Artemis' POV
"Good morning!" Pambungad ni Jun.
May kasunod na bouquet ng bulaklak. Parang gusto ko na tuloy magtayo ng flower shop kaunti na lang mapupuno na ako ng bulaklak sa araw-araw na punta niya eh laging may bulaklak.
"Sinasabi ko sa'yo wala akong pasahod sa iyo." Inirapan ko siya ngiti naman ang ginanti niya.
"Seeing you every day is more than enough."
Pambihira itong lalaking ito walang preno ang bunganga.
"Ewan ko sa'yo," saad ko sabay talikod. Napansin ko na lang na nakangiti na pala ako.
Gezz! What are you smiling for?! Artemis, get a grip of yourself!
Ano ba namang itong si Jun gusto na yata palitan si Arlene. Kasalukuyang naka-leave ang assistant ko ng dalawang linggo dahil manganganak na ang ate nito. Kaya naman ang unggoy naging tambayan niya na ang tidahan ko.
Mabuti na lang at hindi sila nagpapang-abot ni ate. Noong una siyang makita nito tatlong araw bago ang mismong birthday ko ay talaga namang walang habas na tukso ang inabot ko kay ate.
Hayyssst naalala ko na naman tuloy...
Nagpaalam ako na bantayan muna niya ang shop dahil tinatawag ako ng kalikasan. Pagbalik ko naabutan ko ang ngisi ni ate, kasabay nang pagsasayaw ng kilay nito. Napahawak ako sa aking noo, gaano na ba ako katagal na nawala?
Baka kung ano-ano ang sinasabi nitong si ate kay Jun. Baka naman nabisto niya na nanliligaw sa akin si Jun. Tinitigan ko nang masama si Jun, tipo bang tingin na kapag may sinabi siya kay ate ay katapusan na niya.
He'll be a dead meat!
"I didn't know na ganto pala ka-sweet ang mga customer mo may pa-flower pa," nanunudyong wika ni ate.
"Nakalimutan kong magpakilala sa iyo kanina, my name is Hera. You are Jun, right?"
Kinakabahan ako sa tinginan at nginitian ni ate para bang marami siyang nalaman na hindi ko alam. Bigla namang nagring ang cellphone niya kaya napilitan siyang lumabas saglit at iyon na nga ang chance ko. Mas lalo ko pang tinalasan ang tingin ko tipo bang ako ang pulis at si Jun ang suspek na kailangangang paaminin.
"You! What did you two talked about?" Magulat siya sa pagtaas ng boses ko.
"Nothing...I swear at first she thought that I'm one of your customers but then nagpapakilala ako na I'm just your friend."
"Bakit mo sinabing friend kita?" Alam naman ni ate na wala akong kaibigan sa buong buhay ko. Ang tanging kasama ko lang ay libro at cellphone.
"Then dapat ba sinabi ko na manliligaw mo ako?"
Napahampas ako sa table sabay parang dragon na umuusok ang ilong ko.
"Uhm...can I use your restroom for a while?" Biglang paalam ni Jun.
"Tss" Sabay roll eyes.
"Hi! sistah! Umalis na?" bumalik pa talaga ang gaga.
"Sabi mo saglit ka lang." Good thing dumating si kuya Taehyung panigurado may lakad na naman itong dalawa. Feeling ko nga nagdadate na sila ayaw lang umamin.
"Wait nga...nagpapaalam pa nga eh. Pektusan kita riyan eh," sabay irap.
"Una na kami Timi, hiramin ko muna itong ate mong krung-krung," pagpapalam ni kuya.
"She's all yours sa susunod wala nang saulian 'yan."
Mabuti naman matatahimik ako kahit papaano.
… Akala ko lang pala na matatahimik ako, iyon pala umpisa lang iyon. Nawala nga si ate pumalit naman ang makulit na kakambal ni Jun. Napapakamot ulo na lang ako. Half day lang ako dahil may usapan kami ni Jane. Hiniling niya na magkita kami bago man lang siya tumulak pabalik sa Amerika.
"Hindi na ako magtatagal may importante lang akong aasikasuhin pero babalik din ako before evening."
Stupid hindi mo naman kailangang magpaalam hindi ko naman hawak ang oras mo.
