Chereads / My Husband's Revenge / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

"What the hell he just did?!", hindi makapaniwalang pahayag ni Alex pagkatapos mahimasmasan sa ginawa ni Tyron kay Arabella.

" Ayun umalis, pinuntahan si Samantha", patay malisyang pahayag ni Arabella habang nararamdaman pa ang pag iinit ng mukha.

" Did I just saw him kissed you?", saad pa nito na hindi pa rin makapaniwala.

" No, illusion mo lang yun!", pilyong pahayag niya habang kinukuha ang kanilang mga abubot.

" Just like that?!", bulalas pa nito.

" Alex you're overacting, tara na uwi na tayo sa suite mo", untag niya dito.

" Why did he do that? Tell me the truth, may feelings na ba si Kuya saiyo?", si Alex at sarkastikong tinawanan niya ito.

" I don't know! Anong malay ko sa feelings ng kuya mo, tsaka ayaw kong alamin noh!", turan niya kung kayat di niya inaasahan ang pagkurot ni Alex sa kanyang tagiliran.

" Gaga, pumapayag kang basta ka nalang niya hinahalikan", sumbat nito at pangiwi siya sa ginawa nito.

" Diyos por santo naman, kiss lang yun hindi ko ikakamatay. Tsaka asawa ko naman yun!", pilyong turan niya kung kayat dina naman siya nakailag sa kurot nito. Di siya aware na conservative masyado ang matalik na kaibigan how much more kung malaman nitong may nangyari na sa kanila ng kapatid at hindi lang once kundi many times. Sa isipingniyon ay bigla siyang napangiti sa harap nito.

" At tuwang tuwang ka pa?", bibigyan na naman sana siya ng kurot ngunit todo ilag na siya sa kamay nito.

" Ano kaba? namumuro kana talaga saakin ah, talagang ayaw na ayaw mo kong maging sister-in-law ha?", birong pahayag niya dito at sumimangot iyon.

" May ibang mahal si Kuya, kita mo nga konting drama lang ni Samantha umalis agad", biglang panlulumo ni Alex.

" Hey relax! I won't harm your brother, he is free as a bird", masakit man sa kanyang kalooban pero mas pinili niyang biruin ito.

" Paano ka?",

"I'm alright ano kaba? I'm just inlove with your super rich CEO brother pero wala siyang responsibilidad saakin. Get that huh?", tinapik tapik pa niya ang balikat ng kaibigan kung kayat ngumiti na rin habang naiiling sa kanyang mga sinasabi.

Pagdating nila sa suite ni Alex ay isinalampak nila ang mga katawan sa malambot na sofa. Maghapon silang nasa labas kung kayat ramdam ng bawat isa ang pananakit ng katawan lalo na ang kanilang mga paa.

" So exhausted! gusto ko nang magbabad sa maligamgam na tubig", si Alex na biglang tumayo sa pagkakasalampak sa tinungo ang silid. Pagbalik nito ay may dala na siyang damit at ipinatong sa kanyang katawan.

" Magsahower kana, baka makatulugan mo ang pagkakahiga diyan", saad nito.

" Doon nalang ako sa suite namin, baka darating na rin si Tyron", pahayag niya dito.

" Baka bukas o makalawa na yun darating. May post si Samantha sa kanyang social media account he's with kuya right now", si Alex na ibinalandra pa sa kanyang mukha ang sweet na sweet na larawan nina Tyron at Samantha. Hindi na niya binasa ang caption dahil sa nakita palang na larawan ay hating hati na sa maliliit na piraso ang kanyang puso.

" Oh ok! I'll go ahead at nang makatulog na, I'm soooo tired too!", kunway bumalikwas siya sa pagkakahiga sa sofa. Bitbit ang damit na binigay ni Alex at tinungo ang silid nito para maligo. May sinasabi pa si Alex pero tinakpan na niya ang kanyang tainga saka dalidaling pumasok sa banyo. Itinutok niya ang mukha sa gripo at doon nilunod ang nooy nag uunahang mga luha. Nang mahimasmasan ay tinaggal ang mga damit at itinutok naman sa shower ang buong katawan.

