Artemis POV
"Jun pare hindi kita nakilala," ani ng lalaking biglang sumulpot sa harap namin. Nagkamayan silang dalawa. Napatingin sa akin 'yung lalaki at mukhang sinusuri kong nakikilala ba niya ako.
"Pare kung hindi ako nagkakamali si Artemis ba itong kasama mo?"
"Artemis si madaò nga pala." Nakipagshake hands ako saglit sabay tago ulit sa likod ni Jun.
"Carlo, Carla mga pards nandito na si Jun kasama niya si Artemis...big news nakakacouple shirt sila!" Aba't mukhang famous ata ako sa mga kakilala niya.
"Hi! Artemis remember me? Classmate tayo sa accountancy."
Syempre...hindi kita natatandaan ni hindi nga kita kilala pero dahil hindi naman ako rude ngumiti na lang ako. Nagpaalam ako saglit washroom lang ako binalaan
ako ng nagngangalang Carla ingat daw ako at baka maligaw ako mapunta ako sa ibang department. Hindi nga siya nagkamali sana pala hindi ko na pinigilan si Jun na samahan ako.
"Sorry," wika ko sa nabunggo akong isang matangkad na lalaki.
"Ikaw yung girlfriend ni Jun diba?" Napakunot noo ako...naalala ko na ito yung kabanda ni Jun na nakakatakot kung makatingin.
"Alumni ka rin dito?" Curious ko na tanong para kasing dati ko na siyang nakikita bago pa noon sa gig.
"Yes. Civil engineering." Hindi naman siya nakakatakot tumingin ngayon nakangiti pa nga siya sa akin.
"Hindi mo na siguro naaalala ako 'yung hiniraman mo ng pen, six years ago."
Inisip kong mabuti... "Ikaw yung kasunod ko sa pila noong enrollment." Ewan ko ba kung paanong natandaan ko pa siya samantalang ang tagal na noon.
"I heard matagal na kayong magkakilala ni Jun?" Hindi ko na pinansin ang kakaibang tono niya baka ganoon lang talaga siya magsalita.
"Naging classmate ko siya noong 3rd year kami sa isang subject."
"Transferee siya hindi ba?" Ano bang meron dito kay Mark parang andami naman tanong.
"Ah, oo noong 3rd year kakatransfer lang niya from America." Iyon ang sinabi sa akin ni Jane dati silang magkaklase pero nagpatransfer si Jun sa Philippines.
"Alam mo ba kung bakit siya nagtransfer? Hindi kaya may tinakasan siyang responsibilidad sa America? Especially a girl."
Wala akong ideya ng dahilan ng pagtransfer niya dahil hindi na ako nagabalang alamin pa. Sa tono ng pananalita ni Mark parang may alam siya.....gaano ko nga ba kakilala si Jun?
"If you want to know more about Jun, I can always tell it...you can ask his twin sister Jane kung wala kang tiwala sa akin." Hindi naman siguro niya iba-brag ang pangalan ng kambal ni Jun kung walang katotohanan ang nalalaman niya.
"Artemis." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Mauna na ako hinahanap na ako sa department namin." Saktong nakalapit si Jun nakalayo na si Mark.
"Let's go hinahanap ka nila."
Mabilis kong naitago sa bulsa ng jeans ko ang calling card ni Mark. Simula ng paguusap na iyon hindi na ako napakali kahit hanggang sa pag-uwi ay tolero ang aking utak. Hawak ko ang calling card ni Mark, kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Sa kabilang kamay naman ang phone ko. Pumikit muna ako at pagdilat ko tinipa ko na ang numero.
"Hello. Jane." Bago ang lahat gusto ko munang marinig ang lahat kay Jane.
"Artemis, how are you? I'm sorry I didn't have time to call you...I'm glad you called me first."
"May I ask for your time? I have a question."
"Yes. Sure, anything for my future sister-in-law."
"May I ask for the reason why Jun suddenly transfer in my school before?" Natahimik siya, mga ilang minutong walang sagot mula sa kabilang linya.
