Look, i'm sorry! i should not say anything to make you feel like that. Tell me, how can i undo your anger", pahayag ng dalaga. Nanginginig man pero wala siyang magawa, kasalanan niya kung hindi dahil sa pag open niya dito ay sana mabait pa ito sa kanya.
" Unlove me!", walang gatol gatol na turan ng binata. Arabella struck straight to the heart. Ni hindi niya alam ang gagawin but one is for sure she is in pain. The next time she found herself her tears began to roll in her cheeks. Agad niyang pinunas iyon, then take a deep breath bago nahanap ang boses.
" Ok, if that's what you want", garalgal sagot dito. Dugong dugo g ang kanyang puso kaya nahirapan na din siyang huminga.
" I' m leaving, thank you for the lift." saad niya hudyat upang buksan ng binata ang lock ng sasakyan.
Pagbaba ni Arabella sa sasakyan ng binata ay hindi na niya napigilang bumagsak ang kanyang mga luha. It's her second heart break, first is when her parents died and its like killing her. She love him, how can she unlove the man just like that?
" Ate Araaa!" masayang yumakap agad si Anna pagkakita sa kanya. Ginulo niya ang buhok nito, mas ok na ang aura nito kesa nung unang nadatnan niya dito sa ospital.
" Kumusta si Tatay?", turan niya dito, nakangiti niyang inginuso ang nooy natutulog pang ama.
" Medyo ok na ate, maraming maraming maraming salamat sayo", si Anna at pinisil lang niya ang ilong nito.
" Kumain kana may dala akong baon para sainyo", ang dalaga habang iniaabot ang plastic ng pagkain.
" Salamat ulit ate, ang bait bait mo talaga",
" Walang anuman, ok ka lang ba dito? ", tanong niya at tumango tango iyon.
" Pakisabi nalang kay tatay dumaan ako, ibibigay ko lang itong pagkain niyo papasok ako sa upisina", saad niya dito.
" Ok ate, thank you ulit.",
" You're always welcome", saad niya. Binuksan ang wallet at nagbigay ng dalawang libo sa bata. Ayaw pa nitong kunin ang bigay niya dahil meron pa daw yung unang bigay niya pero ininsisst niyang kunin ng bata iyon. Baka kasi may papabiling gamot at kukulangin ang hawak nitong pera. Yumakap nalang ulit bata dahil nappaaiyak na sa labis na kasiyahan.
Papalabas na siya ng ospital ng makasalubong si Dr. Chan sa may pasilyo malapit sa Doctors quarter. Hula niya, ito ang doctor on duty dahil medyo buhaghag pa ang buhok pero cute pa ring tignan.
" Good morning", si Dr. Chan ang unang bumati, na emphasize ang singkit nitong mata sa pagkakangiti sa kanya.
" Hi doc, good morning! napadaan lang ako, kinumusta ko lang ang lagay ni tatay at nagdaan ng food nila", bati niya dito. Nakakahawa ang pagkakangiti ng doctor kaya hindi rin niya maiwasang ngumiti.
" Oh ok! he's getting better, in less than a week pwede na siyang madischarge", pagbabalita nito at nagpasalamat siya sa Panginoon, sa lagay ng matanda noon mukhang malabong makakarecover pa.
" Woow! so glad to hear that doc, thank you very much sainyo",
" Don't mention it, thats what we do", anitong ngiting ngiti at tumango tango siya.
"Let's have coffee", saad nito na tinignan ang hawak hawak na tasa.
" Oh! thank you doc, tapos na ako kanina sa bahay, i'm heading to the office na", ang dalagang tumingin pa sa kanyang orasan pambisig.
" I see, oh ok! I hope you'll be free soon", turan ng doctor at ngumiti na lamang siya. He is so damn cute, a typical Korean actor like Lee Min Ho. Sa tingin niya ito ang heartrob ng PGH.
" I gotta go, till we meet again doc", turan niya. Kumaway naman iyon bago siya tuluyang lumakad palayo dito.
Congratulation Arabella, you did it. A&A has finally signed the contract. Your truly are an angelo", halos magtatalon sa tuwa ang kanyang boss ng tawagin siya sa kanyang table at ibalita ito sa kanya. Sa sobrang saya din ng dalaga ay natutop niya ang kanyang labi.
