Chereads / My Husband's Revenge / Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13 - Chapter 13

Halos kalalapag palang ng paa ni Arabella sa lupa ng Pilipinas mula sa Singapore ng makatanggap siya mg sunod sunod na tawag mula sa kanyang officemate reminding her about da company ball mamayang gabi na dadausin sa mismong sunken garden ng A&B. Its anniversary foundation ng company at ginaganap ito sa pamamagitan ng ball ayon sa kanyang mga kasama. It's her first time to witness and join the said event, kaya wala siyang idea kung amo ano ang mga nagaganap sa ball na iyan. Ang alam niya, super duper excited ang mga kasamahan niya at pinuputakti na siya ng mga tawag at messages. Kung siya lang ang masusunod hindi na siya pupunta dahil randam din niya ang pagod mula sa kanyang seminar at jet lag.

Pagdating niya sa bahay ng bandang 4 pm ay humiga muna siya sa kanyang kama, kahit paano ay gusto rin niyang ipahinga ang kanyang katawan dahil halos mahilohilo pa siya sa jet lag na nararamdaman. Ang balak niyang 15 minutes na nap ay naging isa't kalahating oras, halos mapraning siya ng masulyapan ang orasan. Quarter to six na at seven daw magstart ang program. Hindi niya napigilang murahin ang sarili. Although wala siyang balak magpagarbo para sa ball o magmake up ng napaka kapal ay ayaw naman din niyang malate sa program. Kung kayat binilisan niya ang pagbibihis, buti nalang nakabili na siya ng simpleng puting gown sa Singapore. Nagkataon lang noon na lumabas sila ng kasama niya sa room para magkape pero nahagip ng kanyang mata ang damit mula sa kanilang paglalakad sa mall, bagamat napakasimple ng design ay napakaelegante naman nitong tignan. Sabi nga ng roommate niyang chinese dazzlingly beautiful daw siya dahil saktong sakto sa kanya ang size at haba.

Siya nalang din ang naglagay ng light make sa kanyang mukha, isa sa mga natutunan niya sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga businessman ay ang paglalagay ng saktong colorete sa mukha. She can do it like natural ngunit naeemphasized lahat ng mga hugis sa kanyang mukha. Mula sa paglalagay ng no, ng nose line, ng blush on hanggang sa kung anong bagay sa okasyon na hairdo. Pinaglaruan din lang niyang lagyan ng konting kulot ang harapan ng hanggang balikat na buhok and its done. She is not that very pretty but she is contented of her looks and glam. Pagkatapos isuot ang puting stilleto ay hinagilap din ang kanyang puting clutch bag. Hindi pa din niya iyon nagagamit dahil kabibili din niya iyon noong huling speaking engagement niya sa Parish. Pinasadahan pa niya ng isang ikot ang sarili sa full body na salamin saka tuluyang lumabas at nag abang ng taxi.

Past seven na nang makarating sa bukana ng A&B si Arabella. Bukod sa late siyang lumabas sa bahay ay tiyempo pang traffic sa daan. Tuloy halos takbuhin niya ang pinagdadausan ng ball pagkababa sa taxi, di narin niya inalintana ang sukli sa binagay pamasahe.

" Ai ma'am kayo po pala yan, kala ko si Marian Rivera" nakangiting bati ng security guard na nadaanan niya. Makikipag usap pa sana siya sa mga ito pero ngiti at kaway nalang ang ibinigay sa mga ito.

" Naku ma'am kakanta daw po ang late dumating ngayon", biro nang guard na nasa bukana ng venue.

" Baka magsiuwian sila kuya", ganting biro niya at nagakatawanan sila bago tinuro ang reception area.

" Napakagandang gabi po sainyo ma'am, saan po kayong department?", magalang at masayang pahayag ng receptionist at nginitian niya ito ng pagkatamis tamis.

" Sa Communication Department po ako ma'am"

" Sabi ko nga ma'am, lahat talaga sa COMDEP magaganda", saad nito at mas lalong ngumiti si Arabella.

