Artemis' POV
Mataas ang sikat ng araw sana lang huwag umulan para hindi hassle sa lahat at mairaos ang pinakespesyal na araw na ito.
Sa loob ng isang taon marami kaming hindi napapagkakasunduan actually ako lang pala ang gumagawa ng away. Lahat na lang big deal sa akin mabuti na lang sobrang understanding niya. Sobrang thankful ako sa diyos dahil binigyan niya ako ng isang Jun.
Tahimik ang lahat tanging tunog lang ng piano na sinabayan ng malamyos na violin ang maririnig. Isa-isang nagsipasok ang mga panauhin, mga ninong at ninang , abay at mga cute na chikiting na nagpapasabog ng mababangong bulaklak sa bawat madaraanan.
Nakangiti ang lahat samantalang kitang-kita sa mata ni mama at papa ang saya. Alam nilang ipinagkatiwala nila ang kanilang prinsesa sa prinsipeng
mapagkakatiwalaan at siguradong hindi paiiyakin kailanman. Pigil ang hininga ng lahat habang nakatuon ang pansin sa harap ng altar. Nagtama ang tingin namin ni Jun, isang ngiti at isang tingin lang alam ko na iisa ang nasa isip namin.
Masigabong palakpakan ang pumaimbabaw sa loob ng manila chatedral excited ang lahat para sa pagsalo ng bulaklak ng bride. Sa kumpas na tatlo ay inihagis na ang bulaklak, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari hindi ako makapaniwalng hawak ko ang bulaklak.
"Congrats! Sister," bati ni ate. Kung hindi lang siguro nakasuot ng pagkahaba- habang gown ay malamang nagtatalon pa ang ate ko.
"Nagpapaniwala naman kayo sa tradisyon na iyon. Anyway, congrats ate or should I say Mrs. Kim."
Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. Sabi ko na nga ba happy ending sila ni kuya. Heto nga't di na dumaan sa boyfriend-girlfriend kasal agad. Dumaan naman pala kaso wala pa atang isang taon ito kasal na agad. Natatandaan ko pa nga that time, si kuya Taehyung nag aya agad ng kasal imbes na ayain muna si ate na maging girlfriend nito.
"Pareng Jun handa ka na ba?" Malokong tinapik ni kuya si Jun.
"Hoy tara na sa reception kumukulo na ang tiyan ko," pag-aaya ni ate na sinalo naman agad ng tuksuhan.
"Gutom na agad, iba na yan baka naman may laman na!" Pabirong wika ni Arlene bitbit nito ang kanyang baby girl, sa tabi niya nakaalalay ang asawang si Drake. Natupad ang wish ni Arlene na magninong at ninang kami sa binyag ng anak niya na bininyagan kamakailan lang.
Lumuwas lang sila sa maynila para saksihan ang kasal ni ate tinuring na nang pamilya namin na malapit na kaibigan si Arlene kaya hindi pwedeng wala siya sa araw na ito.
"Wala pa ngang honey moon eh! Excited naman kayo wala pa ngan lumpuhang nagaganap," Pabirong sagot ni ate sabay hagalpak ng tawa.
"Paano ba 'yan kita na lang tayo sa hotel."
Nauna na sa reception ang ibang panauhin kasama naroon sina mama at papa, maging ang in-laws ni ate ay nauna na rin. Binuhat ng groom ang bride ng bridal style.
"Hindi ko ata nakita si Jane?" Tukoy ko sa kakambal ni Jun, inaasahan kasi namin na dadalo siya sa kasal ni ate. Siyempre malay niyo sooner or later maging isang pamilya rin kami.
"Hahabol na lang daw hinihintay niya pa sina mama." Kinabahan ako bigla nang marinig ko na nandito na rin pala sa Pinas ang parents niya.
Paano 'pag unang tingin pa lang sa akin ay hindi na nila ako magustuhan at sabihin na layuan ko si Jun o di kaya sapilitan nilang isama si Jun.
"Okay lang ba sa'yo ipapakila sana kita sa parents ko."
Ito na nga ba sinasabi ko.
Tumango lang ako pero simula ng paguusap na iyon hanggang sa matapos ang reception hindi na ako mapakali, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Katunayan nagpaalam ako na magpapahangin muna sa balcony.
"Artemis nakita rin kita kanina ka pa hinahanap sa loob." Dumating na pala si Jane, ibig sabihin nandiyan na rin ang parents nila.
"Do I look pretty today?" Kinakabahan kong tanong kay Jun.
"You're fabulous, don't worry they already know you."
