Chereads / My Husband's Revenge / Chapter 17 - Chapter 17

Chapter 17 - Chapter 17

Pagkapasok ni Arabella sa loob ng bahay mula sa garden ay tumigil siya malapit sa pintuan. Binitiwan ang kanina'y ipit na ipit na paghinga at pagkatapos ay lumanghap ng napakaraming hangin. Sobra siyang narattle sa pag uusap nila ni Mr. Alegre na nakapagpahina sa kanya. Idagdag mo pa ang mapanuring mga mata ni Tyron Alegre nang maramdaman ang pawisan nitong mga kamay. Of course ayaw niyang mag alala ang binata lalo ang magpakita ito ng concern sa harap ng kanyang ama. She love it, pero hindi masisiyahan ang matandang Alegre dito. He doesn't like her existence lalo sa namumuong mutual understanding nila ng kanyang anak, yan ay kung meron nga. Aware naman siya kung sino ang nasa puso ng binata kahit nagpapakita ito ng sweetness sa kanya. Mahal niya si Tyron Alegre and what make her happy nowadays ay hindi na ito galit sa kanya. Its kinda one sided love but she is contented and happy. Whatever they have for this days will surely she can cherished for the rest of her life.

" Iha, andiyan ka pala? Hay! tumawag ang bestfriend mo, napatagal ang aming usapan. Naiserved na ba sa garden ang ating refreshment?", mula sa pinakamain living room ay bumungad si Ginang Alegre.

Agad namang hinanap ng dalaga ang kanyang composure mula sa malalim na pag-iisip at masaya ang mukhang hinarap niya ito.

" Hindi pa naman tita, pero ako nalang po ang titingin", saad niyang nakangiti at pumayag naman ang matanda.

" O siya sige iha at mauuna ako doon sa garden", si Ginang Alegre habang ginagaya na rin nitong palabas sa kabahayan. Nagthumbs up siya dito at nakisabay na rin siyang umalis sa kinalalagyan para tumungo sa kusina.

" Ang ganda ganda na ni Arabella ano? at mukhang nainlove na si sir Tyron sa kanya, ang higpit higpit ng hawak ni sir sa kanya. Haay, nakikilig ako!",

"Ang sabihin mo may ginawa siyang magic kay sir Tyron.",

" Halla? huwag naman, maganda naman talaga si Arabella ang simple simple nga lang niya noon. Nagtatrabaho na siya, balita ko kung saan saang bansa siya nakakarating ngayon kaya ganyan na siya kaganda ngayon",

" Maniwala ka diyan! Ayaw na ayaw ngang makita ni sir Tyron ang pagmumukha niya. Sukang suka si sir Tyron sa kanya alam mo ba yun? Kaya sigurado ako kinulam niya si sir Tyron para magkagusto ito sa kanya. Taga probinsiya yan kaya maraming alam yan sa kulam at gayuma.",

"Naku hindi naman siguro. Maganda si Arabella at mabait pa kaya hindi malayong mangyari na magugustuhan siya ni sir Tyron."

" Alam mo bang napakaganda at sobrang sexy ng girlfriend ni sir? Super model sa america yun, patay na patay si sir Tyron doon kaya malabong mangyaring magkakagusto si sir sa iba lalo na kay Arabella kaya sigurado ako may kababalaghang ginawa yun kay sir".

Hindi pa man nakakalapit sa may pintuan ng kusina si Arabella ay dinig na dinig niya ang pag uusap ng mga kasambahay na naroon sa kusina. Ayaw niya sanang makinig sa usapan ng may usapan ngunit marinig niya ang kanyang pangalan kung kayat napahinto siya malapit sa may pinto at pinakinggan kung tungkol saan ang narinig niyang pagbangit sa kanyang pangalan. Through out the conversation ay hindi alam ni Arabella kung matatawa siya o mapipikon. Imagine inaakusahan siyang mangkukulam? She wanted to burst in laughters kaso kinompare sila ng supermodel na girlfriend ni Tyron. Alam naman niyang wala siyang panama sa mga supermodels, lalong lalo sa pagmamahal ni Tyron pero huwag namang ganong paulit ulit niyang marinig. Piniga na ni Mr. Alegre ang puso niya sa garden kanina pati ba naman ang mga tao sa kusina? Ano ito double kill?

