Chereads / Must hate that gentleman / Chapter 16 - MadBlood.

Chapter 16 - MadBlood.

Artemis' POV

Sa loob ng isang linggo ay naging busy ako at siguro busy din siya dahil hindi man lang siya nag-abalang tawagan ako. Kung sa gig man o kay Nancy wala na akong pakialam! Naiinis ako sa lalaking iyon gusto ko siyang tadyakan, suntukin para

naman malaman niya kung gaano kasakit 'yung naramdaman ko nang makita ko silang magkasama ng babae niya.

"I'm sorry." Sa sobrang gigil ko may nabunggo akong cart habang naglalakad sa loob ng grocery store.

"Aira! I found it." Nanlaki ang mata ko nang makitang si Mark iyon, magkapangalan lang ba o siya ang Aira na tinutukoy ni Jane.

"Mommy! I want this." May batang lalaki ang nakahawak sa damit ng babae siguro mga nasa limang taong gulang.

May anak si Aira kay Mark?

"I'll be back," wika ni Mark sa kasama niyang Mag-ina.

Hinila ako bigla ni Mark sa dulo ng grocery. Nang masigurado niyang malyo na kami sa mag-ina tsaka lang siya nagsimulang magsalita.

"Alam ko na curios ka tama ang hinala mo siya nga si Aira. She's my cousin ulilang lubos siya after her graduation. She lost both of her parents in America. I wasn't there to comfort her but she have Jun at her side. He was her first love but after her second year in college umuwi siyang umiiyak you know why? because she's pregnant with Jun's child kaya 'wag na 'wag mo masabi ang pangalan ni Jun sa harap niya nagkakaintindihan ba tayo?"

Ang sabi niya ako na ang bahalang tumuklas dahil nagbago na ang isip niya. Ngayon out of the blue isinmbulat niya sa mukha ko ang lahat. I mean paranoid ba si Mark? Hindi naman niya kailangang ikwento at balaan ako. Malabo na mabanggit ko iyon dahil hindi naman kami mag-uusap ng Aira na iyon. Sa kabilang banda, mabuti at nasabi niiya sa akin. Napaawang ang bibig ko sa narinig kong rebelasyon. Worst pa pala ito sa inaakala ko, tumulo nang kusa ang luha ko pero pinunasan ko rin naman agad.

Pagkauwi ko ng bahay doon na ako nagsimulang umiyak. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan para kahit magalumpihit ako ng iyak, mahina lang at hindi masyadong rinig. Biglang tumunog ang phone ko nakatanggap ako ng email mula sa foundation na sinusuportahn ko since last year.

Inaanyayahan akong dumalo sa anniversary party nila. Umiiyak ako habang hawak ko ang phone. Sumunod naman ay tatlong katok mula sa labas ng kwarto ko. Tinakpan ko ang bunganga ko para makaiwas sa paglikha, tumigil din ang pagkatok.

Ano ba huwag kayong istorbo nakita nang umiiyak yung tao eh. Natigil lang ako nang maalala ko na hindi pwedeng mamugto ang mata ko may lakad pa ako bukas, agad akong naglagay ng pampalamig sa mata.

Kinabukasan maaga akong umalis binilin ko kay ate na siya muna ang bahala sa susi dahil nga pupuntahan ko yung foundation sa Bulacan. Hindi naman traffic kaya nakarating ako agad.

"Mabuti naman nakarating ka sakto may ipapakilala kaming bagong mga batang natulungunan ng foundation." Agad akong nilapitan ng madre na siyang nagsilbing coordinator ng event.

"Mamaya pa naman ang event sa ngayon ito ang oras para makilala at makalaro niyo ang mga bata. Bagi iyon ihahatid muna kita sa iyong tutulugan kasama mo sina sister at iba pang sponsor kakaunti pa lang marahil hahabol pa ang iba."

Nakipagbatian at sandaling kwentuhan lang ako sa mga sister na inabutan namin. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa mga bata, may nakilala akong batang babae malungkot at payat ito. Palaay ko ay nasa 5 taong gulang na. Naramdaman ko na may nagvibrate sa bulsa ko si ate tumatawag hinahanap kung saan 'yung susi ng shop. Ang bruhang iyon tanghali na tsaka pa nagbukas ng tindahan.

"Hi!" Umupo ako kaharap niya para mapantayan ko siya, tumingala siya kaya naman ngumiti ako.