" Uwi na ako sa Australia bukas, may emergency meeting sa company and i need to be there.", pahayag ni Alex sa dalaga ng bumalik siya sa kinauupuang sofa. Bigla siyang nalungkot sa tinuran nito.

" Ikaw kung gusto mong sumama saakin then dadaanan ka nalang ni kuya doon pag uwi ninyo", patuloy nito.

" Nakakahiya naman sa kuya mo, magkasama kaming dumating dito pagkatapos ay iiwanan ko siya? Hindi naman maganda ang ganoon",mahabang pahayag niya sa kaibigan at tumango tango naman iyon.

" I wanted to stay longer at makasama ka pero urgent naman ang meeting namin",

" I understand. Sa susunod na naman, o di kaya umuwi kana at mag for good na sa Pinas", turan niya dito ngunit nagkibit iyon.

" Pupunta na lamang tayo sa Korea next time, imeet natin si Lee Minho", si Alex at kulang nalang humagalpak siya ng tawa sa tinuran nito.

" Seryoso?", di makapaniwalang pahyag niya dito.

" Yah! I will contact his manager para exclusive niya tayong idadate", excited na turan ng kaharap at di na niya napigilan ang tumawa.

" At bakit ka tumatawa aber?", nakataas ang kilay na saad ni Alex sa reaction niya.

" Gagawin mo talaga yun?"

" Yes, i mean it!",

" Uwi kana lang sa Pilipinas ipapakilaka ko saiyo ang kaibigan ko, mas gwapo pa kay Lee Minho mo", turan niya at mas lalong tumaas ang kilay nito.

" Korean?",

" Filipino but he looks like one",

"Actor?",

" No, he is a doctor",

" Haist! I don't like doctors!",

" Huh? At bakit?

" Ayoko sa may kahati ng oras, baka ora orada lalayasan niya ako dahil kailangan niyang pumunta sa ospital. Anong specialization niya?"

" Surgeon!",

" Hay naku! paano nalang kung naglolove making kami tapos biglang may maooperahan di iiwanan niya ako sa ere", pahayag ulit ni Alex kaya di niya napigilan ang malakas na pagtawa dahil sa mga hirit nito sa kanya.

" Alam mo Alex, mag asawa ka nalang ng tambay para tambayan ka lang niya maghapon magdamag", pabirong pahayag niya dito habang tawang tawa.

" You're making fun of me", nakasimangot si Alex.

" Eh paano, ang lalabo naman kc ng gusto mo."

" Eh bakit ikaw?"

" At least, abot kamay ko lang ang kuya mo".pabiro niyang pahayag na pinagalaw galaw pa ang kanyang nga kilay kaya di napigilan ng kaharap na tumawa.

Nagdecide ang dalawa na sa kuarto nalang nila ipagpatuloy ang kanilang daldalan. Nag unahan pa silang nagdive sa malambot na kama at nagkatawanan pagkatapos. Papapikit na ang mata ni Arabella ng biglang tumunog ang telepono sa kinalalagyan nilang suite. Since si Alex ang nakapangalan sa suite ay hinayaan na niyang ito na ang bumungon at sumagot dito. Naramdaman pa niyang lumabas iyon sa kwarto at narinig pa niyang bumukas ang pinto. Dahil sa pagod ay hindi na niya iyon inintindi bagkus ay pumuwesto na siya para sa kamyang pagtulog. Sa pagkakataong iyon ay parang gusto niyang kunin sa bag ang cellphone dahil bigla ay naalala niya si Tyron. Inisip kung saang part ng France naroon ang binata ngayon. Sigurado namang masaya iyon dahil kasama si Samantha, ang tanong uuwi pa kaya ito sa suite nila? baka hindi na dahil siguradong nasa hotel na din sila ni Samantha. Sana all parang Samantha, kahit saang lupalop ng lupa ay sinusundan ng isang Tyron Alegre. Sana all, maganda. Sana all, mahal.