"Kahit 'wag na total half day lang ako today," reply ko.
Ganoon pa rin ang laki ng tindahan pero pakiramdam ko mas lumawak yata ang space. Ang dating katahimikan ay tila nakakabingi na sa ngayon?
Sa maikling panahon pa lang ay nasanay na naman ako sa presensya niya. Kumbaga isa siyang bisyo na matagal ko na itinigil at nang minsan kung subukin ay hindi ko napigilang maadik ulit.
Hinihintay ko ang oras at ang signal ni Jane.
"Let's go," aya ni Jane.
Sayang ang benta ko sa natitira pang oras pero ayos lang mapagbigyan ko lang itong kambal niya.
"Bakit dito?" Hindi man lang nagsabi itong si Jane na dadalhin niya ako sa bar. Hindi pa man din ako mahilig sa gimik sa inom at sa mga gig.
"I told you that I'll bring you to his working place."
Napakunot noo ako don't tell me...
"This is where he's working." Lumikot ang mata ko para hanapin siya. Hindi ko maimagine na nakasuot siya ng uniporme ng waiter, he's too handsome for this place!
"Relax he'll be there just wait."
May pinakilalang banda sa harap. Laking gulat ko ng mapag-sino ang isa sa pinagtitilian ng mga kababaihan. Literal na napanganga ako nang makita siya. Grabe ibang-iba ang dating niya habang hawak ang gitara. Ang gwapo niya habang nakatayo sa stage. Lalo pang umingay ang bar nang magsimula na siyang umawit. Ang ganda pala ng boses niya ngayon ko lang siyang narinig na umawit.
"If you want him don't be afraid to show it. He's really in love with you." Inagaw ng mga kataga ni Jane ang atensyon ko.
Maybe she's right I like him but I'm doing the opposite. Imbes na ipakita ko na gusto ko siya ay itinataboy ko siya. Lagi akong nagsusungit, laging parang iritado. Kung tutuusin wala pang oras na nagpakita o nagsabi ako ng magandang bagay sa kanya, pero nagtitiyaga pa rin siya sa ugali ko.
"I'm sorry... I'm the reason why he had to leave you. He spent his two years in America to build up our business. When my groom-to-be ran away on my wedding day I was really in a suicidal state. He was there to help me recover."
I saw how hurt she is, it must've been the hardest part of her life.
"My parents were furious until now because they wanted Jun to take over the company. They were afraid that I might ruin it again but he refused to do so. He doesn't have anything, his cards and other accounts were forcibly frozen."
Ayoko mag assume pero possible kayang isa ako sa dahilan kung bakit ayaw niyang bumalik ng America.
"Hey are you still with me?" Hindi ko na namalayan na lumipad na pala sa malayo ang isip ko.
"Huh?" wala sa sarili kong naisagot.
"I said let's find him." Napatingin ako sa stage wala na nga doon ang banda. Tahimik lang akong nakasunod kay Jane. Busy ito sa pagh ahanap sa kakambal samantalang hindi ko inaasahang mahahagip ko ng tingin ang isang babaeng nagpapapicture kay Jun.
Sobrang lapit ng mukha nila habang parehong nakatingin sa front camera ng cellphone. Bago tuluyang umalis ang babae ay nagawa pa talaga nitong humalik sa pisngi niya.
"Jun!" sigaw ni Jane, nang sa wakas ay nakita na niya ito. Nagtago ako sa likod ni Jane dahil ayon sa babae dapat daw gulatin namin si Jun.
"Jane?"
Rinig ko na ang boses niya ibig sabihin ay lumakad ito palapit sa kinaroroonan ng kakambal.
"Guess what, I brought someone with me." Excited na pahayag ni Jane.
"Your date?" Tumabi ng bahagya si Jane, kitang- kita ang gulat sa mukha niya nang makita ako.
"No. I'm with your date. Have a good time. Bye!" Kumindat muna si Jane bago ito nakipagsiksikan sa kumpol ng mga tao. Sinubukan pa namin siyang hanapin pero nawala siyang parang bula.