"Hello po," wika niya ng nakayuko at nilalaro ang kanyang maliliit na daliri sa paa.

"Ako nga pala si Artemis. Ang ganda mo naman ano bang pangalan mo?"

"Hazel po."

"Bakit mag-isa ka lang? Gusto mo laro na lang tayo?" Umiling siya bago ulit sumagot.

"Hinihintay ko po si kuya ibibili niya raw ako ng icecream." Sakto namang may lalaking sumulpot sa gilid ko may dala itong ice cream, ibinigay niya ang isa kay Hazel.

Sabay kaming napalingon, siya pala ang tinutukoy ni Hazel. Iniabot niya sa akin ang Ice cream na para sa kanya, tumanggi akong tanggapin ito.

"Hindi ko pa 'yan nalalawayan kunin mo na nakakahiya sa bata."

Sa huli wala rin akong nagawa kundi tanggapin ang ice cream at magpasalamat kay Mark. "Ngayon lang ata kita nakita sa event ng foundation?" Tanong ko sa kanya na kasalukuyang nakaindian seat sa tabi ko.

"Ngayon lang ako umattend ng event."

"Bagay po kayo kuya Mark."

Sabay nandilat ang mata namin may halong kaba ang tawa ko.

"Masyado ka pang bata para sa ganyang bagay at isa pa friends lang kami ni Artemis. Gusto mo ba makilala ang boyfriend ni ate Artemis?"

Kelan pa kaming naging friends? Porke ba naguusap na kami eh friends na kami agad aba ayos ah.

"Siguro ang gwapo din ng boyfriend ni ate," nakangiti niyang wika.

"Oo naman kaya nga maraming napapaiyak na babae." Sa tono ng pananalita niya mukhang malalim ang galit niya kay Jun. Kahit ako may nararamdaman akong inis kay Jun mula ng malaman ko ang tungkol kay Aira. Pero may nagtutulak sa akin na hindi ako dapat maniwala agad o di kaya baka naman may iba pang dahilan.

"Biro lang mabait naman iyon sobrang bait nga niya." Pagbawi niya pero parang ang sarkastik ng pagkakasabi niya.

"Gusto mo bang mamasyal?" Pagiiba ko ng usapan.

Hawak namin ang kamay ni Hazel, kanan ang akin at kaliwa naman ang na kay Mark. Naglakad-lakad lang kami sa labas ng building may nakapaligid na parang botanical garden. Medyo may kalakihan din ang sakop ng foundation, bukod sa maliliit ang hakbang ni Hazel ay nagpahinga pa kami sa damuhan kaya hapon na nang makabalik kami sa mismong facility.

Nasa lobby na kami hindi ko inaasahang makikita ko siya sa lugar na ito. Isa rin kaya siya sa sumusuporta sa batang kapos-palad? At bakit kasama na naman niya ang babae niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago ko kargahin si Hazel ay inirapan ko siya sabay nilagpasan ko lang sila. Nakita ko na nagkakainitan ng tingin sina Jun at Mark. Nakita ko rin na tinapunan ng masamang tingin ni Mark ang babaeng kasama ni Jun.

"Mark!" Sinadya kong tawagin nang malakas ang pangalan niya, nakita kong napatiim bagang si Jun.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Mark nang makalayo na kami. Tumango lang ako pero deep inside naiiyak na ako.

Hindi naman ako mapaghinala at mas lalong hindi ako tanga. Nagsawa na ba siya sa panunuyo sa akin kaya ba naghanap siya ng reserba para kung sakaling mauwi kami sa wala may pamalit agad siya.

"Kumpleto na pala tayo tena't masisimula na ang maliit na programa para rin makauwi kayo nang maaga." Ginayak kami ng isa sa madre ng foundation sa aming upuan.

Magkataabi kami ni Mark at sa 'di kalayuan sa kaliwang parte ng upuan kasunod ng carpet na nagsisilbing aisle na daanan ng panauhing tatawagin na umakyat sa maliit na entablado, magkatabi si Jun at si Nancy.

Ramdam ko na nakatitig sa akin si Jun ni hindi ko siya tinapunan ng kahit isang tingin. Ayokong makita ang mukha niya at ng babae niya. Ang lakas ng loob niyang tumitig sa akin samantalang may iba siyang babaeng kasama.

Matagumpay na naidaos ang programa at napagalaman kong si Nancy ang tinutukoy na isa sa bagong sponsor. hindi kabilang si Jun sa sponsor ibig sabihin lang ay sinadya niyang pumunta dito para lang samahan ang Nancy na iyon.