" Kaya ikaw huwag kang lumalapit lapit sa ambisyosang yan, baka sa susunod ikaw naman ang makulam!"

"Ehem! ehem! napakainteresting namang ng topic niyo mga sis, gustong gusto ko yan, isama niyo naman ako sa usapan", patay malisya niyang pahayag mula sa may pintuan. Halos mapatalon ang dalawa sa bigla niyang pag entra, namutla pang bigla ang dalawa na animoy nakakita ng multo.

" Alam niyo marami akong alam na mga ganyan, nag-aral ako sa Hogwarts, yung school of witchcraft and wizardy alam niyo yun? Lumilipad pa nga kami sakay ng walis tingting at saka gumagawa din kami ng mga potion. Gusto niyo turuan ko kayo kung paano gumawa ng gayuma?", ang dalagang parang totoo nag mga pinagsasasabi habang lumalaki ang mga mata ng mga kaharap.

" Ganito para magustuhan kayo ng sir niyo eto ang gawin niyo. Una kumuha kayo ng palanggana, pagkatapos maglagay kayo ng napakaraming respeto sa sarili, mga limang kilo ganon. Tapos isabay niyo na rin ang huwag mangingialam sa buhay ng may buhay, mga 4 kilos. Pangatlo, magdasal kayo palagi, hingin niyo sa Diyos ang kapatawaran sa mga kasalanan niyo, mga apat at kalahating kilo. Pang-apat, kontian niyo lang ang amplaya niyo, masyado kayong bitter, mga konting patak lang pwede. Panglima haluin niyo ng haluin hanggang magblend lahat ng sangkap. Pagkatapos higupin niyo, after 1 minute magugustuhan na kayo ng sir niyo dahil magiging ok na po ang ugali niyo." ang dalaga pagkatapos ay nginitian ang mga ito.

" Sorry ma'am, patawad po", halos di marinig na turan ng isa habang nakayuko.

" Its ok, wala akong narinig. Pakidala na lamang ang napakasarap na ginawa ninyong juice sa garden. Maraming salamat!", saad ng dalaga pagkatapos ay nagmarcha na siya palabas sa may pintuan.

" Ah nakalimutan ko, wag na wag kayong iinom ng malamig na tubig mamaya ha? baka mapasma yung mga bibig niyo kasalanan ko na naman kung lalaki ang mga iyan", sarkastikong pahayag ng bago tuluyang lumayo sa kinaroroonan ng mga ito.

Gusto niyang pagtawanan ang sarili dahil sa naging patola siya sa mga ito, but sometimes she needs to give a dose of their own medicine after all she gave so much respect to them noong dito pa siya nakatira. They may call it as her revenge but its actually like that. Shame on them for dregrading and judging her maliciously. They do not know her own story.

Paglabas niya sa kusina ay siyang pagpasok naman ni Tyron mula sa living room, agad nagliwanag ang mukha nito nang makita siya.

" There you are, I'm looking for you!",

" Galing ako sa kusina, nakipagkwentuhan saglit. Bakit? aalis na tayo?",

" I'm just checking if you're ok", ang binata habang palapit sa kanya.

Again, naging abnormal na naman ang pag eratiko ng kanyang puso. Tyron is so handsome at hindi niya mapigilan ang sariling mahead over heels dito.

" Uhmm...i'm alright! Ano ka ba? hindi naman ako mawawala dito sa bahay niyo, nag abala ka pa", pabirong saad niya ngunit agad siyang niyakap ng binata. Lumaki tuloy ang mata niya sa kabiglaan.

" You're tense a while ago, I know my father scare you to death.", saad nito habang nakakulong siya sa mga bisig nito.

Sa bango ng binata parang ayaw na niyang makawala pa sa pagkakayakap nito. Pero sa isiping nasa gitna sila ng napakalawak na sala and any moment ay maraming makakakita sa kanila ay pasimple siyang magtangkang lumayo.

" I'm ok na", pasimpleng saad niya ngunit mas lalo siyang nawindang nang hawakan nito ang kanyang mukha at hinalikan siya sa labi.

