Artemis' POV
Bumalik lang ang lahat bago pa kami magkita ulit ni Jun. Kung saan shop ko lang ang buhay ko, hindi ko alam kong paanong nakarating ako sa punto na pinaglalamayan ko ang namatayan kong puso.
Nasobrahan ba ako sa mga binitiwan ko na salita? O baka nauntog na siya sa kadramahan ko? kung kay Nancy nga naman ay 'di na siya maghihirap dahil ang babae na mismo ang nagsusumiksik sa kanya.
Ngayon ko lang narealize hindi pala magandang patagalin ng masyado ang mga bagay kung ang hinog na ito huwag nang hintayin bang mabulok at uurin o di kaya ay sungkitin ng iba... Alam ko may magagawa pa ako para mabawi siya ...kung tatawagan ko siya at sasabihin kong bumalik siya sa akin matatapos na ang problema ko.
Pero hindi rin ako sigurado kung babalik pa nga ba siya...Isang buwan...Isang buwan niyang natiis na hindi ako makita....may pag-asa pa ba ang ikalawang beses ng naudlot naming pag-ibig?
Imbes na sumakay, naisipan ko na maglakad na lang pauwi nakadama ako ng pagod. Sandali akong naupo sa shelter, pinagmasdan ko ang makikinang na bagay sa itaas. Muling nanariwa sa akin ang ala-ala noong gabing nakupo kami sa rooftop, yung panahong sabay kaming humiling sa naligaw na bituin.
Hindi ko na nagawa pang pigilin ang luha ko. Napayuko ako para itago ang mukha ko sa mga taong napapapadaan. Nagulat ako ng may nag abot ng panyo sa akin, walang alinlangan kong tinaggap ang panyo ipinunas ko ito sa aking pisngi.
"Thank---" Napalingon ako sa paligid nawala bigla ang taong nagabot sa akin ng panyo, hindi man lang ako nakapagpasalamat.Imbes na iuwi ko ang panyo ay iniwan ko ang panyo sinigurado ko na maiaabot ko ang pasasalamat ko sa pamamagitan ng sulat sa ibabang bahagi ng panyo. Nagsimula na akong maglakad
palayo at hindi na muling lumingon sa likod. Nakarating ako ng ligtas sa bahay, buhay ang ilaw sa bahay ngunit wala ni isang tao. Hindi na ako naghapunan wala akong ganang kumain.
"Akyat na ako!" Sigaw ko, nasa hagdan na ako at paakyat na sa kwarto sana lang marinig nila papa baka isipin nilag hindi pa ako nakakauwi. Pinihit ko na pabukas ang pinto ng aking kwarto nang matapunan ko ng tingin ang pinto ni ate.
Kakatok sana ako kaya lang ay hindi ko na itinuloy baka kailangan niyang mapag-isa. Napansin ko na parang naging malungkutin si ate at kumakapal na rin ang eyebags niya. Gusto ko lang sana siyang kumustahin kaya lang ay baka makaistorbo lang ako.
Sa totoo lang ang suspetsa ko ay nag-aaway sila ni kuya, hindi ko na kasi napapansin na pumupunta pa si kuya. Hindi ko maintindihan ang mga lalaki hindi ba nila kayang intindihin kaming mga babae? Mag isa na lang akong nagbubukas ng tindahan, wala pa akong nahahanap na kapalit ni Arlene.
Medyo matagal ko nang napapansin ang kotseng kulay puti na laging nakapark malapit sa tindahan. Tinted ang salamin ng kotse, hindi ko malaman kung babae o lalaki ang nagmamaneho. Gayun pa man hindi na ako nag abala na usisain pa ang nangyayari sa paligid ko.
"Artemis?' Busy ako sa pagbubukas ng shop ng biglang may tumawag sa akin.
"Mark?"
"I thought namalik mata lang ako ikaw pala talaga...business mo?" Tinulungan niya akong iangat ang roll up ng shop.
"Ah, oo shop ko napadaan ka ata?"