" Thank you, lahat naman po ng emplayado ng A&B ay magaganda",

" Tama po ma'am", pagsang ayon naman ng receptionist na mas lalong lumawak ang pagkakangiti.

" Sa gitna po kayo ma'am, malapit sa stage nandoon na po ang mga kasama niyo. Happy A&B anniversary and enjoy the night po",

" Likewise, see you around" paalam ng dalaga sa receptionist ngunit pahakbang palang siya palayo sa receptionist area ay halos mabunggo siya ng nagmamadali ding dumating.

" Sorry!" saad nito ngunit kapwa natigilan ng maghinang ang kanilang mga mata.

After a month ay ngayon lang ulit sila magkaharap ng ganito. Natatandaan niya na nung huling usap nilang dalawa ay nagagalit ito sa kanya and even told her to unlove him. Of course the pain is coming back and her excitement to see him ay napalitan ng aloofness.

" Hi! ", matipid niyang bati dito kasabay ng alanganing pagngiti. Tyron stared her so deep, hindi niya matantiya kung anong iniisip nito and she felt nervous lalo na sa way ng kanyang pagtitig.

" I'm sorry, i bounce with you this way. If you excuse me now", ang dalagang mabalis na kumilos palayo ngunit agad siyang napabalik sa tabi nito ng hawakan nito ang kanyang braso at hinila pabalik. Buti nalang walang masyadong tao sa labas kundi pagchismisan siya ng buong A&B, mabilis pa naman ang pagkalat ng mga chismiss sa companya.

" Why are you avoiding me?",

" No! I'm not. Pls bitiwan mo ako",

" And if I'm not?"

" Your making a scene!",

" Huh! The hell i care?",

"Tyron!"

"Yes babe?"

Kung pwede lang sigurong kutusan ni Arabella ang binata sa pagkakataong iyon ay ginawa na niya. Paiba iba ng mood, kanina parang nagagalit ngayon naman parang nagpapacute na ewan.

" Mr. Alegre, thank you for coming sir", mula sa kung saan ay sumulpot ang isang usherette at papalapit sa kinaroroonan nila. Buti nalang at nakatago ang kanilang kamay kaya hindi napansin ng paparating. Napalunok pa si Arabella habang pasimple niyang tinatanggal ang kamay na hawak hawak ng binata. Pinangunutan pa siya nito ng noo nang makahulagpos ang kamay niya dito.

" My pleasure ma'am, happy A&B anniversary", saad ng binata ng nasa harapan na nila ito. Bakas naman ang matinding paghanga mula rito base sa napakalawak at sweet nitong pagkakangiti. Ni hindi pa nga yata siya nahagip ng mga mata nito dahil nakatuon ang atensiyon sa binata.

" Thank you, we are so honored for having you here right now sir. Tuloy po kayo sa loob", ang babae na hinawakan na ang braso ng binata.

Tiningnan siya ni Tyron ngunit pasimpleng sinenyasan niya itong sumama na ito sa kanya. Nangingiti pa niyang sinundan ang dalawang papalayo dahil kitangkita ang pag aatubili ng binatang daig pa ang nahuli at naposasan.

Bago pa siya gumalaw para sumunod sa bulwagan ay narinig niyang biglang umingay at nagpalakpakan ang mga tao na naroon. Naexcite tuloy siyang pumasok na at makita ang pinagkakaguluhan ng mga nasa loob.

Pagpasok ng dalaga entrance ay namangha na siya sa dami ng nandoon sa tantiya niya kulang kulang isang libong katao ang naroon. Ganun pala kalaki ang A&B at napakarami ng emplyado. Napansin din niya ang malaking screen sa gitna at makabilaang screen na hindi masyadong kalakihan sa magkabilang side. Pakiwari niya ay may nakatutok na video sa kung saan dahil ang nangyayari sa loob party ang kasalukuyang nagplaplay sa screen. Ang ganda din ng stage dahil nag iiba iba ng kulay ang led light hudyat na isang engrandeng ball ang magaganap. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang napakaggaganda at gugwapong mga co-employee na nagshishine sa kanikanilang gowns at tuxedo, it is indeed a glitz and glam party.

