Hindi pa rin makapaniwala si Arabella sa sinabi ng lawyer ng A&B, sa harapan mismo ng CEO ay binasa nito ang isang will and testament mula sa isang Mrs. A na isang shareholder sa kompanya.
"Mula sa araw na ito ay ipagkakatiwala ko kay Ms. Arabella Simon ang aking share sa A&B Incorporation. Ang 20% share ng kompanya na nasa aking pangalan bilang Mrs. A ay pagmamay-ari na nang nasabing Ms. Arabella Simon at ang lahat ng transaction o usapin sa tungkol sa share ay siya na ang magrerepresenta nito. Kaawaan nawa siya ng Poong Maykapal at sana kanyang pakinabangan at alagaan ng tama ang nasabing pagmamay-ari. Maraming Salamat. Pumirma sa ngalan ng Panginoon at sa harap ng abogado ng kompanya. Mrs A."
Nag-eecho pa sa pandinig ni Arabella ang binasa ng Abogado at halos di siya makapagsalita sa harapan nito at nang CEO dahil dito. Nakakabigla ang pangyayari, hindi niya mahanap sa isip kung bakit siya binigyan nang ganong kayamanan at kung sino ang Mrs. A na nagbigay nito sa kanya. Mga magsasaka ang pamilya niya sa Ilocos at wala siyang narinig na mayroon silang ubod na yaman na kamag-anak para bigyan man lang ng ganon kalaking kayamanan.
" Baka ho nagkakamali kayo sir? Wala po akong kilalang Mrs. A, baka hindi po ako yung nasa testamento", pahayag niya sa Abogado ngunit umiling iyon ganon din ang CEO.
" Arabella, I know na nabibigla ka sa pangyayari but don't you think this is your destiny."
" Pero hindi ko po yan matatanggap sir",
" Why? malinaw sa testamento na lahat ng share niya sa A&B ay ikaw na ang may -ari? She chooses you, and it is her will".
"But sir",
" Shhhh! You are a good person that is why she trusted everything to you". ang CEO kung kayat wala na siyang nagawa kundi tumango nalang dito.
" Baka pwede ko pong makita at makausap si Mrs A sir, kung ok lang po sainyo?",
" I'll arrange the schedule for that",
" Thank you very much sir, please!", huling pahayag niya bago pa man magpaalam sa upinsina ng CEO.
Pagkalabas niya sa office ng CEO ay pinagkukurot pa niya ang sarili dahil baka panaginip lang ang kanyang narinig. Nasaktan naman siya kung kayat di niya napigilang mapatawa sa ginawa sa sarili.
Hangang nakababa na siya sa kanilang upisina ay iniisip pa rin niya kung sino si Mrs A at kung bakit binigyan siya ng ganong responsibilidad.
Hindi makapagcentrate si Arabella sa ginagawa, nakatunghay siya sa monitor ng computer ngunit mayat maya ay napapabuntunghininga o di kaya ay napapahikamos siya sa mukha bagay na napansin iyon ng mga kasamahan.
" Mars, are you okey? Wag mong pansinin iyon, nandito kami para saiyo", si Joy na tinapik tapik pa siya sa kanyang balikat.
Mula sa paghihikamos ng mukha ay biglang pinanlakihan ng mata si Arabella. Anong pinagsasabi ng kanyang kaibigan? Kanina pa palang umaga tahimik ang lahat ng kasama niya sa upisina at dahil sa anunsiyo ng abogado ng kompanya ay di niya binigyan ng pansin nag mga ito.
" Alam niyo?", halos di makapaniwalang tanong niya sa kaibigan at hindi naman nag atubiling tumango tango iyon.
" Lahat kami nakatanggap ng message",
"Talaga?", halos tumuwid sa pagkakaupo ang dalaga. Kailangan talaga itxt sa lahat na siya ay nagmamay ari ng share sa kompanya?
" Oo, actually lahat yata ng emplayado ng kompanya ay nakatanggap ng crippy message",
"Crippy message?",
" Oo hindi ba nakakatakot yun? yung sinisira ang dignidad at pagkatao mo?", ang kaibigan at gulat na gulat siyang humarap dito. Di yata at magkaiba sila ng sinasabi?
