Chereads / Must hate that gentleman / Chapter 12 - DATE

Chapter 12 - DATE

Artemis' POV

"Anak naghihintay na si Jun sa baba!"

Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin bago bumaba. Ngiti na agad ni Jun ang bumungad sa akin.

"Wow couple attire!" wika ni mama, tsaka ko lang napansin na parehas pala kami ng kulay na suot.

Kulay white and light blue ang kulay ng suot ko samantalang naka light blue naman siya na polo shirt at white pants. Hindi ko expected na magkakaparehas kami ng kulay na suot. Sa totoo lang hindi namin ito pinagusapan.

"Alis na po kami tita...tito." Nagbaba siya ng ulo bilang pagbibigay galang kina mama at papa.

"Huwag masyadong gagabihin," bilin ni papa bago kami tuluyang umalis.

Habang nasa biyahe panay ang lingon ko sa kanya na seryosong nagmamaneho. Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Pakiramdam ko siya na talaga ang para sa akin sana lang hindi mali ang pakiramdam na ito.

"Is there something wrong?" Natigil ang pagtitig ko nang biglang nalipat ang atensyon niya sa akin. Lumikot ang mga mata ko at sa huli pinilig ko na lang ang aking ulo hanggang sa nakatulog na pala ako.

"Wake up." Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata nagulat ako sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Wait, don't move."

Napalunok ako mas lalo pa siyang lumapit at halos yakapin niya na ako. Dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko.

"Natanggal ko na seat belt mo, shall we go?"

Bago pa man niya buksan ang pintuan sa gilid ko ay nauna na ako sa paglabas. Huminga ako nang malalim sabay paypay ko gamit ang dalawang palad.

"Kinakabahan ka ba?" Nakalabas na pala siya ng kotse.

"Huh? Ah Oo marami bang tao roon?" Kinakabahan ako pero hindi iyon ang dahilan nang pagakabalisa ko. Kundi iyong nangyari kanina halos dikit na ang katawan niya sa akin.

"Don't worry, I'll never leave your side."

Ngumiti lang ako at sabay na kaming tumungo sa nasabing party.

"You made it! You actually came with your woman."

Napakamot siya sa batok niya samantalang ako naman ay halos mapaso na hindi talaga ako komportable sa mga ganito.

"Not yet, I'm still courting her."

Napahagalpak ng tawa ang barkada niya na nakapalibot sa amin.

"Artemis this is Rod, bass player namin." Pakilala niya sa lalaking may pinakamalakas na tawa.

Sunod-sunod niyang pinakilala ang barkada niya at sa bawat pakilala ay kasunod ang pagdadaop ng kamay. Ngunit napansin ko na kakaiba ang titig sa akin ng isa niyang kaibigan. Medyo naiilang ako kaya napadikit ako kay Jun pero hindi naman napansin ni Jun iyon.

"Lastly, this is Christian ang celebrant for today's event."

Tumango lang ako at alanganing nakipagdaop palad habang ang mata ko ay pasimpleng nakatingin sa ibang direksyon. Sigurado ako nakatitig talaga siya particular sa mukha ko.

"I heard na tiklop sa iyo itong si good boy alam mo bang andaming babaeng nakapaligid dito kay Jun. Kapag naging kayo sasakit ang ulo mo," pabirong wika ni Christian.

"I changed my mind, una na pala kami mukhang mapo-pollute ang utak ni Artemis baka totohanin," pabiro rin ang tugon ni Jun.

"Just kidding super bait nitong si Jun lapitin lang talaga," wika ng isa sabay akbay nito kay Jun.

I agree sobrang bait niya kaya lapitin. Minsan talagang nakakapikon na ang pagiging mabait niya sa mga babae. Never ako nainsecure pero minsan napapaisip ako kung sweet siya at mabait sa mga iba specially sa girls, ano ang lamang ko sa kanila?

What make me differ from other girls? Indeed, ako nga ang nililigawan niya pero sweet din siya sa iba, it doesn't make sense!

Madamot na kung madamot akin lang dapat ang ngiti niya, ang tawa niya, ang mga tingin niyang nakakalusaw. Akin lang si Jun kaya sa ibang girls back off! Go find your own Jun Hui Wen.

"I almost forgot here's our gift." Iniabot ni Jun ang binili naming gift para sa celebrant.

"Salamat pre! Siya nga pala may pa-sample tayo mamaya," wika ni Christian, tumango lang si Jun.

Tahimik lang kami ni Jun sa table imbes na sumama siya sa table ng kabanda niya heto siya sa tabi ko at pinagsisilbihan ako.

