Jun's POV
Hindi ko maipaliwanag ang saya ko pakiramdam ko nag-advance ang level ng closeness namin. May bonus stage pa sobrang fulfilling talaga ng ipakilala niya ako.
Nababakla ako sa sobrang kilig.
"Good evening sir mukhang lumevel ang mood natin ah, lalo po ata kayong naging energetic."
"Masaya lang ako finally I can sense a bright future." Nakangiti kong sagot habang iniisip ko ang mukha ni Artemis.
"Hulaan ko finally may girlfriend ka na sir."
"Malapit na, sana nga magdilang anghel ka."
"Oh siya sige na sir magandang gabi uli."
Sumaludo ako sa mabait na staff ng condo bago tuluyang lumabas ng elevator.
Pagkapasok ko sa aking pad ay dumiritso na ako sa bedroom.
Naligo ako kahit gabi para maalis ang alikabok at pawis dahil buong araw akong nasa labas. Napatingin ako sa aking kamay. Naalala ko ang pag alalay ko kay Art para lang makababa siya mula sa bubong ng kotse. Kusa akong napangiti matagal ko nang pinangarap na mahawakan man lang ang kamay niya.
Kasalukuyan akong nagsha-shampoo nang biglang bumalik ang eksena kung saan sinabi niya na first date namin iyon. Kinikilig talaga ako halos hindi na magkawayaw ang puso ko grabe ang saya ko ngayon.
"Ouch!" Ang hapdi ng mata ko nalagyan ng shampoo. Bulag na ba ako? Huwag naman paano ko na makikita si Art. Kaagad akong nagbanlaw ng buhok at hinalamusan ang aking mukha. Kumurap-kurap ako, ang hapdi pa rin ng mata ko.
lesson learned: Bawal kiligin kapag naliligo!
Nagbihis na ako sa kwarto. Simpleng pajama lang na gawa sa polyster cotton ang suot ko. Humilata na ako sa kama at pinagpatuloy ang pagbabalik tanaw sa nangyari ngayong araw. Matagal ko ring tinitigan ang picture namin ni Artemis kanina, this time hindi na siya stolen. Matiyaga akong maghihintay kahit umabot pa ng ilang taon bago niya ako sagutin. Dahil ang totoong nagmamahal ay marunong maghintay . Kung mahal mo talaga hindi na mahalaga ang tagal, ang mahalaga hindi mo siya minamadali.
Waiting for her is the manliest thing to
do. Shower her all the love, eventually the most awaited day will come.
Isinubsob ko ang aking mukha sa unan. Naalala ko na naman na pormal na niya akong pinakilala.
Hinalikan ko ang screen ng aking cellphone atsaka marahang pumikit....may ngiti sa aking labi habang nakapatong sa aking kaliwang dibdib ang larawan ni Artemis. Nakuha ko ito noong unang araw natutong muling tumibok ang puso kong minsan ng nasugatan.
"Goodnight, Aertemis."