Pagbalik ni Alex sa silid ay nagkunwari na siyang tulog. Nagseself pity siya at baka pipiyok siya kung makikipag usap pa siya dito. Arabella was in a deep sleep nang biglang dumating si Tyron. Tumawag ang receptionist sa suite ni Alex informing na mayroon itong bisita. In her dream pinapasok ni Alex ang kapatid and after a while ay nagkaroon ng diskusyon ang dalawa bago pumasok si Alex sa kanilang room. Very curious si Arabella kung anong ginagawa ni Tyron sa labas, she wanted to go out kaso nakapamaywang si Alex sa kanyang daraanan. Tinulak daw niya ang kaibigan ng malakas to the point na napasubsub silang dalawa sa sahig kaya kung kayat bigla siyang nagising mula sa pagtulog. Para din kasi siyang nahuhulog sa kama kung kayat minulat din niya kaagad ang mata. Agad niyang chineck si Alex, napahinga siya ng malalim ng makitang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Napailing na lamang siya sa kanyang panaginip, hanggang sa pagtulog talaga si Tyron pa rin ang laman ng kanyang panaginip. Tinignan niya ang alarm clock sa side table, mag 10 palang pala ng gabi. Ibig sabihin maaga siyang nakatulog dahil sa pagod ng maghapong nasa labas. She tried to get back in sleep pero ayaw siyang dapuan agad ng antok. Minabuti niyang bumangon, parang gusto niyang uminom ng malamig na tubig kung kayat lumabas siya ng kuarto para pumunta sa kitchen. Shes in her way ng makitang may nakaopen na laptop sa ibabaw ng table sa living room, inikot nang kanyang mata ang buong sala and right at the sofa ay may mahabang tao na pinagkasya ang saliri sa hindi masyadong kahabaan na upuan. Nakapatong ang isang braso sa may parteng mata ng kanyang mukha. Even so, nakatalikod man o nakatakip ang buong mukha nito ay kilala niya kung sino iyon. Saglit pa ito sa pagkakaidlip siguro dahil nakailaw pa ang laptop nito, ibig sabihin nagpahinga lang ito ng konti then get back to his laptop.

Naalala niya ang kanyang panaginip, totoo pala yun. Kung anong oras ito dumating ay hindi na niya matantiya, around 7 siya natulog so between 8 and 9 siya dumating. Bakit ang bilis naman niyang umalis sa piling ni Samantha? Nag-away ba sila? akala nga niya sa susunod na araw pa niya ito makikita at mag iisa na siya kapag nakaalis na si Alex bukas. O di kaya ay narito siya dahil nga uuwi na ang kapatid bukas at gusto rin itong makasama? Whatever it is, shes happy. Masaya siyang nasa paligid lang si Tyron kahit wala naman itong ginagawang ikakakilig niya. Napailing siya sa sarili bago pumasok ulit sa kuwarto ni Alex, kinuha ang isang makapal na kumot at bumalik sa kinaroroonan ng binata. Nasa five degrees ang kasalukuyang temperature sa Parish hindi lang masyadong nararamdaman dahil nakaheater ang suite na kinaroroonan nila. Magkaganon pa man, maingat niya ipinatong kay Tyron ang kumot, dahan dahang inayos iyon para matakpan ang ilang parte ng katawan nito para mas warm at mahimbing ang pagtulog. Ingat na ingat siya sa pag aayos sa may dibdib nito ng bigla siya nitong hawakan sa kamay. Akala siguro nito ay mamatay tao siya kung kayat napakahigpit ang pagkakahawak sa kanya. Pakiwari naman ni Arabella ay lumukso palabas ang puso niya sa pagkabigla kung kayat halos atekehin siya sa puso sa ginawa nito.

" Sorry, inayos ko lang ang kumot mo. I don't mean to wake you up", kandautal niyang pahayag. Bukod kasi sa sobrang pagkabigla ay nag aalala siyang naistorbo niya ang pagtulog nito.

Unti unti namang lumuwang ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit bigla naman siya nito hinila kung kayat payakap siyang bumagsak sa katawan nito.

" Ay ano ka ba?", turan niya sa ginawa nito. Lalo at inayos nito ang pagkakahiga nila sa sofa. Ang ipinagtaka niya bakit kasya silang dalawa sa makitid na sofa?

