Ara is wearing a plain but elegant white dress, lagpas tuhod lang ang haba at maikli ang manggas, meron di itong dalawang side pocket. Although hindi ito hapit sa katawan, hindi pa rin maitago ang ganda ng kanyang pangangatawan. Ayaw niya ng mga revealing na damit lalo at mga ganitong pagtitipon. Ipinares na ang simples ruby na earing at kwintas kaya mas lalo siyang naging elegante kasimplehan, idagdag pa niya ang nahagilap niya red Cinderella shoes sa rack. Light make up lang din ang inilagay sa mukha maging ang tinta sa labi nito, blower din niya ang kanikaninang mamasamasang buhok saka hinayang nakalugay. Nagmukha tuloy siyang mas bata sa tunay na edad. Umikot ikot pa sa salamin, siniguradong presentable siya sa harap ng mga bisita ng binata.
Pagdating niya sa pinakalobby ng resort ay wala siyang nakitang anumang tao bagkus may narinig siyang mga boses sa isa sa mga pintuan. Lumapit siya sa may ingay at agad naman niyang nakita ang nakapaskil na malaking KOMEDOR sa pintuan. Inayos niya ang sarili, huminga siya ng medyo malalim at inihanda ang magandang ngiti. Ngunit ang pagkakangiti niya ay napalitan ng panginginig ng tuhod ng makitang halos puno ang mesa, nagkukuwentuhan at nagtatawanan ang mga ito. Bigla siyang napaatras, kakaripas sana siya pabalik ng mapansin siya ng mga nito.
" Hi! who are you?" isang babae ang pumukaw sa lahat ng atensiyon ng mga naroon at biglang nabaling lahat sa kanya. Naramdaman niyang namula ang kanyang mukha, hinanap ng mata niya si Tyron pero nakatingin lang din ito sa kanya habang may babaeng nakapulupot sa may likuran niya. Napalunok ng sunod sunod nag dalaga, di niya alam kung ano ang uunahin kung ang nararamdamang selos o ang nerbiyos sa mga taong nakatingin sa kanya.
" Ahhh...sorry, iba yata ang napuntahan ko...gotta go", saad niyang akmang tatalikod pero mabilis pa sa alas kuatro ang isang lalaking lumapit sa kanya.
" No, No, No! it's ok...you can join us", saad nitong hinawakan pa ang braso niya. Tinignan niya ang kamay nito kung kayat agad namang tinanggal ang lalaki ang pagkakahawak sa dalaga.
" Oh sorry! i'm just carried away, pls join us", muling saad nito na sinang ayunan naman ng kaniyang mga kasama.
" Yeah! common here, harmless kaming lahat", pagbibiro pa ng isa na sinang ayunan din ng mga kasama nito. Nagpakawala siya ng pilit na ngiti, tinignan niya ulit si Tyron pero wala pa ring kareareaction ang mukha habang nakatingin lang din sa kanya. Nakaramdam siya ng suntok sa dibdib, ang tanga niya sa point na inisip niyang ipangalandakan siya nito sa mga kaibigan niya. Diba nga ay nakatago kung sino siya sa binata at sa pamilya nito?
Maya maya ay nginitian niya ang lalaki tanda ng kanyang pagpayag.
" Yes! thank you, this way pls", saad ng lalaki na agad siyang inalalayan papunta sa harap ng mesa at ipinag hila pa siya ng upuan para makaupo ang dalaga.
"Thank you", kiming turan niya dito. Mas lalong lumuwang naman ang pagkakangiti ng lalaki sa kanya.
" By the way, I'm Bryan and these are friends" pagpapakilala nito.
" I'm Ara", matipid niyang pahayag at isa isang nag "hi" ang mga kasama nito.
" Why are you here Ara? I don't remember A&A is open for visitors?" turan ng babaing nasa likod ni Tyron. Nginitian niya ito kahit gustong gusto niyang batuhin ng kutsara.
" Bestfriend ko ang bunso ng mga Alegre and nagkataon na may seminar ako dito and she insist na dito ako mag stay."
" Oh really? So you and Ty here know each other?", halos di makapaniwalang saad nito..Nginitian niya tsaka umiling lalo at wala namang nakitang reaction ang binata sa sinabi nito.