Agad tumaas ang mga dugo sa kanyang mukha at napangiti ang binata sa kanyang pamumula.

" Your blushing, i wonder what's in your mind again?", panunudyo nito kung kayat di niya napigilang bigwasan ito sa kanyang braso. Tumawa iyon ng malakas bago hinagilap ang kanyang mga kamay at bumulong. Agad namang nanlaki ang kanyang mata sa kapilyuhan ng binata kung kayat pinagkukurot niya ito sa may tagiliran. Napakalakas naman ang pagtawang ginaw ni Tyron lalo at hinabol habol pa niya ito upang makurot niya ng makurot dahil sa kalandian. Napatigil lang sila sa paghaharutan ng isa isang magsilatawan ang mga tao sa kinaroroonan nila. Agad namang tumigil ang dalaga habang hiyang hiya niyang binitiwan ang binata.

" We're playing hide and seek, wanna join?", pabirong saad ng binata sa mga ito. Napatawa ang mga iyon habang agad ding nagsilayas ng isa isa sa kanilang kinaroroonan.

" Ikaw kasi para kang bata", nakatawang paninisi niya sa binata pero tumawa lang iyon habang hinila siya palapit sa katawan nito at niyakap.

" I miss you!", narinig niyang sambit ni Tyron. Hindi iyon malakas ngunit rumehistro ito sa kanyang puso at isip. Sa katuwaan ay ginantihan niya ang pagyakap nito at nakangiting tiningala niya ito.

" What's that smile for?", nakangiting biro nito sa kanya, pero mas lalo niyang nginitian ang binata sabay dampi sa labi nito. Sa kasiyahan ay hindi na namalayan ni Arabella na siya na ang humalik sa binata. Medyo nagulat si Tyron sa kanyang ginawa ngunit mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawang pagtugon sa halik nito.

" Holly Christ! Get a room?!", narinig nilang bulalas ni Ginang Alegre sa may pinto. Bigla na namang naghiwalay ang kanilang ngunit wala yatang balak si Tyron na bitiwan siya mula sa pagkakayakap sa kanya. Sa kahihiyan ay ibinuro ni Arabella ang mukha sa dibdib ng binata.

" You are so loud mother, parang ngayon lang kayo nakakita ng naghalikan", may gana pang biro ni Tyron sa kanyang ina kung kayat di niya napigilang kurutin ito kung kayat biglang napatawa iyon.

" Haist! kayo talagang mga bata kayo...infairness that's the sweetest thing i've seen this days", nakangiting pahayag nang ina kung kayat kapwa nakangiti ang dalawa habang tumingin sa isa't isa.

" Go to your room, dito na kayo magdinner at matulog paparating yata ang malakas na ulan.", pag iinform ng ginang.

" Oh i'll love that mom, i miss home!",

" Kayo naman kasi hindi kayo umuuwi dito, i miss you all here. Sana andito ang kapatid niyo",

"Mag aasawa na daw doon", buska niya sa ina napasimangot iyon.

" Ipakita niya muna dito, kilalanin ko muna kung sino man siyang ponchio pilato", saad nang ina at napatawa ang binata dito.

" Hey mom! your baby is a grown up woman now, at saka knowing Alex hindi iyon nakikipagrelasyon ng kung sino sino lang.",

" Dapat lang, haharangan ko ng sibat ang sinumang magtangka",

" Ouch! why are you like that to my sister? its unfair...samantalang ako kulang na lang ipinamigay niyo", kunway maktol niya sa ina.

"Haist! magtigil ka Tyron Jade! your a man, you can endure whatever challenges that come in your way samantalang ang kapatid mo shes too fragile, isa pa you got a wife which im very sure will support and love you with all her life.", mahabang linya nu Ginang Alegre sa anak.

Nakaka tuwang panoorin at dinggin ang conversation ng mag ina pero parang di niya maigalaw ang sarili ng banggitin ng ginang ang tungkol sa asawa ng anak. First time niya ang ganitong usapan at natatakot siya sa magiging reaction ng binata. They started in peril and up to this days ay hindi sigurado ang kanyang puso at isip kung totoo ang ipinapakita ni Tyron sa kanya nowadays.