" Anong dignidad at pagkatao?",
" Ha? Di mo alam? akala ko yun ang pinoproblema mo? Dika ba nakatanggap?", si Joy na noon ay nagulat din sa kanyanvg sinabi.
Agad niyang kinuha ang bag at hinanap ang cellphone ngunit manganinganing ibalibag niya ito ng wala siyang mahanap na cellphone dito.
" I don't get the news, i dont even have my cellphone!", inis niyang pahayag.
" What is that? pwede bang pakibasa nalang para saakin?", saad niya kay Joy, sa halip ay ibinigay nito sa kanyang ang cellphone.
" THE NEW FACE OF A&B IS A WHORE! SHE USES DIRTY TRICKS JUST TO GET THE TITLE. "
Hindi malaman ni Arabella kung ano ang nararamdaman niya sa oras na iyon. Hindi siya makapaniwala sa nabasa, bold letter pa man din. Siya ba talaga ang tinutukoy nito? Gusto niyang mainis na matawa, kung sino naman ang nagpalabas nito ay nag iimbento ito ng kwento.
Napailing na ibinalik ni Arabella ang cellphone sa kaibigan, punong puno ang isip niya kay Mrs. A kaya di niya madigest ang bagong isyu na kumakalat over text messages. After all, hindi naman siya nag-aafter sa pagiging New Face of A&B kung gusto nga nila palitan nalang siya eh.
"Yan lang reaction mo?", hindi makapaniwalang saad ni Joy nang makuha ang cellphone nito mula sa dalaga.
" May magagawa ba ako?", pabalewalang pahayag niya saka umupo ulit sa harap ng sariling computer.
" Really? what about this one?", si Joy ulit na may ipinakitang ibang text message at muntik siyang mahulog sa kinuupuan ng mabasa ito.
" ARABELLA SIMON IS THE NEW TOY OF A&A CEO!"
"What the...anong problema ng taong ito?", naiinis na bulalas niya sa pagkakadawit ni Tyron sa umiikot na text messages laban sa kanya.
Pinakaiingatan niya ang pangalan ni Tyron Alegre, anot ngayon meron siyang ganitong issue at nainvolve pa ang binata?
" That person is making a story, nakakahiya kay Mr. Alegre!", frustrated na saad ng dalaga, nahawakan pa niya ang sariling noo.
" I agree, kung sino man ang taong ito sobrang laki ng galit saiyo", si Joy na nakikita rin sa mukha nito ang pagkaistress para sa kaibigan.
" Wala akong kaaway mars,",
" Kaya nga nagwowonder ako kung bakit may ganitong issue na lumabas laban saiyo."
" Haist!", nasambit na lamang niya habang hinihimas ang noo. Mukhang nagsisimula na ngang sumakit ang kanyang ulo. Hindi niya ubod maisip na may magkakalat ng ganitong issue tungkol sa kanya. Hindi naman siya director o di kaya ay isang head sa kumpanya. Isa lang siyang simpleng emplyado at wala siyang alam na nagawa na ikakagalit ng kanyang mga kasama.
"Arabella, connecting call for you", mula sa pagkakapikit habang hawak hawak ang noo ay pukaw ni Mayette na siyang malapit sa telepono ng kanilang upisina.
Napahinga siya ng malalim at patamad na tumayo upang tunguhin ang telepono. Nakita rin niya ang nagmamatyag na mga mata ng mga kasama na tila ba naiintriga. Napangiti tuloy siya ng mapait sa sarili dahil may mga kasama din yata siya sa upisina na nakaismid at naniwala agad sa intriga.
" Arabella Simon speaking, may i help you?", mula sa pag iisip ay saad ng dalaga pagkaangat sa telepono.
" Hey babe, are you ignoring me? I'm calling you, why aren't you picking up your phone", mula sa kabila ay narinig niyang paghihimutok ni Tyron. Ngunit pagkarinig lamang ng boses nito ay parang biglang nawala ang kanyang mga iniisip bago ito tumawag kung kayat ang tuliro niyang mukha kanina ay napalitan nga nakangiti mga labi at nagliliwanag na mga mata.
"I'm sorry, i did not find my phone in my bag, naiwan ko yata sa bahay. May importante kang sasabihin?", malambing niyang pahayag at narinig niyang umungol iyon sa pagkadisappoint.
