Chereads / My Husband's Revenge / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

Pagkapasok ni Alex sa boarding area ay halos nakaguhit sa mukha nilang dalawa ang kalungkutan lalo na kay Arabella, namiss niya agad ang matalik na kaibigan. Maluhaluha pa siya habang pinagmamasdan niyang palayo ito sa kanilang kinatatayuan.

" Don't be sad, she will be home unexpectedly", si Tyron dahil sa halos pag iyak niya. Tinignan ang binata at sinagot niya ito ng kiming ngiti habang tumango dito.

" Can I drop you to the suite now? Samantha will going back to US this afternoon, I need to see her", si Tyron kasabay ng pagtingin nito sa kanyang orasan. Halatang may hinahabol na oras kung kayat bigla siyang tumanggi na magpahatid sa kabila ng biglang pagdurugo ng puso. Halos hindi pa siya nakarecover sa sagutan nilang magkapatid kanina, maging ang pag-alis ni Alex ay ramdam na ramdam niya, and now dinudurog na naman siya sa pahayag ng binata.

" Ah, no need! Ako nalang bahala pauwi sa suite, just go ahead", pasimple siyang lumunok bago sa nagsalita dito.

" Are you sure? you can come if you want?", saad nito at napatawa siya ng mapakla. Hello, ok lang ba siya? gawin siyang chaperon ng mga ito. Di sana magpasagasa nalang siya diyan sa street.

" It's ok! sa suite na lang ako para ihanda yung ating mga gamit." pormal niyang pahayag. Tumango iyon saka tumingin ulit sa kanyang orasan.

" Ok! See you at the suite, ingat ka", pahayag nito at kulang nalang lumipad ang binata palayo sa kanya. Napatitig na lamang siya sa likod ng binata habang papalayo hangang wala na ito sa kanyang paningin. Napailing pa siya sa sarili dahil sa kahit sobrang sakit ang reyalidad para sa kanila ng binata ay anot parang masaya pa siyang nasasaktan. Mas mahal na ba niya si Tyron kaysa ang kaniyang sarili? Mas lalo niyang pinagtawanan nag sarili mas maganda na yun kesa kawaan ito sapagkat ang kanyang minamahal ay may iniibig na iba. With her feeling she chose to walk around. Parang gusto niyang mapagod sa paglalakad upang wala na siyang oras pa na mag-isip para sa kanyang pusong sawi. Malayo layo na rin ang kanyang nalalakad ng makaramdam siya ng pagkagutom. Tumingin siya sa kanyang relo past 12 na pala, luminga siya sa kanyang paligid tamang tama nasa paligid lang ang pinakasikat na resto sa Parish. Medyo nag-isip pa siya kung doon siya kakain o hindi, mamahalin ang resto at pawang mga mayayaman lamang ang nakakaatim na pumasok doon. Sa ganda ba ng naman ng ambiance, mga world class na pagkain at service ay talagang tanging mga high profile lamang ang nakakaafford sa resto na iyon. Pero gusto niyang iexperience, gusto niyang idate ang sarili sa resto na iyon kung kayat nagkibit na lamang siya. Nasa bag niya ang gold card ni Mrs A kung kayat napakagat pa siya ng kanyang labi nang mapagtanto ang naiisip. Ngayon lang naman, saka hindi naman kawalan sa kayamanan ni Mrs A ang kayang pagkain sa pinakatanyag na resto.

Pagbungad palang niya sa may pinto ay sinalubong na siya ng cozy ambiance, mula sa carpeted na floor hanggang sa mga palamuti ay sadyang may kakaibang feeling na hinahatid mula sa mga taong pumapasok dito. Idagdag mo pa ang music na nagmumula sa kung saan na siyang nagpapanatili ng kakaibang aura ng resto. Fine dining iyon kung kayat lahat ng mga nasa table ay may mga kasama at makikita mo talaga na intimate ang relationship ng bawat isa. Medyo napahiya pa siya ng tanungin ng crew kung may kasama siya, umiling nalang siya at binigyan ng makahulugang ito. Naintindihan naman iyon ng crew ngunit magkaganon man magiliw pa rin siyang inalalayan ito papantu sa kanyang table. Nagpasalamat siya dito lalo na nang iabot sa kanya ang menu. Masasarap ang mga pagkain kung kayat tatlong dish ang kanyang napili. Napatawa siya sa sarili sapagkat mukhang magfofood trip siya sa dami ng inorder. Pagdating ng pagkain ay mas lalo siyang natakam, ramdam ramdam niya ang gutom kung kayat excited siyang kumain ng kumain.