" Not at all, minsan ko lang nakita si Mr. Alegre and hindi kami nag usap kaya siguro hindi niya ako marecognized", sagot niya dito. Di na rin niya tinignan pa ang binata dahil nababanas na siya dito.
" He missed one half of his life kung di ka niya napansin, sa ganda mong yan?" umentra naman si Bryan at nginitian niya ito.
" Parang hindi mo kilala si Tyron, tirador yan ng mga modelo." turan ng isang kasama nila na nagsitanguan naman ang ibang kalalakihan.
Ouch! sa height palang dina siya pumasa, nakakaloka.
" Ako na naman ang nakita niyo, why don't you mind your own business", nakatawa namang saad ng binata na akala mo ay tuwang tuwa sa tinuran ng mga kainigan niya.
" Pero mas ok parin ang mga dalagang Filipina, magaganda na, maalaga at mapagmahal pa, diba girls?", saad naman ng isa at nagsipagsang ayunan din ang mga babaeng kasama nila.
" Tama, hindi nga kami takot tumaba at kahit ilang anak kaya naming ibigay...hindi kagaya ng modelo niyo ayaw madisporma ang katawan", ang isa namang babae at nagsipaghiyawan naman ang kanilang panig.
" Advise ko saiyo pare ha, hindi habang buhay ang ganda ng mukha at pangangatawan pero ang magandang kalooban ay panghabang buhay yan", ang isa naman at nagsipag bulungan ang mga kababaihan saka nagsipalakpakan.
" Hey! your crossing the line, ako na naman nakita niyo", pagmamaktol ng binata at nagsitawanan ang mga kasama nito.
" Ano pa, ikaw lang naman ang head over heels sa mga models dito noh?", kantiyaw pa rin ng mga ito kaya itinaas ng binata ang kanyang mga kamay.
" Oo nga tigilan niyo na yan, baka bukas nasa America na naman yan", ang isang babae sa grupo kaya naglielow din sa pangangantiyaw ang mga ito.
" How about you Ara, what is your ideal man?", out of nowhere ay tanong ni Bryan sa kanya kaya nabaling sa kanya ang lahat ng ataensiyon, mukhang hinihintay din ang kanyang kasagutan. Nabigla ang dalaga, kahit siya sa sarili niya ay hindi pa niya alam kung ano ang ideal man niya.
" Ha? ae..wala pa naman", bigla ay turan niya. Nagsitaasan ang mga kilay ng mga babae at hindi naman makapaniwala ang mga lalaki.
" Seryoso ka?, di makapaniwalang saad ng babaeng kasama nila.
" Baka lang siguro hindi ko pa nakita or it is not my priority yet?" pati sa sarili niya ay hindi rin siya sigurado.
" Don't tell me, hindi ka pa nainlove?" bulalas ng isa at may pag-aalinlangan pa siyang tumango.
" I can't believe this! Pero alam mo girl kapag nainlove ka sigurado kahit butas ng karayom papasukin mo", saad ng babae at nagkatawanan silang lahat.
" Pelikula yata ni Fernando Poe yan mare" , saad ng isa kaya mas lalaong napuno ng tawanan ang hapag kainan.
Pagkatapos kumain ang lahat ay nagpasyang ipagpatuloy ang jamming nila sa pool ngunit nagpasalamat nalang ang dalaga sa pag iimbita ulit sa kanya. Parang nararamdaman na niya ang kanyang pagod kaya mas pinili na niyang magpaalam at mauna sa kanyang silid.
" I'll walk you to the lobby", mabilis na kumilos si Bryan para alalayan siyang lumabas sa kinaupuan. Nginitian niya na lamang ito, kahit paano natutuwa siya sa pagkagentleman nito.
" Mag ingat ka diyan Ara, tirador ng mga working girls yan", pabirong pagapapaalala ng isa sa mga kaibigan nito at napakamot sa ulong tumawa ito.
" Pasensiya kana sa mga kaibigan kong sira ulo, pero matitino ang mga yun" saad nito at napatawa na talaga ang dalaga.
" Thank you, i'm so happy to meet you all"
" The pleasure was mine lady! come lets walk outside, maaga pa naman" suwestiyon ni Bryan. Tinignan niya ang malaking orasan na nakasabit sa dingding at mag aalas nuwebe palang naman kaya nagpatianod siya dito.