" Woow! thanks to my traditional parents, i got the most beautiful wife in my side", narinig niyang saad ng binata at di niya napigilan ang sariling tumingala dito.

Tyron got her eyes dahil nakatutok na pala ang mata nito sa kanya bago siya tumingin dito. Expressionless ang mukha ng binata ngunit di rin niya mabasa kung ano ang naroroon sa mga mata nito. Nag iispark kaya ito or may lihim na galit na itinatago?

" Parents knows best iho, you will thank us later",

" Arrgh! that famous line",

" Wait till you become one Tyron Jade...uhmmm cge umakyat muna kayo sa kuarto mo at magpahinga, titignan ko kung anong menu mamaya. What do you wat for dinner anyway?",

" Anything can do mom,"

" Ok, siya sige magpahinga muna kayo sa taas at bibilinan ko si Rosie", ang Ginang at nagmarcha na ito patungo sa kusina.

Hinintay pa nilang makapasok sa pintuan ng kusina ang ina bago magkasabay na tumingin sa isat isa ang dalawa. Arabella felt the awkwardness lalo at wala man lang siyang narinig mula dito. Even the spark and sweetness na kanina lang na pinagsaluhan nila ng binata ay parang apoy na namatay bigla dahil sa nabuhos na tubig. Nauntog kaya ang binata sa katotohanan at bigla itong nagising?

" Lets go upstairs", maikling pahayag ng binata tsaka walang lingong likod na nagpatiunang tinungo ang may hagdanan.

Napalunok naman ang dalaga sa ipinakitang kalamigan ng binata. Parang hindi na siya sanay na ganito na ulit ang pagtrato nit aho sa kanya. Tuloy parang gusto na niyang lumabas sa bahay kesa sundan ito sa taas.

" Hindi ka aakyat?", halos magulantang si Arabella nang biglang marinig ang boses ni Tyron na noon nakakalahati sa may hagdanan.

" Uhmmm I'm coming, just go ahead", tarantang pahayag niya ngunit nakatiningin ito sa kanya at hindi na umalis pa hanggat hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan at makarating sa tabi nito sa may hagdan.

Paglapit niya dito ay siyang pagpatuloy nito sa pag-akyat at di na siya nito nilingon hanggang makarating sa taas at tunguhin ang kanyang kuarto. Nagtake back ang isip ng dalaga, tutuloy ba siya or aatras nalang pababa. Parang pinaghaharian na naman siya ng pag aalinlangan at takot. Nasa state na ba ulit sila ng binata na allergy nito ang kanyang presensiya? Pagtuntung niya sa taas ay talagang kinabahan siya ng sobra. Ayaw niyang masira ang araw ng binata and it hurt so much for her na malamig na ulit ang pakikitungo nito sa kanya. Sa halip ay sa nakabukas na pintuan ng silid ni Alex siya pumasok. She was here many times at feeling niya winewelcome din siya ng silid ng matalik na kaibigan. Tumambad pa sa kanyang paningin ang nakapatong sa bedside table na picture nilang dalawa ni Alex. Pareho silang nakangiti habang si alex ay nakapangalumbaba sa kanyang balikat, it was taken during one of their outreach program somewhere in Payatas. She misses Alex ang pagiging makulit nito ngunit sobrang caring sa kanya, they are like sisters pati damit ay gusto nito pareho pa sila hindi man ng kulay pero sa mga designs. Magugulat na lamang siya na may bitbit ito para sa kanya lalo at may mga lakad sila.

Without a doubt Arabella jump to Alex soft bed, ito palagi niya ginagawa kapag dumadating sila ng kaibigan mula sa ilang oras na biyahe. It felts like home sweet home. Kinuha niya ang malambot na unan at niyakap pa niya ng mahigpit

Pagpasok ni Tyron sa kuarto ay agad siyang nagtanggal ng damit at pumasok sa banyo. Para siyang naiinitan na hindi niya maintindihan. Naiinis din siya sa kanyang sarili dahil sa biglang inasal niya. He doesn't like the idea na pinapakialaman ng kanilang mga magulang ang kanilang mga desisyon lalo na sa pagpili ng taong makakasama sa buhay. Although tanggap na niya ang mga pangyayari and get used to it ay uminit parin ang kanyang ulo. Anong magagawa niya, tao lang naman siya and there are times na hindi niya controlado ang sarili. Subalit gusto niyang pagsusuntukin ang sarili nang maalala ang pagkabigla sa mukha ni Arabella. Although shes trying to feel alright, alam niya sa kanyang sarili na naooffend niya ito because of his insensitivity.

