Chereads / Must hate that gentleman / Chapter 10 - TRYING HARD

Chapter 10 - TRYING HARD

Artemis' POV

Kahit na pormal ko na siyang pinakilala sa parents ko hindi pa rin nabago ang tono ng pananalita ko. Nabawasan lang ng kunting harsh, minsan sinusubukan ko maging sweet pero sa huli nauuwi sa pagsusungit kapag kaharap ko na siya.

Ewan ko ba hindi coordinated ang utak at katawan ko. Naiintindihan naman niya na hindi ako showy kapag maraming tao lalo na sa harap nila Arlene at ate Hera.

"Hindi muna ako makakabisita, overload ang gig namin but I'll make it sure na tatawag ako."

Parang may parte ng puso ko na nalungkot ng malamang hindi ko siya makakasama. "Kahit 'wag ka na tumawag sayang lang sa load." Heto na naman ang bunganga ko walang preno nang pakiramdam ko baka na offend ko siya agad akong umisip ng sasabihin.

"I mean ipunin mo na lang 'yan para may panggastos tayo." I didn't actually said that I want another date pero kung iintindihin ang sinabi ko parang nagpaparamdam ako sa kanya na gusto ko ng quality time with him, nasa pagkakaintindi niya na iyon.

"Thanks for being considerate." Nakakatatlong hakbang pa lang siya mula sa kintatayuan ko bigla siyang bumalik at muling humarap sa akin.

Noong una inisip ko na baka gusto niya ng goodluck kiss pero hindi ko pa naman siya sinasagot. Saka na lang yung mga ganung bagay kapag official na kami plano ko pa kasing patagalin pa ang panliligaw niya sa akin. Pinaghintay niya ako ng dalawang taon kaya naman playing hard muna ako sa ngayon.

"I just want you to know that I will miss you even if I had gone for probably just days," aniya.

I turned my back on him, I'm afraid that he might see me blushing. He was about to leave, then I just remembered something in my drawer.

"Jun,wait!" He stood up for a while, staring at me with a gentle face.

"Here take this, don't over do your voice." I handed him the pack of ginger tea. It helps me every time I feel exhausted.

He put it inside his bag. "I'll take note of that so that I will always sound good whenever I'm talking to you."

Hindi na ako nag react pa sa halip ay pinanood ko na lang siya lumakad palayo sa akin...palabas ng shop.

Ang boring pala kapag wala siya sa paligid parang nawalan ng buhay yung shop. Nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng shop maya't maya ko ring chinecheck ang phone ko. Inaamin ko nagbabakasakali ako na tumawag siya. Kahit sinabi ko na huwag na siyang mag-aksaya ng load.

Nadismaya ako dahil maghapon ni wala man lang akong natanggap na text at tawag. Pauwi na ako at kasalukuyang nakasakay ng tricycle ng magvibrate ang phone ko. Laking tuwa ko nang makita kung sino ang tumatawag. Tumikhim muna ako bago sagutin ang tawag sinigurado ko na hindi magmumukhang excited ang tono ko.

"Good evening naistorbo ba kita?" Pambungad niya.

"Hindi naman bakit ka nga pala tumawag?"

Obvious naman namiss niya ako nakakaflutter naman kahit na busy siya sinisingit niya pa rin ang pagtawag sa akin.

Does it mean nasa priority list niya ako?

"Nothing I just miss you...pakiramdam ko hindi buo ang araw ko." Halata sa boses niya ang pagod pero hindi iyon ang nagpatahimik sa akin kundi ang salita niya.

"Hello." Rinig kong tawag niya sa kabilang linya.

"Hello," ganting sagot ko nang makabawi ako sa pagkalunod sa salita niya.

"I just notice na natahimik ka, let me know kung may nasabi akong hindi mo nagustuhan."

Ikaw naman kasi lagi ka kasing namamato ng mga linyang nagpapakilig sa akin kunti na lang mabubukulan na ako.

"Kumusta gig niyo?" Pagiiba ko ng usapan.

"Nakakapagod but thanks to that ginger tea, I feel better." I heard him giggle.

I blushed, mabuti na lang sa phone lang kami naguusap. Kundi baka di ko mapigilang kurutin ang pisngi niya kung sakaling makita ko ng personal ang mukha niya while giggling.

