Chereads / Must hate that gentleman / Chapter 14 - She's back

Chapter 14 - She's back

Jun's POV

"Miss garments and ladies skinny jeans."

"This way, sir."

Tahimik lang akong nakasunod sa saleslady ng bench.

"Para kanino po ba sir?"

"Sa girlfriend ko?" Alanganin ang pagkakasabi ko.

"Anong size po ba?"

Lagot nawala sa isip ko. "Sexy kasi yun eh hmmm...mga ganto yung waist line niya." Sabay mwestra ko ng kamay sinusubukan kong ipakita ang kurba ni Artemis.

Napakamot lang ang saleslady ....pa'no ba ito? Lumingon ako sa paligid sakto namang may dumaang babae na kasingkatawan lang ni Artemis.

"Ayun miss...that girl wearing a denim skirt."

After ko mabili ang item ay agad akong nagpunta sa restroom. Naabutan ko siyang nakahalumbaba sa labas.

"Here."

"Tagal mo," nakanguso niyang wika matapos niyang kunin ang iniabot ko na paper bag.

Matiyaga akong naghintay sa labas nakapamulsa habang nakasandal ay may pamilyar na mukha na nahagip ang aking mata.

"Hoy sino ba kasi tinitingnan mo riyan?" Hindi ko namalayan paglapit niya kung hindi niya pa ako kinalabit ay hindi mababaling ang atensyon ko.

"Nag-iisip ako kung saan kita dadalhin na siguradong magugustuhan mo."

"Tss" Sabay irap niya kahit na suplada 'yang si Artemis sanay na ako riyan at hindi ko pagsasawaang intindihin siya.

Mabuti na lang at hindi na nagusisa pa si Art .....of all places hindi ko akalaing makikita ko siya ngayon, talaga bang maliit ang mundo? Matagal-tagal din bago kami huling nagkita ayoko ng balikan ang mga alaala. Naging parte siya ng buhay ko bago ko pa makilala si Art. Wala akong hinanakit kung hihingi siya ng tawad ay patatawarin ko siya at magsisimula kaming muli ngunit bilang magkaibigan na lamang.

"Parang wala ka sa sarili mo sabihin mo lang uuwi na ako." Naka-cross arm na siya lagot ginalit ko si madam.

"Huwag ka namang ganyan hindi mo alam kung gaano ako lumulutang ngayong kasama kita."

"Tse pag tinamaan ka nitong kamao ko talagang lulutang ka."

Kailan kaya mapapalitan ng sweet na response ang mga salitang babanggitin niya? Kailan kaya mapapalitan ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi sa ayaw ko makitang nagsusungit siya sa totoo lang ang cute niya tuwing nagsasalubong ang kilay niya. Maging ang pagkunot ng noo niya, pero iba pa rin iyong ngiting manggagaling sa kanya. Hindi ko pa siya nakikitang magblush man lang ...wala ba akong dating sa kanya?

"Huwag mo nga ako titigan nakakailang kaya!" Sabay talikod niya sa akin sandali kong tinitigan ang likod niya. Napangiti ako para sa akin she's the most beautiful person I've ever seen.

Hindi ko alam kong anong meron si Artemis, para siyang magnet at ako ay isang object na nakulong sa magnetic field...sobra akong nabato-balani sa unang kita ko pa lang sa kanya. Natakot akong masaktan ulit pero ng makilala ko siya hindi ko inakalang maaabot ko ang isang mailap na bituin.

Sana lang hindi siya masungkit ng iba...