Heto nga naiwan kaming dalawa. Biglang dumating ang mga kasama niya kanina sa stage. Napaurong ako nang tingnan ako ng isa sa mga lalaki. Marahan akong hinila ni Jun palapit sa kanya. Naramdaman niya sigurong hindi ako komportable.
"Sige tol una na kami," wika niya.
Lumakad kami palabas ng bar. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Pagkatapos ay umikot siya at bago niya inistart ang engine ng sasakyan ay tumikhim muna ako. Malamang na ihatid na agad ako nito sa'min pero mas gusto ko makasama pa siya nang matagal.
"Pasensya ka na kay Jane naistorbo ka pa niya."
Napasimangot ako hindi naman iyan ang gusto ko marinig eh.
Is he not going to ask me if I want to go somewhere? Like dinner?
"Kung okay lang sa iyo gusto ko sana dalhin ka sa..."
"Sure! Basta hindi sa motel." Hala ka ano ba 'yun saan nanggaling 'yun nakakahiya!
Tahimik lang kami buong byahe. Hindi ko nga namalayan na malayo na pala kami narinig ko na lang na pinatay na pala niya ang engine ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto lumingon ako sa paligid nasaan na ba kami? Kitang-kita ang city lights, mukhang nasa mataas kaming lugar at malamig rin ang ihip ng hangin. Paglingon ko sa likod wala na si Jun, bigla akong kinabahan. Mamaya pa ay nakarinig ako ng gitarang inilalagay sa tono.
"Pwede bang pakihawak muna kung okay lang naman."
Maingat kong binuhat ang gitara niya habang maingat rin niyang ipanatong sa akin ang kanyang jacket. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bubong ng sasakyan niya habang nakatitig sa makikinang na alagad sa kalangitan.
May isang makinang na bagay ang biglang lumitaw.
"Shooting star!" Manghang wika ni Jun.
"Magwish tayo," seryosong wika niya.
Hindi ko alam kong tama bang tawanan ko siya. Kalalaking tao nagpapaniwala sa mga kalokohang shooting star. Napansin ko na pumikit siya kaya naman pumikit na rin ako at humiling na sana...
"Anong wish mo?" Biglang tanong niya sa akin.
"Wish nga eh bakit ko naman sasabihin sa iyo."
Simple lang naman ang hiling ko na sana dalhin ako ng diyos sa tamang pag-ibig, sa tamang panahon at higit sa lahat sana sa tamang tao.
"Oo nga noh." Napakamot siya sa ulo niya, ang cute niya lang parang bata.
He started strumming guitar. I will never get tired of watching him. A moment like this will be forever remain in my heart. I'm glad he came back dahil kung hindi wala itong ganitong senaryo; wala itong tuwa sa puso ko.
"I wanna' grow old with you."
Napangiti ako sa kanta niya. Sana lang dumating kami sa puntong magkasama kaming magkaroon ng puting buhok.
Kapwa kami napangiti ng magtama ang aming mga mata at kapwa rin kaming nataranta ng magring ang cellphone ko sa aking bulsa, Si papa!
"Nasaan ka pumunta ako sa shop mo wala ka roon. Gabi na wala ka pa, hindi ka pa rin umuuwi?"
Hindi nga pala ako nagpaalam. Hindi ko naman kasi akalain na gagabihin ako. "Pauwi na rin po ako ihahatid po ako ni Jun," kinakabahan kong sagot.
"Sinong Jun?!" Lagot! Galit ata si papa.
"Schoolmate ko po dati."
"Bilisan mo umuwi ka na!"
"Opo, papa pauwi na." Binabaan ako agad malamang galit 'yun.
Tumalon siya pababa ng sasakyan. Inilahad niya ang kanyang kamay at malugod ko naman iyong hinawakan. Ang lambot pala at ang sarap hawakan ng kamay niya. Ito ang unang pagkakataon na mahawakan ko ang kanyang kamay. Kakaiba ang init na hindi nakakapaso ngunit kayang tumunaw ng yelo. Nanghinayang ako ng bitawan niya ito upang pagbuksan ako ng pinto.
"Bago mo buhayin ang makina makinig ka dahil isang beses ko lang ito sasabihin wala nang ulitan." Lumunok muna ako ng laway.