Hindi niya siguro inakala na magpapangabot kami kung hindi pala ako pumunta dito hindi ko malalaman ang kalokohan niya. Kailan pa sila lumalabas ng Nancy na iyon?! Tatapusin ko na ang katangahang ito kailangang harapin ko siya at sabihing wala na siyang pag-asa magsama sila ng Nancy niya!

Naglalakaad ako para sana hanapin si Jun ngunit iba ang inabutan ko.

"Sinabi ko na sayong layuan mo si Jun hindi ka ba talaga makikinig? Bahala ka sa buhay mo masasaktan ka lang sa kanya." Boses iyon ni Mark malamang si Nancy ang kausap nito.

Masama man ang makinig sa usapan ng iba nanatili akong nakatago sa sulok at lihim na nakikinig.

"I don't care kahit ilang beses mo pang ipaalala sa akin ang nangyari kay ate Aira hindi ko lalayuan si Jun alam mo yung totoo simula ng makita ko siya noong 3rd year tayo pinapanood ko na siya sa malayo. Ngayong may pagkakataon akong mas lalong mapalapit sa kanya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Sana pala hindi na lang kita sinama noong bago pa lang ang gig para hindi mo siya nakilala."

"Hindi mo ba naisip pagkakataon mo na ito? Akala mo ba hindi ko alam na si Artemis ang babaeng matagal mo nang kinukwento sa akin. Simula pa noong makita mo siya noong enrollment... may gusto ka sa kanya hindi ba?"

Pinigil ko ang makagawa ng ingay baka marinig nila at malamang lihim akong nakikinig.

"Oo na love at first sight ako kay Artemis pero matagal na iyon nilipad na ng hangin ang feelings na iyon... walang permanente sa mundo lahat nagbabago. Hindi ko maintindihan bakit hanggang ngayon binababa mo ang sarili mo sa kanya alam mo namang matagal na niyang nililigawan si Artemis."

"I know pero mas nauna kaming magkita bago pa sila nagkita ulit ni Artemis sana hindi na lang ulit sila nagkita!" Singhal ni Nancy.

Nasasaktan ako kung hindi pala kami ulit aksidenteng nagkita ulit noon hindi pala siya maglalakas loob na hanapin man lang ako. Nagkataon lang na tinulungan siya ng tadhana nang magkita kami kaya naisipan niyang subukan akong ligawan ulit...

Ganun na lang ba iyon? Ang sakit gusto kong umiyak pero pinigil ko maging ang pagsinghot ay nagawa kong pigilan. Ang bigat, para akong hinulugan ng bato sa ulo para lang matauhan ako.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ikaw ang gusto niya, hindi ikaw ang hinahanap niya. Gumising ka sa kahibangan mo alam naman nating pareho kung gaano siya naghirap hanapin si Artemis."

"Kung wala siyang interes sa akin bakit patuloy siyang nagpapakita ng pag-aalala sa akin. Iba ang pinaparamdam niya sa akin!" Halata sa boses ni Nancy ang hindi pagsang-ayon sa mga sinasabi ni Mark.

Tumulo bigla ang mainit na likido mula sa aking mata.

"Sige ipagpatuloy mo 'yang katangahan mo. Huwag na huwag kang babalik sa akin nang umiiyak."

Kumaripas ako ng takbo ramdam ko kasi na isa sa kanila ang susuko at lalabas ng may usok sa ilong.

"Sorry," wika ko sa nabunggo ko habang nagmamadali akong makaalis, hindi na ako nag abalang tingnan kung sino man ang taong ito. Biglang may humawak sa kaliwang wrist ko, sa pagkakataong ito tsaka lamang ako nagtaas ng tingin.

"May sasabihin ka?" Walang emosyong wika ko.

"Bakit kasama mo si Mark? Kaya ba hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina pati kahapon?"

Nabigla ako sa galit niya bago sa akin ang kaharap kong Jun. Siguro nasanay ako sa kalmado at malumanay niyang pagkatao.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo ano naman kung magkasama kami? Hindi pa naman kita boyfriend." Mataray kong sagot natahimik siya saglit at parang nag ulap ang mga mata niya, unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa wrist ko.

"Itigil na natin ito sinubukan kong mafall sa'yo pero wala talaga. Huwag ka nang magtangkang sundan pa ako. Huwag kang mag alala ako na bahalang magpaliwanag sa parents ko."