" Wooow!", halos di rin niya alam ang sasabihin sa sobrang kasiyahan. Ngunit bigla siyang natigil nang maalala si Tyron. What make him decide na mag invest at pumirma sa contract sa A&B? Di ba nga at halos sunugin siya ng buhay nito nang iopen niya ang tungkol sa kanilang proposal?
" Just because you are brilliant Ara", turan ng boss niya na siyang nakapagpabalik sa kanyang diwa. Nginitian niya ang boss sa sinabi nito.
" Your incentives is waiting", excited nitong saad, pinagalaw galaw pa niya ang mga daliri na animo siya ang tatanggap ng incentives na sinasabi nito.
' Ma'am, meron po sana akong pakiusap."
" Tell me, what is it?",
" Mag isa nalang po kasi ako sa buhay, may bahay naman na po akong tinutuluyan at mabubuhay na po ako sa aking trabaho, gusto ko po sanang idonate ang incentive na sinasabi ninyo.",turan niya at halos di makapaniwala ang kaharap sa desisyon niya.
" Are you serious?", saad nito at tumango tango siya. Medyo atubili pa ang kaharap sa mga desisyon niya pero naaccept din niya pagkatapos. She believed that the woman infront of her is something, selfless and have a very big heart. Ito lang yata ang tumatanggi sa mga bagay na makapagbibigay sa kanya ng luxury and enjoyment sa buhay to think na iilan lang ang nabibigyan ng chance na ganito at madalang pa sa ulan during summer.
" Ok then, your request will be relayed to the CEO. Congratulation once again", saad nito at nagbow siya saka nagpasalamat.
" Thank you ma'am", turan niya pagkatapos ay magalang nang nagpaalam.
Paglabas ng dalaga sa office ng boss ay napahinga siya ng malalim. Nasa isip niya si Tyron Alegre, isa na itong stock holder sa company ng kanyang trabaho. She's wondering kung nasaan ngayon ito at ano ang ginagawa niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, she misses him but pain struck in her heart. He knew Tyron Alegre can be cruel but not to the point na utusan siyang iunlove niya na ito at dumudugo ang kanyang puso
Excited ang lahat ng malamang pumirma na ng contract ang A&A Corporation. Isa isang nagbigay ng congratulations ang mga kasama niya dahil naniniwala ang mga itong siya ang naging daan para maging stockholder ang may ari ng A&A. Tinawanan na lamang niya ang mga ito dahil sa katotohanan naman ay wala siyang ginawa.
Halos lahat ng tao sa comdep ay nakasubsub sa kanikanilang mga computer. Naghahanda na naman ang bawat isa dahil bukas makalawa ay out of town and out of the country ang mga iba. Napakatahimik din ng bubong upisina dahil kanya kanyang preparation ang bawat isa.
" Hello everyone, your attention please", pambubulabog ng kanilang head mula sa kanikanilang mundo. Nagsilingunan ang mga ito at agad nagsitayuan sabay pagbow nang makitang kasama nito ang kanilang CEO.
" Sir, this is our Communication Team", dinig ni Arabella na saad ng kanilang head sa mga kasama nito. Patapos na kasi ang ginagawa niya kaya hindi pa niya ito maiwan iwan.
" Ladies and gentleman, meet the co-chairman of A&B Corporation, Mr. Tyron Alegre...", halos mahulog sa kinaupuan si Arabella ng marinig niya ang pangalan ng binata. Di yata at naroroon ito sa oras na ito? Bigla siyang naexcite, namiss niya agad ang lalaki kaya agad siyang tumayo at pasimpleng nakitayo sa may likuran ng mga excited ding mga kasama. Totoo nga! He's here, and he is very powerful in his black suit. Idagdag mo pa ang nakabrush up na hairdo kaya nagmukha itong prince charming. There's nothing with him that she cannot admire, malayo man o malapit, nakasimangot man o nakangiti still enchantingly handsome. Mula sa likuran ay malaya niyang pinagmasadan ang binata, kahit mukha itong suplado ay napapansin pa rin niyang kinikilig ang mga kasama niyang babae dito. Kitangkita niya kasing nagsisipagkurutan ng tagiliran ang iba at pasimpleng nagngingitian. Napangiti siya, talaga namang nakakakilig ang binata kahit nakatayo lang sa harap at walang ginagawang pagpapacute.