Tinanaw ni Arabella ang may pinaka gitnang bahagi, and there she find Joy na kahit nakamethamorp ay nakikilala pa din. Ganun siguro na kapag familiar na yung tao sau, kahit malayo o bunbunan lang ang nakikita dito ay makikilala mo. Nakangiti pa siya habang nagsimulang lumakad sa karamihan papunta sa kinaroroonan ng mg ito. Medyo uneasy pa siya habang naglalakad dahil naramdaman niyang maraming matang nakatingin sa kanya, medyo itinungo na lang niya ang ulo sa baba dahil nahihiya siya sa mga ito. Maya maya ay biglang nag ingay ang palagid kasabay ng palakpakan ka binilisan niya ang paglakad dahil magsisimula na siguro ang program.

"Araaa!" narinig niyang malakas na sambit ni Joy sa kanya nag angat siya ng mukha para hagilapin ang pwesto ng kaibigan ngunit nabigla siya ng makita ang mukha sa malaking screen sa harapan. Mayamaya ay narinig niya ang intro ng beautiful in white at hiyawan ng mga tao sa paligid.

" Idol!"

" Ang ganda!"

" Crush ko yan",

At kung ano anong hiyaw mula sa kalalakihan. Ninerbiyos siya bigla feeling niya naghihina ang kanyang mga tuhod, ngunit ngumiti siya sa mga ito saka pinagpatuloy ang paghagilap sa mga kasama. Diyahe dahil nakasunod pa pala sa kanya ang video kaya mas lalong napuno ng palakpakan ang bulwagan. Feeling niya tuloy pinagtritripan siya ng kumukuha ng video dahil napakahaba naman ng kanyang exposure.

"Hi guys, happy anniversary", nakangiting bati ni Arabella sa mga kasama.

" Uwian na guys, may nanalo na", biro nga ilan niyang mga kasama

" Ikaw na ang mala Duchess of Cambridge", biro ni Joy sa kanyan at kinurot niya ito sa tagiliran.

Mayamaya lamang ay nagsimula na ang simula na ang program. Magagaling ang mga Emcee kayat halos lahat nga nasa party ay sa program nakatuon. Ipinakilala ng mga ito ang mga mahahalagang tao sa likod ng A&B muka sa CEO, Shareholders at mga bosses sa ibat ibang department. Special mention si Tyron Alegre na bagong Co-Chairman ng kompanya. Maramig nakilig nang ituon sa binata ang spotlight, lalo na nang magpahayag ng maikli ngunit napakalalim na mensahe para sa lahat. Napakagwapo ng binata, mula sa tikas at tinding, ang signature nitong buhok na palaging nakabrush up, ang baritong boses na parang musika sa lahat lalong lalo na ang dalaga. Ang black suit nito that exude elegance and power. He is really a prince charming at hindi niya ulit maiwasan ang sariling magkacrush dito.

" OMG! He is so handsome!", isa isang sambit ng kanyang mga habang kilig na kilig. Ngiti nalang din ng itinugon niya sa mga ito dahil maging siya ay sobrang kinikilig deep inside.

Kasunod ng pagsasalita ni Tyron Alegre ay awardings na para sa loyalty. Marami rami din ang recipient kasama na dito ang kanilang department head. Sumunod naman ang mga best employees na ayon sa mga kasamahan niya ay ang mga ito rin ang nagbebest every year. Ibig sabihin consistent ang ipinapakitang napakagandang performance ng mga ito.

" Oh woow! After 3 years ladies and gentleman nadagdagan ang ating mga best employees of the year." excited na anunsiyo ng isang emcee na ikinagulat ng lahat. Kanya kanyang hula at tingin sa bawat miyembro ng grupo asking kung sino ang tinutukoy na bagong miyembro ng mga best employees.