Pagkatapos niya sa shower ay agad siyang nagtapis ng tuwalya sa katawan. Nasaktan niya ang dalaga and he should do something to make her feel better.

Paglabas niya sa banyo ay agad hinanap ang dalaga, wala ito sa kanyang kama maging sa sofa or sa kung saang sulok ng kanyang silid. Napakunot noo siya dahil nakasunod lang ito sa kanya sa hagdan bakit hindi niya ito mahagilap sa kanyang kuwarto? Napabuntong hininga na lamang siya saka pinagpatuloy ang pagbibihis. Mas ninais siguro nitong bumaba at makipagkwentuhan sa ina kesa magkulong sa kuarto na masama ang loob kasama siya.

Kasabay ng malakas na kulog ay magkakasunod na katok mula sa pinto ang nakaagaw sa pansin ni Tyron mula sa pagbabasa ng mga emails sa kanyang iphone. Mga reports iyon ng mga ibat ibang department sa A&A at iba pa galing sa iba ibang industries na kung saan conektado ang kanilang pamilya.

" Yes?", ang binata patamad ngunit tumayo ito upang tignan kung sino ang kumakatok sa labas.

" Ready na po ang dinner sir, ipinapatawag na po kayo ni mam",

" Oh alright! Thank you, I'm coming", tugon niya dito.

" By the way, have you seen Arabella?", pahabol niyang tanong dito.

" Hindi po sir",

" Wala ba sa baba?",

" Wala naman sir, si mam at sir lang po ang naroon".

" Ok, thank you!", saad niya saka tinanguan ang katulong ng magpaalam na ito papunta sa baba. Napahawak pa ang binata sa kanyang noo habang nasa isip ang dalaga.

Mula sa pagkakatayo sa may pintuan ng kanyang silid ay agad siyang napalingon ng bumukas ang kuarto ng kapatid at iluwa ang hinahanap. Halatang bagong ligo ito dahil basa ang buhok habang amoy hanggang sa kanyang kinatatayuan ang scent ng sabon na ginamit. Wala man mang nakalagay na ano mang make up sa mukha but still looks fresh and beautiful. Halatang napatigil ito ng makita siya sa kanyang kinatatayuan. Their eyes met, pero ito rin ang unang nagbaba ng tingin.

" Dinner is ready", ang binata.

" Yah, its 6:00 o'clock. See you in the komedor", pormal niyang pahayag saka tinungo ang may hagdanan pababa.

" I'm sorry!", ang binatang agad nasa tabi niya habang sinasabayan siya sa pagbaba.

" No worries, i understand!", pakibit balikat na pahayag ng dalaga na hindi man lang lumingon dito.

Tyron grab her hand, she feels petrified pero hindi siya nagpahalata.

" I respect your agony, pls do respect my silence.", pahayag niya sa binatang nakahawak sa kanyang kamay.

Tinitigan siya ng mariin ng binata pagkatapos ay tumango tango habang tahimk na bumitaw sa kanyang kamay pagkatapos ay nagpatiunang naglakad papunta sa komedor.

" All set in, take your sit na at kakain na tayo", masayang pahayag ni Ginang Alegre nang mabunguran nila ang mga ito sa komedor.

Nakaupo na ang mga ito sa hapag at mukhang sila na nga lang ang hinihintay.

Tahimik namang hinilaan siya ni Tyron ng upuan at sumenyas sa kanya upang maupo.

Without a word ay tumalima naman ang dalaga at isang pormal na ngiti ang binitiwan niya dito.

They eat in silence, ni hindi sila lumingon sa isa't isa kung kayat hindi iyon nakaligtas sa nag-oobserbang matatanda.