Bigla siyang nawindang nang banggitin ng CEO ang kanyang pangalan. Pasimple siyang nagtago sa likod ng kanyang mga kasama ngunit automatic namang nagsipagtabi ang mga iyon kaya wala siyang nagawa kundi ilantad ang sarili. With her vibrant smile ay nagbigay galang siya sa kanilang big boss while ignoring Tyron in the CEOs side.
"Hello sir",
" Oh hi there, Mr. Alegre is right here with us today." ang CEO na nakangiting tinignan ang seryosong si Tyron sa kanyang tabi.
" Hello Mr. Alegre, welcome to. A&B sir", nakangiting baling niya dito. Sa kanyang action towards Tyron, sinong mag aakalang magkakilala sila? ay hindi pala sinong mag aakalang mag- asawa sila? Mula sa kanyang pagkakangiti ay mariing siyang tiningnan ng binata. Medyo kumunot pa
ang noo nito kaya mas maluwang na ngiti ang kanyang pinakawalan.
"Its an honor to have you here sir and thank you for trusting A&B as your business partner".
" Its my pleasure to meet you all, and looking forward to work with you sometime in the future", si Tyron na nakipagtitigan pa sa kanya ng ilang segundo bago ibinaling sa mga kasama niya ang paningin.
Saka lang siya nakahinga ng maluwang ng marinig ang palakpakan ng mga kasama niya tanda ng pagbati nila sa bagong Co-chair ng kompanya. Ang hirap ding magpretend na hindi niya kilala ang lalaki ganon din ang ginagawang pagcontrol sa sarili lalo na at halos mabingi siya sa napakalakas na dagundong ng kanyang dibdib.
" Kinilig ako sainyong dalawa ni Mr. Alegre", napaigtad si Arabella ng kurutin siya bigla ni Joy sa tagiliran. Hindi niya namalayang nakalapit na naman pala ito sa kanyang cubicle.
"Anong...ikaw talaga kung ano anong iniisip mo!",
" Totoo naman, parang kayo nga lang dalawa sa mundo kaninang nag-uusap kayo eh",
" Hoy! may makarinig saiyo, mamaya kung anong sabihin", paninita niya dito. Nag-aalala ang dalaga baka lumalim ang pambubuska ng kaibigan tungkol sa kanila ni Tyron at baka marevil pa ang tunay nilang relasyon.
" Eh di mag daydream din sila kasama si Mr. Prince charming, ang gwapo niya, bagay na bagay kayo." , si Joy habang walang patumangga sa pagkakilig.
" Sssssh!
" Sssssh ka diyan! yun ang dapat mong jowain hindi yung nasa ibang planeta",
"Joy!
" KJ mo! hindi ka man lang kinilig sa poging yun?",
" Hindi!
" Hah! ano ka tuod?"
" He is not my type!" pagsisinungaling niya at nagpalatak ng napakalakas na tawa ang kaibigan. Napatingin pa ang kanilang mga kasama at napapailing sa ginawi nito.
" Grabe ka, back to work. Tsuuupi! pagpapalayas niya dito. Agad namang tumalima si Joy na pabirong tinakpan ang bibig. Tumawa tuloy ang iba nilang mga kasama.
Napailing siya sa kaibigan, napakaobservant nito pagdating sa kanya. Pati ba naman yung connection na mayroon sila ni Tyron ay naamoy niya. Bigla tuloy siyang pinagpawisan, wala dapat makaalam sa kanyang pinakasecreto.
" Ate! Ate! turuan mo ako" isang bata ang lumapit sa kanya mula sa pagkakaupo niya sa may bench sa plaza. Ito na ang bago niyang routine, ang dumirecho sa sa plaza paglabas sa upisina at magpakain sa mga bata na naroon.