Preskong hangin ang agad sumalubong sa kanila paglabas, medyo mahalumigmig pero ang napakasarap sa pakiramdam lalo na at napakaganda ang paligid. Sa duct sila nakarating kaya tanaw na tanaw nila ang Lake na nagmistulang alitaltap ang mga ilaw na nakapalibot dito. Makwento din si Bryan, napag alaman niyang isa din itong businessman at nagmamay ari din ang pamilya niya ng resort sa di kalayuan. Masense of humor sin ito kaya hindi mabobore ang sinumang kasama nito. Napapatawa at napapangiti nalang din ang dalaga sa mga kwento at banat nito, but she never disclosed anything about her. She is just a simple working girl, no more no less!
After 15 minutes ay. nakarinig sila ng mga ingay mula sa pool, mga kasama ni Bryan and hula niya itinuloy ang jamming ng barkada nito sa pool. Nahiya naman siya sa kasama na mamimissed nito ang fun kasama ang mga barkada kaya nagpasya na siyang pumasok sa loob at magstay na sa kuarto. Nagpasalamat siya kay Bryan ng bago pa niya tinungo ang kinaroroonan ng silid. " Hope to see you again" saad pa nito bago sila maghiwalay, tinanguan lang niya ito ngumiti habang winagayway ang kamay tanda ng pagpaalam dito.
Napapangiti pa ang dalaga habang binabagtas ang pasilyo patungo sa kanyang silid, sa panahon ngayon bihira na talagang makameet ng lalaking gentleman and Bryan is one of a kind. Yung tipong gentleman na, may sense of humor pa. Hindi nga niya mabilang kung ilang tawa ang pinakawalan niya habang kausap ito. Napailing pa siya habang nakangiting inalala ang mga banat nitong jokes. Nasa ganong state ang dalaga habang naglalakad nang mapahinto siya mula sa di kalayuan ng kanyang silid nang makitang nakatayo si Tyron sa labas. Nakahalukipkip ito na sa tingin niya ay nakakunoot noo mula sa pagkainip. Nakapalit ng damit ang binata mula sa simpleng jeans ang shirt na suot kanina to a long sleeve and slacks na tunay namang bumagay sa kanya. Kahit ang sungit sungit nito at di niya maintindihan ay gwapong gwapo pa rin ang binata sa paningin niya. Napangiti siya sa sarili, mukhang sa sitwasyon nila ng binata mukhang lumalalim ang parin ang pagkakacrush niya dito.
" I wonder what's on your mind right now, are you making fun of me?" saad nito na halatang may pagkainis.
Agad namang nagising ang dalaga mula sa pagmumunimuni, subalit hindi napigilan ang mapangiti dahil sa di maipintang mukha ng binata. Naaliw ang dalaga sa gwapong binata at ikiniling pa niya ang ulo para pagmasdan ito lalo.
Samantala, tumaas naman ang kilay ng binata mula sa pagkakalukot ng mukha. He's wondering kung ano ang nasa isip ng dalaga at nakangiting nakatingin sa kanya despite sa nakikita nitong mood niya. Is she up to something? and hell she's so gorgeous, manganinganing daklutin niya sa hapag kanina at ibulsa para hindi makita ng mga kaibigan niya. But this girl is so damn smart, hindi niya ubos maisip kung paano nito kinecarry ang kasungitan niya down to those clingy girls around and flirting with him. Shes a keeper, despite those intimate circumstances that had happen between them, she stick to the agreement, to NEVER LET ANYONE KNOW ABOUT THEIR MARRIAGE.
" What's on your mind?" nahawa narin si Tyron sa pagkakangiti nito, gustong gusto niyang lapitan ang dalaga at paghahalikan ngunit pinili niyang pagmasdan ito habang nakangiti. Umilling iling iyon but the smile stays in her eyes.
" I want to know", saad pa niya at nagpalatak ang dalaga ng tawa.
" Wag mo nang alamin baka masira ang gabi mo...anyway, why are you here, i gues nasa pool na ang mga kasama mo?" ang dalagang binalewala ang curiosity ng binata sa iniisip niya. Kumilos na rin ito mula sa pagkakatayo at lumapit sa pintuan. Lihim pa siyang napasinghot ng malanghap ang nakakaaddict na fresh na amoy ng binata.