"Hiramin lang namin, don't worry isusuli rin namin after." Namutla ako bigla, hiramin daw sus as if naman pamamay-ari ko 'yang si Jun.

Hindi ko pa nga iyan sinasagot eh at kung magiging official kami, still I have no right to own him, but sometimes I can be selfish.

Habang nagpeperform sila ay nakatuon lang ang atensyon ko sa isang particular na tao at nakatingin lang din siya sa akin. Nang mga oras na iyon pakiramdam ko siya lang ang nasa maliit na entablado. Natapos na ang kanta kaya naman nagsibabaan na sila.

Hinanap ng mata ko si Jun ngunit ibang mata ang aking nakatagpo, parang may kakaiba sa tingin na iyon. Kung hindi ako nagkakamali siya si Mark, ang drummer ng banda.

"Are you okay?"

Sobrang occupied ng utak ko kaya naman hindi ko napansin nakalapit na pala si Jun.

"Ha?...ah oo... ano inaantok siguro ako." Ano bang nangyayari sa akin dahil sa Mark na iyon nawawala ako sa sarili ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko bakit ba kasi nakatitig pa rin siya sa akin. Sana lang hindi iyon pansin ni Jun, kahit na gusto kong malaman kung paano magselos si Jun still ayoko pa rin. Natatakot ako na baka pagmulan iyon ng away namin.

"Ganun ba? Magpaalam na tayo para maihatid na kita." Inilahad niya ang kamay niya tinanggap ko naman ito. Inalalayan niya ako sa pagtayo at pagkatapos naming magpaalam ay nagmaneho na siya.

Kamalas malasan ay traffic pa halos hindi na talaga gumagalaw ang mga sasakyan. Nakahinga ako nang maluwag ng umusad nang kaunti. Baka kasi gabihin kami nang sobra pag nagpatuloy pa itong masikip na daloy ng trapiko, tiyak na yari ako kay papa.

Alas otso nang gabi bigla namang may aksidente sa unahan at sinabayan pa talaga ng biglang pagbuhos ng ulan. Hindi lang basta ulan kundi sobrang lakas na ulan!

Makati to Q.C? I doubt kung makakauwi pa ako. Bahain ang marami sa lugar sa amin paano na ito?

Naantala ako sa pag-iisip dahil sa tawag mula kay papa.

"Hello, Pa?" Lagot ako nito!

"Saan ka na? Anong oras na!" Naiimagine ko na ang umuusok na ilong ni papa. Sobrang iniingatan pa naman kami ni papa kaya kahit na gurang na kami bantay sarado pa rin.

"Dito pa kami sa Makati traffic tas umuulan pa."

"Pakausap nga kay Jun."

Napalunok ako sa biglaang utos ni papa kaya nangingimi kong inabot ang phone kay Jun.

"Do you want me to turn on the speaker?" aniya, tumango ako mabuti na yung naririnig ko kung ano mang paguusapan nila.

"Hello, Jun."

Nakakatakot pa rin ang boses ni papa.

"Hello po tito."

"Malayo pa ba kayo?"

"Opo."

Kinakabahan ako antahimik sa kabilang linya. Matagal bago sumagot ulit si papa.

"Ganun ba maigi siguro riyan na lang siya sa condo mo taga makati ka diba? Kung pipilitin niyong umuwi baka mastranded lang kayo sa daan sobrang lakas ng ulan."

For real?! I can't believe na si papa ang nagsuggest ng bagay na iyon ganun ba kalaki ang tiwala niya kay Jun?

"Sigurado po ba kayo tito?"

Hindi rin siguro makapaniwala si Jun maski naman ako nagulat din eh.

"Yes. Sinasabi ko sa'yo 'wag na 'wag kang magbabalak may kalalagyan ka hijo."

Napalunok si Jun, natawa na lang ako sa reaksyon niya natakot siguro. Tama lang 'yung sinabi ni papa.

"Ibalik mo na kay Timi at may sasabihin ako."

"Hello. Papa?"

"Diyan ka na muna kay Jun. Sinasabi ko sa'yo malaki ang tiwala ko sa'yo huwag mong sisirain."

"Opo."

"Babae ka pa man din baka mamaya ikaw pa ang manggapang umayos ka." Halos hindi na ako makasagot sa sobrang kahihiyan paniguradong rinig lahat ni Jun.

Bakit ba kasi hindi ko muna pinatay ang speaker. Napapikit ako sa sobrang kahihiyan magkakastiff neck na ata ako sa sobrang tuwid ng katawan ko, ni hindi ko magawang lumingon.

