Chereads / Must hate that gentleman / Chapter 17 - Gameover.

Chapter 17 - Gameover.

Artemis' POV

"Kumusta lakad mo nagkita ba kayo ni Jun?"

Sinamaan ko ng tingin si ate pinaalala niya pa ang impaktong iyon.

"I slip my tounge nasabi ko location mo ano nagkita ba kayo?" Painosenteng wika niya sinabayan niya ng eksaheradang pagtakip sa bibig habang ang mga mata niya ay naglilikot, kung saan-saan nakatingin.

Nagkita nga kami kasama niya nga si Nancy sinasadya ba talaga niya? Ibig sabihin alam niya kung nasaan ako bakit siya pumunta ng kasama ang babae niya? Alam naman niyang kahit sinong babae kapag nakita nila na may kasamang iba ang taong mahal nila tiyak na selos ang bunga.

"Inaantok ako." Sabay isinara ko na ang pinto at pagkatapos ay pabalya kong itinapon ang sarili ko sa aking kama.

Napapikit ako sa parehong sakit na naramdaman ko simula pa kanina nakatulugan ko na ang aking sama ng loob. Iyon na ang huling pagkakataon na nakita ko si Jun tumigil na rin siya sa pagtawag at pagmessage sa akin.

Hanggang dito na lang talaga siguro kami hindi ko naman pinagsisihan na nakilala ko si Jun. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko mararanasan ang magmahal at masaktan siguro nga pinagtagpo lang kami pero hindi itinadhana.

"Sigurado ka na okay ka lang? Antamlay mo," wika ni Mark magkasama kami ngayon sa mall dahil may importante daw siyang sasabihin. Kasalukuyan kaming nagmi-milktea sa black scoop.

Hindi ko alam kung kelan kami naging malapit at kumportable sa isa't-isa. Kapag kasama ko siya kahit papano nakakalimutan ko na broken hearted ako. Pero bago ako matulog sumasagi pa rin ang mukha ni Jun. Hinahanap ko pa rin ang mga mata at matamis niyang ngiti.

"Napagod lang siguro ako kahapon sa paglilinis ng kwarto." Inalis ko na ang mga kahong naglalaman ng mga bagay nagpapaalala sa akin kay Jun. Ang tanging hindi ko na lang tinapon at sinunog ay ang dalawang teddy bear na natanggap ko mula sa lalaking nanakit ng puso ko.

"Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang malaman mo na nagkamali pala ako ng pagkakakilala kay Jun. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa pagiging rude ko sa kanya sa tuwing magkikita kami. Kaya lang ay kumalas na siya sa banda at hindi ko rin naman alam kung paano siya kontakin. Naisip ko na ikaw na lang sana ang magsabi sa kanya at pakibigay na rin kay Jun ang sulat ni Aira."

Nanlamig ang kamay ko nang iabot niya sa akin ang kulay pulang stationary.

"Pasensya na pero hindi ko iyan maiaabot kay Jun. Mag-iisang buwan na nang huli ko siyang makausap." Hawak ko na ang kalahati ng sulat ngunit ibinalik ko kay Mark.

"Kung pinagdudahan mo si Jun dahil sa sinabi ko tungkol kay Aira, patawad ang totoo kasi niyan ay kailan lang umamin sa akin si Aira na walang kinalaman si Jun sa pagkakaroon niya ng anak. Dahil kahit nilasing niya si Jun noon ay walang nangyari sa kanila. He never tried to touch her ang totoo niyan alam ni Jun ang kalokohan ni Aira noon but he didn't say a word." Naguluhan ako bigla sa sinasabi niya.

"Gumawa si Aira ng kalokohan habang sila pa ni Jun. She lured Jun's bestfriend to sleep with her nang magbunga ang kamalian niya hindi siya pinanagutan ng lalaki. Ang akala niya ay hindi ito alam ni Jun. She tried to seduce him. he lured him, nilagyan niya ng sleeping peels ang inumin ni Jun."

Hindi ko pa rin maintindihan....bakit kailangang magsinungaling ni Aira sa mismong pinsan niya pa? Anong makukuha niya sa pagdiin kay Jun sa tagal ng panahon ngayon lang niya naisipang itama ang mali niya.

"Ibig sabihin she framed him up?"