" I'm thinking if you really in love with me or what? hindi ba kita pwedeng tawagan kung wala akong importanteng sasabihin?", maktol nang nasa kabilang linya at di niya napigilan ang natawa.
'I'm thinking of you, is not that enough?", patuloy pa ng binata at di niya napigilan ang makilig.
" Of course , it's more than enough for me, akala ko kc busy ka kaya ko natanong. Tapos na ba yung meeting mo?", malambing pa ring saad niya dito
" No! still have 3 more to go, i just miss you."
" Oh i see", sobrang lawak ng kanyang pagkakangiti. Lihim pa ok niyang tinignan ang kanyang paligid bago sinagot ng may kahinaan ang sinabi nito.
" I miss you too, don't stress yourself too much.",
" I try hard not too, what are you doing?", saad ni Tyron at doon bumalik sa kanyang isip ang kinakaharap na issue at ganun si Mrs. A, pero siyempre wala naman siyang balak na sabihin pa ito baka makadagdag lang sa mga iniisip ng binata
" I' m doing my...presentation", pagsisinungaling niya, buti nalang wala ito sa kanyang harapan.
" That's good! before i forgot, Ronnie will pick u at 5 this afternoon, sa A&A na tayo kakain i'm at the office na by that time",
" Ok! can you make me a little favor?",
" What is it?"
" Baka pwedeng hindi yung sasakyan mo ang gamitin niya, pls", saad niya dito at narinig niyang nagpalatak iyon ng tawa ngunit naintindihan naman iyon ng binata.
" Ok! your wish is my command my queen!",
" Thank you.",
" No, thank me later", makahulugang tudyo nito kung kayat di niya napigilang magblush.
" I'm sure i made you blush again my love, how i wish nandiyan ako sa harap mo ngayon i so love seeing you blushing.",
"Confirmed, you are the most conceited man i know!", saad niya and again narinig niya ang nalakas na pagtawa nito.
" You made my day woman! anyway, ill go ahead dumating na yata yung hinihintay namin.",
" Oh ok cge, thanks for your call. Bye",
" Hep! bye what?",
" Take care, can't wait to see you",
"and?"
" And i miss you?",
" Really? why can't you say that you love me?",
" Oh sorry, i love you!",
" Good! now, put down the phone!",
"Ok!", ang dalagang sa sobrang kilig ay natampal niya ang noo ng makita si Joy na sobrang puzzled sa ikinilos niya.
Bigla tuloy siyang nagseryoso at tila walang nangyaring kilig moments na tinungo ang kanyang upuan. Gusto niya tuloy murahin ang sarili dahil sa kinasasangkutang issue ay may gana pa siyang makiligkilig. No doubt na kahit ano mang masamang issue ang kakaharapin si Tyron Alegre talaga ang kanyang pill. Namimiss niya tuloy ang binata kahit kaninang umaga lang sila huling nagkita.Kasalukuyang may meeting ito sa ibat ibang companies pero he finds time para makusap siya. Gusto niyang isipin na he is fallen for her kaso meron itong girl friend na sobrang minamahal.
" I wonder how Mr. Alegre shake that attractive knees of yours", mula sa katabing hilera ay isang mapang uyam na salita mula sa matangkad na lalaki. Di niya ito kilala ngunit naka uniform ito ng kagaya ng sa kanya kaya siguradong emplyado rin ang A&B ito, after all nasa A&B canteen naman sila. Past 12 na nang tanghali at nagkaayaan sila ni Joy na sa Canteen nalang sila kakain.
Tinignan niya ang matangkad na lalaki, gwapo naman ito at halatang respetado pwera na lang ang bunganga nito.
Tinitigan niya ito ngunit malisyosong tinignan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. Sa inis ay iniwan niya ito saka walang lingong likod na pinuntahan ang nakaupo nang kaibigan. Huminga pa siya ng malalim bago ibaba sa mesa ang pagkain at umupo sa harap nito.
Susubo na lamang ng pinamiling pagkain ng may dumating na juice sa kanilang table. Para daw ito sa kanya sabi ng serbidora at itinuro ang kinaroroonan ng lalaking kaninay nagsalita ng malisyoso sa kanya. Itinaas pa man din nito ang hawak na baso habang nakatingin ng nakakaloko sa kanya.
" Michael De Vera, one of the board of directors, he is the head of the Engineering department.', pagbibigay ng information ni Joy sa kanya.