Para kasi siyang mababaliw sa kakaisip kapag umuwi siya agad sa bahay. Hindi na kasi umuwi si Tyron buhat ng utusan siyang iunlove niya ito, huling kita nalang niya ito noong pumunta ang lalaki sa A&B. Ni hindi rin nagparamdam sa telepono na kagaya nang dati kahit wala ito importanteng sabihin just to check her. Everytime he thinks of him ay namimiss niya ito. Ang everytime she miss him ay dumudugo ang kanyang puso.
" Ate, ate! hindi ko alam ito", yugyog ng bata sa kanyang braso kaya nagising siya sa kanyang malalim na pag iisip.
Nginitian niya ito at pinaupo ang bata sa kanyang tabi. Tinuruan niya ito sa assignment nito at tuwang tuwang ang bata. Maya maya ay nagdagsaan din ang ibang bata, may bitbit pang mga kalakal ang iba tanda na kahit nangunguha ng basura ang ilan mahalaga pa din ang pag aaral para sa mga ito. Pasado alas diyes na nang gabi ng makauwi si Arabella dahil nag enjoy din siya sa pagtuturo sa mga ito.
Pagkatapos niyang maglinis sa katawan ay kinuha ang ipad bago humiga sa kama. Tune- in niya sa music box ito at napalitan ang kanyang tahimik na paligid ng kanyang favorite music. Pinanood pa niya ang mga music videos ng westlife band habang kinukuha ang tulog. Ayaw niyang mabakante ang kanyang utak, dahil kapag walang pinagkakaablahan ito ay halos mapiga ang kanyang puso sa kakaisip. Alam niyang walang kwenta ang kanyang nararamdaman, kaya sa ayaw at sa gusto niya she needs to move on. Whatever heartache na nararamdaman niya ngayon, alam niyang lilipas din ito in due time. Its good that Tyron didn't show up baka kasi kapag makita na naman niya ulit ito ay babalik na naman ang kanyang nararamdaman into square one. How she wish, she would never see him again.
Pagkababa palang sa taxi ay halos takbuhin ni Arabella ang lobby ng Terminal one sa NAIA. Tinatawag na ang mga pasahero ng Philippine Airlines bound to Singapore, Singapore. May five days speaking engagement and seminar siya sa lugar ngunit inasikaso pa niya ang paglabas ng tatay ni Anna sa hospital kanina kaya halos liparin niya ang airport pagkatapos. She needs to catch that flight or else hindi na siya makakaabot sa kanyang seminar first hour in the morning bukas. Hinanap niya ang pinakamalapit na escalator pataas para sa boarding. Napahinga siya ng maluwang ng makita ang hinahanap sa di kalayuan. Shes fast approaching the escalator ng makita kung sino ang isa sa mga taong lulan dito baba. With hes black suit and brush up hairdo, kahit naka sunglassess ito ay nangingibabaw pa rin ang likas nitong kagwapuhan. Yung tipong lahat nga madadaanan niya ay mapapalingon at makakakitaan ng matinding paghanga.
When she saw him her heart starts to tremble. She missed him pero nakaramdam agad siya ng pagdurugo ng puso mula sa kanyang pangungulila. At this moment, Tyron is so near yet so far. Agad siyang tumingin sa ibang direksiyon, tiningnan ang kinaroroonan ng isa pang daanan pataas ngunit napakalayo naman ito. Kung kayat wala na siyang nagawa kundi ikompos ang sarili at magpretend na hindi niya ito napansin, thanks to her sunglasses hindi mo agad makikita ang direksiyon ng mata ng iyong makakasalubong. However, the moment na magkasalubong sila side by side ay biglang nabitin ang kanyang paghinga ng maramdamang hawak nito ang kanyang kamay. Hes not looking at her and vice versa kaya walang sinomang makakahalata sa tensyong or connection na meroon sila. Nanginginig ang kanyang kamay lalo at linock nito ang kanyang nga daliri to hers. Amoy na amoy pa man din niya ang familiar scent ng lalaki. Arabella either stunned or petrified, sa paraan ng pagakakahawak nito sa kamay niya parang wala itong planong pakawalan siya.