Tuluyan nang dumulas pababa ang kamay niyang kanina lang ay hawak ang aking wrist. Walang lingon-likod, inaamin ko parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Ayokong lumayo si Jun pero hindi pwedeng pagmukhain kong tanga ang sarili ko.

"Sandali nga may nagawa ba akong mali?"

Hindi ko alam kung paano niya ako nahabol.

"Sa tingin ko ang mali mo lang ay nang akalain mong inlove ka sa akin. You're not inlove with me, you're inlove with your feelings." Iniwan ko siyang nakatulala this time sinigurado ko na hindi na niya ako nasundan.

Nagpaalam ako kay mother at sa mga sister na mauuna na ako. Humingi ako ng paumanhin dahil hindi na ako makakasabay sa munting salo-salo nila. Palabas na

ako ng subdivision ng biglang may bumusina sa tabi ko nang bumukas ang pinto napaatras ako.

"Tigilan mo na ako!" Singhal ko bago pa man tuluyang makalabas si.....Mark?! "Sorry. I thought..." dugtong ko.

"Sumabay ka na sa akin baka maabutan ka pa, kanina ka pa niya hinahanap."

"Nakakahiya naman sa'yo." Pumasok na ulit siya sa loob ng kotse ngunit bago niya maisara ang pinto ng kotse niya ay naisip ko na mas hindi ko gugustuhing maabutan ako ni Jun.

"Wait!" Eksaheradang pagpigil ko narinig ko ang papigil niya ng tawa.

"What are you waiting for?" Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kotse di gaya ni Jun...artemis wake up! hayan ka na naman sa Jun na iyan.

Panay ang lingon ko kay Mark may gusto kasi akong itanong pero nahihiya ako baka maoffend siya at misipan niya akong pababain sa gitna ng daan.

"Spill it, hindi yung panay ang tingin mo sa akin masaydo ka bang nagagwapuhan sa akin?" umirap na lang ako ibang klase ang bilib nito sa sarili. Well totoo rin namang may ibubuga ang itsura niya.

"Itatanong ko lang kung gaano na kayo katagal magkakakilala ni Nancy?"

"We've been friends since college."

"Sa totoo lang kasi I overheard your conversation a while ago." May kaba sa dibdib ko baka bigla akong sigawan nitong katabi ko.

"hmm... hanggang saan ang narinig mo?"

"Lahat... kaya nga gusto ko lang sana itanong kaya ka ba galit kay Jun ay hindi lang dahil kay Aira kundi dahil nafall ka na kay Nancy?"

Biglaan ang pagbreak niya, napapikit ako sa sobrang gulat. Mabuti na lang at malayo ang kasunod namin na sasakyan.

"Am I too obvious?"

Tama pala ang hinala ko.

"Hindi naman, hinala ko lang sobrang concern ka kasi sa kanya kahit na nasisigawan mo siya kanina."

Parang biglang komportable akong kausap si Mark. Siguro kasi sigurado na ako na si Nancy ang tinitibok ng puso niya. Simula kasi nang malaman ko na may pagtingin siya sa akin noon ay parang gusto kong umiwas kahit pa sabihin nating matagal na iyon kumbaga natabunan na ng panahon.

"Bakit mo nga pala naitanong kung may feelings ako kay Nancy?"

"Wala lang narinig ko kasi na nagkagusto ka pala sa akin before. Sinisigurado ko lang na nasa iba na ang atensyon mo."

"Hmm." Tumango- tango lang siya.

"Totoong na love at first sight ako sa'yo before but I was too coward to approach you. Nang maglakas loob ako tsaka naman may dumating na buntot mo. I thought boyfriend mo si Jun lagi ko kasi kayong nakikitang sabay na kumakain sa cafeteria. Nawalan na ako ng chance na makipaglapit sa iyo. Si Nancy ang laging nasa tabi ko aware na ako na gusto rin niya si Jun pero gaya ko nakatingin lang din siya sa malayo." Huminto siya saglit at seryosong tumingin sa akin bago ulit ipagpatuloy ang punto nito.

"There's no such thing as permanent in this world maybe lumipas na ang feelings ko sa'yo but who knows possible rin naman bumalik ang feelings na iyon." Nagulantang ako sa sinabi niya hindi ko talaga magets ang isang ito. Baka naman nagbibiro lang siya ang mabuti pa huwag ko na lang isipin ang huling binanggit niya.