit niya dito.
" I'm Brent!", saad nito saka iniabot ang mga kamay ngunit tiningnan lang siya ni Arabella at pagkatapos ay nagbow dito saka nagmamadaling umalis.
" Oh wait miss, hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo." ang lalaki na sumunod sa kanya, hinawakan pa nito ang kanyang braso kung kayat napatigil siya. Sa inakto nito ay napatingin siya sa kanyang braso na hawak nito.
" Sorry, I just want to know your name", ang lalaki na agad namang bumitaw sa pagkakahawak ng kanyang braso.
"I'm Ara!", maikli at unfriendly niyang pahayag. Hindi siya interesado sa kung sinong lalaki kung kayat gusto na niyang makalayas sa harap nito.
"Beautiful name", nakangiting pahayag ni Brent and she rolled her eyes. Cute ang lalaki, may dalawang dimple sa magkabilang pisngi na binagayan ng medyo mahabang buhok. Mukha siyang mabait ngunit nakikita niya sa aura nito ang pagiging palikero. Tumawa ang lalaki sa kanyang reaction na akala mo ay matagal na silang magkakilala.
"Nice meeting you Ara", nakangiting pahayag nito kasabay ng paglabas ng mga dimple nito. Iniabot niya ulit ang kamay ngunit agad ding ibinulsa nang maalala ang ginawi niyang pag-ignore sa kamay nito kanina.
"Hello Mr. Brent, can I go now?", seryosong pahayag niya. Tumawa ulit ang lalaki na animoy tuwang tuwa sa reaction niya.
"Of course! Just Brent please, nagmumukha akong matanda sa Mr. Brent", nakatawa nitong pahayag. Hindi man lang natinag ang dalaga sa pagpapacute nito bagkus ay seryosong tumingin dito.
"Okey fine, see you around pretty cake", saad nito sabay kindat sa dalaga. Hindi naman nagustuhan ng dalaga ang ginawa ng lalaki, pagsusungitan niya sana ito ngunit lumayo na ito sa kinatatayuan niya. Nasapo nalang din niya ang kanyang noo at naiiling na ipinagpatuloy ang pagpunta sa comfort room na kaninay naantala.
"Brent! you're here bro, akala ko malayo layo ka pa?", si Governor Matt nang mapagsino ang paparating. Ngiting ngiti iyon habang palinga linga sa paligid.
"I think so too, kumusta bro?', ang bagong dating na agad binigyan ng mahigpit na yakap ang kaibigan.
"I'm good bro, I'm so happy to see you here!", ang tuwang tuwang gobernador, ginulo pa nito ang buhok nito na parang nakababatang kapatid.
"Oh, by the way meet my brothers here coming from different mothers, this is Aedan Alejandro, the heir of La Todena Ltd and his fiancée Allie, Ezekiel Eduardo, the prince of Eduardo's Empire in Asia and her secretary Ana, this is Tyron Alegre, the famous CEO of A&A Multinational Company and our good friend Sophie, and of course my beautiful fiancée Jamie. Guys, this is Brent, the most playful yet computer genius and tycoon based in Singapore", isa isang pagpapakilala ni Matt sa mga kasama. Magiliw namang nagsipagbatian ang mga ito, nakipaghandsake at tapik sa mga lalaki at beso beso naman sa mga babae. It is really a perfect meet and greet, although ngayon lang nagkitakita they are all matched since they are all high profiled individual.
"Matt, is this resto exclusive for us?' si Brent sa gobernador habang palinga linga sa paligid.
"Yup! for the VIP area, why?", sagot ng gobernador. Malapit nang mapuno ang mesa ng orders nila and they about to eat.
"Oh ok, I just saw someone when I enter the resto, maybe she's in the other dining area", pahayag nito at namilog ang mata ni Matt. Brent is magnet for beautiful women, kikindat lang ang kanyang kaibigan ay didikit agad sa kanya ang mga ito. Even an instant nakakabingwit agad ang lalaki.
"Ngayon lang yata hindi umepekto ang agimat mo bro?", natatawang tukso ni Matt dito, kung kayat hindi naman napigilang pangiti ang mga kasama nito. Nagkibit si Brent at umiling tanda ng pagsang ayon sa sinabi ni Matt who burst into a loud laugh afterwards.
