ARTEMIS' POV
Napansin ko na may kulay itim na mercedez nakapark sa tapat ng tindahan. Hindi ko ito pinansin pero nagulat ako nang lingunin ko ito ulit nakatayo na ang may-ari, nakapasok ang magkabilang kamay nito sa bulsa ng suot na khaki pants. Umarte ako na parang hindi ko siya nakita tuloy-tuloy ako sa loob ng shop.
"Hi! Good morning!"
"Anong ginagawa mo rito?" Mataray ko na tanong sa kanya.
Napalunok ako ng laway.
Potek na lalaki ito!
"Nakita mo na ako pwede ka nang bumalik sa planeta mo," walang emosyon kong wika.
Ewan ko ba may galit pa rin ako sa lalaking ito masyado kasing paasa. Niligawan ako noon tapos biglang nawala tapos bumalik para ligawan ulit ako tapos ano aalis na naman siya.
"Pwede ba kung wala kang magawa huwag ako dahil wala akong katulong ngayon busy ako, gets mo?"
"Then I'll be your assistant, just tell me what to do." Nakangiti ito nang maaliwalas.
Huwag kang ngumiti naiinis ako sa iyo.
Inirapan ko lang siya answerte nga naman ng mokong mukhang kampi sa kanya ang tadhana. Biruin mo nagsidatingan bigla ang sandamukal na customer kaya naman hindi ko na siya napilit na umalis.
Pareho kaming busy sa pag-eentertain ng customer. Nauna akong matapos samantalang siya ay may isa pang inaasikasong isang dalaga na kasalukyang nakaupo sa bench. Nakatitig ito kay Jun, particular sa mukha nito habang inaayos ni Jun ang sapatos sa paa ni empakta. Pinanood ko siya habang seryoso niyang inaasikaso ang customer.
"Ang gwapo mo naman para maging worker lang dito. Siguro asawa mo 'yung babae kanina dito, iyong maganda."
Luh Issue! Grabe Marites umabot pakikichismis dito ah.
Muntik ko nang matulak ang stall na sinasandalan ko. Kaya naman sabay sila napalingon sa akin, napatalikod na lang ako sa sobrang kahihiyan. Bago ako makalayo narinig ko pa ang tugon ni Jun na siyang ikinainit ng pisngi ko.
"Siya nga ang may-ari nito, pero hindi ko pa siya asawa. I'm still courting her."
Nakangiti akong bumalik sa table ko. Mamaya pa ay kasunod ko na pala si girl at nakangiti niyang inabot sa akin ang bayad niya.
"Answerte mo sa kanya bakit hindi mo pa siya sagutin? Kung ayaw mo sa kanya ipasa mo na lang siya sa akin. Just kidding."
Luh close ba tayo?
Just kidding? Mukha bang magandang biro 'yun? Anong akala niya sa tao laruan na pwede ipamigay sa iba o di kaya tuta na ipinapamigay sa kapit-bahay?
Don't get me wrong hindi ako galit at mas lalong hindi ako concern. I'm just...never mind!
Lumapit ako sa kay Jun upang magpasalamat. "Thank you." Sincere ako this time, I'm really grateful towards him for giving me a hand. "You may leave my store," dagdag ko.
Napasimangot siya bigla. I think I hurt his feelings.
"Do you really not want to see me that bad?" Nakayuko niyang wika.
"I didn't mean it that way," depensa ko naman.
"Really?" Nakangiti na ulit siya.
Napaayos ako ng tayo, "I mean wala ka bang pinagkakaabalahan? Like work?" Pambawi baka isipin niya gusto ko siyang makasama.
"Ano bang trabaho mo?" Biglang nacurious ako sa kung anong trabaho ni Jun. Bigla namang may dumating na customer kaya imbes na sagutin niya ang tanong ko ay naglakad siya palapit sa babaeng kung makasuot ay parang kinapos ng tela.