Napatigil si Tyron sa pagkain nang mamataan si Arabella papasok sa resto. She look gloomy, but still look chic and pretty. With her off white blouse tucked in her trouser, she look younger in her age. Parang school girl na nagcutting class upang makipagtapo sa boyfriend dito sa pinakasikat na resto sa Parish. She walk like a cotton doll, para itong nakalutang habang naglalakad patungo sa isang table. She look meek and innocent unlike almost of the girls around na nakausli ang cleavage poured with heavy make-ups. Although normal naman sa Parish na walang pakialamanan sa kung anong klaseng damit ang pinagsusuot ng mga kababaihan, he still hook with her reserve look. Ngumiti ito sa crew habang sinasabi ang order, ngunit pagkaalis nito ay agad ding bumalik sa lungkot sa kanyang mukha while tapping silently the table with her tiny fingers. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito ngunit pagdating ng kanyang pagkain ay agad itong ngumiti na halatang naexcite pagkakita sa pagkain. Nakaramdam tuloy siya ng pagkakonsensiya dahil di man lang niya naisip tanungin kanina kung gutom na ito. She excitedly bite her food, medyo napalunok din siya sa sarap ng kain nito.

" Babe are you listening?", pukaw ni Samantha sa kanyang harapan. Natapos na din pala ito sa pagkain at may sinasabi ito sa kanya.

" Yes, of course!", saglit na inalis ang mata kay Arabella mula sa di kalayuan.

" I said, we'll go buy some stuff before we head to my hotel", malambing na pahayag nito.

" Sure, whatever you want babe", sagot niya at matamis ang ngiting rumehistro sa mga labi nito.

" Thank you baby, I'll just go to the comfort room , okey?", masayang pahayag nito kasabay ng pagtayo nito at tumango tango siya dito habang nakangiting sinundan ng tingin ang papalayong kasintahan. Pagkawala ni Samantha sa kanyang paningin ay sumenyas siya sa crew para sa kanilang bill. Binigay niya nag kanyang gold card at sinabihan pa niya ang crew na bayaran na din niya ang bill ni Arabella. Tumango tango naman iyon saka maliksing bumalik sa kahera.

Sobrang nasarapan si Arabella sa mga pagkaing inorder niya. Hindi niya alam kung gutom lang niya or talagang masarap talaga ang mga iyon sapagkat halos maubos niya lahat ang mga iyon. While taking the last bite ay nabitin ang kanyang pagkagat ng mapagsino niya ang lalaki sa may di kalayuan. Tantiya niya ay kanina pa itong nakatingin sa kanya sapagkat kahit nagkasalubong na ang kanilang mga mata ay parang wala itong balak na humiwalay sa kanya. Agad niyang ibinalik sa plate ang kaninay nakaumang sa bibig niya pagkain. Gusto niyang sampalin ang sarili, she ate like she was starve for years kanina. Ano na lang ang iniisip ni Tyron sa kanya ngayon? Agad niyang pinunasan ng napkin ang kanyang bibig bago kinuha ang tubig at tinungga. Pasimple niya ulit tinignan ang kinaroroonan nito ngunit siyang paglapit nang napakagandang babae sa binata. She look supermodel, with her slender body and perfect figure, para siyang nakakita ng goddess sa katauhan nito. Ang ganda pa mandin ng mukha, perfect ang pakakaukit ng mga labi, ng ilong at maging ang mga matat kilay nito. Sobra siyang humahanga sa babae ngunit bigla siyang napalunok nang malambing na hinawakan ang braso ni Tyron bago magkahawak kamay na lumabas sa resto. Nakatuon ang tingin niya sa dalawa hanggang nawala ito sa kanyang paningin, saka lang rumehistro sa kanyang isip ang mga pangyayari. She felt numb all over her body, when she realized that the girl he's with is no other than Samantha. The Goddess like woman, beautiful, elegant, famous, you name it Samantha have it. Ano naman ang panama niya sa napakagandang babaeng iyon, ni kalingkingan ay walang walang siya. Paano siya magkakaroon ng puwang sa puso ni Tyron kung diyosa ng kagandahan ang karibal niya? Parang gusto niyang isigaw ang unfair, pero sa halip ay pinagtawanan niya ang sarili. What so unfair kung si Samantha din ang nauna at tanging minamahal ni Tyron? It's hurt, pero may magagawa ba siya? Bakit ba hindi nalang niya hayaan ang mga ito sa kanilang pagmamagalan? Hindi ba siya naging selfish dahil siya nag dahilan ng pagkakalayo ng mga ito? Imagine they are so inlove and happy tapos biglang naging gumulo ang mga sitwasyon nila ng bigla siyang pumasok sa eksena? Bigla siyang nakaramdam ng galit sa sarili, sini ba siya na naging dahilan ng biglaang pagkakaroon ng problema ng dalawang nagmamahalan? Shes bad, shes too bad! She felt sorry for them, kung dumating ang pagkakataon, nararapat lamang na humingi siya ng despensa lalo na kay Samantha.