" That brat! Ayaw niyang tumabi ako saiyo", sentimiyento nito sa kapatid kung kayat lihim siyang natawa dito.

" At saan naman siya kasi mahihiga aber? tsaka suite niya ito, nakikisiksik lang tayo", pahayag niya. Ewan ba niya kung bakit feel na feel niya ang pagkakayakap sa binata.

" Sinabi ko naman uwi tayo sa suite natin, kesyo tulog ka na daw. Ang dami niyang sinasabi", reklamo pa rin nito sa kapatid. Napailing nalang siya sa reaction ng binata at kasabay ng paghilig sa dibdib nito. Who cares, she like it that way at nag eenjoy siyang nakahilig siya sa katawan nito.

"Inaway ka ba niya?", wala sa sariling pahayag niya. " I mean, ang bilis naman ng pagkikita niyo, akala ko nga sa susunod na araw ka pa babalik".

" Sinabi ko naman na hindi ako magtatagal kanina",

" Pero ang bilis naman? diba si Samantha yun?",

" And so?",

"Hindi siya magagalit na hindi mo siya masasamahan ng matagal?", turan niya dito ngunit nagkibit iyon. Iniangat niya ang mukha para makita ang reaction nito pero tinignan lang siya nito.

" Shes busy, and hindi naman siya ang pinuntahan ko dito. Nagkataon lang din na meron siyang shoot dito.", pahayag niya sa nagtatanong niyang mukha.

" Oh ok! ", saad niyang tumango tango. Kakaiba din ang relasyon ng dalawang ito, kung trabaho trabaho pala kahit nasa iisang lugar na sila ay yun pa rin ang priority ng isa't isa. No wonder they are both successful in their chosen career.

" I'm sorry, I don't mean to disturb your sleep", pahayag niya dito.

" Im not sleeping actually, humiga lang ako while waiting for my virtual meeting",

" Late night na ah, may meeting ka pa?", di makapaniwalang turan niya.

" Philippine time baby", nakangising sagot ng binata. Natampal niya ang noo, how could she forgot na wala sila sa Pilipinas. Agad siyang umalis sa pagkakahilig niya sa binata, nakacoat and tie pa ito baka malukot ang damit nito. Nagtatanong man ang mukha ng binata ngunit umayos na rin ito ng pagkakaupo.

" You want coffee?", sa halip sa turan niya dito.

" Yes pls?", turan ng binata. Inayos na rin ang sarili kasanod ng pag alarm ng laptop.

" Ok! no cream, no sugar", saad niya bago tinungo nag kitchen. Narinig pa niyang nagpalatak ng tawa ang binata sa kanyang tinuran

Pagbalik ni Arabella sa kinaroroonan ni Tyron ay nakaharap na ito sa kanyang laptop hudyat na nagsisimula na ang hinihintay nitong meeting. Tahimik niyang ipinatong sa table ang tinimplang kape saka sumenyas sa binata na pupunta na siya sa room ni Alex para hindi siya makaistorbo dito ngunit bigla iyong tumayo at hinawakan siya sa braso. Pinindot pa nito ang microphone sa laptop saka siya hinarap.

" It's just a quick meeting, you can sit here if you want", turan ng binata.

" I'll stay at the sofa, just go ahead!", biglang pahayag niya. Para kasing gusto ng binata na naroon siya para may kasama.

" Thank you for the coffee", nakangiting pahayag nito. He is so damn cute at nahawa siya sa pagkakangiti nito.

" Espesyal yan, only for special person...like you?", birong pahayag niya at nagpalataka iyon ng tawa bago siya kinabig at hinila palapit sa katawan nito. Naramdaman pa niya ang munting halik na iginawad sa kanyang ulo the moment na napayakap siya dito. Mula sa pagkakayakap ni Tyron ay iniangat nito ang kanyang mukha sa pamamagitan ng paghawak sa kaniak baba. Napalunok pa siya ng magtama ang kanilang mata ngunit unti unting ipinikit ang mata ng dahan dahang dumampi ang mga labi nito sa kanya. Arabella felt estatic, first time siyang halikan ng ganung kapassionate and gentle ng binata at sobrang nabibingi siya sa napakalas na pagtibok ng kanyang puso.

