Chereads / Must hate that gentleman / Chapter 13 - WE SPENT THE NIGHT TOGETHER

Chapter 13 - WE SPENT THE NIGHT TOGETHER

Artemis' POV

Nagising ako sa katok mula sa pinto ko. Nanibago ako sa una kong nasilayan malayo ito sa hitsura ng aking kwarto. Napansin ko ang picture frame sa tabi ng kama. Hindi nga ako nananaginip totoong narito ako sa pad ni Jun. Sayang hindi ko na naramdaman ang pagbuhat niya sa akin malamang mahimbing na siguro akong natutulog.

"Are you awake? I'll leave your clothes here outside the room."

Pinalipas ko muna ang ilang minute bago ko buksan ang pinto para kunin ang damit. Nang makita ko na wala siya ay dumiretso na ako sa restroom para sana magshower kaya lang ay hindi ko inaasahang kakatapos lang niya magshower. Nakatapis ko siyang inabutan kaya kita ko ang malapad niyang balikat at well-toned abs.

Umiwas ako ng tingin pero hindi ko pwedeng i-deny na hindi ko nakita ang 6 pack niya na medyo may bakas pa ng tubig. Ang sexy niya nagiinit yung pisngi ko, 'wag naman sana niyang mapansin.

"I'm sorry. I'll go wear something."

Halos mamatay-matay ako sa pagpigil ko ng hininga. Bakit ba kasi hindi siya nagsuot ng damit muna bago lumabas. Narinig ko nga kay Jane na hindi nga pala nagbibihis itong si Jun sa loob, dahil baka mabasa kaya lumalabas ito ng nakatapis at sa kwarto pa ito mismo nagbibihis.

I should have known, malay ko ba naman na naliligo pala siya. I thought nasa sala siya or somewhere. He's now wearing a bathrobe still nakakatukso pa rin iyong collar bone niya.

"I'm sorry. I should have been careful."

Yeah right! You shouldn't go outside the restroom wearing nothing but a piece of dry towel below your waist.

This guy he's making me think like a pervert. Curse those well sculptured 6 pack abs! I slammed the door; this is driving me crazy. I can't remove the picture of his face while wiping his wet hair and the sight of his sexy body...NO! Artemis, get a hold of yourself!

I need to get out of here as early as possible kailangan ko pang buksan ang shop ko sayang naman ang kikitain ko.

"Jun?" Nasaan ang lalaking iyon? May naaamoy akong mabango...tumungo ako sa kusina.

Ang bango ng niluluto niya, pinanood ko siya habang inaayos ang hapag sana lang hindi niya ako mapansin...napayuko ako bigla na lang kasing tumunog ang tiyan ko. Pag-angat ko ng tingin nagtama ang tingin namin. Napapikit ako, sa loob-loob ko baka isipin niyang natatakam ako sa niluto niya.

"Magbreakfast ka muna. Naghanda ako ng menudo."

Nakakahiya namang tumanggi samantalang narinig na niya kung paano magwala ang alaga ko sa tiyan. Pinaghila niya ako ng upuan. Inihanda niya rin ang plato, kutsara at tinidor na gagamitin ko. Ipinagtimpla rin niya ako ng mainit na tsokolate.

"Marunong ka palang magluto?" Ang tahimik ng hapag kaya ako na ang nagbukas ng usapan.

"Yes. Nag-aral ako magluto ng simpleng dish since ayoko na mapurga sa instant foods...how does it taste?"

Saludo ako sa mga lalaking marunong sa kusina dahil kung hindi sunog ay nalulunod sa sobrang daming tubig at ang lasa kung hindi mapakla ay nasobrahan ng tamis o alat.

"Ang swerte naman ng mapapangasawa mo hindi na niya kailangang magluto."

Hindi ko pinahalata ang panlalaki ng mata ko ng marealize ko kung anong nasabi ko. Pinili ko na lang na itikom itong bibig ko baka kung ano na naman ang masabi ko. Kalansing na lang ng kutsarang tumama sa pinggan ang nangigibabaw

"I'll do the dishes," wika ko, nahihiya na ako kay Jun. Siya na nga ang nagluto siya pa ang maghuhugas kaya nagprisinta ako huwag na siya, ako na lang ang maghuhugas.

"Nakaligo ka na baka mabasa ka."