Pagkatapos makompos ang sarili ay sumenyas siya sa waiter, ngunit nagulat siya ng lumapit ito at sabihing bayad na ang kanyang bill. Lalo siyang nakonsensiya but at the same time a little bit happy kasi kahit kasama ni Tyron si Samantha ay inisip din pala siya nito. With that, her mood immediately get better. Yung kagustuhang umuwi agad ay parang gusto pa niyang maglakad lakad sa street. Until nakuha ng kanyang atensiyon ang chanel store sa may malapit. Bigla niyang naalala na konti nalang pala ang pabangong ibinigay pa ni Alex sa kanya noon, inut na inut siya sa paggamit dahil paborito niya ito at ayaw niyang maubos agad. Excited siyang tumungo sa store, alam niyang mamahalin iyon ngunit wala siyang pakialam. Narito na siya kung kayat isasakripisyo na niya ang tatlong buwan niyang sahod. Pagpasok niya ay dumirecho agad siya sa perfume section, ayaw na niyang tumingin sa iba dahil baka mafrustrate lang siya dahil hindi naman niya afford ang mga iyon. Nadaanan niya ang watch section, napahinto siya upang sulyapan muli ang matagal niyang pinapangarap na relo. Hanggang pangarap na lang muna, mag-ipon pa siya ng limang taon siguro bago niya mabili iyon para sa sarili. Napailing siya sa sarili bago ipinagpatuloy ang pagpunta sa perfume section. Pagsapit niya doon ay excited niyang hinanap ang kanyang paboritong pabango. Nawili din siya na amuy amuyin ang iba pa at talaga nga namang wala siyang itulak gabigin sa mga ito.

"So, that's the culprit behind that smell?". Pagtingin ni Arabella sa kanyang tabi ay naroon si Tyron habang nakatuon ang mata sa mga pabango. Biglang nagdry ang kanyang lalamunan, ewan niya kung dahil sa kanyang pagkagulat or talaga lang wala siyang maisip na sabihin dito. Besides, he's with Samantha, why the hell he is here right now?

" Just get whatever you like, akong bahala" pahayag nito habang nakatuon pa rin ang pansin sa mga pabango sa kanilang harapan.

" Hindi, ito lang talaga ang pakay ko dito, paubos na kasi yung binigay ni Alex noon noon pa", mahina ngunit pormal niyang pahayag.

" Then get a dozen or more", saad nang binata, pagtingin niya sa salamin ay nakatingin pala ito sa kanya ng mariin. Ewan niya ngunit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang maghinang ang kanilang mga mata sa salamin.

" Thank you but this one is enough hindi ko naman agad agad mauubos", pahayag niya dito habang ibinaling sa kabila ang kanyang paningin. Nasulyapan niyang ibinulsa nito ang dalawang kamay sa kanyang pantalon. Parang may sasabihin pa sana ito ng biglang may tumawag dito mula sa kung saan.

" Tyron baby, where are you? Can you look for this if it's suites me?", nasa likuran si Samantha habang napakaraming hawak na kung ano ano sa kanyang mga kamay. Nakikita niya ito sa salamin kayat kahit hindi niya ito lilingunin.

" Everything here suites you babe, all is beautiful in you", pahayag ni Tyron habang lumalapit sa kasintahan. Labis naman ang pagkakangiti ni Samantha at napayakap pa sa binata ng makalapit ito sa kanya.