"Ayokong makitang awkward ka, so I'll pretend that I didn't hear a thing."

Hindi na lang ako sumagot gusto ko na maglaho sa mundong ibabaw nakakahiya talaga. Hanggang sa makarating kami sa condo tahimik pa rin ako. Hindi rin naman siya nag-initiate na kausapin ako.

"I'll prepare your bed."

Tumango lang ako hindi ko magawang iangat ang ulo ko. Hindi pa ako nakakamoveon sa kahihiyan ko. Narinig ko ang papalayong yabag ng paa niya. Nang masigurado ko na wala na siya ay nakahinga ako ng maluwag. Nilibang ko ang sarili ko sa pagsuri ng paligid. Ito ang unang pagkakataong nakapunta ako sa condo niya.

"Ilang babae na kaya nadala niya dito," wala sa loob kong naiusal sana lang hindi niya...

"Aside from Jane you're the first and probably the last person."

Narinig niya!!!! Kakabawi ko lang eh heto panibagong kahihiyan na naman. This time kagagawan ko na, kasi naman itong bunganga na ito walang preno.

"Nasaan ang cr mo dito?" maangas na tanong ko.

"The door next to kitchen ayun ang cr. If you want to relax for awhile na ready ko na ang bath tub, may towel diyan sa cabinet."

I really need to relax kung pwede lang lamunin na ako ng bath tub para matakasan ko ang kahihiyan ko.

Habang nasa bath tub ay parang engot akong nakangiti akalain mo yun dito ako mutulog sa condo niya. Gamit ko ang bath tub niya, ang sabon niya, ang shampoo at gagamitin ko rin ang kama niya.

Ang swerte ko naman talagang inihanda niya pa itong bath tub. Ambango ng gamit niyang sabon siguradong pagdumikit ito sa balat ko ambango-bango ko rin.

Nahinto ako sa pagmumuni-muni ng maalala kong wala akong susuotin dahil ibinabad ko na ang damit ko para labahan.

Paano ito lalabas akong...nakatapis?! No way!!!

Napatayo ako ng 'di oras at agad na nagsuot ng towel sa katawan marahan kong pinihit pabukas ang siradora.

Sinigurado ko na walang Jun sa paligid, lumabas ako ng Cr. Dahan-dahan ang lakad ko ngunit natabig ko ang maliit na stante at nakita ko na may pares ng undies at malaking t-shirt.

"Pasensya ka na wala kasing naiwan na damit si Jane maliban diyan sa-----" pinahinto ko na siya gets ko na kay Jane yung undies at kanya ang t-shirt.

"Tumawag na ako ng laundry service."

Salamat naman akala ko maglalaba pa ako mabuti naman at may laundry service itong condo niya.

"I'll go get my things para makapagpahinga ka na sa kwarto."

Naikwento nga pala sa akin ni Jane na sa hotel siya nagstay. Bumibista lang siya kay Jun kaya hindi nakakapagtatakang isa lang ang kwarto atsaka bachelor's pad nga pala ito.

Speaking of Jane hindi ko na uli siya nakausap simula nang nakabalik siya sa America, kumusta na kaya siya?

Habang naghihintay ay naisipan kong buklatin ang mga album sa ilalim ng coffee table, kaharap ng inuupuan kong sofa bed. Sa pabalat pa lang halatang pinaglaanan ng oras sobrang linis ng pagkakagawa. Sa una aakalain na babae ang may-ari may puso pa talagang design.

Hindi ko alam na may gantong side si Jun, nakakatuwa lang mas lalo pa akong naamaze nang makita ang laman. Puro's stolen shot ko at talagang may date pa. Hindi nga kami nagkakalayo ni Jun, ang akin lang ay nakabox lahat ng mga bagay na mula sa kanya, pero syempre secret ko lang iyon.

Nataranta kong isinara ang album nang marinig ko ang papalapit na yapak. Sa pagamamadali ko ay may isang larawan ang nahulog sa sahig. Agad ko itong pinulot, saglit kong tiningnan at binasa ang nakasulat bago ko maayos na binalik sa isang pahina ng album.

"Sorry for making you wait this long nahirapan kasi akong i-lock 'yung window sa kwarto."

Nilapag niya sa sofa bed ang hawak niyang unan at kumot. Inihatid niya ako sa kwarto at nagbilin na tawagin ko raw siya kung may kailangan ako. Gumulong-gulong ako sa higaan niya. Kinikilig ako sa simpleng kilos lang niya. Hindi naman ako ganito dati,ang lakas kaya ng self-control ko.