Mataas pala ang position kaya pala ganon kaarogante, but who cares gusto nga niyang bigyan ng punch ang pagmumukha nito.
" How about going out after work?", hindi pa man sila nakakaumpisa ng pagkain ay nakalapit na ang lalaki. Napakapresko ang dating ng lalaki at nakakasuka para sa dalaga ang ganong klase ng lalaki.
Tinandyakan siya sa paa ni Joy ngunit tumigas ang kanyang mukha
"I'm sorry sir, to whom you are talking to?", si Joy nang hindi mahintay ang kanyang response. Mataas ang position nito sa kompanya and as much as possible ay ayaw nitong maooffend dahil sa pambabalewala ng kaibigan.
" I'm talking to her!", saad nito saka humarap ito sa kanya.
" Oh, ako po pala kausap niyo sir? ano po ulit ang sinasabi niyo?", sarkastikong pahayag niya sa lalaki ngunit sa halip na mainis iyon ay ngumiti pa ng sobrang lawak.
" I'm Michael De Vera, board of director and I want to take you out tonight?", preskong pahayag nito kung kayat tumaas ang lahat ng dugo sa kanyang mukha. Ang yabang yabang ng lalaking ito, ni hindi nito tinanong kung ok ba sa kanya?
" I'm sorry sir, with due respect hindi po ako pagkain na tinetake out. If you excuse me now!", inis na pahayag niya saka tumayo at kinuha ang purse para umalis.
" Oh, playing hard to get? Name your price!", saad ng lalaki at hindi siya makapaniwala sa tinuran nito. Tinignan niya ito nang matalim habang kimkim na kimkim ang kamao. How dare this person to talk to her like this.
" I'm sorry?", saad niya dito. Kung magkakamali ang tabas ng dila nito ay ito na ang kaunaunahang masasapak niya ng pagmumukha. Pero tumawa iyon ng nakakaloko at kung pwede lang ay pagsasapakin niya ang pagmumukha nito para matauhan. Sa halip ay inis siyang nagmarcha palayo na walang pakialam sa mga tao na noon ay nakatingin na sa kanila. Nagsisipag bulungan ang iba, samantalang nagtatawanan naman ang iba habang ang ilan naman ay patay malisyang tumingin sa kanya.
Agad niyang tinungo ang elevator at dali daling umusli sa papasarang pintuan nito. Narinig pa niyang nagsitinginan sa isat isa ang mga naroon samatalang nagbubulungan ang iba pa.
" Hahaha sinong mag aakala, isa pala siyang santa santita. Yung mga pinapamigay niya sa mga batang lansangan at sa mga utilities galing pala sa pakikipag ano niya.hahaha",
" Tama ka diyan! Ang dumi ng mukha ng A&B dahil sa kanya. hahahaha!"
Hindi pa pala natatapos ang kanyang pagkaistress pati sa elevator marami ding marites. Kunwari ay wala nalang siyang narinig, kaya pagkabukas ng elevator ay siya na ang unang lumabas. Pero napatigil siya ng maramdamang may humawak sa may dulo ng kanyang buhok. Hindi siya sigurado kung intentional iyon o hindi, pero gusto niyang iconfirm kung kayat nagturn around siya paharap sa kanyang likod. And right there isang babaeng hindi naman masyadong katangkaran, ngunit ang dalawang kilay ay animoy nasa noo dahil sa pang hehead to foot sa kanya.
" What?", palabang saad nito na akala mo ay hindi matitibag.
" I just wondering if you like my hair?", sarkastikong pahayag niya dito, na hindi man lang nakitaan ng pagkatakot sa asta nito.
" Hahaha! Your hair is filty, tamang tama terno sila ng katawan mo!", maahang na pahayag nito.
Napakuyom ang dalaga ng kanyang kamao. What makes this woman think that shes filty?
" Hindi mo alam ang sinasabi mo miss, hindi mo ako kilala", sa halip ay turan niya dito. However this woman is, gusto na niyang magdisappear sa harap nito dahil sa tingin niya ay hindi ito magpapatalo sa kanya.
" We know who you are! You are a slut!", saad ng babae at di niya napigilan ang sariling sinapak ito sa mukha. Nabigla ang lahat sa kanyang ginawa pati ang babae ay wala sa yata sa hinagap na magagawa niya ang sampalin siya.