" Stay around, ok?" saad ni Tyron ng pakawalan nito ang kanyang labi. Mula sa pagkakapikit ay biglang iminulat ni Arabella ang mga mata, nag init pa ang mukha dahil nakatunghay ito sa kanya.

" Yah, sa sofa lang ako", mabilis niyang pahayag tsaka parang robot na tumikod dahil sa nararamdamang pagkapahiya.

Umupo siya sa sofa samantalang humarap na rin ulit si Tyron sa kanyang laptop. Tinapunan pa siya nito ng tingin bago itinuon ang atensiyon sa kanyang meeting. Kinuha rin niya ang cellphone sa kanyang bag, binuksan niya ito ngunit hindi niya inopen ang kanyang net. Maglalaro lamang siya, ayaw pa niyang makasagap ng kung anong balita na mula sa socmed. Nang mabored siya sa nilalaro ay iniiayos niya ang sarili sa pagkakahiga sa sofa. Mukhang matatagalan pa ang meeting ng binata dahil napakaseryoso nito habang nakaharap sa laptop nito. Imbes na ipagpatuloy ang paglalaro ay nakinig na lamang ng music ng favorite boyband niya.

Although nakafocus ang atensiyon ni Tyron Alegre sa kanyang virtual meeting di pa rin maiwasang tapunan ng tingin ang dalagang nakaupo sa sofa. She is so bare. No make up, no lipstick, not even powder on. A typical girl with her sleepwear on, no extraordinary but catches his attention. No, he's addicted to her is the right term. Her soft skin, her sweet smell, and her heavenly smooth hair are the best. Where he was longing for when got away for long trips and out of towns. Not to mention her extraordinary kindness and non-toxic behavior. Her gestures everytime she expresses her love to him was fantastic that make him crave to put her always in his arms. Hug her and kissed her everytime.

After the meeting ay agad lumapit si Tyron sa dalaga, only to find out she's sound asleep at the sofa with her phone in the stomach. Pinagmasdan niya muna ito. She is damn cute and inviting ngunit napailing siya sa kung anong naglalaro sa kanyang isip. Inayos niya ito sa pagkakahiga para hindi mangawit ang leeg and then kiss her in the forehead bago pumasok sa kuwarto ng kapatid at nakigamit ng banyo, took a shower and get some stuff para gawing higaan.

Inilatag niya ang extra bed malapit sa kinahihigaang sofa ni Arabella. She's in deep sleep at siguradong bukas na ito magigising. He's lying in his bed pero hindi siya dinadalaw ng antok. Humarap siya sa kinaroroonan ni Arabella ngunit mas lalong hindi siya makatulog. Gusto niya itong katabing matulog at yakapin magdamag ngunit halos naririnig na rin niya ang muntik paghilik nito. Hindi naglaon ay bumagon siya sa pagkakahiga at hindi napagilan ang sariling isiniksik ang katawan sa tabi ng dalagang natutulog. Ngiting ngiti siya ng mapagkasya ang kanilang mga katawan sa maliit na sofa.

Nagising si Arabella na may sumusundot sa kanyang tagiliran. Napakasarap ng kanyang tulog at kung pwede ay ayaw pa niyang magising. Kasalukuyang nasa panaginip niya si Tyron at ayaw niyang kumawala mula sa pagkakayap nito. Ngunit hindi tumitigil ang pagsundot sa kanyang tagiliran kung kayat inis na ibinukas ng kaunti ang mga mata para tignan kung sino ang sumusundot sa kanya. Half closed lang ang ginawa niya ngunit mukha ni Alex ang nakita habang nakapamaywang sa kanya.

" Alex I'm still sleepy", maktol niya dito habang isiniksik ang sarili sa yakap yakap na unan. Sa kanyang panagip, si Tyron ang kanyang yakap yakap kung kayat feel na feel pa niya ang kanyang pagtulog.

" For goodness sake, get up!", sundot ulit ni Alex sa kanyang tagiliran. Medyo mas malakas iyon kung kayat tuluyan na niyang ibinukas ang mga mata. Bigla siyang napabalikwas ng mapagtantong hindi unan ang kanyang yakap yakap kundi legit na Tyron Alegre. Ngunit sa kayang biglaang pagbalikwas ay nahulog ang binata dahil sa kitid ng sofa na kinahihigaan nila.