"They used to. it, after all i have more important to attend to" saad nito ar napakibit ang dalaga. Kaya pala ganyan ang gayak niya, siguro may midnight meeting.
" Oh ok, ingat ka sa pagdrive...see you tomorrow" saad niya dito habang pinipihit ang pintuan para buksan ito.
" i told them...i need to attend to my wife!'.
Tama ba ang narinig niya? or naghahallucinate lang siya? Tumigil ang kamay ni Arabella sa pagbukas ng pinto, pati yata tibok ng puso niya ay tumigil dahil sa narinig. Napalunok siya, di niya mawari kung ngingiti siya o tatawa Coming from this man? Oh he must be joking.
" I said i need to attend to my wife" pag uulit nito nang makitang wala man lang reaction mula sa kanya. Hinarap niya ang binata at wala sa sariling nagpalatak siya ng tawa.
" Why are you laughing?" nakakunot noong tanong ng binata.
" Did i hear you telling about your wife?'
" Hell, yes! i just said it', saad niton may pagkainis. Sa lahat ng ayaw niya yung ginagawang katatawanan ang sinasabi niya.
" Why so sudden?" ang dalaga pero nagkibit iyon.
" Well, i dont know! i just feel like it?", saad nito na halatang hindi rin makapaniwala sa sinasabi nito.
" well, aminin man natin o hindi, but we have this strong connection everytime we close to each other, am i right?" ang binata at halos tumaas lahat sa mukha niiya ang kanyang dugo.
Bigla siyang pinamulahan ng mukha, buti nalang gabi at kahit may ilaw sa kinaroroonan nila ay hindi aninang ang pamumula nito. Lalo na nang maisip ang ilang pagkakataon na bigla bigla may magyayari sa kanilang dalawa despite sa coldness at pagkairita ng binata sa kanya.
Mayamaya ay namalayan nalang ni Arabella na hawak hawak ng binata ang kanyang kamay habang iginagaya siya paakyat sa rooftop.
" Saan mo ako dadalhin" maktol niya dito at kinakabahan at the same time baka kasi pinatritripan na naman siya ng binata at kung ano na naman ang mangyari sa kanya.
" Just wait and see" saad nito habang paakyat sila sa hagdan.
" Wala ka namang balak ihulog ako mula sa taas ha?" saad niya dito, para siyang baliw na kung ano ano ang iniisip.
Baka kasi gusto agad nito makawala sa kasal nila ay papatayin nalang siya sa pamamagitan ng paghulog sa kanya sa taas at sabihing aksidente ang nagyari.
":To hell with your creepy mind!", nakatawang saad nito sa sinabi niya.
Pagdating sa rooftop ay namangha ang dalaga, mula kasi sa kinaroroonan niya ay kitangkita niya ang kabuuan ng lugar na iyon with matching kumikislap na mga ilaw. Tuwang tuwa siya sa nakikita ngunit kapansin pansin din sa kanyang paningin ang nakaset up na table sa may bandang gitna. Ngunit sa katuwaan lumapit siya sa pinakaview deck ng roof at pinagsawa ang mata sa mga nakikita. Mayamaya ay biglang nag on ang stereo at sumahimpapawid ang intro ng favorite song niyang Beautiful in White. Bigla siyang kinilig, at sumabay pati nang magsimula ang kanta.
" I dont know if you know this,
But when we first met.
I got so nervous, I couldn't speak"
"You like it", mula sa likuran niya ay nagsalita si Tyron. Napitlag pa siya dahil nakalimutan niyang naroon din pala ang binata, nacarried away siya sa view na kanyang nakikita.
" Yeah! ang ganda naman dito" ang dalaga na hindi talaga maitago ang katuwaan.
" Your more beautiful...in that white dress of course" saad nito at napangisi siya, parang sumakto din kasi ang linya nito sa kanta.
" Care for a dance," saad pa nito at nanlaki ang kanyang mata.
" Are you serious?" saad niya, hindi makapaniwala pero itinaas ng binata ang kamay para kunin ang kanyang kamay.