"Ah, Oo galing ako riyan sa kaibigan ko malapit lang dito bahay niya and then namukhaan kita."
"Kumusta na kayo ni Jun?"
Nag iwas ako ng tingin at pinilit ko na ibahin ang usapan sa pamamagitan ng pagbalik ng tanong. "Kayo? Kumusta na kayo ni Nancy?"
"Okay na last month pa nauntog din sa katangahan niya iyak ngan iyak sa akin nitong nakarang buwan. Umamin daw siya kay Jun pero kaibigan lang daw ang tingin ni Jun sa kanya." Sabay pinatunog nito ang dila na sinamahan pa ng pag-iling.
"Edi may pag-asa ka na sa kanya?"
Umiling lang si Mark.
"Hindi ako sigurado kung talagang gusto ko siya, naguguluhan ako." Sino naman kaya itong nagpapagulo sa isip ni Mark?
Ilang beses akong napakurap habang sinusubukan na i-process ng utak ko ang salitang binitiwan niya. Bakit ba hindi mapirmi ang feelings at desisyon ng lalaking ito.
"Sige. Mauna na ako."
"Ingat!" Napabuga ako sa hangin ng makalayo na si Mark. Napalingon ako sa kulay puting kotse pilit kong inaaninag sa malayo bigla namang nagmaneho ito palayo. Hindi ko na lang pinsansin baka naman nakikipark lang talaga.
Wala namang nagbago sumisikat ang araw para magbukas ako ng shop at lulubog na naman para tapusin ang napakaordinaryong gabi. Pero this time umuwi ako ng maaga gusto kong magpahinga.
"Aga mo anak alas sais pa lang ah." Nabungaran ko si mama na pinupuno ng yelo ang freezer.
"Dalawang oras lang naman, magpapahinga ako nang maaga." Nagmano lang ako at pumanhik na rin sa kwarto. Ready na ako matulog nakapaghalfbath nakasuot lang ako ng manipis na damit pantulog. Dumating si ate at may iniaabot sa akin.
"Sandali ito oh pinapabigay ni Jun." Agad kong hinablot kay ate ang sulat at sinirado ko agad ang pinto matapos kong magpasalamat sa pagbigay sa akin ng sulat. Pinasadahan ko ng tingin ang sulat walang duda sulat kamay ito ni Jun. Hindi na ako nag aksaya ng panahon ng mabasa kong nasa airport na siya. Agad akong tumayo kumuha ng wallet at tinangay ko na pati ang sulat ni Aira para kay Jun.
"Manooooong!" Tawag ko sa trycicle agad akong sumakay, at nang makarating ako sa highway ay tumawag ako ng taxi. Panay ang tingin ko sa orasan, this time naglakas loob na akong tawagan siya pero laging out of coverage.
Halos liparin ko na ang airport pinagtitinginan ako ng mga tao. Napansin ko ngang lalapitan na ako ng gwardiya huminto ako sa pagtakbo. Dahil sa tawag na natanggap ko.
"Hello!" Galit kong sagot.
"I can see you," sagot niya sa kabilang linya nilinga ko ang paligid pero hindi ko makita ni anino niya.
"You actually come to the airport."
"What are you talking about? B-bakit naman ako pupunta ng airport?!" Ano ba naman hindi na naman nagkaisa ang buka ng bibig ko sa tulak ng aking dibdib.
"Tumingin ka sa unahan."
Agad akong sumunod sa pag-aakalang makikita ko siya.
"Hindi mo ako makita?"
Pinagtitripan ba ako ng impaktong ito? Nag uumpisa nang uminit ang ulo ko nasaan ba siya?!
Dont tell me iniwan na talaga niya ako?!!!
"Because I'm always at your back."
Lumakas ang tibok ng boses ko, dahan-dahan akong lumingon patalikod. Akala ko sa movie at libro lang nangyayari, huminto ang paligid ng makita ko siyang nakatayo 'di kalayuan sa akin. Hindi ako nakareact agad pakiramdam ko nadikit ang aking talampakan sa sahig, nananatili lang akong nakatitig sa kanya. Tumakbo siya palapit sa akin hanggang sa oras na ito siya pa rin ang unang lumalapit.