" Oh my, I'm sorry", agad niyang pahayag dito saka agad dinaluhan ang lalaking nakabulugta sa sahig. Buti na lamang at may nakalatag na higaan sa baba at doon bumagsak si Tyron. Napaungol pa iyon nang makita ang kapatid.

" Get lost Alex! natutulog pa ang mga tao!", maktol niya dito habang kinuha ang unan saka nilagay sa ulo.

" Aber, bakit kayo magkatabing natutulog sa maliit na sofa?", nakapamaywang na tanong ng kapatid at gusto niyang mainis dito.

" What's the problem about that?", mulagat ni Tyron sa kapatid. Bumangon na ito sa pagkakahiga at linigpit na ang nakalatag na higaan.

" What's the problem???", si Alex sa kapatid na animo ito na ang panangay sa dalawa. Humalukipkip pa man din ito sa harapan niya.

" Yes! what's the big deal about sleeping together? we are husband and wife incase you don't know", inis na saad ni Tyron sa kapatid. Alex started again at baka di niya matantiya ang mood njya sa kapatid lalo at kagigising lang niya.

" Husband and wife? can you hear yourself brother? ", kung inis si Tyron sa kapatid mas lalong umuusok ang ilong ni Alex.

" What do you want?", si Tyron. Kulang na lang din pamaywangan ang kapatid. Alam niya na si Alex ang pinakamahirap kaargue pero this time hindi niya ito aatrasan.

" Since you're recognizing your marriage, stop seeing Samantha.",

" What? are you out of your mind?", si Tyron sa suwestiyon ng kapatid. Hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi nito.

" You see? ang lakas ng loob mong magsabi ng husband ng wife, where is your sanity?", hindi na napigilan ni Alex ang emosyon, dapat malaman ng kapatid na wala siya sa tamang pag iisip. He can't have two woman at the same time.

" Your impossible Alexandria, stop your nonsense argument", wala talagang kasintigas ang kapatid niya. He can't win with his bratty sister.

" Very simple, Samantha or Arabella?", si Alex na wala yatang balak lubayan ang kapatid. Pinangunutan ni Tyron ng noo ang kapatid pero mas nakakatakot ang mata ni Alex na nakipagtitig dito.

" Hey guys, stop fighting. Tatatlo lang tayo dito.", si Arabella na hindi alam kung paano mamagitan sa magkapatid sa kabila ng pangininig ng katawan. Alam niyang hindi siya pipiliin ni Tyron kailan man pero napakasakit parin pala yung tahasang marinig at makita na hindi siya ang pipiliin. Magsasalita pa sana siya para maputol na ang argumento ng dalawa ngunit pinigilan siya ni Alex sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay nito sa kanya.

" Ano kuya? kaya mo bang isakripisyo si Samantha?", Alex nag his brother.

" Hell no! and stop meddling with my affairs!", galit na pahayag ni Tyron dito. Dumadagundong ang boses nito at nakakabingi para kay Arabella ang lumabas sa bibig nito. Given naman na yun ang sasabihin ng binata ngunit hindi siya ready na tahasang marinig mismo ito sa kanyang bibig. Naiiyak siya, pero ilang ulit siyang lumunok para pigilan ang luhang tutulo sa kanyang mga mata.

" Stop it Alex. It's my fault, I slept with your brother. Now, let's end this story. You two will loosen up, I'll call the restaurant, magpapareserve na ako for our breakfast.", saad na niya sa kaibigan. Naiirita na si Tyron and she can bare hearing words coming from him which makes her heart in pain. Tumigil ang dalawa sa pagdidiskusyon at parehong napatingin ang mga ito sa kanya. Ngunit pagkatapos ng kanyang pagsasalita ay tahimik na umalis at tinungo ang telepono para magpabook para sa kanilang agahan. Pagkatapos makipag usap sa reaturant ay bumalik siya sa kinaroroonan ng dalawa.