" Ang bagong miyembro ng mga da best ay nagpakita ng pagmamalasakit, pagmamahal, katapatan at kagalingan sa kompanya, siya ay walang iba kundi si Ms. Arabella Simon! palakpakan po natin siya", ang emcee kasabay ng nakakabinging hiyawan ng mga kasama niya lalo na at nasa screen na ulit ang kanyang magandang mukha.

Halos maitulos si Arabella sa kinauupuan ng marinig ang kanyang pangalan, ni sa hinagap ay wala sa isip niya na isa siya sa mga best employees ng A&B. Naramdaman na lang niya ang paang tumayo at lumakad patungo sa entablado sa pagpupush at pagchecheer din ng mga kasama.

" For the record ladies and gentlemen, Ms. Arabella has no record of absent and has been the early bird since day 1 of her employment. Once again, Ms. Arabella Simon!"

Bukod sa masigabong palakpakan sa baba ng stage ay mainit na pagbati naman ang nakuha ni Arabella mula sa mga bosses na nakatayo sa stage para sa mga parangal. Sobrang tamis ang ngiti ng CEO ng makadaupang palad niya ito samantalang niyakap at binesobeso siya ng kanyang head. She is so overwhelmed na kahit sa harap ni Tyron ay di niya maitago ang saya. Nabigla na lamang siya nang hindi nito binitiwan ang kanyang kamay kung kayat nakitabi na lamang siya dito during picture taking.

" Stay beside me!", pasimpleng pahayag ni Tyron sa kanyang tabi, buti na lamang maingay ang paligid kaya sila lamang ang nagkakaintindihan.

" Are you out of your mind?" sagot niya na habang pasimpleng minulagatan ito.

" Why not?", pakunot noong saad nito na pasimple pang tumingin sa kanya.

" Baka sabihin ng mga tao dito interesado ka saakin", paalala niya dito at napakunot siya ng tumawa iyon. Gusto niya tuloy durugin ang kumay ng binata dahil pinagtatawanan siya nito. Ang gusto lang naman niyang sabihin baka malaman pa ng iba kung ano sila sa totoong buhay.

"Can't you just ignore my existence?", matalim niyang pahayag. Hindi naman siya nagpapapansin sa binata pero bakit pinagtutuunan siya ng pansin ng ganito. Sa sinabi niya ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti ng binata at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"Arabella, why don't you stay with us, Tyron might be comfortable if he has someone he knew and can talk too", ang kanilang CEO na napansin yata ang kanilang lihim na pag-uusap. Sinang ayunan nan ng ilang heads kaya awala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang mga ito.

Halos malaglag naman ang kanyang puso ng alalayan siya ni Tyron pababa mula sa stage. Ito na rin ang kumuha ng isang upuan para sa kanya at itinabi sa kinauupuan nito kanina.

" Thank you sir", saad niya dito at kinindatan siya nito habang nakangisi. Maya maya ay parang gusto niyang magsisi dahil hindi na siya makarelate sa mga usapan ng mga kasama niya sa table, mga big bosses ang mga kasama niya kaya kanya kanyang paandar ang bawat isa. Nakikinig lang din siya sa mga ito at ngawit na ngawit ang kanyang bibig sa pagkakangiti. Tyron seldom talk but when he talks everyone keeps in silence at nakatuon lahat ang atensyon sa kanya. Proof that he is a very dignified person and shouldn't ruined nang dahil lang sa kanya.

"Ladies and gentleman, please fasten your seatbelt because any moment the face of A&B will be unveiled"

Napukaw ulit ng emcee ang atensiyon ng madla, at parang iisa ang ulo na tumingin sa harap. Lalo at may nagflaflash na mga pictures or videos sa screen.

" Ang face of A&B ay hindi lamang nagtataglay ng napakagandang mukha, hindi lamang siya ay matalino, masipag at nagpapakita ng loyalty sa ating kompanya. Bagkus may busilak na puso hindi lamang para sa kompanya, hindi rin lang para sa kasamahan kundi para sa lahat ng tao sa loob man at labas ng A&B.