" Say that again and I swear to God you will going home unrecognized!", galit na galit na pagbabanta niya saka padabog na iniwan ang mga ito habang nakatulala.
Pagdating niya sa kanyang table ay halos lukutin niya ang kanyang mukha. Sobrang dami ng nangyayaring hindi maganda sa kanya ngayong araw at kulang na lang ay magsisigaw siya. Akala niya ganon lang kasimple ang text messages laban sa kanya pero hindi pala. Lahat yata ng kasamahan niya sa trabaho ay puro paghuhusga ang tingin sa kanya. She felt sorry for the girl pero tama lang ang kanyang ginawa. Kahit makarating sila sa HR at bigyan siya ng suspension ay gustong gusto na niya. Parang ayaw na nga niyang makita ang mga tao dito dahil napakababa ang tingin sa kanya.
" Whoah! what you have done is excellent!", namimilog ang mata ni Joy habang papasok sa kanilang upisina. Nagkalat na sa buong A&B ang nangyari at hindi na niya maitatanggi ang nagawa.
" She provoked me!", parang nag eexplain niyang pahayag. Sa tanang buhay nga niya ngayon lang siya nakaranas ng may pinagbuhatan ng kamay.
" She deserved it mars, kulang pa nga iyon", pag aalo ni Joy sa kanya habang nababanaag sa mukha ang tuwa sa kanyang ginawa.
" I love it girl, don't worry i'm always at your back",
" Thank you!", maikling pahayag niya sa kaibigan. Mas lalong gumaan ang kanyang pakiramdam ng hawakan nito ang kanyang kamay at yakapin pagkatapos.
Kinahapunan, pagkabasa sa text ni Ronnie na hinihintay siya sa parking lot ay agad siyang nagligpit sa kanyang table at nagmamadali nang lumabas. Nakipag unahan siyang lumulan sa elevator pababa at wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao na naroroon. Agad niyang tinungo ang parking lot at agad lumulan sa kotse na dala ni Ronnie. Hindi man kasing gara at rangya ng sasakyan ni Tyron Alegre pero bagong bago ito at hindi nalalayo sa mga mamahaling sasakyan na dala ng mga officers sa A&B.
Sa A&A siya dinala ni Ronnie at gaya ng dati sa secret elevator siya lumulan papunta sa rooftop. Naroon na daw ang binata at hinihintay siya para sa kanilang dinner.
Pagbungad niya sa taas ay naramdaman niya ang ibang simoy ng hangin. Sa sobrang taas ng building na kinaroroonan niya ay tiyak na mas masarap ang hangin ang bumati sa kanya kompara sa hangin sa baba.
Inilibot niya ang mga mata sa paligid, may mga iilang mga halaman tulad ng mga kalamansi at mga ibang grafted na namumunga na nakalagay sa mga malalaking paso. Parang garden lang din ang roof top ng A&A at natutuwa siya sa kagandahan nito. Nakikita na rin niya ang binata na nakatayo habang nakatingin sa kawalan. Papagabi na rin kc kaya marami nang mga ilaw ang nakasindi sa paligid. Dahan dahan siyang lumapit dito, ngunit di niya naiwasan ang sariling yakapin ito mula sa likod ng makalapit siya dito. Agad naman nitong hinawakan ang dalawang kamay niya upang mas lalong humigpit ang pakakayakap niya dito.
"Just enjoying the view, ang ganda ng maynila kapag gabi", pahayag ng binata habang lumiyad ng konti para halikan siya sa ulo.
" Kaya nga, nakakarelax at sobrang nakakawala ng stress", napatunghiningang pahayag niya saka ibinuro ang ulo sa likod nito.
Sa stress na naranasan niya sa maghapon parang ayaw na niyang umalis sa likod nito at isandal nalang ang pagod na katawan sa likod nito. Bukod sa nakakarelax ang katawan ng binata ay nakakawala rin ng stress ang napakabangong amoy nito.
Narinig niyang nagpalatak ng mahinang tawa ang binata ngunit hinayaan naman siya nitong sumandal siya sa likod nito ng ilang minuto.
" Where are your stress coming from? Parang ang bigat bigat ng katawan mo?", hindi man seryoso ngunit may pag aalala naman sa tono ng binata.