"Hahaha that's a big joke bro, what she looked like? did she meet your standards?" si Matt. Brent likes beautiful and sexy girls, yung tipong pang bay watch ang dating.
" She's like an angel!", pahayag nito kung kayat napawoow ang kaniyang mga kasama.
"Sa dami ng kasalanan mo bro, sigurado pinapasundo ka na ni Lord!", si Matt na sinabayan ng paghagalpak ng tawa. He can't believe his ears, ewan niya kung may jet lag lang ang kaibigan or nasansilmo sa may daanan. Napailing si Brent sa pangangantiyaw ng kaibigan at wala na lang din siyang nagawa kundi sumabay sa pagtawa ng mga ito.
The table is all set and Matt announces the start of their lunch when familiar looks enter into the VIP dining room. She's wearing all white above the knee sleeveless dress na lumilipad lipad sa kanyang katawan. She looks fragile, and soft. Her hair is in pony uncovering her flawless neck. She doesn't wear heavy make-up not even a single accessory to represent her feminine aura but just a simple red wristwatch in her hand. She is approaching the table with her meek smile. She is so beautiful, and he can't believe his eyes that she's in the room.
"Who says that angels live only in heaven?", wala sa sariling turan ni Brent kung kayat napalingon ang lahat sa kanya. Ngunit nakangiti siyang nagpangalumbaba at isinenyas sa mga kasama ang babaing paparating. Nang mapagsino nang lahat ay iba ibang reaction ang namutawi sa mga ito. May namilog ang mata, may nagtakip ng bibig, at may nagkakatinginan. Tumayo si Brent para salubungin ang babae ngunit naunang tumayo si Tyron Alegre to prepare a sit for his woman. He held her hand, and gently kiss her hair. And just before he let her sit ay humarap siya sa kinatatayuan ni Brent and introduce her wife.
"Bro this is my wife, Arabella!", Nakangising pahayag ni Tyron Alegre and he nearly gets unbalance. Brent didn't know how to respond, tinakpan niya ang kanyang mata habang napapangiting umiling. Nakakahiya, he eyed with someone's woman. Diyahe dahil asawa pa ito ng kanyang bagong kakilala it's so shameful. idagdag pa ang nakangising mga kasama ay gusto na niyang lumubog sa kinauupuan.
"It's okey bro, it happens to anyone", hindi maitago sa labi ni Matt ang pagkakangiti habang tinapiktapik ang balikat ng kaibigan. how could he not notice that she is married, ni wala nga siyang nakitang wedding ring sa mga daliri nito? Kaya pala hindi ito nagpakita ng interest sa kanya.
"Forgive me bro", napapailing niyang pahayag kay Tyron Alegre. How could he be so clumsy? paanong hindi niya nasense na marahil isa siya sa mga kasama nila? Nakangiti namang tumango tango iyon kasabay ng pag-akbay sa kanyang asawa.
" No worries, bro, it happens sometimes." turan ni Tyron at hindi rin siya makapaniwala sa sariling tumango. Today, he experiences the most embarrassing moment of his life, at the same time his hopeless romance.
"Well, let's eat bago pa lumamig ang ating mga pagkain", anunsiyo ni Matt at nagsipagsang-ayon naman ang lahat leaving his story as a ceremonial joke.
The food is sumptuous. Sea foods as its finest at hindi maiwasan ni Arabella ang matakam sa kabila ng uncomfortable feeling nang makita ang lalaking halos makabunggo sa kanya sa entrance. With his looks mukhang nabigla iyon when Tyron introduces her as his wife. Napahawak pa sa pagitan ng kanyang mga mata dahil sa kahihiyan. Hula niya nakapagbitaw ito ng tungkol sa kanya without knowing na asawa pala siya ng isa nitong pinagkukuwentuhan. It is really embarrassing in his part kayat kahit paano ay nakaramdam din siya ng kaunting pity dito. Binigyan na lamang niya ng isang ngiti at bow nang maghinang ang kanilang paningin hudyat na accepted ang pagpapasensiya nito.
Tyron put foods in her plate, he even asks kung anong gusto niya sa mga nakahain. Ang asawa na rin ang nagbalat ng crabs and shrimp's para sa kanya. Even putting juice and water in her glass ay ito rin ang gumawa na lihim niyang ikinamangha. For the very first time na inistima siya ng asawa sa pagkain, she was amazed pero inenjoy na lamang niya ang pagkakataon.