" Did you have disagreements?", hindi nakatiis na saad ni Ginang Alegre nang patapos na ang kanilang pagkain at hindi nagpapansinan ang dalawa. Napatigil naman sa pagnguya ang dalaga at lihim na tumingin sa katabing binata na parang hindi narinig ang ina.

" I'm done! l'm going marami pa akong babasahing reports", sa halip ay agad itong tumayo. Hinalikan ang ina saka tuluyan nang lumabas sa komedor.

Napailing na lamang si Ginang Alegre sa ginawi ng anak bago bumaling ito sa dalaga.

" Pag-usapan niyong dalawa, huwag kayong matutulog na may sama kayo ng loob sa isat isa", saad ni Ginang Alegre at tumango tango na lamang si Arabella.

Sa totoo lang hindi naman niya alam ang sasabihin o di kaya nahihiya siyang magsabi sa kung ano ang rason kung bakit hindi sila nagpansinan ng anak nito. Kilala naman nito ang kanilang anak kung kayat ito din ang humingi ng dispensa sa mga katigasan ng ulo nito.

Pagkatapos ng dinner at konting kwentuhan nila ni Ginang Alegre ay umakyat na rin siya sa taas. Sa silid sana ni Alex didirecho ngunit naala niya ang sinabi ng Ginang kung kayat pasimple niyang pinihit ang kuarto ng binata. Nakabukas naman iyon kaya dahan dahan niya iyong binuksan at tahimik na pumasok. Nakita naman niya agad ang binatang nakaupo sa may sofa at busy sa kanyang laptop. Maingat ang mga paang lumapit sa kinaroroonan ito at kung hindi pa siya tumikhim ay hindi pa nag-angat ng mukha ang binata.

" I just want to apologize about my action a while ago", halos nag iistamer niyang pahayag. Nakatitig sa kanya ng mariin ang binata at hindi niya alam kung ano ang iniisip nito.

" I was gathering my senses and spirit back...i mean, everytime you feel upset about your situation i feel so guilty and i can stop blaming myself and hating it in silence. ", sa sobrang kaba ng dalaga hindi niya mawari kung nagtutugma ang kanyang mga sinasabi.

" Hey! what are you talking about? Come here!", ang binatang ewan ng dalaga kung nakangiti o naamuse sa kanyang sinabi.

Tyron is in a serious mood ngunit nababanaag sa mga mata nito ang pagkakangiti. Agad nitong kinuha ang kaniyang kamay paglapit niya saka inalalayang umupo sa kanyang tabi.

" Its not you! Im upset but its not about you", ang binatang hinawakan ang kanyang baba para magkasalubong ang kanilang mga mata. That hazel brown eyes na animoy parang gustong gusto siyang lapain kapag nagagalit ay parang nangungusap dahil sa kakalmahan at this very moment.

" I felt it that way, everytime your not in the mood, you are not happy and if you are angry", saad nang dalaga sabay bawi sa kanilang magkahinag na mata.

Narinig niyang nagpalatang ng mahinang tawa ang binata kung kayat mas lalo siyang yumuko.

" Look at me!", maya maya ay utos nito kung kayat parang masunuring tupa ang dalagang tumingin sa mukha nito.

" I'll never felt unhappy with your presence", ang binata. Agad lumaki ang mata ng dalaga sa narinig kasabay ng pagsigla ng mga ito mula sa napagdaanang frustration. Sa tuwa ay hindi pala, sa kilig ay hindi niya naitago ang pagkakangiti. Sa ginawi niya ay hinila siya ni Tyron palapit sa kanyang katawan at niyakap siya nito kasabay ng paghalik sa kanyang ulo.

" Hindi ka talaga galit saakin?", pagsusure ng dalagang tumingala dito habang nakakulong parin sa mga bisig nito.

"Nope!" umiling pa ang binata kaya mas lalong lumawak ang kanyang pagakakangiti.

" i love you, Tyron Alegre!" sa kasiyahan ay di niya namalayang lumabas ito sa kanang bibig.

Ngumiti naman ng napakalawak ang binata bago hinagilap ang kanyang bibig at ginawaran siya ng nakakapanghinang halik.

" i love you too, Mrs. Alegre!", narining niyang pahayag ng binata bago siya halikan ulit ng napakalalim.