"O-okay," wika niya na hindi na naituloy ipasok ang susi sa susian.
Kinakabahan ako pero kaya ko ito, it's now or never! Aja! "This is our first date but it doesn't mean na sinasagot na kita. Let's say na I'm considering you as my suitor." Iyon na eh bakit may pag U-turn? Bahala na nga atleast binigyan ko na siya ng hint na sasagutin ko rin siya, hindi nga lang ngayon.
"Thank you!" Halos mapunit ang labi niya sa sobrang tuwa. Pag ganyang nakangiti siya mas lalo siyang nagiging magandang lalaki sa paningin ko.
Kaya naman para makaiwas ay ibinaling ko na lang ang tingin sa labas ng sasakyan. Nang makita ko na parang pamilyar ang lugar bigla ko naalalang sabihin sa kanya ang address namin. Nagulat ako ng makitang nasa tapat na kami ng gate ng bahay.
Naisip ko na stalker ko itong si Jun, paano niya nalaman ang bahay ko ni hindi ko nga nababanggit sa kanya. Pinagbuksan kami ng pinto ni mama matapos niyang i-garahe ang kotse ay tahimik lang siya habang nakasunod sa akin.
Sa sala naabutan ko na nakatayo si papa naka-ikes ang dalawang braso nito.
Ako lang ba talaga? O sadyang nakita kong nanlaki ang mata ni papa ng mapag-sino ang kasama ko?
"Papa, si Jun nga pala... schoolmate ko po dati."
Pagpapakilala ko kay Jun, mamaya ko na lang siya ipapakilala nang maayos kay papa unti-unti muna kailangan kong bumuwelo.
"Magandang gabi po, pasensya na po dahil gabi ko na po naihatid si Artemis." Nagmano si Jun kay papa. Nanatiling tahimik si papa, kinakabahan ako pag ganitong tahimik si papa.
"Ito nga pala jacket mo salamat." Sabay hinubad ko ang jacket upang ibalik sa kanya
"Uhm siya nga pala si Jun..." Teka paano ko ba sisimulan?
"Kakasabi mo lang na siya si Jun."
'Pilosopo naman nito ni papa'
"Si Jun nanliligaw siya sa akin payag ka po ba?" Kinakabahan ako, wala pa rin kasing pagbabago sa reaksyon ni papa ni hindi man gumalaw ang labi niya. Inangat niya ang kamay niya napapikit ang isa kong mata. Akala ko kung ano na iyon pala tatapikin lang pala niya si Jun sa balikat.
"Sa susunod ayaw ko na umuuwi siya na lampas sa alas otso nagkakaintindihan ba tayo?" Strikto at mautoridad na tanong ni papa.
"Sumunod ka sa akin." Utos ni papa na agad namang tinalima ni Jun. Samantalang ako ay pasimple ring sumusunod ngunit napansin ito ni papa.
"At ikaw Timi maiwan ka, usapang lalaki ito." warning ni papa sa akin, napasimangot ako.
Mahigit kalahating oras din akong naghintay sa sofa. Inisip kong mabuti ano na kayang nangyari sa kanila. Napatayo ako agad nang marinig ko na yapak nila.
"Sige na anak pagbuksan mo nang tarangkahan si Jun uuwi na raw siya."
Sinunod ko na lamang ang utos ni papa.
"Pwede ba tayong mag-picture?" napakunoot noo ako ang weird naman ng request niya.
"Huh?" Wala sa loob na reaksyon ko.
"Remembrance lang ng araw na pinakilala mo ako sa parents mo."
Nag-init ang pisngi ko ano ba naman itong si Jun.
"Fine, isa lang ah." Pareho kaming nakapose ng peace sign.
"Wait send mo rin sa'kin iyan it's not like gusto ko rin ng remembrance. Ang ganda ko lang diyan, bilis send mo na!" Nagmamadali kong utos sa kanya.
Ang totoo niyan iniipon ko kasi lahat ng binibigay niya. Ewan ko ba andami ng box sa kwarto, lahat kasi ng bigay niya simula pa noong college ay tinatapon ko pero kapag wala siya ay binabalikan ko rin. Maswerte lang na nakukuha ko ang mga iyon sa kung saan ko tinapon.