"I'm not in the right position to tell you this but I'll give you a hint...you better ask Jun personally about this girl named Aira...his first love and heartbreak."
Sobrang nirerespeto ni Jane ang kambal niya kaya hindi na niya kinuwento. Napaisip ako kung dapat ko pa bang alamin ang lahat tungkol kay Jun...may karapatan ba ako?
"I'll hang up now. I have a board meeting. I miss you."
Nanghihina kong inilapag sa kama ang phone. Anong nangyari sa kanila ng Aira na iyon? Bakit kailangan niyang iwan ang pamilya niya? Importante ba sa kanya si Aira? Paano kapag nagkita ulit sila ng Aira na iyon? Iiwan niya kaya ako? Pinagisipan ko nang mabuti kung dapat ko ungkatin ang nakaraan.
Matapos ang isang linggo napagdesisyunan ko na ibaon na lang iyon sa lupa kung sino man si Aira. Wala na akong pakialam ang mahalaga ako na ngayon ang nasa puso ni Jun. Kung ano man ang meron ang past mas mahalaga pa rin ang present at future. Kaya ngayon isu-surprise visit ko si Jun sa gig nila.
"Anong oras ba ang performance?" Tanong ko sa isang waitress ng resto bar.
"Ay hindi na kayo umabot ma'am, kakatapos lang po nagsiuwian na 'yung members."
Ang malas ko naman mapipilitan tuloy akong tawagan si Jun surprise pa man din sana...Hawak ko na ang phone para tumawag ng may mahagip ang mata ko dumulas at nahulog ang phone ko sa sahig mabuti na lang at hindi nabasag.
Nagpasalamat ako sa waitress na pumulot ng phone ko. Tumakbo ako palabas para habulin sila pero huli na nang makita ko sila ang naabutan ko na lang ay pinagbukas ni Jun ng pinto ang babae bago siya umikot papunta sa driver seat.
Kasabay ng pagkalugmok ko sa hagdan ng resto bar ay siya ring pagharurot ng kotse ni Jun. Ano itong nararamdaman ko parang pinipiga ang puso ko... masakit pa lang makitang ginagawa niya rin sa ibang babae ang simpleng bagay na para sa akin ay sweet nang maituturing.
Masakit na makitang may kasama siyang iba impossibleng magkaibigan lang sila. Sa ganitong oras magkasama ang isang babae at lalaki impossibleng simpleng pagkakaibigan lang ang meron sila....Hindi kaya siya si Aira?
"Okay ka lang ba?" May naramdaman akong mahinang tapik sa kanang balikat ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang madilim at parang galit na mukha ni Mark.
"Nakita mo silang magkasama ni Nancy?"
Tumango lang ako...hindi pala iyon ang Aira...may iba pa pala...sino naman si Nancy sa buhay niya? Nancy parang pamilyar ang pangalan naalala ko na, siya siguro ang nagtxt noon kay Jun.
"Ang Jun na iyon hindi pa nakuntento sa ginawa niya kay Aira." Nakita ko kung paanong magtagis ang panga niya sa galit.
Muling nabuhay ang kuryusidad sa aking katawan ng marinig ko ang pangalang binanggit ni Mark.
"Nasabi mo sa akin na handa kang magkwento pwede bang ngayon ang time na iyon?" Gusto ko na talagang malaman ang mag bagay-bagay tungkol kay Jun...kung ano man iyon ako na ang bahalang humusga kung magpapatuloy pa ako o ititigil ko na ang dapat itigil.
"I changed my mind ikaw na ang bahalang tumuklas sa tunay na pagkatao ng boyfriend mo."
Correction hindi ko pa siya boyfriend at hindi ko na alam kung magpapatuloy pa rin ako lalo na ngayong may mga bagay akong dapat malaman.
"Ihahatid na kita sa sakayan ng taxi." Nakasunod lang ako sa likod niya. Pumara siya ng taxi at naglabas ng 1000. Sabay sabing ihatid daw ako ni manong hindi na ako nakapagpasalamat pa dahil nagsimula na siyang lumakad palayo.