Ladies and gentleman here are the nominees and kayo po ang humusga kung sino ang nararapat na maging mukha ng ating mahal na kompanya."

Nagflash ang mga pinakamagagandang babae sa A&B, ipinakita din ang kanikanilang achievements na talaga namang outstanding sa kanikanilang fields. Sila talaga ang tamang description ng beauty and brains. Wala naman talagang itulak kabigin base sa mga lumalabas sa screen na mga credentials. Wala siyang masasabi kundi lahat ay paghanga. Tumigil lang ang pagkaamuse niya ng magflash ang susunod na mukha. Bigla siyang narattle, tinignan niya ang paligid ngunit nakapokus ang lahat ng atensiyon sa screen. Ipinikit pa niya saglit ang kanyang mata baka sakaling naghahalucinate lang pero pag bukas ulit ng mata niya ay naroon ang larawan niya kasama ang mga bata sa kalye, namimigay ng food at nagtuturo. Maya maya ay lumitaw din sa screen ang pagbibigay niya ng mga food sa mga utilities sa kompanya. Nasapo niya ang ulo, kung pwede lang magtago siya sa ilalim ng table dahil hindi naman niya kailangang marecognized. Iniangat niya ang ulo ng magpalakpakan ang lahat, only to buried in Tyron's deep eyes. Napalunok siya, hindi niya alam ang nasa isip ng binata. Gusto niyang magpaliwanag na wala siyang kinalaman sa mga kasalukayang nangyayari pero biglang nagcheer ang lahat. Kasabay ng isa isang pagcongratulate ng mga kasamahan niya sa mesa. Parang ang bilis ng pangyayari dahil namalayan nalang ang sarili na nasa taas na ng stage.

" Once again ladies and gentlemen, the new face of A&B, Ms. Arabella Simon! Requesting the Chairman and the Co-chairman of A&B to please hand-in the award",

After ng picture taking ay kanya kanyang lapit ang kanyang officemate. Talaga nga namang tuwang tuwang at kanya kanyang yakap ang ibinigay sa kanya. Kahit paano masaya din siya sa natanggap niyang parangal, wala naman sa hinagap na siya ang tatanghaling bagong mukha ng A&B.

Pagkatapos ng parti ay kanya kanyang uwi ang bawat lulan ng kani kanilang mg asasakyan. Kokonti lang yata ang walang sariling sasakyan at kasama na siya doon. Wala namang kaso sa kanya iyon dahil sanay naman siyang magtaxi. Gusto pa siyang ihatid ni Joy pero pinilit na niyang hindi na dahil maaout of way na ang kaibigan. Naglalakad na siya sa paradahan ng taxi ng makasalubong niya si Ronie.

" Ma'am doon nalang po kayu sa sasakyan sumakay, ihahatid ko na kayo", saad nito. Ngunit umiling siya agad ng maalala si Tyron.

" Salamat nalang kuya, magtaxi na lang ako pauwi", magalang niyang saad dito.

" Hindi ma'am, mahirap pong sumakay ngayon marami kayong kaagaw sa taxi baka madaling araw na kayu makakasakau niyan", pamimilit nito.

Tiningnan niya ang paradahan ng taxi, andaming taong naghihintay kaya nagpatiayon na siya dito.

Iginaya siya ni Ronnie sa parking lot, medyo kumokonti na rin ang mga sasakyan dahil nag uunahan ding umalis ang kanina ay napakaraming sasakyan. Ipinagbukas siya ng pintuan ng sasakyan, nagpasalamat siya dito ngunit napatigil siya ng makita ang binata na nakaupo sa loob habang nakasandal ang ulo sa may upuan at nakapikit. Pakiwari niya ay tulog ito dahil hindi man lang ito gumalaw o lumingon ng buksan ni Ronnie ang pintuan. Dahan dahan siyang lumulan at halos pigil ang hiningang umupo sa tabi nito.