'Di ko na matukoy kung short ba o panty lang suot niya tapos yung top niya crop top na butas-butas sa likod. Hanep sa design! Sobrang unique!
Naghihikahos lang? sana naghubad ka na lang teh!
Obvious naman tong babaeng ito natulala pa talaga sa mukha ni Jun. Bakit ngayon lang ba siya nakakita ng gwapo?
Sorry siya sakin na yan...What the?! Did I say akin na siya.
Naman ano ba tong tumatakbo sa isip ko?
Naiirita ako habang pinapanood ang ginagawa ni ate gurl. Panay ang sukat ng sapatos tapos may pagdikit pa kay Jun, tapos itong lalaking ito nakukuha pang ngumiti. Hindi man lang ba siya nakakaramadam na may lahing linta itong si ate gurl.
Hindi ako nagseselos ...ano lang...naiirita ako... naiirita lang talaga! Paano ba naman hindi pa nakuntento talagang nagrequest pang ihatid siya ni Jun sa sakayan ng taxi. Sino ba kasing tatanga-tangang nagshoshopping wala man lang sinamang taga-buhat.
"Uhm pwede bang ihatid mo ako kahit sa sakayan lang... kung okay lang naman?"
Pacute ka pa kurutin kita riyan eh, syempre sa isip ko kang iyon.
Nakatingin sa akin si Jun na para bang nagpapaalam.
"Ihatid mo raw," walang emosyon kong wika.
"Akin na po ang iba niyong bitbit." Pagpepresenta ni Jun, kinikilig na inabot ni ategurl ang ilang bitbit nitong paperbags.
"Ang gwapo mo at napakagentleman pa!" wika ni ategurl.
Aalis kayo o sisipain ko kayo palabas?! Gigil niyo ako!
Pagkaalis nila ay naupo ako sa upuan ko panandalian kong nilaro ang swivel chair hanggang sa parang hinehele ako ng hangin at tuluyan na nga akong nahulog sa antok. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising na lang ako sa mabangong amoy ng chicken joy at spaghetti na talaga namang nanoot sa aking ilong.
"Gising ka na pala."
Napatayo ako ng mabungaran ko si Jun. Agad kong tinakpan ang aking mukha napatakbo ako ng restroom, naghilamos ako at nagmouth wash muna bago bumalik sa table ko.
"Bakit nandito ka pa?" Akala ko sumama na 'tong unggoy na ito sa babaeng naghihikahos sa tela.
"I brought you something don't worry aalis na ako." Biglang kinalabit ako ng konsensya ko, naalarma ako ng tumalikod na siya.
"Wait...if hindi ka busy pwede ka namang bumisita." Gulp! Wala na nasabi ko na teka paano ba ito? Sa pagharap niyang muli may kalakip nang ngiti biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
Inilipat ko ang tingin ko sa pagkaing nasa table ko. Biglang kumalimbang ang bell sa pinto at malayo pa lang rinig ko na agad ang boses ng maingay na si ate Hera. Nataranta ako, hinila ko agad si Jun papunta sa stock room bago pa siya makita ni ate.
"I'll be back huwag na huwag kang lalabas okay?" Bakas sa mukha niya na hindi niya naiintindihan ang kaganapan.
"Yow sistah!" Pambungad sa akin ni ate.
Kinakabahan ako baka kasi biglang lumabas si Jun. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa dumating si ate.
"Wow! daming food penge." Kukuha pa lang sana si ate ng balat ng chicken nang biglang dumating si kuya Taehyung.
"Hatid ba kita sa inyo? May dadaanan pa kasi ako eh."
"Sige na gora ka na, sasamahan ko si Timi."
Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni ate. No! Hindi pwede. Paano ko palalabasin si Jun?
"Sige na ate sumabay ka na kay kuya total halos buong araw na kayong magkasama sulitin niyo na 'diba?" Dinadaan ko lang sa biro pero deep inside kinakabahan ako at hinihiling ko na sana umalis na sila.