"Wait lang ah magbabayad muna ako kay manong." Nasa labas na ako ng bahay. Habang binubuksan ko ang gate ay nakadikit sa kabilang tainga ko ang phone at patuloy na nakikipagusap kay Jun.

"I see, nakauwi ka ba ng safe? Just call me if you need me. I'll be there." Napangiti na lang ako halata kasi sa boses niya ang pag-aalala.

"Relax actually kakauwi ko lang."

I heard him sigh.

"Have you eaten dinner?"

"Not yet, ngayon pa lang." Sagot ko dumiritso ako ng mesa. May naiwan pang adobo sa mesa malamang tapos na siguro sila kumain.

"Should I end this call? Para naman makakain ka nang maayos. Make sure to chew your food and prepare water with you." Talagang si Jun parang tatay lang mag payo.

"Para naman akong batang pinapaalalahanan ng tatay." Sagot ko habang nagsasandok ng kanin. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bigla namang may boses na pumaimbabaw sa kabilang linya.

"Mukhang tawag ka na."

"Tawag na lang ulit ako iyon ay kung okay lang sa'yo."

Syempre naman hinihintay ko nga ang tawag mo, "Kung maabutan mo pa ako na gising."

"Take care of yourself and goodnight na rin baka kasi hindi kita maabutang gising. Medyo late na kasi matatapos itong last gig namin."

"Bye." Hindi ko na hinintay ibaba niya ang phone dahil kung hindi ko ginawa iyon hindi niya agad ibaba ang phone.

After kong kumain at linisin ang mga ginamit ko ay pumanhik na ako pero hindi ako humilata agad. Medyo naparami kasi ang kain ko kaya naisipan ko na lang na maglinis ng kwarto. Inalis ko ang mga kalat at abubot sa kwarto.

Napangiti ako nang makita ang payong na kulay asul. Naalala ko yung panahon na naiwan ko sa locker yung akin at minalas na bumuhos ang ulan. Nakatayo ako noon sa exit ng school gate nang biglang may nag payong sa akin. Kinailangan ko pang itaas ang tingin ko dahil higit ang taas niya sa akin.

Ang arte ko ng time na 'yun, nagawa ko pang lumabas sa payong pero inabot niya ito sa akin. Tumingin muna ako sa kanya nang matagal bago hawakan ang payong na iniaabot niya. Nang ibabalik ko na sana bigla naman siyang yumuko sabay takbo.

Nang maramdaman ko na natunawan na ako ay pumangko ako sa edge ng kama. "Do you want to see your owner?" Alam ko mukha na akong tanga dahil kinakausap ko ang teddy bear habang tinitingnan ko ito naalala ko ang isa pang pagkakataong ang arte-arte ko.

Valentines noon nang ibigay niya ito sa akin ng personal. Hindi ko tinanggap sa halip itinapon ko ito sa tabi. Gumuhit sa mata niya ang lungkot pinanood ko lang siyang lumakad palayo. Nang maramdamang kung lilingon siya sa diriksyon ko ay lumakad ako palayo.

Hindi ko na inisip pa ang teddy bear pero iba ang tugon ng paa ko. Out of nowhere lumakad ako pabalik sa kung saan ko itinapon ang teddy bear na may nakaburda pa na pangalan ko sa tyan nito na hugis puso.

Nanlaki ang mata ko nang makitang hawak na ito ng isang babaeng student. Tumakbo ako palapit sa may hawak ng teddy bear. Mabuti na lang at mabait ang babae ibinigay nito agad nang sabihin kong naiwala ko lang ito.

Napapailing ako sa mga naalala ko. Hindi ko maimagine na minsan akong umarte na parang bata. Natigil ako sa paggunita ng biglang magvibrate ang phone ko. Naexcite ako ng makitang nagtxt pala si Jun. Napawi rin agad ang excitement ko ng malamang hindi pala siya makakatawag pero atleast nag-effort siyang ipaalam. Iyon naman ang gusto nating mga babae ang mageffort ang mga boys.

Kinabukasan ng umaga ginising ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto ko.