" This is ridiculous" ang dalaga habang nakahawak siya sa balikat nito.
" I know! just dance with me" saad nito na lalo pang hiniapit ang dalaga sa baywang. Nagmukha na tuloy silang magkayap habang nagsasayaw.
Sa tangkad nito ang ulo niya nakalevel lang sa may dibdib ng binata. At sa lapit niya sa katawan nito mukhang mas malakas pa ang tibok ng puso nito kesa sa kanta mula sa stereo. Is he alright? saad niya sa isip, bat parang iba ang ikinikilos nito? Mayamaya ay nagstop na ang music ngunit parang wala silang balak pareho na tanggalin ang pagkakayapos sa isat isa. Tyron hug her tight, and she hug him tighter too. Tama nga ito, when their skin got crashed with each other parang magnet ang mga ito na kusang dumidikit sa isat isa.
After a minute or two ay tiningala ni Arabella ang binata. She just make sure kung okey lang sa binata na nakayapos siya dito. Naramdaman din siguro ng binata ang ginawa niya kung kayat nagpang abot ang kanilang mata. Yung simpleng sulyap lang sana dito para tignan ang reaction ng mukha nito ngunit parang nahipnotismo ang dalaga. Nginitian niya ito ngunit inilapit nito ang kanyang mukha at inilapat ang mga labi nito sa labi niya. The kiss was slow and gentle hindi kagaya ng mga nakaraan na pabigla bigla at mapagparusa. Ipinikit pa niya ang mga mata and to her surprised shes enjoying it and started to kiss him back. Medyo nadismaya pa siya ng tumigil ito at nakangiting tumitig sa kanya.
"I wanted to kiss you here till dawn but i'm afraid, our dinner might be spoiled" saad nito na tumingin sa may table sa gitna. Kinilig naman siya sa sinabi nito habang labis na natuwa sa table na nakahanda para sa kanila.
" Are you sure this is for us?"
" I am very sure! Ako ang nag utos na mag set up sila dito sa roof. For my wife!" saad nito sabay kindat sa dalaga. Natawa ang dalaga sa gesture nito and deep inside ay super kilig siya sa sinabi nito.
Since kumain na sila kanina, light meal lang ang nakahanda sa mesa. Nagsalin din ito ng wine at iniabot sa kanya ang isang baso. Nag alangan pa siyang kunin iyon dahil hindi talaga siya umiinom ng kahit na anong klase ng alcohol.
" Just a sip, andito naman ako just incase" saad nito.
" Bahala ka, im not used to it" ang dalaga at tumango tango lang iyon.
" Tell me about yourself" saad ng binata kay Arabella maya maya. Napatigil ang dalaga mula sa pagsubo ng prutas na kinakain niya.
" I want to know you better" saad pa nito at di niya napigilan ang mapatawa. Almost 1 year na silang mag asawa pero ngayon lang ito nagkainterest na malaman ang whereabouts niya.
" Anong gusto mong malaman?"
" Kahit ano, your family, where are you from and everything about you" saad nito at napahugoy siya ng medyo malalim na hininga bago sumagot sa mga katanungan nito.
" I live by myself since college, my parents both died in a car accident 5 years ago. I am an only child, so as of now i do not have that so called family. I was born in Ilocos and my parents send me in Manila for my degree but unfortunately the Lord get them back so early. Losing them was the darkest days of my life but i need to move on...wala na akong aasahan by then kaya i strive hard para makatapos sa pag-aaral. Im all alone, kaya ang tinatak ko sa isip ko walang ibang makakatulong saakin kundi ang sarili ko. After graduation, naghanap agad ako ng trabaho and thanks God nakapasok naman. Simple lng ang pangarap, ko get a job wherein i can feed myself and live with a comfortable home. Bonus nalang saakin ang makapagtravel sa ibat ibang lugar because of my work at yun ang palagi kong ipinagpapasalamat sa panginoon araw araw. That's all, I do not have that kind of life na very interesting." mahabang pagkukuwento ng dalaga. Medyo bumigat ng konti ang kanyan dibdib sa pagkakaalala sa mga namayapang mga magulang.