Pagkatapos ng tanghalian ay nag-anunsiyo si Matt na may mga rooms na nakareserve para sa kanilang lahat. He even announces na magkakaroon ng pool party pagkatapos ng kanilanng meeting. Which is hudyat para sa mga babae na iwanan ang mga lalaki for a closed-door meeting.
" You can go to our room and rest", turan ni Tyron sa kanya bago siya lumabas sa VIP dining kasama ang ibang mga babae.
"I'll just go and roam around", saad niya dito. Matagal na nga siyang hindi nakapunta sa lugar na ito at naexcite siya sa maraming mga pagbabago.
"Alright, but do not loiter much outside, baka makapagkamalan ka na namang angel ng iba", he teased and secretly glance at Brent's sit. Arabella just smile, she doesn't have any idea kung ano ang sinabi ni Brent tungkol sa kanya but hearing this from his man is really a music to her ear.
"I'll go then, see you later", pahayag niya dito kasabay ng pagbitbit ng bag niya na nakapatong sa table pero bago pa siya tumalikod ay hinawakan siya ni Tyron sa kamay.
"Do you think you can leave just like that?", saad nito na ikinapangunot niya, hindi niya kasi gets kung ano ang gustong ipahiwatig nito. Before he knew ay kinabig siya ng asawa palapit sa katawan nito and gave her a kiss. She blushed, thinking why Tyron act boldly this instant. Didn't this man think about his reputation? Diba nga at pinakaingat ingatan nitong malaman ng ibang tao that he is married?
"See you later sweetheart, I love you!", turan nito sa halip kung kayat halos tumigil ang kanyang mundo. Tama ba ang kanyang narinig? Did he say the word? She gets excited and teary eyed too, but to her dismay Tyron wink and her heart froze.
"Just go outside, you're not needed here!", mula sa pusong sawi ay dinig niyang pahayag ni Ezekiel Eduardo sa kanyang kasama. It is the coldest word he'd ever heard kung kayat di niya naiwasang lumingon sa kabila. Nakita niyang walang imik na tumango at nagbow ang kasama nito sa kanya. The man looks domineering, at sa kanyang palagay ay ang liit liit ng pagtingin nito sa kanyang secretary. The woman slowly walks away and couldn't even lift her head. Sinenyasan niya si Tyron na paalis na siya at tumango naman iyon kung kayat binilisan niya ang lakad para makasabay ang babaeng paalis.
"Hi!" saad niya nang makatabi niya itong maglakad. Lumingon iyon at binigyan siya ng isang ngiti.
"Hi!", sagot din nito na ipinagpatuloy ang paglalakad.
"May regla ba ang boss mo?" saad niya dito. Tumingin sa kanya ang kausap at napangiti ng mapakla.
"Nagmemenopouse yata, palaging wala sa mood", sagot naman nito na sinabayan ng may pagkainis na ngiti.
"Mabuti at napagtitiisan mo ang kanyang ugali?", saad niya dito. She's also employed pero hindi naman ganun kabrutal ang kanyang boss.
"Konting konti na lang lalasunin ko na talaga yon", gigil na gigil na pahayag ng kausap at di niya naiwasang mapatawa ng malakas. What a spirit, legit talaga kapag nanggigil ang mga emplayado sa kanilang mga boss, kung pwede talaga lasunin ng bongga.
"I'm Ara", turan niya sa kausap ng tumigil siya sa katatawa.
"Ana", maikling pahayag nito na iniabot ang mga kamay ngunit sa halip ay binigyan niya ito ng beso beso. She likes Ana, mukhang pareho silang lihim na nanggigigil kapag sobrang mainis. Nagkwentuhan sila ni Ana habang nagroroam around, nalaman niyang wala pa siyang isang buwan na nagtatrabaho sa kanyang boss. Kung hindi lang daw dahil sa kanyang mga kapatid talagang hindi niya pagtitiisan ang kaweirduhan ng kanyang boss. Malaki daw kasi ang offer sa pagiging secteratry ni Ezekiel Eduardo pero hindi niya alam na babawiin daw nito sa labis na kasungitan. Pagdating nila sa store ng resort ay tumingin tingin sila ng mga souvenir maging ang mga bathing suit na mga naroon. Pinagkatuwaan pa nila pareho ang mga matitingkad na kulay ng mga ito maging ang mga designs ng iba.