Wala rin akong nagawa ayoko namang umuwi ng may tilamsik ng sabon at tubig ang damit ko. Mabuti pa tawagan ko na lang si papa para naman alam niyang pauwi na ako.

"Pwede bang makahiram ng charger tatawagan ko lang si papa."

"Here, you can use my phone instead." Iniabot niya sa akin ang iphoneX niya at nagsimula na siyang magligpit ng hugasin.

"Password?"

"I love Artemis."

Niloloko ba ako nito ni Jun, ano ba naman klaseng password iyon? Medyo nanginginig ang kamay ko habang isa isang tinitipa ang letra. Seryoso iyon nga talaga ang password ng phone niya! Bago ko pa maitype ang numerong tatawagan may nag pop-up na message mula sa nagngangalang Nancy.

Nagdadal'wang isip ako kung babasahin ko ba o hindi. Sa huli nanalo ang utak ko hindi ko binasa dahil hindi naman para sa akin ang mensahe at isa pa hindi ko ugali ang mangialam ng privacy.

Matapos ko makatawag ay sinuli ko agad ang phone kay Jun. Sakto namang tapos na rin siya maghugas.

"Siya nga pala may nagtxt, Nancy daw."

Hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya tumalikod agad ako. Bumalik ako ng kwarto at inayos ko ang mga gamit sa loob ng maliit kong sling bag.

"Artemis nasa loob ka ba?"

"Oo. Sandali lang." Sinukbit ko agad ang bag, lumakad ako sa pinto at pinihit ko pabukas ang siradora.

Tahimik lang kami buong biyahe. Sa likod ako umupo para makahiga ako nang maayos inaantok ako sa haba ng byahe. Sakto namang naalimpungatan ako nasa tapat na kami ng gate ng bahay. Wala sa loob ko naglakad ako palabas ng kotse ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Jun.

Sinarado ko agad ang gate, nang maalis ang antok ko nahimasmasan ako. Binuksan ko ulit ang gate pero hindi ko na inabutan ang kotse ni Jun, tanging usok na lang ang naiwan. I wonder kung anong nasa isip ni Jun. Isipin pa niyang galit ako sa kanya samantalang medyo lutang lang talaga ako kanina, ganoon kasi ako kapag naaalimpungatan.

Pagpasok ko ng bahay naabutan kong nanonood ng tv si mama. Nakatayo na ako sa harap ni mama para magmano nang sumagi sa isip ko ang bag ko. Napasapo ako sa ulo malamang naiwan iyon sa kotse ni Jun, sana lang mapansin niya agad.

"Ano ba itong batang ito nanonood ako nakaharang ka riyan, magmamano ka ba o tatayo ka lang?" Reklamo ni mama.

Itinuloy ko ang naunsyami kong pagmamano at pagkatapos ay naupo ako sa tabi ni mama nakapangalumbaba.

"Bakit mukhang pangbyernesanto 'yang mukha mo?"

Akala ko hindi na mapapansin ni mama dahil nakatuon ang mga mata nito sa pinapanood. Sasagot pa lang ako nang biglang may nagdoor bell. Tumayo agad ako sa pagaakalang si Jun ito langya deliver lang pala ng lazada.

Ang magaling na gaga nag-order sa lazada hindi naman nag-iwan ng pambayad hindi bale si mama naman nag-abuno bahala sila riyan. Matapos magbayad ni mama pinasok na niya sa loob ang binayarang item. Nakakatatlong hakbang na ako ng biglang tumunog ang doorbell. Padabog akong nagmartsa pabalik sa pinto. Nakasimangot ako nang buksan ko ang pinto.

Hindi ko inaasahang si Jun pala ang nagdoorbell, nakasandal siya sa labas ng kotse niya. Pasimple kong inayos ang lumaylay kong buhok sa gawing kanan ng aking tainga.

"I came back to give you this."

"Thank you! naistorbo pa kita medyo lutang kasi ako kanina. Nawala sa isip ko na may bag nga pala ako ni hindi nga ako nakapagthank you sa paghatid sa akin," mahabang litanya ko.

"I thought may nagawa akong hindi mo nagustuhan kaya parang galit ka."

Sabi ko na nga ba iisipin niyang may mali na naman siya hindi bale may pambawi naman ako.