" You're the sweetest baby," pahayag nito saka ginawaran ang binata ng munting halik sa pisngi

" All for you babe, just get whatever you want okey?", malambing na pahayag ng binata binata dito.

Para namang naitulos sa kinatatayuan si Arabella, nakatingin lang din siya sa salamin habang nakatunghay sa reflection ng dalawang naglalambingan. Ngunit nang mahimasmasan ay dali dali siyang tumungo sa counter para bayaran ang kanyang pinamili.

" It's already paid ma'am, thank you very much and we are please to serve you again", pahayag ng cashier. Kahit gusto pa niyang magulat ay nagpasalamat na lamang siya sa cashier at dali daling lumabas sa store.

Paglabas niya sa store ay walang kasimbilis ang ginawang paglakad palayo. Ang bigat ng kanyang dibdib, at halos hindi siya makahinga. Huminto siya nang mapagtantong medyo kalayuan na ang kanyang kinalalagyan. Pumikit siya at buong lalim ang hugot sa ginawang paghinga. Gusto niyang mareleased ang anumang nakadagan sa kanyang dibdib, nag exhale-inhale siya ng ilang beses ngunit parang nandoon pa rin kung kayat hinayaan na niyang umagos ang kanyang mga luha. After a while ay lumuwang na iyon, pinunas ang mukha saka ilinagpatuloy ang paglalakad. Maya maya ay may biglang humarang sa kanya, isang banyaga at bakahawak ng camera.

" Hi miss, I am George. I am a videographer, can I take a shot of you?", pahayag nito at nagulat siya.

" Me?", turo pa niya sa sarili habang tinignan ang paligid, baka nagkamali lang siya ng dinig nakakahiya naman.

" Yeah, what's your name? i am taking a ramdom shots in the street and then my camera catches you. You are so stunning and if its ok to take photos of you?", mahabang linya ng lalaki at naaliw siya dito. Pagkarinig niya sa salitang stunning ay biglang nagkaroon siya ng energy. Talaga ba? Kung ganoon hindi lang si Smantha maganda?

" Oh, okey but i don't know what to do", biglang pahayag niya dito. Lumiwanag naman ang mukha ng lalaki at sinabing ito na ang bahala basta tumayo, maglakad, ngumiti at mag emote ng konti ang kanyang gagawin. Natatawa siyang tumango nalang dito ngunit pagkatapos ay puring puri siya ng lalaki.

" You're like an angel, you don't mind if i will put your photos in my channel?", nakangiting pahayag ng lalaki at tumango tango naman siya. After all wala namang nakakakilala sa kanya dito.

" It's ok, thank you ",

" Thank you, from where are you?", ang lalaki na wala pa yatang balak na pakawalan siya.

" I'm from Philippines",

" Woow! very nice country, you have a potential to become a model", pahayag nito at tumawa siya.

" No, thank you. It's not my line",

" If you change your mind, you can contact me, you live here?",

" No, just have a business activity here but we will be going back home tomorrow",

" Oh okey, thank you very much and good luck", ang lalaki at naghand shake muna sila bago siya lumayo dito.

Pagkadating niya sa ibang street ay pumara na siya ng cab papunta sa suite nila ni Tyron. Namamangha pa din siyang nakatingin sa labas habang dumadaan ang cab sa napakagandang kalye ng Parish. After 15 minutes ay huminto na ang cab sa hotel, nagpasalamat siya sa driver bago bumaba at dumirecho sa loob. Nginitian lang siya ng mga crew ng mapadaan siya sa reception area. Pagdating niya sa suite ay nagtanggal agad ng damit. Itinutok ang sarili sa maligamgam na shower bago linigpit ng masinop ang kanilang mga gamit. Tig isa sila ni Tyron ng maleta, tinupi din niya ng maayos ang mga gamit nito at ang damit pang uwi na lamang nito ang iniwan sa cabinet. Pagkatapos niyang magligpit ay nahiga na siya sa bed, naramdaman niya ang pagod kung kayat ibinalot niya sa comforter ang sarili at natulog.