"May pool party daw mamaya, are you going?" tanong niya dito.
"Nope! hindi matutuwa ang aking boss kapag nagpakita ako ng hindi office hours sa kanya." turan ni Ana.
"At ano naman aber? it's beyond office hours kaya wala siyang pakialam sa kung saan ka naroon?" saad niya.
"Alam mo kasi hindi ako dumaan sa tamang proseso, nirecomenda ako ng aking ninong at hindi siya pwedeng maghinde, kayat sa ayaw niya saakin at hinde wala siyang choice na kunin akong secretary kaya para siyang kinakati sa inis saakin", pakenkoy na paliwanag ni Ana at tumawa siya dito.
"Haist! grabe naman! eh di huwag mo siyang lapitan, basta pupunta ka akong bahala saiyo", pahayag niya dito. Maano ba eh hindi naman siya lalapit dito, tsaka anong gagawin niya sa resort, magmukmok?
"Hindi na, ayoko rin makita ang pagmumukha noon, akala mo naman sobrang gwapo", ngawngaw ni Ana.
"Hindi. Akong kasama mo okey?",
"Wala din akong dalang panligo", pahayag ni Ana sa pamimilit niya.
"No problem, andito tayo sa store pili kana, anong gusto mo? yang orange or yung yellow green?" turan niya at napahagalpak iyon ng tawa.
"yung yellow green para mas lalong mainis saakin ang boss ko", natatawang pahayag ni Ana na sinang ayunan naman niya ng tawa.
"Kidding aside, pili kana akong bahala, I'll pay for it",
"Naku! nakakahiya naman saiyo, huwag na lang",
"Sige na, consider it as a friendship token."
"Wow! sige, sige. Pero wala akong maisip na token saiyo ha?"
"No worries, basta kasama ka sa pool party." pahayag niya at excited namang tumango tango iyon.
Arabella and Ana enjoyed roaming around the Resort, pumunta pa sila sa tabing dagat para maglakad sa white sand. They have fun together as if they know each other for the long time. Masaya silang bumalik sa Kings Villa kung saan naroon ang mga VIP rooms. Ang Kings Villa ang pinakamagandang spot sa buong Hannah's Resort. Mula dito ay overlooking ang kabuuan ng resort at kitang kita ang napakagandang white sand sa tabi ng dagat. Sa queens house ang reservation para sa kanila ni Tyron, at sa tabi nito ay ang prince house na kung saan nakastay naman sina Ana at boss nito.
" See you in the pool", turan niya kay Ana bago sila pumasok sa kani kanilang mga houses. Tumango naman iyon kasabay ng pagtumbs-up dito.
Naligo lang din si Arabella nang makapasok sa napakagandang kuarto ng queen's house. Bukod sa napakagandang tanawin sa may bintana ay naaamazed sa sobrang ganda ng palamuti. Very cozy and spacious ang room, meron din sala set na kung saan nakaharap sa napakagandang nature. Paglabas niya sa banyo ay binuksan ang kanyang maliit na traveling bag at inilabas ang dinalang swim wear. Two-piece iyon na pure white ngunit hindi siya gaano karevealing but shaped perfectly to her curved. Dahil may pagkaconsevative ay pinatungan niya ito ng white citro dress na may nakaprint na maliliit na flowers. Oo nga at nasa beach sila, ngunit hindi naman kakayanin ng kanyang confidence ang maglakad lakad sa labas na nakabikini lang. Tsaka bihira siyang maligo sa pool o sa dagat kung kayat naasiwa pa siyang gumagamit ng mga damit panligo. Itinali niya ang nooy kakablower na buhok kung kayat naexposed ang napakakinis niyang leeg. Nagpahid din siya ng moisturizing lotion sa katawan upang hindi madadry ang kayang skin kapag nakakababad sa tubig na may chlorine. Nagpahid lang din siya ng kaunting lipgloss sa bibig at pagkatpos ay lumabas sa kuarto. Sakto namang palabas si Ana sa prince house kung kayat masayang kinawayan niya ito.
"Hindi ka ba maliligo?", agad niyang tanong dito nang makitang hindi pa nakabihis panligo. Nakasleeveless na kulay blue ito na tinernuhan ng puting shorts. She looks chick and pretty.