"Don't forget our date on Sunday," paalala ko sa kanya baka nakalimutan na niya.

"Ahem." Napalingon ako sa likod. Automatic kong naisara ang pinto.

"Bakit hindi mo man lang pinapasok ang boyfriend mo?" Pangasar na wika ni mama

"Hindi ko pa po boyfriend si Jun."

"Nagdedate na kayo pero hindi mo pa siya sinasagot. Baka naman malito 'yung tao sa iyo uso naman kasi ang label."

Hindi na uso basta ramdam naman niya hindi na kailangnang manggaling pa sa bibig ko.

"Hinatid ka na niya kanina diba? Bakit bumalik iyon?"

"Hinatid lang ung bag ko naiwan sa loob ng kotse niya." Sabay pinakita ko sa kanya ang bag.

"Naiwan o iniwan?"

"Bakit ko naman iiwan?" Loko talaga itong si mama porket wala si ate ako na naman ang nakita.

"Malay ko ba, baka gusto mo lang makita si Jun."

"Ma!" Saway ko kay mama kung ano-ano kasing sinasabi.

"Bantayan mo muna itong bahay may bibilhin lang ako sa kanto," bilin ni mama.

"Bilisan mo po magbubukas pa po ako ng shop."

>>>>>>>

Ang bilis ng araw guess what? S-U-N-D-A-Y na today ano kayang susuotin ko? dahil nahihirapan akong pumili nilapag ko sa higaan ang mga pares ng damit pumikit ako sabay dampot ng damit.

Isang putting off-shoulder at khaki shorts, hindi na masama para sa casual attire alangan namang magdress pa ako.

"Artemis hindi ka pa tapos andito na si Jun!" Sigaw ni mama.

Bumaba na ako nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa siya.

"Tingnan mo itong dalawang ito paglalabas laging terno."

Ewan ko ba bakit magkakulay pa talaga kami ng suot..simpleng t-shirt lang na puti ang suot niya pero ang gwapo niya pa rin. Bagay din sa kanya ang 6 pocket na khaki men shorts. Napansin ko rin na suot niya ang limited edition na topsider shoes mud color which is latest design ko na siya ring suot ko today.

"Saan ba kayo magdedate? Baka naman abutin kayo ng gabi pagagalitan tayo ng papa mo."

"Diyan lang kami sa Sm, magwi-window shopping tapos kain lang uuwi din kami agad."

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung anong ginagawa sa mga date never pa ako nakipagdate.

"Pagpasensyahan mo na itong si Timi boring talaga kasama iyan."

Grabe naman itong si mama makapagsabing boring ako wagas.

"As long as masaya po siya masaya na rin po ako," wika ni Jun.

Bago pa humaba ang usapan ay hinila ko na siya palabas ng bahay.

Matapos niyang ipark ang kotse dumiretso muna kami ng JCO feel ko kasing kumain muna ng donut at uminom ng hot choco, bago kami manood ng sine or maglaro na lang sa arcade. Sa tingin ko mas gusto ko ang pangalawang idea.

"I'll sing for you."

Nakatitig lang ako sa kanya habang kinakantahan niya ako ng 'PERFECT' ni Edsheeran.

🎼🎼🎼🎼🎼

I found a love for me

Darling just dive right in

And follow my lead

Well I found a girl beautiful and sweet

I never knew you were the someone waiting for me (I never knew that Jun is waiting for me***)

'Cause we were just kids when we fell in love (though college na nga....)

Not knowing what it was

I will not give you up this time

But darling, just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes you're holding mine

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight

Well I found a woman, stronger than anyone I know

She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home

I found a love, to carry more than just my secrets

To carry love, to carry children of our own

We are still kids, but we're so in love

Fighting against all odds

I know we'll be alright this time

Darling, just hold my hand

Be my girl, I'll be your man

I see my future in your eyes

Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When I saw you in that dress, looking so beautiful

I don't deserve this, darling, you look perfect tonight

Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

I have faith in what I see

Now I know I have met an angel in person.

And she looks perfect

I don't deserve this

You look perfect tonight

Parami nang parami ang nanonood hindi lang kasi ang mukha niya ang nakakatawag pansin kundi pati ang boses niya. Nakapukos lang ang tingin niya sa akin kahit nagkikislapan na ang camera ng mga taong nakiusyuso. Natapos na ang kanta agad siyang bumaba sa mini stage at nilapitan niya ako.