Bakit ko ba kasi binasa pa yung nakasulat sa picture namin noong time na pinakilala ko siya kay mama't papa. Bakit ba kasi sa lahat ng picture ay iyon pa ang nahulog.

'Look at her eyes it holds a thousand star and her smile is enouh to make my heart pound....isn't she lovely? This girl is my everything'

Corny man kung titingnan pero para sa akin basta galing kay Jun lahat ay possibleng langgamin.

Anong oras na ba? Bakit hindi ako dinadalaw ng antok? Don't tell me namamahay ang diwa ko. Tumayo ako mula sa pagakakahiga, dahan- dahan kong pinihit pabukas ang siradora. Patay na ang ilaw pero parang may nakikita akong kunting liwanag sa sala, baka lamp shade niya.

Napadaan ako sa sala gising pa pala siya. Nakaharap siya sa t.v pinapanood niya ang balita. Napagpasyahan ko na itimpla na rin siya ng kape. Para naman mainitan nang kaunti ang sikmura niya, sobrang lamig pa rin kasi kahit patay na ang aircon.

Sobrang lakas pa rin ng ulan sa labas, nagmomoist na nga yung bintana. Anyway dahil wala namang gatas sa kusina niya kape na lang. Kapal ko lang tinuring ko na talagang bahay ang pad ni Jun. Hindi naman siguro siya magagalit kung babawasan ko ang stock niya.

"Coffee?" medyo nagulat pa siya ng makita ako. Sa huli malugod niyang tinanggap ang iniabot ko na tasa ng kape.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya bago ko pa akupahin ang space sa tabi niya.

"Ayaw ako dalawin ng antok," aniya sabay talukbong niya ng kumot. Napansin ko nga mas malamig dito sa sala kumpara sa kwarto medyo giniginaw na tuloy ako.

"Parehas pala tayo kahit anong pikit ko ayaw pa rin eh." Sabay lagok ko ng kape, panlaban sa lamig na nagsisimula ko nang maramdaman.

"Movie marathon tayo, if okay lang sa'yo."

Since nagkape ako hindi ako agad makakatulog kaya okay na siguro ang movie marathon, pampalipas oras.

"Here ayoko nakikitang nilalamig ka," aniya sabay tinalukbong niya sa akin ang gamit niyang kumot.

"Paano ka?" Pwede naman kasi akong bumalik sa kwarto para kumuha hindi yung ganto, siya naman ang lalamigin.

Hindi ko namalayan kusang gumalaw ang kamay ko at imbes na magtalukbong ako idinantay ko ang kumot sa kalahati ng katawan namin at parehas na kaming nakakaramdam ng ginahawa sa ilalim ng isang kumot.

Naisip ko na parang mali ito pero parang hindi rin naman. Wala naman kasing naganap na kababalaghan talagang nanonood lang kami. Laking pasasalamat ko lang dahil si Jun yung tipo ng lalaking hindi nagta-take advantage sa mga ganitong sitwasyon.

Kahit na matindi ang pagbuhos ng ulan nakapagtatakang hindi ko na ramdam ang lamig bagkus napalitan ito ng kakaibang sensasyon. Nakatitig ako sa mukha niya, napahawak ako sa aking dibdib bigla na lang parang gustong lumabas ng puso ko mula sa kinalalagyan nito.

"You can lean on my shoulder if you feel tired all of a sudden," wika niya na pasimple ko na lang tinanguan pero syempre hindi ko rin ginawa.

Nahihiya ako at pakiramdam ko hindi ako komportable sa ganoong posisyon. Sinandal ko na lamang ang likod ko sa malabot na sofa. Paunti-unti kong sinisipat angmukha niya habang seryoso ito sa pinapanood na lucifer series. Napadako ako sa mata niya ang ganda talaga ng hubog nito at ang kinang ng tila onyx niyang mata. Ang ilong niya ay wala akong maipipintas.

Ang labi niya...mapula ito at tila anasarap makatikim ng halik mula sa-----

Stop! Artemis ano ba iyang pinag iisip mo?!

Ipinilig ko ang ulo ko sabay madiin kong sinandal ito sa sofa. Mamaya lang dinalaw na ako ng antok. Una sinubukan ko itong labanan ngunit wala ring nangyari. Sa huli nauwi pa rin ang ulo ko sa balikat ni Jun, tuluyan na akong napapapikit.

Napangiti ako sa realisasyon masarap pala sa pakiramdam ang masandalan ang balikat ng taong mahal mo. Hindi man ito sinlambot ng uratex ngunit paniguradong daig nito ang ang pinagpaton-patong na kutson.