Pagdating ni Tyron sa suite mula sa paghatid kay Samantha sa airport ay napansin niyang nakalabas na ang kanilang mga maleta. Ibig sabihin tapos nang nag-impake ang dalaga at ready na sa pag alis. Ngunit hindi niya marinig ang anumang kaluskos mula dito kung kayat dumirecho siya sa silid. Tumambad sa kanya ang natutulog na dalaga habang comportableng nakabalot ng kumot. Mag-alasais na ng hapon kung kayat lumalamig na naman ang temperatura dito. Napasandal siya sa nakabukas na pintuan habang mariing pinagmasdan ang dalaga. Ang amo ng mukha, at kahit walang nakalagay na kolorete ay maganda pa rin.Yung tipong hindi ka magsasawa sapagkat habang tumatagal ay lalo itong kaayaaya sa paningin. He's with so many women before, including Samantha but there's nothing like her innocent eyes, her thin lips and most of all her sweet smell. Lalapitan sana siya sa dalaga ngunit nagvibrate ang cellphone sa bulsa. Tinignan niya iyon at napakunot noo siya sa ifinorward ng kapatid. Binuksan niya ang file at halos mapamura siya ng makita ang mukha ni Arabella na nasa video. May kuha ito habang naglalakad, meron ding nakatingin sa malayo ganun din ang mukhang napakaseryoso. Meron ding nakangiti, ganundin ang nakatawa. Ilang ulit niyang pinanood ang limang minutong video ngunit halos laglag parin ang kanyang panga dito. She is not a supermodel, but she has everything. Halos pagpawisan pa siya ng malapot nang makita kung gaano kadami ang likes and share nito.

Mula sa ingay na galing sa cellphone ni Tyron ay dahan dahang ibinukas ni Arabella ang mata. Napatigil ang kanyang pagkurap ng mabunguran ng mata ang napakagwapong si Tyron habang nakasandal sa may pintuan at nakatingin sa kanyang cellphone. Hindi niya mawari ang expression ng mukha nito but still hindi iyon nakabawas sa kanyang napakagandang awra. His hair down to his perfectly shaped and domineering handsome face, natural lamang na maraming magkakagusto dito hindi lamang sa kanyang physical na katangian but he is also a noble man who can turn the world upside down. Alas, his eyes were only made just for Samantha.

" am I that good looking or you are planning to eat me?", birong pahayag ni Tyron sa dalaga pagkalipas ng mahabang sandali na nakatitig siya dito. Bigla namang nahimasmasan si Arabella ngunit mahinang tawa ang pinakawalan niya dahil sa tinuran nito. She wanted to say "he is the apple of her eyes; how can't she not stare" ngunit naramdaman niya ang kaunting pananakit ng lalunan.

" Morning na pala, maghahanda na ba tayo para sa flight natin pauwi?", paos ang kanyang boses at halos hindi marinig ang kanyang sinabi.

Napakunot noo ang binata pagkarinig sa malat niyang boses, agad itong lumapit sa kanya at walang kaabog abog na sinalat salat ang kanyang noo.

" Are you sick?", turan nito habang nakadantay ang palad nito sa kanyang noo.

" Hindi, namalat lang ako dahil siguro sa cold water na ininom ko kanina", tanggi niya, ganyan talaga kapag masyadong malamig ang kanyang iniinom mawawalan talaga siya ng boses.

" Are you sure?", paninigurado ng binata at tumango siya dito bago bago hinanap ang sapin sa paa para tumungo sa banyo.

" Where are you going?", si Tyron nang bigla siyang tumayo.

" Sa banyo, maghahanda na para sa pag-alis natin?", saad niya sa hindi masyadong maintidihang boses.

" It's only 6pm, fix yourself lets have dinner at the resto", ang binata at muntik na niyang matampal ang noo dahil ang pag aakala niya ay madaling araw na.

" Akala ko umaga na, just a moment bihis lang ako", paalam niya dito bago tinungo ang banyo at naghanda para sa dinner.

Dress na puti na below the knee ang napiling isuot ni Arabella. Hindi na siya nag effort sa make-up sapagkat hindi naman iyon tatalab sa kasama, tanging si Samantha naman ang maganda sa kanya kahit budburan pa niya ng napakaraming make-up ang kanyang mukha. Sa naisip ay pinagtawanan niya ang sarili sa salamin habang naglalagay ng konting blush sa pisngi at pinahiran ng kaunting matt pink na lipstick ang mga labi. Simple and yet very charming pa rin ang kanyang awra.