Pilit kong tinatago ang ngiti ko sa tuwing naririnig ko ang salitang bagay daw kami ni Jun, mula sa mga tao sa paligid.

"Dahil kinantahan mo ako, I'll try to get you a stuff toy."

Nasa tapat na kami ng stuff toy machine nakatatlong try ako pero hindi ko talaga makuha yung teddy bear na may hawak na kandado ang cute pa naman.

"Let me do it for you." Nakadalawang try muna bago niya nasungkit ang teddy bear na may hawak na susi sayang gusto ko pa naman ibigay sa kanya yung may padlock.

"Here. Para sa'yo iyan." Parang ang unfair naman kung ako lang ang may teddy bear, may isa pa akong token sana lang....

"Yes!" Sa sobrang tuwa ko napalakas ang boses ko, natawa ng bahagya si Jun.

"Here." Tumingin muna ako sa ibang diriksyon bago iabot sa kanya ang pinaghirapan kong teddy bear.

He cleared his throat and laid his eyes in opposite direction while saying "thank you"

Naglaro lang kami ng car racing lumabas na rin kami ng quantum. Medyo malayo na rin ang nilakad namin bago kami makarating sa tribal boutique. Nakabili ako ng isang hoodie na itim samantalang puti naman ang kanya.

May nadaanan kaming stall na gumagawa ng couple shirt. Para sa akin ang corny ng mga taong nagsusuot ng couple shirt pero parang masaya sigurong mapabilang sa mga corny na tao. Panay ang sulyap ng babae kay Jun habang seryosong namimili ng disenyo ang ehem...soon-to-be-boyfriend ko.

Naghihintay lang ako ng chance para sagutin siya. Bakit kasi hindi pa niya ako tinatanong ulit hindi naman pwedeng biglang sabihin ko na tayo na, parang out of the blue naman.

"May napili ka na?" nakatulala pala ako kay Jun kaya medyo aligaga ako bago sumagot.

"Ha? W-wala pa," narinig ko ang pigil na pagtawa ng babae. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa babae baka biglang lumabas ang dragon sa ilong ko, lakas ng loob tawanan ako.

"May iba pa ba kayong design? She doesn't like girly designs much better kung medyo may pa tribal."

Alam na alam niya talaga kung anong ayaw at gusto ko samantalang ako ni wala akong ideya sa kung anong ayaw niya at kung anong gusto niya.

"Hmm..." Binuklat buklat ko ang catalog, nakisawsaw na rin siya sa pagbuklat aksidente niyang nadantay ang kamay niya sa kamay ko parang libo-libong boltahe ang dumaloy sa katawan ko.

"This one!" sabay pa naming itinuro ang design na may emo boy na may hawak na malaking padlock at emo girl na may yakap na susi.

Natawa kami pareho akalain mo nga naman pareho pa talaga ang nagustuhan namin.

"Pwede bang ito na lang suotin ko sa alumni home coming?"

Muntik ko nang makalimutan iyang alumni na yan buti pinaalala niya.

"Pwede naman," sagot ko na may ngiti sa labi.

"Kung okay lang gusto ko sana sabay nating suotin."

"Okay lang para saan pa't binili ko iyan kung 'di ko naman susuotin." Naging malikot ang mga mata ko habang nagsasalita.

"Dito ka lang washroom lang ako."

Nararamdaman ko lalabas na siya eh bumili ako ng napkin bago pumasok sa Cr....at iyon nga di nga ako nagkamali wrong timing naman itong si pula....may tagos ako nakakahiya naman lumabas.

No choice. Tinawagan ko si Jun.

"Hello. Jun"

"What's wrong?" Concern na tanong niya.

"Bili mo ako panty at bagong pants bayaran ko mamaya."

"Okay sige hintayin mo ako wag ka aalis diyan."

"Tingin mo makakaalis pa ako sa lagay na toh?" Abnoy din 'tong si Jun.

Nakaupo lang ako sa labas ng restroom habang hinihintay ko si Jun. Lokong iyon sa sobrang pagmamadali hindi na tinanong yung size ko.

Kapag yun talaga maluwag or sobrang sikip kukunyatan ko talaga ang lalaking iyon.