Jun's POV
Nawalan na ako ng ganang tumugtog pakiramdam ko nawalan ng nota ang buhay ko .....napaos na ang puso ko....isa akong gitara na napatid ang isang string kaya ngayon ay nawala sa tono. Hindi ko maintindihan okay naman kami ni Artemis bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
Kung lalapitan ko siya ipagtatabuyan niya ako ng paulit-ulit. Kung lalayo naman ako ay para ko na ring sinuko ang puso ko, naguguluhan ako ano bang dapat gawin? Natatandaan ko pang mga salitang binitiwan niya habang paulit-ulit na nagrerewind sa isip ko mas lalong tumatak ....mas bumabaon at parang binibiyak ang katinuan ko.
Natatandaan ko na sabay kaming pumunta ni Nancy sa Bulacan. Since iisa ang lugar na pupuntahan namin ay sinabay ko na siya. Mayroon siyang foundation na pupuntahan ako naman ay si Artemis lang talaga ang sadya ko. Sobrang nagselos ako that time na magkasama sila ni Mark.
Gusto ko lang naman siya makasama pero nauwi kami sa pagtatalo. Lumbas din ang totoo na pinilit niya pero wala talaga siyang makapang pagmamahal sa akin.
Hiindi ko alam kung martyr ako dahil gusto ko pa rin siyang suyuin ang kaso ay naduduwag ako.
Tumunog bigla ang aking cellphone. Pinilit ko abutin ang cp sa side table hiniling ko na sana si Artemis ang tumatawag.
"Hello?"
"Jun, pwede mo ba ako puntahan?"
Napabuntong hininga na lang ako siguradong wala siyang kasama ngayon. Hindi pa rin nareresolbahan ang alitan nila ni Mark.
"See me after 20 minutes."
*****
"Mabuti naman dumating ka na papahatid sana ako sa condo."
"Okay ka na?" Higit tatlong araw din siyang nasa hospital dahil sa pagbaba ng dugo niya.
"Yap. Thank you nga pala dito sa fruits."
"Wala iyon, we're friends after all."
Biglang natahimik si Nancy, hindi na rin ako nag abalang mag bukas pa ng topic. Tahimik lang din kami hanggang sa maihatid ko siya sa kanyang unit.
"Coffee?"
Hindi ako coffee lover pero simula ng ipagtimpla ako ni Artemis ng kape hinahanap ko na ang timpla niya.
"Masyado bang mapait?"
Ni hindi pa pala ako nakakalagok nahulog na naman ako sa mga alaalang naiwan niya.
"No, I actually like it hindi masyadong matamis hindi rin matapang."
"Dito ka na maglunch paglulutuan kita." Nahihiya akong tumanggi panigurado malulungkot siya.
Alam ko kasi ang pakiramdam ng buhay ka nga pero may kulang naman malamang namimiss niya na siguro si Mark. Bilang malapit niyang kaibigan dadamayan ko siya hanggang sa magkaayos sila at hindi na niya ako kailanganin.
Naalala ko ang kakambal ko gantong-ganto rin siya noong iwan siya ni Lance. Ako ang naging panyo at kanyang sandalan hindi ko siya iniwan hanggang sa maghilom ang sugat sa puso niya.
"Gusto mo bang kausapin ko si Mark? Para naman magkaayos na kayo hindi naman siguro grabe ang pinag-ugatan ng away niyo?" Suhestyon ko baka sakaling matulungan ko sila pareho....kahit na hindi kami close ni Mark ay hindi naman siguro niya mamasamain ang intensyon ko.
"Hindi ko alam kung tanga ka ba o manhid." Sumeryoso bigla ang tono niya malaki siguro ang naging away nila.
"Pasensya na hindi ko na ipipilit masyado na yata akong nakikisawsaw sa problema niyo."
Tinitigan niya ako ng masama na para bang may galit siyang hindi mailabas....may nagawa o nasabi ba akong nakasakit sa damdamin niya?