"Sure ka? Una na ako sa bahay?" Tanong ni ate.
Pinagtulakan ko silang dalawa palabas ng tindahan. Nang masigurado ko na wala na sila binalikan ko si Jun, nakaupo lang siya sa sahig.
"Okay na sige na magsasara na ako ng tindahan."
"Ihatid na kita sa inyo." Pagpepresenta niya agad naman akong umiling.
"Hindi pwede!" Eksaherada kong sagot.
"I mean baka maligaw ka pauwi." Ang totoo niyan natatakot ako na kapag nalaman niya ang address ng bahay namin ay bumisita siya ng hindi ko nalalaman at mataon pang nandoon si papa, yari na!
"Pwede ko ba mahingi ang number mo?" Hirit niya bigla matapos kong maikandado ang shop.
Inilahad ko ang kamay ko para hingin ang kanyang cellphone at ako na mismo ang nag-add ng contact number ko.
"Thank you!" Nakangiting tugon niya matapos niyang ibalik sa kanyang bulsa ang cellphone.
Hinintay niya munang makasakay ako ng tricycle bago siya sumakay sa kanyang Mercedes. Mabuti naman at hindi siya nagpumilit na ihatid ako. Ang pinag iisipan ko ay kung tama ba na ibinigay ko ang numero ko sa kanya. Kahit naman hindi ko siguro ibigay malamang na ang kambal pa niyang makulit ang magbigay, I guess wala na talaga akong kawala.
Dinner nang makarating ako sa bahay dahil medyo late na ako nagsara hindi ko na nagawa pang pumanhik pa sa kwarto. Naupo ako katapat ni ate.
"Hindi mo talaga maiwan si ate?" Panunukso ko kay kuya. Paano ba naman kasi ang sabi nito ay may dadaanan pa siya pero heto nga't kasabay pa namin sa hapunan.
"Gusto ako kasabay kumain ng ate mo," pabiro niya ring sagot. Mamaya pa ay narinig namin ang daing niya dahil inapakan pala ni ate ang kanyang paa.
Apaka salbahe nito ni Ate.
"Kapal ng mukha! Sabihin mo wala ka kasing mommy kawawa walang tagaluto." Sabay labas ni ate ng dila na para bang sinasabi nito na 'bleh'.
Nakakatawa talaga 'tong dalawa na ito, kahit na lagi silang magkasama para bang hindi nagkakasawaan sa isa't-isa. Bakit ba kasi ayaw pang i-level up ang friendship nila.
Matapos kumain ay nauna nang pumanhik sila mama at papa sa sala. As usual manonood na naman sila nang probinsyano, ewan ko ba sa mga matatanda kahit na nakakabwesit 'yung segment hindi pa rin sila nagsasawa. Tipo bang pinagpalit ni Alyana si Cardo at ang palabas ay extended pa ata ng 10 years.
So ayun nga naiwan na lang kaming tatlo sa hapag. Niligpit ko ang mga hugasin, samantalang ang dalawang abno ayun nagkukulitan sa lababo habang maghuhugas ng pinaggamitan. Hindi na ako nagpaalam na papanhik na ako sa kwarto, baka maistorbo ko pa ang moment nilang dalawa.
Habang nakiga ay nagmuni-muni ako napabalikwas ako ng bangon nang biglang magring ang aking cellphone. Impossibleng si Jane ang tumatawag dahil nitong huling tumawag siya ay nairegister ko na, could it be...
"Hi! Good evening. Naistorbo ba kita?"
Sabi ko na nga ba siya lang naman ang tatawag sa akin.
"Uhm..." ano bang dapat kong isagot?
"Pasensya ka na kung naistorbo man kita, gusto ko lang naman marinig ang boses mo."
Anlamyos ng tinig niya wala na natameme na ako. Hindi man ako nagsasalita nananatili namang nakadikit ang tainga ko sa telepono. Rinig ko siyang humugot nang malalim na buntong hininga.