"hmm..." pambugad ko sa pinto nahihiya akong ibuka ang bunganga ko di pa ako nag-mouthwash eh.

"Bigay ni Jun."

JUN?! teka hindi pa ako nakakapagsuklay!

"Nasaan siya, ma?" Panay ang likot ng mata ko.

"Wala na dumaan lang siya para iabot ito."

"Mama naman bakit di mo ako ginising agad?" Sana naharapan ko man lang 'yung tao.

"Huwag ka na raw gisingin baka maistorbo ka raw," wika ni mama na sinabayan ng makahulugang ngiti.

"Para saan daw po ito?" Tanong ko kay mama habang nakatingin sa envelope na kulay pula.

"Eh kung basahin mo kaya nang 'di ka tanong nang tanong. Bumaba ka na at magaalmusal na."

Lagot gigil ko si mama, kasi naman hawak ko ang envelope hindi ko pa basahin. Ano nga namang alam ni mama sa laman eh naka seal pa nga. First time ko makatanggap ng invitation ng batch reunion. Hindi naman kasi ako malapit sa mga kabatch ko malamang ni wala man lang ata nakakaalala sa akin. Habang binabasa ko ang detalye ay bigla namang nagring ang phone ko.

"Hello."

"Good morning, naistorbo ba kita?"

"Nope. Bakit ka pala tumawag?"

"Natanggap mo ba yung invitation?"

"Yep. Actually binabasa ko siya ngayon."

"I got it from my Rodny. He used to be my classmate in entrep3. Are you coming with me?"

Mukhang nag-isip pa ang loko kung dapat ba niyang itanong kung sasama ako. Iniisip niya siguro na ayaw kong makita kami ng mga kabatch niya na magkasama. Since tinago ko ang panliligaw niya sa akin noon narealize ko tuloy na parang siya itong laging nag-aadjust para lang hindi ako maoffend.

Nadala siguro dahil inii-snob ko siya dati pero dapat panatag na siya kasi pinakilala ko na nga siya sa parents ko. Meaning to say, I acknowledge him.

"Ofcourse. Iyon ay kung kasama ka, it's not like gusto ko lagi kang kasama. Alam mo naman na mapapanis lang ang laway ko sa ganyang gatherings," mahabang litanya ko.

"I want to have a longer conversation with you. I feel so energized upon hearing your voice. I want to see you right now but I can't. I still have to work."

Nakain na naman nito umagang-umaga pinagaalmusal ako ng sweets baka naman magkadiabetes ako nito.

"I need to end this call. Don't forget to eat breakfast before you leave."

Buset papatayin lang pala ang tawag dami pang sinasabi.

"Baba ko na ah. I have to prepare." Pinatay ko na ang tawag. Ipinasok ko sa drawer ng side table ang envelope at naligo na rin ako.

Pagkatapos ko mag-ayos ay tumungo na ako sa dining area. Naupo ako katapat ni ate, katabi ang tapat at mapagmahal na driver nito, walang iba kundi si kuya Taehyung na walang mintis. Hanep ang gaga hatid-sundo minsan abusada na itong ate ko eh. Siya na nga itong nakakaabala sa tao madalas pa niyang pinaggalitan at pinaghihintay ng matagal si kuya.

"Bilisan mo nga riyan late na tayo!" Pagmamadali ni ate ang kawawang bestfriend niya ayun halos mabulunan kakamadali.

"Ano ba naman kasi 'yan parang mauubusan ng pagkain eh." Sabay natatarantang sinalinan ni ate ng tubig at maingat itong iniabot sa bestfriend niya. Dahan-dahan namang tinapik ni ate ang likod ni kuya.

"Pambihira ka naman minamadali mo kasi ako eh," reklamo ni kuya kay ate, natapos na silang kumain. Since bawal sa amin ang humalik kapag kumakain ay nagpaaalam na lang sila.

"Ang kulit talaga ng dalawang iyon," wika ni mama na sinang-ayunan rin namin ni papa.

Napansin ko nga na hindi man ipahalata ni papa pero feel ko rin boto talaga siya kay kuya para kay ate Hera. Kunsabagay kahit naman kami ni mama halos ipagtirik namin ng kandila ang dalawang iyan para lang magkatuluyan.