Chereads / Must hate that gentleman / Chapter 11 - REFLECTING THOUGHTS

Chapter 11 - REFLECTING THOUGHTS

Artemis' POV

"Kumusta naman kayo ni Jun? Timi." Napaubo ako sa biglaang tanong ni mama, "Ayun sinusubukan ko pa po." Totoo naman eh kung tutuusin any moment pwede ko na siyang sagutin kaya lang ay may gusto pa akong subukan.

May gusto akong malaman bago maging kami mahirap naman kasi kung padalos-dalos tayo sa mga desisyon. Baka sa huli pagsisihan lang din natin maigi na yung sigurado para no regret sa dulo.

"Mabuti iyan kilatisin mo muna nang mabuti ayoko ng pupunta ka sa amin na iiyak-iyak,"

singit ni papa sa usapan. Napalunok ako ng wala sa oras grabehan naman to si papa bumanat.

"Pero sa tingin ko naman mabait naman iyang si Jun at mukhang malaki ang respeto sa mga babae," dugtong ni papa kung may tiwala si papa kay Jun ibig sabihin lang ay makakahinga ako nang maluwag.

Hanggang sa tindahan ay iniiisip ko kung kailan ang tamang panahon. Paano ba malalaman kung siya na talaga?

"Lalim ng iniisip natin ma'am, siguro namimiss mo na si sir."

"Bago maging kayo ni Drake paano mo nalaman na oras na para tapusin mo yung paghihirap niya?" Napangiti si Arlene ng biglang tanungin ko siya.

"Bakit ma'am sasagutin mo na ba si sir Jun?"

"Basta sagutin mo na lang kasi." Iniwas ko ang tingin ko sa mapangasar ni tingin ni Arlene.

"Simple lang kapag alam mo sa sarili mo na kaya mo nang sumugal sa kanya. Kapag nakikita mo na may future na naghihintay sa inyo at ikaw lang ang makakaalam ng lahat ng iyan. Just listen to your heart."

Napabuntong hininga ako, sabi ko nga dapat hindi na lang ako nagtanong mas lalo lang akong naguluhan.

Why does it have to be this complicated?

Nakatulala lang ako dahil wala rin namang gaanong cutomer. Sobrang crowded ng utak ko today pambihira hindi ko naman akalain ganito kahirap pagisipan ang sagot sa tanong na OO rin naman ang sagot.

"Good afternoon!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Aaay! Impakto!" Napahawak ako sa aking dibdib. Ang Oa ng reaction ko nang makitang si Jun pala ang dumating, as usual may flower na naman.

"Mukhang nagulat ata kita." Sa wakas narinig at nakita ko rin ang mukha niya.

"Kapag ako inatake buset ka," paggalit kong wika habang inaayos ko sa flower vase ang dala niyang bulaklak.

"Oh! Anong nginingiti mo riyan?" Naiilang ako sa ngiti niya parang any moment magbablush ako kapag tumitig ako sa kanya. Kainis bakit ba kasi ang gwapo niya at talagang hindi nakakasawang titigan.

"Nothing. I think you are getting pretty everyday."

Diyos ko lord! Nabola pa ako baka naman bumilog na ako nito.

"Hay naku, tell me may kailangan ka ba?" Paglilihis ko ng usapan kasi naman eh kinikilig ako para hindi mahalata nagagamit ko tuloy ang defense mechanism ko.

"I almost forgot if okay lang sa'yo isasama sana kita sa birthday ng kabanda ko tomorrow."

"Anong oras ba?" Kapag hindi ako sumama malamang maraming aaligid na babae roon. Kailangang nababantayan ko ito hindi pa naman ito marunong humindi sa mga babae. Kaya hindi tuloy maiwasang mamiss interpret ng iba...teka nga lang why do I sounded like a jealous girlfriend? And take note I'm being possessive!

"4 pm Makati pa 'yun okay lang ba sa iyo?"

"Okay lang naman, half day na lang ako magbubukas para hindi sayang kita ko."

"Nagmeryenda ka na?" Biglang pag iiba niya ng usapan.

"Hindi pa." Hindi pa ako nakaramdam ng gutom kanina pero nang tanungin niya ako parang humapdi ata sikmura ko.

Inilabas niya ang kanyang phone at nagdial ng kung anong numero. Maya-maya ang narinig ko na lang ay puro's nakakagutom na pagkain napakunot noo ako.

"Let's eat namiss kitang kasabay," ani Jun.

Inirapan ko siya, "Kasabay natin si Arlene kaya magtigil ka riyan."

Mahilig pa naman mang-alaska ang babaeng yun. Tumango lang siya sabay muwestra niya na parang zipper na sinasara ang kanyang labi. Napangiti ako nang palihim, bakit ba ang cute niya maglambing?

"Ma'am, nagpadeliver po pala kayo ng pagkain?" Wika ni Arlene habang bitbit ang sandamukal na balot ng pagkain sa magkabila nitong kamay.

Agad namang tumayo si Jun para alalayan si Arlene sa dala nito at siya na rin mismo ang nag-ayos sa mesa. Nakita kong nagthumbs-up si Arlene ngumiti lang ako nang pasimple. Napansin ko na tumingin sakin si Jun umayos ako ng upo at ibinalik ko ang seryosong impresyon ng mukha ko.

"You should have called me para hindi ka na nahirapan magbitbit," nahihiya niyang pahayag ipaglalatag niya sana ng sapin si Arlene.

Japanese setting ang kain namin may maliit na table na di tiklop.

"Hindi tayo kasya sa table, roon na lang ako kakain." Sabay turo ni Arlene sa fitting bench bago pa man makareact si Jun ay umalis na si Arlene. Bitbit ang isang box ng spaghetti na may rice at chicken.

"Busy ka pa ba next week?" Napahinto siya sa pagkain at seryosong tumingin sa akin.

"Hindi na pero after next week my gig kami sa ibang lugar."

Saan naman kaya? Ibig sabihin ilang araw ko na naman siya hindi makikita. Hindi na ako kuntento sa txt at tawag lang. I think it's about time to give him a hint that I really love him. It's time to reciprocate his feelings.

"Shall we go on a date this Sunday?" Wika ko .

Pinigilan ko ang matawa muntik na kasi siyang mabulunan.

"Am I not mistaken? date... Sunday?"

Halata sa mukha niya ang sobrang excitement.

I gave him a sweetest smile that I can offer and gosh! He's blushing!