"Sige ibaba ko na good night." Nakatulala lang ako sa kisame ang tanging huling narinig ko na lang ay ang tunog ng naputol na linya.
Napahawak ako sa aking dibdib rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Parang bumalik lang ang lahat ng tinago kong damdamin kay Jun, ay mali hindi pala nagbalik dahil wala namang nawala.
Naalala ko pa noong nag-aaral kami araw-araw siyang tumatabi sa akin sa cafeteria. Kahit na hindi ko naman siya iniimikan, ni hindi ko rin siya tinatapunan ng tingin pero lagi pa rin siyang nakabuntot sa akin. Ako na lang ang nahihiya para sa kanya dahil nagmukmukha na siyang kawawa. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin dahil masyado akong pokus sa pag-aaral.
Natatakot akong biguin ang mga magulang ko ayokong matulad sa iba namin kamag-anak na hindi nakapagtapos dahil inuna ang tawag ng pag-ibig. May sinumpa kaming pangako ni ate na 'no college diploma; No boyfriend'. Ika nga kung mahal ka talaga hihintayin ka kaya aral muna bago landi.
Kaya nga hindi malayong naging myembro kami ng samahang NBSB. Nakasurvive ako sa ganoong set-up not until dumating siya noong 3rd year college ako. Transferee siya noon from America, sa tuwing nakikita ko siya lagi siyang nakangiti at lagi siyang napapaligiran ng mga kaibigan.
Minsang nagtama ang mga mata namin ngumiti siya sa akin. Iniwas ko naman agad ang aking mata at nagdesisyon na bumalik na lang sa aking silid. Sa buong taon ng pagiging sophomore ay tahimik naman ang aking mundo pero ng pumasok ang junior level ay nagsimula ng lumiit ang aming mundo.
Naroong naging kaklase ko siya sa isang subject mabuti na lang at hindi ko siya naging seatmate. Alam ng lahat kung gaano kalaki ang interes sa akin ni Jun at hindi ko iyon maitatangi pero kahit na malaki man o maliit ay hindi ako nagtitiwala sa pinapakita niya.
Para sa akin isa siyang pagsubok na inihulog ng diyos siya iyong tipong tukso. Dahil sabi nga nila kung kelan kaunting kembot na lang para makapagtapos ay doon pa nadidisgrasya. Kung hindi man ay nabubuntis at iyon nga mismo ang kinatatakutan kong mangayari sa akin.
Pero kahit anong iwas ko, kahit anong tali ko sadyang makulit itong puso ko ayun hindi man lang umilag ng asintahin ni kupido. Mabuti na lang at matibay itong utak ko na sa tuwing gusto ko nang magpatianod sa damdamin ko ay hindi naman nagsasawang magpaalala ang utak.
Kaya nga umabot ako ng graduation ng hindi man lang binibigyang linaw kung nasang stage na kami ni Jun. Marahil ang alam nito ay nakukulitan lang ako kaya hindi ko na siya pinagtatabuyan pero ang totoo gusto ko rin at tila ba kulang na ang araw ko sa tuwing walang Jun ang nakatitig sa akin, kapag walang Jun na ngingiti sa akin, kapag walang Jun na susulpot sa cafeteria para lang sabayan akong kumain.
Ngayong nagbalik siya wala na sigurong dahilan pa para umarte akong bata. 24 na ako, nasa tamang edad na siguro ako para subukan ang pagpasok sa isang relasyon. Wala naman sigurong masama kung subukan ko sa ikalawang pagkakataon.
Pero hindi ganoon kadali iyon syempre pahihirapan ko siya.
Pinahirapan niya rin ako ng umalis siya hindi niya alam ang pakiramdam nang umaasang isang araw bigla siyang susulpot natiis niya ako ng dalawang taon kaya magdusa siya.