" Fix yourselves, breakfast will be ready at nine. Maliligo lang ako", pahayag niya sa mga ito. Hindi na rin niya hinintay ang response ng dalawa bago pumasok sa kuarto ni Alex at tumuloy sa banyo. Pagkasara ng banyo ay agad niyang sinandal ang sarili sa likod ng pintuan saka linubayan ang kanina pang gustong kumawalang mga luha. She love Tyron too much and she can't think more of herself.

Pagkalabas niya sa banyo ay nakagayak na siya. With her simple white blouse and above the knee trouser plus fury boots, she look chic and elegant. Napa O-shape pa ang bibig ni Alex ng tumingin sa kanya.

" You are so stunning today, i love it.", puring pahayag ni Alex at nakangiti pa siyang nagpaikot ikot sa harap nito. Sang ayon naman siya dahil namamangha din siya sa aura niya kanina sa salamin.

" Thank you. You're my one and only fan talaga.", saad niyang nakatawa at natutop ni Alex ang kanyang bibig.

" Obvious ba?", saad nito pagkatapos kung kayat nagkatawanan sila.

" By the way kuya went to your suite, sa resto nalang tayo magkitakita", pahayag ni Alex na ipinagpasalamat niya dahil hindi din alam kung ano ang approach niya dito pagnagkataon. Tumango na lamang siya dito at nagdesisyon na silang lalabas.

" Ara, did you love my brother that much?" si Alex habang binabaybay nila ang lobby palabas sa suite. Biglang natahimik si Arabella ngunit ngumiti siya sa matalik na kaibigan.

" Please don't get offended, i just want the best for you.", si Alex tsaka kinuha ang kanyang braso. Tinapik tapik niya ang kamay nito saka humilig sa balikat ng kaibigan. Alex is the only person she considered as a family. Kaya sobrang saya niya na iniisip nito ang kanyang kapanan na parang hindi niya magawa sa kanyang sarili dahil kay Tyron Alegre.

" Guard your heart, my brother is loosing his sanity.", si Alex at muntik siyang matawa sa sinabi nito. Tinignan niya ito bigla kung kayat di nila napigilang kapwa magburst ng tawa.

" Grave ka naman sa kapatid mo. He is the most intelligent person na nakilala ko kaya.", pagtatanggol niya sa binata. Sinimangutan siya ni Alex at di niya napigilang tumawa.

" Only because you are blind", saad nito kung kayat mas lalo siyang nailing sa sinabi nito. Paglabas nila sa suite ay sumakay sila sa cab papuntang resto. Sinabi niyang may reservation sila sa crew at magalang naman nitong itinuro ang kaninang table. Hindi naman nagtagal ay dumating si Tyron, he so fresh and handsome sa suot nitong black longsleeve. Pareho silang binigyan ng halik sa pisngi bago umupo sa bakanteng upuan. Siyang pagdating ng kanilang pagkain kung kayat tahimik ang bawat isa habang nakapokos sa pagkain.

" You want to come with me in Australia Ara?", maya maya ay basag ni Alex sa kanilang katahimikan. Tinignan niya ang kaibigan, ngunit nagulat din siya sa reaction ng mukha ni Tyron.

" We'll flying back to the Philippines early tomorrow, the company needs my presence very urgent", pahayag ni Tyron sa kapatid at tumango tango naman si Alex sa pahayag nito.

" Oh that so sad, kanya kanyang uwi na tayong lahat", sambit ni Alex na nasa himig ang panlulumo.

" Just come home in the holidays, mom and dad will be very delighted", si Tyron sa kapatid at ngumiti naman iyon.

" Actually that was my plan, I am missing them.", pabuntunghiningang pahayag ni Alex.

" Sending my hug and kisses to mom and dad, i will be home soon", madamdaming pahayag ni Alex at tumango tango naman ang dalawa.

After ng breakfast ay bumalik na sila sa suite ni Alex para kunin ang mga gamit nito. Ihahatid nila ito sa airport dahil saktong 11:45 ang flight nito pabalik sa Australia. Katakot takot na bilin ang ginawa nito sa kanilang dalawa, saka emotional na nagpaalam lalo na kay Arabella.