Paglabas niya ay naghihintay na ang binata sa may sala, katatapos lang ding makipag usap sa cellphone at napatigil nang makita siya. Hindi niya mawari kung nadisappoint ito dahil sa kawalan ng make-up or nagagandahan ito sa kanyang awra. Pero mas gusto niyang isipin ang nauna, dahil wala pa ring katulad ang kanyang si Samantha.

" Let's go?", pahayag niya dito, ayaw niyang masira ang kanyang gabi dahil sa pagkukumpara sa sarili kay Samantha. Kahit paano marunong din naman siyang tumanggap ng pagkatalo.

" You look great!", ewan ni Arabella kung nagkamali lang siya ng dinig or pinaglalaruan lang siya ng kanyang imahinasyon ngunit parang musiko ang tinuran ng binata sa kanyang pandinig kung kayat di niya naiwasang mapangiti ng matamis. Ngunit biglang nangflash ang napakagandang mukha ni Samantha sa kanyang isip kung kayat biglang natigil ang kanyang pagkakangiti.

" Thank you, but you shouldn't tell that to anyone lalo at maladiyosa ang iyong kasintahan.", pormal niyang pahayag sa paos na boses.

Pinangunutan siya ng noo ni Tyron habang nakadikit pa rin ang mga mata nito sa kanya. Ngunit nagkibit siya ng balikat saka nauna nang tinungo ang pinto.

Agad namang tumayo si Tyron mula sa pagkakaupo at madaling humakbang para hawakan siya sa kanyang braso.

" One meter away please, baka mahawa ka sa malat ko", saad niya sa binata na pikit inignora ang kuryente na nagmumula sa kamay nito.

"Nakakahawa ba ang malat? drink this tea first before we leave", ang binata sabay abot sa hawak hawak na tasa.

" For what? hindi ako mahilig sa tsaa", turan niya.

" Turmeric tea, it's good for your throat, here try it.", ang binata na inilapit pa sa kanyang ilong ang hawak hawak na tasa. Kinuha naman niya iyon saka inilapit inulit niyang inilapit sa kanyang ilong. Nanuot sa kanyang ilong ang masangsang na amoy ng luya ngunit sinimsim niya ito para malasahan ang medyo maanghang na lasa nito.

" Drink it all para gumaling kaagad ang pamamalat mo, next time you should be watchful sa mga iniinom mo", mahabang linya ni Tryon habang nakatayo pa rin sa kanyang tabi. Napatigil siya sa paghigop nang mahimigan ang pananermon ng binata.

" Thank you, saan mo pala kinuha ito?", turan niya dito.

" Special order coming from the hotel kitchen", sagot nang binata na parang sumasayaw ang mata sa pagkakangiti. Lihim naman soyang nasiyahan sa pagcacare nito, ngunit nanatili siyang pormal dito.

" Salamat ulit", turan niya bago tinungga ang maligamgam na tsaa. Pagkainom niya ay parang naramdaman naman niya ang bahagyang epekto nito sa kanyang lalamunan. Ipinatong sa center table ang tasa saka humarap sa nooy nakatinging binata sa kanya.

" Tara", saad niya na inignore ang kakaibang presensiya ng binata, bagkus ay nagatiuna na siyang lumabas sa kanilang room. Nakasunod naman si Tyron ngunit hindi siya nakapalag ng hawakan nito ang kanyang kamay pagkalabas nila sa hotel. Tinignan niya ito nang may pagmamaktol ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Saka lang binitiwan kaninang lumulan sila sa cab ngunit agad ding ikinulong ang mga palad niya sa mga kamay nito habang nasa loob sila ng sasakyan. Maging sa pagbaba sa cab hanggang pagpasok sa resto ay magkaholding hands pa rin, nagtataka tuloy siya kung anong pakulo meron ang binata sa ginagawa niya.

Sea foods ang inorder ni Tyron na kanilang kakainin at sobrang natakam siya pagkaserve ng malakiing crab at shrimp. Agad tuloy niyang binalot sa plastic na gloves ang mga kamay saka dali daling hinimay ang pagkain. Sa pagkaexcite ay agad niyang nakalimutan ang mga insecurities niya sa araw na ito. Binalatan pa niya ng hipon ang binata na nooy natutuwa sa reaction niya pagkakita sa favorite niyang pagkain.