"All passengers who will board to Philippine Ailines 663 bound to Singapore, Singapore please proceed to the boarding area now"
Agad nagising ang diwa ng dalaga pagkarinig sa announcement, and without hesitation ay tinanggal ang sariling kamay mula sa pagkakahawak nito at walang lingong likod na tinungo ang paakyat na escalator. Saka lang nakahinga ng maluwang ang dalaga ng makapasok sa sa boarding area. Pumikit pa siya ng mariin pagkaupo ngunit di niya napigilan ang luhang lumabas sa kanyang mata. She promise herself to let go, pero bakit ganon? para paring hinihiwa ang kanyang puso.
Tyron felt so empty when Arabella releases her hand mula sa pagkakahawak niya dito. She's in his thought all through out his way home kaya sobra siyang natuwa when he see her coming in his way. Akala niya namalikmata lang siya or di kaya ay nasobrahan niya ang pag iisip dito ngunit habang papalapit ito sa kanya ay amoy na amoy niya ang pamilyar na scent ng dalaga kung kayat di niya napigilan ang sariling hawakan ang kamay nito nang magkasalubong sila sa lobby malapit sa escalator. Naramdaman niya ang panginginig nito, he wanted to pull her near kaso bigla iyon kumawala mula sa kanyang pagkakahawak at walang sabi sabing nagpatuloy sa paglalakad pagkatapos. He wanted to grab her again but to his dismay nakalulan na ito sa escalator pataas at malapit na sa pintuan papuntang boarding area. Napabuntunghininga na lamang siya ng mabigat habang nakasunod ang kanyang mga mata sa dalagang papasok na sa pintuan.
" Sir, welcome back!" mula sa kanyang likuran ay biglang sumulpot si Ronnie. Thanks to him dahil nakalimutan niya yatang nasa crowded place siya.
" Yah, thank you", saad niya dito habang halos hindi maiwanan ng kanyang tingin ang pintuang pinasukan ng dalaga.
" May dala pa po kayo sir?", tanong nito nang mapansing nasa ibang diresiyon ang kanyang tingin.
" No, lets go!", saad niya kasabay ng malalaki at mabibigat niyang paglakad palabas ng Terminal.
" Where she going?" mula sa pagkakasandal sa kinaupuan ay biglang tanong niya sa kanyang driver.
" May seminar po sa Singapore sir",
" How many days?"
" Five daw po sir",
" Why so tagal?"
" Yun po ang sched niya sir"
Katahimikan.
" How she doing?
" Ganon parin naman po sir, ginugogol ang oras sa mga bata at umuuwi na pagkatapos",
" Her life revolves from them"
" Ang bait nga niya sir eh", si Ronnie na pinangunutan niya ng noo nang makita sa rear mirror ang pagkakangiti.
" Dapat sa mga ganong babae eh hindi iniiwan",
" What's your point?! Did you like her?",
" Ai sir sa bait at ganda niya walang hindi magkakagusto sa kanya, crush ng bayan sa A&B yun hindi lang halata",
" Did she pay you for intimidating me?"
" Ai naku hindi po sir"
" Good! Please drive in silence"
" Sorry sir, saan po tayo?"
" Sa house!"
" Saan pong bahay?"
Hindi niya alam kung nagbibiro lang si Ronnie or nang iinis. Pinangunutan niya ito ngunit napakalawak ang pagkakangisi sa kanya nang magtagpo ang kanilang mga mata sa salamin. Kababata niya si Ronnie, apo ng kanilang mayordoma at kahit hindi palagian ang pagpunta nito sa kanilang villa before ay nagkaroon sila ng bond na parang higit pa sa matalik na magkaibigan. Kilala na rin siya nito na kahit gusto na niyang sumabog ay cool na cool pa rin ito na walang pakialam sa kanyang mood.
" Malamang sa bahay ampunan?", sarcastikong pahayag niya at lalong bumungisngis iyon.
" Malakas ang sense of humor mo sir",
" Mas malakas ang tama mo! dalhin mo ako sa bahay ng nanay ko,magpapaarmalite nalang ako sa kanya", saad niyang nakangiti narin. Siguradong katakot takot na sermon na naman ang maririnig niya sa kanyang ina.
****"******""""*****"""***"""""****