"Saan ka pupunta ha? Tatakasan mo ako?" Piningot ko ang tenga niya kaya napaigik siya sa sakit.
"A-aray," aniya.
Cute! Pero hindi mo ako madadala sa pacute mong awra. Galit ako kaya humanda ka sa akin!
"Bakit mo tinotoo yung sinabi kong layuan mo na ako. Alam mo bang hinintay ko kung kelan ka babalik sa akin! Akala ko talaga sumama ka na sa Nancy na iyon."
Napaupo ako sa sahig para akong batang nawawala. Itinaklob niya sa akin ang mahaba niyang coat at inalalayan niya akong tumayo. Inalalayan niya ako palabas ng airport, huminto kami sa isang shed at doon na ako nagsimula maglabas ng gustong sabihin.
"Actually hindi naman talaga ngayon ang flight ko magbo-book palang ako ng ticket." Pag amin niya, namilog ang mata ko sa nalaman ko.
"Bakit sabi mo sa sulat aalis ka na at hindi na babalik alam mo bang sobra ang kaba ko na baka 'di kita maabutan." Umuusok na ang ilong ko sa galit.
"It was Ate Hera's plan, effective raw ito para malaman ko kung mahal mo ba ako o hindi."
Lagot ka sa akin ate sobrang effective ng plano mo gusto kitang durugin sa sobrang mahigpit na yakap.
"Nakakainis ka naman eh sobra kaya kitang na-miss tapos ikaw may planong lumipad pabalik sa inyo anadya mo naman eh!" Nag burst out talaga ako sa pag-iyak.
"Hindi kita tinalikuran, actually lagi akong nakabantay sa'yo at nasaktan talaga ako nang makita ko na malapit kayo sa isa't isa ni Mark."
May bigla akong naalala at gusto ko masigurado kung... "Ikaw ba 'yung may-ari ng white car?"
"A-ako nga. Hhihiihhi." Nahihiya niyang sagot naiyak ako lalo ngayong alam ko na siya 'yun.
"Saan mo nakuha 'tong panyo?" Hindi ko makakalimutan ang panyo na sinulatan ko noon mula sa taong hindi ko man lang nakilala.
"Don't tell me..."
Napahawak siya sa batok niya.
"Ikaw din yun?"
Tumango siya.
"Matagal ko na itong gustong gawin, can I kiss you?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Imbes na kiligin ako bakit kailangan mo pang magpaalam hindi na lang—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sinakop na nang malambot niyang labi ang aking labi.
Parang hinihigop niya ang lakas na mayroon ako, parang gustong tumiklop ang pares ng tuhod ko. Hindi ko alam na ganito pala kasarap ang lasa ng labi niya parang ubas na hinahalo sa alak nakakalasing. Hindi ako makatingin nang maayos ng maghiwalay ang aming mga labi pakiramdam ko bumalik ako sa pagiging teenager.
He's my first kiss and hopefully my last although sa part ni Jun may nauna na sa akin. Ang first love ni Jun na si Aira, sana ako naman ang maging huling babaeng makakasama niya.
"Is it a yes? Tayo na ba?"
Kutusan ko kaya ang isang ito.
"Sa tingin mo? Hinalikan mo na ako tapos tatanungin mo ako kung tayo na?!"
"Thank you, ate Hera!" Sigaw ni Jun.
Magkakuntyaba pa ang dalawa.
Napailing na lang ako hindi ako makapaniwala na okay na kami ni Jun. Akala ko kailangan ko pang lumuhod sa simbahan ng baclaran para lang ipagdasal na magkaayos kami. Sinadya siguro ng diyos na maranasan ko ang lahat ng pinagdaanan ko nitong nakaraan para mamulat ako. Minsan kailangan din pakinggan ang puso hindi puro's isip at pride ang inuuna.
Walang mangyayari kung puro hinala at pagdududa.