"Hindi ko alam kung bakit hindi mo maramdaman..." Bigla ang pagtingkayad niya inilapit niya ang mukha niya sa akin. Mabilis naman akong nakaiwas kaya hindi niya nagawang pagtamain ang aming labi. Ang mga labing ito at nakalaan lang sa iisang babae...
"I like you!"
Niyakap ko siya. "I'm sorry. I don't want to hurt you at ayokong paasahin ka. Let's just be friends para na kitang kapatid..."
Napaatras ako sa lakas nang pagkakatulak niya.
"I knew it! Pero umasa pa rin ako kasi binibigyan mo ako ng motibo! Pinaparamdam mo sa akin na may pag- asa, na baka may mabuong ikaw at ako!"
"I didn't know---"
"Stop it, just leave .....I want some time alone!"
Nag iwan ako ng panyo bago umalis hindi ko intensyon na saktan siya at mas lalong wala sa plano ko na magkagusto siya sa akin. Lagi akong nasa tabi niya dahil kailangan niya ako... Habang nagmamaneho ay hindi ko namalayan ang biglang pagtawid ng aso sa harap ko pinihit ko ang manibela para iwasan ito ngunit.....nawalan naman ako ng control.
————-
Tumagal ng dalawang linggo ang pasa sa noo ko nang tumama ako sa manibela. Mabuti na lang hindi nabasag ang salamin ng kotse nakapagpreno agad ako. Mahina lang ang pagkakasalpok ko sa pader nagkataon lang na nagbounce ang ulo ko sa manibela hindi rin big issue kaya hindi na umabot pa sa media.
Sa loob ng dalawang linggong iyon ay hindi ko inaasahan na makikita ko ang first love ko— si Aira. Kagagaling ko lang that time sa hospital pinagamot ko ang gasgas at pasa sa noo ko. Pauwi ako nang makita ko ang familiar na bulto. Wala pa ring pinagbago maliban sa nagpagupit ito ng bob style at pinakulayan iyon ng brown.
"Aira?" Lumakad ako palapit para kompirmahin kung siya nga.
"Jun..." aniya na may bakas ng pangungulila ang tinig/
"It's been a while. It's nice seeing you again."
"I'm sorry for all the things I've done before." It was the first thing she uttered.
"I already forgave you, didn't I?"
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Wala na akong nararamdamang romantikong pagmamahal kay Aira.
"Mom? Why are you hugging him? Is he my dad?"
Agad na bumitaw si Aira atsaka hinawakan ang kaliwang kamay ng bata. Ang batang hawak niya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay.
"I'm your mother's friend. Call me uncle Jun?"
"Hi! Uncle Jun. Do you have a kid already?"
Natawa ako nang bahagya sa tanong ng batang ito. Kasing daldal ito ng kanyang ina, walang duda kung kanino ito nagmana.
"Your Aunt Artemis is not yet prepared to have kids."
Tama bang idamay ko pa si Artemis as if naman na kami ang magkakatuluyan, pero umaasa ako.
"Are you married?" May halong gulat na tanong ni Aira.
"Not yet, still hoping."
Ano ba naman ito umaasa ako na sa akin maiikakasal si Art samantalang ni hindi ko nga magawang pasagutin man lang siya.
"I see. We're going then, it's nice reconciling with you." Iyon lamang at umalis na sila. Napansin ko na parang biglang tumamlay ang mata ni Aira. Iba ang tingin niya sa akin kanina bago niya ako yakapin.
Hindi ko na lamang pinnsin at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Matapos nang hindi inaasahang pagkikita namin ni Aira ay bumalik ako sa pasimpleng pasilip-silip kay Art.
Gamit ang bagong bili na white spyder ay palihim kong sinusundan si Artemis. Ilang linggo ko na rin siyang pinagmamasdan sa malayo . May pagkakataong gusto ko siyang lapitan at tulungang buksan ang shop niya kung hindi lang talaga ako kinakain ng takot at kaduwagan.
Mukhang masaya na siya tahimik na ulit ang buhay niya wala ng Jun na nangungulit... hindi na siya mapipilitang pakisamahan ang gaya ko.
Panahon na rin siguro para mag-isip...