"Ganun na nga sinabi niyang si Jun ang ama ng pinagdadala niya noon. Pero kahit alam daw ni Jun ang totoo ay hindi niya sinigawan si Aira ni hindi niya pinakitaan ng pagkamuhi at pandidiri. Ang huling sinabi lang niya ay

mahal niya si Aira hiniling niya na hayaan muna siyang makalimot sa sakit at kung sila talaga ay tatanggapin niya ulit si Aira anuman ang nakaraan ng pinsan ko."

Hindi ko napigilan ang maluha, inamin ko na pinadudahan ko si Jun, na baka isa siya sa mga taong matamis lang sa una at kapag nakuha na nito ang gusto ay biglang parang bula itong mawala. Natakot ako na baka matulad lang ako sa nangyari kay Aira at lalo lang nadagdagan ang pangamba ko ng dumating ang isang Nancy.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o maawa sa pinsan ko natakot siyang sabihin ang totoo dahil ayaw niyang lumabas ang katotohanang siya ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila at higit sa lahat huli na ng marealize niyang mahal pala talaga niya si Jun."

"Kumusta na nga pala si Aira alam ba niyang nandito si Jun? Nagkita na ba sila?" Tanong ko.

What if magkita sila at marealize ni Jun na si Aira pa rin ang laman ng puso niya? What if kaya niya lang ako nagustuhan dahil ako ang malapit?

Umiling si Mark, ibig sabihin hindi pa pala sila nagkikita.

"Kumusta na nga pala kayo ni Nancy?"

Nagkibit balikat lang si Mark.

"Gaya mo iyong insidente sa Bulacan iyon na rin ang huling paguusap namin."

"Maybe magkasama na sila?" Wala sa sarili kong nasabi hindi ko alam kung saang parte ng utak ko nanggaling ang ideyang iyon.

"Tayo na lang kaya?" Biglang wika ni Mark.

"Loko ka rin eh noh alam mo namang broken hearted pa ako. Hindi magandang biro iyan baka mapasakay mo ako." Pabiro kong sagot.

"I believe nasabi ko na sa iyo ang dapat kung sabihin mauna na ako."

Tumango lang ako at nagpasalamat sa pagbibigay linaw kahit na kung titingnan ay hindi naman na kailangan pang linawin dahil wala rin namang magbabago. Nakakatatlong hakbang na siya palayo sa akin nagtaka ako ng umikot siya pabalik. Inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang stationary, kinuha niya ang kamay ko at inilapag ang liham sa aking palad.

"I believe he really loves you. He'll come back." Natulala ako, nang mag angat ako ng tingin para sana hanapin siya ay nakalayo na pala ang mokong nagiwan pa talaga. Napapikit ako at hiniling na sana magkatotoo ang huling salitang iniwan ni Mark.

Nawalan na ako ng gana umuwi na lang ako sa bahay. Nagkulong lang ako magdamag sa kwarto kaharap ko ang teddy bear na nakuha ko noon kay Jun noong college pero hindi niya alam na tinago ko nga.

"Naiinis ako sa daddy niyo!" Yakap ko silang dalawa isa-isa ko silang inilapag ng maayos sa unan. Mukha na akong baliw dahil kinakausap ko ang dalawang teddy bear na hindi naman sasagot.

"Ikaw pinapaala mo sa akin ang college days." Pinapagalitan ko ang lumang teddy bear sabay binalingan ko naman ang bear na nakuha namin sa claw machine. "Ikaw naman pinapaalala mo ang date namin."

Humagulhol ako ng iyak namimiss ko na talaga ang pangungulit ni Jun.

"Kung mahal ako ng daddy niyo bakit sumuko na siya agad? Galit lang naman ako kaya ko nasabi na hindi ko siya natutuhang mahalin hindi ba dapat sinusuyo niya ako?" Isinubsob ko ang aking ulo sa unan napuno na ng luha ang unan.

"Ang bobo mo Jun!" Halata naman sa kilos ko na mahal ko siya bakit naniwala agad siya sa sinabi ko?! Bakit?! Nasaan ka ng impakto ka?! Kapag nagpakita ka ulit sa akin titirisin kitang parang kuto.

Mugto ang mata ko nahihiya man akong humarap at sabayan sina mama sa pagkain ay wala akong magagawa. Tahimik lang kami habang kumakain napansin ko na hindi masyadong naimik si ate, ni hindi nga niya ako tinutukso at madalas nahuhuli kong parang galing ng iyak ang mata niyang pagod na.

"Kelan mo ba siya sasagutin?" Sabay kaming nahinto ni ate sa pagkain. Akala ko si Kuya Taehyung ang tinutukoy nila. Ako pala ang kausap, tahimik lang ako dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot.

Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang ganyang klase ng tanong tiyak na manghihinayang sina mama. Halata namang boto sila kay Jun para sa akin. Maging si papa ay tiwala na kay Jun, kahit nitong huli lang sila nagkakakilala paano pa kaya pag nalaman nilang dati ko pa pinahihrapan si Jun.

"Galing dito si Jun kahapon hinahanap ka." Sa gulat ko nabitiwan ko ang hawak na kubyertos.

"Bakit pinapahirapan mo 'yung tao sabi ko naman sayo pwede naman na tapos ka ng magaral. May sarili ka ng negosyo bakit hindi mo pa sagutin iyong tao?" Seryoso si papa nang komprontahin niya ako.

"College pa lang kayo nagpaalam na sa akin si Jun. Ang sabi ko sa kanya kung desidido talaga siya, dapat hintayin niya na pareho kayong makatapos at magkaroon ng sariling negosyo bago pumasok sa relasyon."

Paanong? Bakit? Wala atang nakwento sa akin si Jun na ganyan. Naalala ko nga noong unang hinatid niya ako impossibleng alam niya agad ang address ng bahay namin. Nakakapagtaka talaga pero ang akala ko stalker ko lang talaga siya.

"Don't you think masyado ng mahaba ang paghihintay niya?"

"Oo nga naman Timi baka biglang mauntog yun," sabat ni mama.

Natuyuan na ata ako ng laway ni wala akong nasabi kahit isang letra. Sunod-sunod na bwelta ba naman parang umurong pabalik ang dila ko. Mabuti na lang nalipat ulit kay ate ang hot seat. Nagpaalam na ako na mauuna na ako mahirap na baka mabalik na naman sa akin ang hot seat.

Sinalubong ako ni Arlene at binuksan namin ang shop. Nagpahinga ako saglit inilabas ko na ang sketch pad para sana magdrawing ng bagong disenyo. Kahit anong piga ko sa utak ko wala akong masimulan, ni lines at kurba ay hindi ko magawa nakailang punit na ako ng papel. Sa inis ko ay itinapon ko na ang buong pad kasama ng lapis at pambura.

"Ma'am?" Alanganin ang pagtawag ni Arlene sa akin.

"Hmm..." Nakatalikod ang swivel chair na inuupuan ko iniiwasan ko kasing makita ni Arlene ang dinadadam ko. Nahihiya ako na ipakita sa kanya ang namumugto ko na mata.

"Gusto ko po sana magresign na pinatitigil na po kasi ako ni Drake." Napatayo ako sa kinauupuan ko. Ramdam ko na may mabigat siyang problema sa tono niya ay may panghihinayang kung bakit ba naman kasi kailangan pa niya magresign. Kahit papaano ay napalapit na rin sa akin si Arlene.

"Why?"

"Buntis ho ako ma'am gusto po ni Drake na magpakasal na muna kami sa west, iuuwi niya na po ako sa probinsya nila."

"Ganoon ba kelan ang alis mo?"

"Last day ko na po. Okay na po kahit hindi niyo na po ibigay ang buong sahod ko kahit hanggang ngayong araw na lang po." Umiling ako para ipakita ang hindi ko pagsang-ayon.

"Ano ka ba naman heto oh may bonus pa 'yan. Congrats! Sana makatulong ito sa panganganak mo o di kaya sa kasal niyo." Nakangiti kong inabot sa kanya ang sobre na naglalaman ng pera.

"Salamat talaga ma'am!" Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.

"Sana po makapunta kayo ni sir Jun sa kasal ko at kung pwede rin kukunin ko po kayong ninong at ninang." Pumatak ang luha ko hindi dahil magkakaroon na ako ng inaanak na gagastusan sa kaarawan nito at sa pasko kundi dahil

impossible na iyong mangyari. Ni hindi ko alam kung nasaang sulok ng mundo ang lalaking iyon.

"Walang ano man basta ha mag ingat ka sumbong mo sa akin pag hindi tumupad sa usapan ang magaling mong boyfriend."

Bago pa ako bumitiw sa yakap ni Arlene ay napunasan ko na ang nabasa ko na pisngi. Naiwan na lang akong mag-isa sa shop, pinauwi ko na si Arlene para makapagasikaso na siya ng mga bagay-bagay. Naiingit ako kay Arlene mabuti pa siya mukhang happy ending na sila ng boyfriend niya. May bonus pa pero hindi ko sinasabing gusto ko ng bonus kuntento na ako kahit happy ending muna darating tayo riyan sa bonus.