"Doon nalang ako magpapalit mamaya, kakahiyang maglamierda sa labas na naka two piece", sagot nito. Nakangiti siyang tumango dito dahil parehas pala sila ng iniisip. Nakangiti nilang tinungo ang pool, hindi naman masyadong malayo ang kinaroroonan nito dahil nakalocate ito sa gitna ng Kings Villa. Mula sa kinaroroonan nila ay tanaw na nila ang mga kasama nila sa pool. The boys with their swimming attires and beers in their hands plus ung mga kasama nilang girls na naka two piece na halos konting part na lamang ng kanilang private parts ang natakpan. Nagkatinginan pa sila ni Anna sabay tingin sa kanilang mga get-up. Ngunit kapwa ring nagkatawanan at nagkibit tsaka itinuloy ang paglapit sa mga ito. Hinanap nang kanyang mata ang kinaroroonan ni Tyron, nasa may kubo pala ito kausap si Gob Matt ngunit nakahilig sa may balikat nito ang halos hubad na katawan ni Sophie. Nakatawa si Tyron at sa palagay niya ay nag-eenjoy ito. At bakit hindi, ang ganda ganda ni Sophie at napakasexy ng katawan ni walang kahit na anumang bakat ng taba, idagdag mo pa ang nagmumurang dibdib. Gusto niya sanang umatras at bumalik na lamang sa kanilang kuarto ngunit pagharap niya sa likuran ay naroon si Ezekiel na sobra sobra ang kaseryosohan.
"Weren't you go to the pool?", pahayag nito sa kanya, kasabay nang pagkunoot noo nang sulyapan ang kasama.
"We will, may nakalimutan lang ako sa kuarto", pahayag niya dito. "She's with me, don't scold her", straight niyang saad sa lalaki. Tiningnan siya ng mariin ni Ezekiel bago tinignan ng matalim ang nooy nakayukong si Anna.
"Why should I scold her? her whereabouts after her work has nothing to do with me", pasupladong pahayag ng lalaki. Totoo nga ang sinabi ni Anna may attitude din talaga ang taong ito.
"We are so glad to hear that Mr. Eduardo, this way please...off to the pool", saad niya sa supladong lalaki na iginaya pa ang mga kamay para bigyan ng daan ito. Nagpatianod naman si Ezekiel at walang lingong likod na lumayo sa kinaroroonan nila ni Anna. Pagkatalikod ng lalaki ay nag-aapear ng walang sound ang dalawa dahil feeling nila ay hindi umepekto ang pasusuplado nito.
"Salamat sa pagtatanggol mo saakin ha?", saad ni Anna pagkatapos. Nginitian niya ang kasama at pinisil ang pisngi nito.
"He doesn't deserve your silence", pahayag niya dito at ngumiti si Anna ng mapakla.
"Eh ikaw, what's your move?" turan ni Anna sa kanya. Tiningnan niya ito ng mariin ngunit inginuso niya ang mga tao sa pool kung kayat di niya napigilang huminga ng malalim.
" Sa dagat nalang tayo maligo, mas maganda pa", saad niya dito na iniangat na ang mga paa para umalis.
"Ay, huwag ganon mare, ang lagay ba eh basta ka nalang magpapatalo ng ganon?", turan ni Anna. Ikinilingan niya ito ng ulo ngunit hinila siya nito papunta sa malapit na comfort room.
"Hubad!", turan nito pagkasara ng pinto at di makapaniwala si arabella dito.
"Ano bang iniisip mo?", turan niya dito.
"Sabing hubad eh", si Anna na hinawakan ang kanyang citro dress.
"Wait! bakit ba?",
"Eh di lumaban ka nang patas", si Anna at napailing si Arabella dito.
"Haist, ano ka ba! hindi ko keri yung ganon!",
"Keri mo yan, kineri mo nga si Ezekiel Eduardo, tatangggalin mo lang naman yang saya mo", turan ulit ni Anna.
"Anna, hindi ko keri!",
"Arabella, keri mo yan. Ang flawless kaya ng kutis mo. Kung hindi keri sa laki ng dibdib, daanin mo na lang sa pakinisan", si Anna kung kayat di nya napigilang humagalpak ng tawa. Hindi naman maliit ang kanyang hinaharap pero hindi rin sobrang laki kundi sakto lang. Pero sa pagkakasabi ng kaibigan ay sobrang tawang tawa si Arabella dito.