Maya maya ay naramdaman niyang tumakbo na ang sasakyan, mabagal lang ang usad dahil maramirami pa rin ang sasakyang palabas galing sa party kung kayat unti unti niyang isinandal ang ulo sa kabilang side. As much as possible ayaw niyang magising ang katabi at baka mas lalong wala siyang kapayapaan hanggat nakalulan sa sasakyan.

Papikit siya ng mga mata nang maramdaman niyang hawak hawak na ni Tyron ang kanyang kamay. Gulat siyang nagmulat ng mata tsaka tumingin dito ngunit nakapikit pa rin iyon kagaya ng dati. Gusto niyang bawiin ang kamay mula dito subalit mas lalong mahigpit ang ginawang paghawak dito kaya wala na siyang nagawa kundi hayaan iyon na hawak hawak ang kanyang kamay.

" Congratulations! You are the A&B's apple of the eye", maya maya ay saad nito. Hindi mawari ng dalaga kung may halong sarkasmo ang tono nito.

"I' m sorry for your disappointment, I didn't know anything about that.",

"You deserve it!", ang binata kasabay ng pagbukas ng kanyang mga mata. Their eyes met, and she nearly froze. Tyron is so handsome that she can't even take her eyes on him.

" Thank you!", halos di niya marinig ang sariling boses ng tumikhim ito. Naramdaman pa niyang halos umakyat ang lahat ng kanyang dugo sa mukha kung kayat pasimple niyang ibinaling sa kabila ang tingin.

Naintriga tuloy sa sarili kung bakit hindi nagbabago ang tingin niya sa binata sa kabila ng lahat. Why is that she still longing for him? Why is that she felt so happy when he is near? and even happier while he is holding and playing her hands. Why is that shes in love with him even more?

Mas lalo pa siyang nakilig ng hinawakan siya sa ulo para ihilig siya sa balikat nito.

" You can sleep, i'll wake you up when we're home",

" Thank you!"

Tyron silently kiss her in the head ngunit di na naramaman ng dalaga iyon sapagkat nakatulog na ito mula sa pagkakahilig nito sa kanyang balikat. Bumigay na ang mga mata nito dahil sa pagod mula sa biyahe sa singapore tapos dumirecho pa ito sa party kaya hindi katakatakang nakatulog agad ito. Inayos niya ang posisyon ng dalaga, mula sa pagkakahilig nito sa balikat niya ay ipinuwesto ang ulo nito sa kanyang kandungan. Right from there ay malaya niyang napagmasdan ang napakinis at napakagandang mukha nito. Shes even prettier when the last time he saw her. Her face is so calm. He's wondering if she ever think of him when shes away or when he is not around. Did she still have feelings for him? He remembers the pain in her eyes when he told her to unlove him. Its the most painful eyes he'd ever seen na tumagos hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso. Napasugod pa siya ng wala sa oras at pumirma sa contrata sa A&B para lang masigurong ok siya, but to his surprised shes very well and even manage to pretend well na hindi sila magkakilala. Nagwonder tuloy siya kung totoo nga kayang mahal siya nito o hindi. Baka gusto lang nitong makuha simpatiya niya para sa company nila and that's make him angry.

Nagulantang si Tyron ng kumatok si Ronie sa bintana, hudyat na nakarating na sila sa bahay. Binuksan niya pinto at walang pag aalinlangang kinarga ang dalaga papasok sa bahay. Agad namang tumalima ang driver para buksan ang gate pati ang pintuan ng bahay. Sa kwarto na nito idinerecho ang dalaga, sa himbing ng tulog nito tinnaggal na lamang niya ang heels nito saka linuwagan ang belt ng dress para hindi na ito magising. Naiiling na lamang siya dahil para itong tulog na mantika kapag pagod na pagod. Hinalikan na lamang niya ito sa noo bago lumabas sa kwarto at binilin si Ronie bago umuwi.