" How did you meet my sister?" anang binata. He felt sorry about her lost of her parents and all the hardship that shes been through pero hindi ni alam ng binata kung paano niya ibibigay ang comfort dito. He felt her pain but shes so strong, ni hindi mo mamamalayan na meron siyang ganun base kanyang pananalita and everything.
" Ah...si Alex! We met in the school organization, pareho kami ng club na sinalihan. We both love to attend and organized outreach program, hangang nagkapalagayan kami ng loob at naging magbestfriend. Shes the only friend i have eversince, ang bait bait niyang tao hindi lang saakin but to all lalo sa mga needy. Shes very humble, hindi nga namin nahalata na shes that rich, kaya pala hindi kami nawawalan ng sponsor sa aming mga programs." ang dalagang napakasaya habang inaalala ang kanyang matalik na kaibigan. Ngunit bigla siyang nalungkot nang maalalang galit ito sa kanya and hindi pa siya kinakausap since the. hanggang nabalitaan niyang nasa Australia na pala.
" Pero galit siya saakin, hindi ko man lang siya nakausap bago siya umalis patungong Australia." ang dalagang nalulumbay sa pagkasira ng pakakaibigan nila ni Alex. Halos magkapatid na turingan nilang dalawa, nagkakaunawaan sila sa lahat ng bagay pero bakit ayaw man lang siyang pakinggan nito.
" Did you plan to slept with me that night!?"
" Ha? of course not! Ni hindi ko nga alam na nag eexist ka by that time..although i know na kapatid ka ni Alex pero pagkakaalam ko nasa ibang bansa ka and madalang kang umuuwi dito sa pinas"
" Eh bakit ka nandoon sa room and nagkatabi tayo sa pagtulog?"
" Hindi ko nga rin alam, all i know is magulong katabi sa pagtulog si Alex so i sneak into your room, napainom din kasi ako noon ng alak kaya nung nakita kong nakabukas yung room mo pumasok ako at doon humiga since ang pagkakaalam ko naman ay wala ka. Sobrang gulat ko nga nandoon ka at nagtitili si Alex."
" Bakit hindi ka nag explain or umayaw when my parents decided na we get into marriage?"
" Eh nakakatakot naman ang daddy mo, tsaka galit na galit kayong lahat saakin paano aka mag explain?" ang dalagang halos nakikinita pa niya ang mga mukha ng mga ito towards her before.
Napangiti naman ng mapait ang binata, nalala pa niya kung gaano niya kinasusuklaman ang dalaga nung pilit silang ipakasal sa isat isa. Kulang na lang tadtarin niya ng pino ang dalaga noon at ipakain sa kanilang aso. God knows he hated her since that day.
" Did you regret the day na makasal ka saakin?'
" Yeah, kasi hindi ko man lang naexplain yung side ko at sabihin na hindi kailangan ng ganun kc wala namang nangyari...tuloy you have suffered a lot and Im so sorry about that." ang dalaga na ibinaba ang paningin. Alam naman niya kung paano ito nahirapan, and naintindihan king bakit ganon ang behavior nito towards her.
" Hayaan mp, pagkatapos na na pagkatapos ng tatlong taon i will help para mas mapapadali ang annulment natin"
"Hey! your gone too far, why don't we enjoy this night. I arranged this for you, i heard you never dated someone else before?" pagcucut ng binata sa sinasabi ni Arabella.
Of course, gustong gusto niya yung idea na mapawalang bisa ang kasal nila kahit noon noon pa. But that was before, sa ngayon at sa susunod na araw baka pag-isipan niya muna ng one hundred times. Sa mga pagkakataong ito, mas gusto niya yung idea na nandiyan lang sa tabi ang dalaga at nakikita or nahahalikan bigla kung hindi niya makontrol ang sarili.
" Hahaha! that's true, nakakahiya man pero totoo" ang dalagang natawa sa sarili, sa totoo lang hindi pa talaga niya naranasan ang makipagdate sa tanang buhay niya. Marami din namang gustong idate siya kaya lang wala din talaga sa bokabularyo niya before.
"Well, consider this as your first...with your husband of course!"saad ng binata at napangiti na lamang ang dalaga.
"Thank you!" sinserong pahayag ng dalaga dito. Gusto sana din niyang tumayo para yakapin ito pero pinigil niya ang sarili.
"
"
"