Lalong kumabog ang dibdib ko, maliliit ang hakbang ko pumikit muna ako bago tumapak sa pinto kung saan maraming tao ang sumalubong sa akin, lahat sila nakatingin. Maya maya nakarinig ako ng tunog ng gitara nakatayo siya sa gitna habang tinutugtog ang inawit niya sa akin noon sa ilalim ng maraming bituin. Bago pa matapos ang kanta ay hindi ko na namalayan na nakatayo na siya sa aking harap.
"I want to grow old with you~" Inilapag niya ang hawak na gitara sabay lumuhod naglabas siya ng kaheta....alam ko na ang kasunod.
"Will you be my girl, forever?" Matagal bago ako sumagot nakatitig lang ako sa mga mata niya na halatang kinakabahan.
"Pero wala namang forever pwede bang lifetime na lang?" Yumukod ako at ako na mismo ang kumuha ng singsing.
Itinaas ko ang kaliwang kamay ko matapos na maayos na maisuot ito sa aking daliri. Sunod-sunod na hiyawan ang gumising kay Jun na kasalukuyan pa ring nakaluhod.
"Congrats! Kailan ba kasal?" Nakipagkamayan si Mark sa amin kasama na niya ang kanyang gf or should I say live-in partner, walang iba kundi si Nancy na medyo maumbok na ang tiyan.
"Congrats! Jun." Kinamayan siya ng asawa ni Jane.
Naalala niyo yung ran away groom ni Jane? Ayun kinasal sila west nga lang dahil hindi pumayag ang parents ni Jun. Pero balita ko tanggap na sila at next year ay sa church wedding na at mismong parents pa nila ang nagprepare.
"Finally! Hija, it's nice meeting you in person."
Ito na siguro ang mama ni Jun ang ganda niya kahawig siya ni Jun samantalang si Jane naman ay hawig ng papa nila. Kinakabahan ako noong una pero habang tumatagal ay gumaan na ang loob ko sa soon to be In-laws ko.
Nagsialisan na ang mga panauhin sa kasal at ilan pang kamag-anakan kaya napagpasyahan namin ni Jun na maglakad-lakad muna sa labas ng hotel. Magkahawak ang kamay namin tahimik na sinusundan ng tingin ang paggalaw ng ulap.
"Kinabahan ka ba kanina?" Bigla ko lang naisipang itanong.
"Oo naman, ang tagal mo sumagot akala ko marereject na naman ako."
Natawa na lang ako mukhang na phobia ata ang loko.
"What if nireject ko ano gagawin mo?"
"Magproprose ako sa'yo lagi hanggang sa makulitan ka!" Nawala na ang mata niya sa laki ng ngisi niya kinurot ko magkabilaang pisngi niya.
"Huwag ka magagalit ah may tanong kasi ako," saad niya sa akin.
Nagtaas ako ng kilay bago sagutin ang kanyang tanong.
"Siguraduhin mo lang na may sense iyan kung wala babatukan kita!"
"Para kasing nanaginip pa rin ako eh talaga bang engaged na tayo?"
Hindi na ako nagsalita pa sa halip ay binatukan ko siya napahawak siya sa parting tinamaan ko napalakas ata ang batok ko.
"Suot ko na yung singsing, tingin mo panaginip pa rin?" Inirapan ko siya sabay talikod at nang muli akong humarap hindi ko alam kung nahipan ako ng kapilyahan tumingkayad ako para abutin ang labi niya. Iginawad ko sa kanya ang limited edition na smack.
"Pambawi sa pambabatok ko."
"Batukan mo pa nga ako para may isa pa akong kiss." Pangungulit niya sa akin.
"Ayaw ko nga demanding ka ah," nakanguso kong wika sabay belat ko sa kanya. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa hotel para na kaming batang naghahabulan.
Sana sa paglipas ng panahon manatili kaming matatag. Sana sa pagkakataong may hindi kami pagkakaintindihan sana hindi magbago ang Jun na laging umuunawa sa akin. Sana sa panahong umabot kami sa punto na gusto ko siyang takasan kasama ng problem sana habulin niya pa rin ako gaya ngayon.
Napakasuwerte ko dahil maraming gustong makuha si Jun dahil ika nga taglay niya ang katangiang bihira na lang matagpuan sa isang lalaki imbes na mahumaling siya sa iba ay nagtiyaga siya sa akin at sa ugali ko.
Sa ngayon hindi pa tiyak kung kelan ang pinaghahandaan naming kasal pero sinisigurado ko na wala akong ibang gustong kasamang dumulhog sa altar.