Mula sa pagkakapulupot ng dalaga sa binata ay humarap si Tyron dito.
" Are you ok?", si Tyron na iniangat ang kanyang mukha mula sa dalawang palad nito.
" Yah, I'm just a little bit tired", makatotohanang pahayag niya kung kayat niyakap siya ng binata saka hinalikhalikan sa ulo.
" Submit your resignation tomorrow!",
" Ha? hoy ano kaba! napagod lang ako no?", ang dalagang agad nabuhayan ng dugo saka pasimpleng itinulak ang binata.
" Kesa naman mapagod ka nang ganyan?",
" No way! pahinga lang ito, hindi po resign!", pagmamaktol niya at natatawang inakbayan siya ng binata.
" Sabi mo mahal mo ako?",
" Oo!",
" Then do as I say!",
" Haist! huwag naman ganyan please. I want to work, i love my work!
" Hmmm and me?",
"Of course i love you more than anything else...kahit ano nalang huwag lang yung work ko please?",
" Tell me why?",
" Eh mabuburo lang ako sa bahay, ayaw ko yung walang ginagawa",
" Then be my wife!".
Sa pakiwari ng dalaga ay parang nag slomotion ang galaw ng paligid pagkarinig sa sinabi nito. Tiningala niya ang binata ngunit halos lumukso ang kanyang puso nang seryoso itong nakatingin sa kanya. Sa kilig at pagkabigla parang di niya alam kung ngingiti siya o tatawa. Sa halip ay hinawak nito ang pisngi ng binata saka dinampian ng halik sa labi.
" I love you to the moon and back...please quit playing games with my heart ", nangingiting pahayag niya dito. Kahit nararamdaman niya ang pag iinit ng mukha sa pagiging vocal niya sa kanyang nararamdaman dito ay hindi siya magsasawang sabihin na mahal na mahal niya ito. Si Tyron ang kaniyang pinaghuhugutan ng lakas maging ang kanyang kahinaan. Ewan ba niya na sa tuwing nagseseryoso ang binata para bang sa isang sulok ng kanyang puso ay kanya siya pinaglalaruan.
" I'm serious!",
" I like it more if you are not!"
" Why don't you believed me?",
" I do! ",
" Then..",
" Tyron Alegre, i love you wether you are serious or not! At hindi kailan man mababago yun...masaya ako kung anong meron tayo. Isa lang pakiusap ko...",
" Tell me!",
" Huwag na huwag mong paasahin ang puso ko!",
Hindi inaasahan ni Tyron na ganon ang sadabihin ng dalaga. With her jolly face, sweet smile and very vocal of her love, bakit parang ang sakit sa dibdib na marinig ang katagang iyon sa dalaga? She is smiling but her eyes uncover her loneliness and saw her silence as her cry.
Tyron grab her body and hug her tight. He planted small kisses in her head and hold her hand na parang ayaw na njya itong pakawalan kahit kailan.
They ate a sumptuous dinner together. Pareho nilang pingagalagaan ang kanilang katawan at kalusugan ngunit sa mga oras na iyon ay wala silang alam na gawin kundi kumain ng kumain. The food are delicious ganun din ang kanilang dessert. May pakape pa sila after bago nagdesisyong bumalik sa office nito ang binata para harapin ang mga naiwang documents nang lumabas siya sa upisina. Nagdesisyon din ang dalagang mag stay lang din sa office nito kahit sinabihan siya ng binatang ipapahatid siya nito sa driver sa kanilang bahay. Shes gone through a lot for this day at gusto niyang nasa paligid ni Tyron. Nagdudulot kasi ang binata ng positive vibe sa kanya at kung kayat mas gusto niyang naririyan lang siya sa kanyang tabi. Hindi rin naman niya ito iniistorbo bagkus nagbukas din siya ng laptop habang nakaupo sa sofa at gumawa ng mga ilang reports sa kanilang office. Nagkakasulyapan lang silang dalawa nang hindi nila namamalayan at kapwa napapatawa sa isa't isa. Naisip ng dalagang, pwede pala ang ganitong set up nila. Siguro hindi siya nakakaramdam ng pagod kung kasama niya ang binata sa iisang room habang nagtatrabaho. Bukod kasi sa nakakahawang energy nito ay maghapon pa niyang masisilayang ang gwapong binata.