𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝗳𝗶𝘃𝗲
[Uno's POV]
Nakita ko ang mga gulat na ekspresyon ng mga kaklase ko habang tinatanaw sina Reed at Yaminah na sabay na pumasok dito sa silid.
Sino ba naman ang hindi magugulat kapag nakita mong mag-kasama at magka-akbay ang dalawang tao na dating mag-kaaaway. It's either may namamagitan sakanila or nagkataon lang.
Mabuti nalang at alam ko na magkapatid ang dalawang 'yan. If hindi, baka kanina ko pa nasapak si Reed. I don't know but everytime na may kasama na ibang lalake o kausap si Yaminah, I feel strange. Para bang may init akong nararamdaman at gusto kong manapak.
May sinabi si sir sakanila at mukhang pinagalitan sila but hindi rin naman nagtagal at pina-upo na rin sila. Halata ang ilang sa mukha ni Yaminah habang naka-akbay parin si Reed sakanya. Natural lang na maramdaman niya 'yan dahil kilala si Reed bilang touchy na tao. Kaylangan niya na talagang masanay.
Nang maka-upo na ang dalawa ay nagsimula narin na magturo si sir. Hindi rin naman nagtagal at nag-anunsyo ito tungkol sa parating na exam. Itong exam o mas kilala bilang periodical exam ay napaka-importante sa mga katulad kong kasama sa Highest 10.
Buti pa sina Reed at Milo, hindi na nila kaylangang problemahin ang parating na test dahil nakapasok sila sa Highest 10 because of their skill. Si Aiden naman ay hindi narin mamo-mroblema dahil sigurado na ang spot nito sa Highest 10 dahil lahat ng sinalihan nitong Quiz Bee at Debate ay nanalo siya. Pero kahit sigurado na ang spot nila sa Top 10, kaylangan parin nilang pagbutihan ang exam na ito dahil may tendency na bumaba ang rank nila kapag pinabayaan nila 'to.
Ako naman ay kaylangan kong ibigay ang 150% ng talino at effort ko. Kaylangan kong i-mentain ang pagiging Rank 1 ko sa Highest 10. This year ay wala akong sinalihan na kahit anong patimpalak, mapa-sport man o academic contest. Umaasa lang ako sa score ko sa mga test na ginagawa ni Sir at sa pagiging President ko ng school council. Mahirap pero kakayanin. Ayaw kong magpahuli sa nga engot na ito. Ako ang leader nila kaya dapat na mas angat ako.
Lumipas ang ilang minuto at mayroong estudyante ang pumasok sa aming classroom at sinabihan si sir na pinapatawag dahil mayroong urgent meeting na magaganap. Mabuti na lang at hindi ako kasama sa mga pinatawag dahil kadalasan, kapag may mga meeting ang guro, palagi akong kasama roon, since I'm the President of the School council kaya kaylangan nila ang presence ko.
----
"Tara sundan natin si Yaminah." Aniko.
Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa siya bumabalik. Ang sabi niya ay pupunta raw siya sa canteen to buy food pero hanggang ngayon ay wala pa siya. May canteen naman ang floor namin pero bakit ang tagal?
"Good idea. Nag-aalala narin ako sakanya."
Tumango kaming tatlo sa sinabi ni Reed at sabay-sabay kaming tumakbo palabas. Nagulat pa ako ng makakita ako ng dalawang babae na kumakaripas ng takbo habang 'yung isa sakanila ay hawak-hawak ang pwet niya na may bahid pa ng dugo. What happened?
Hinigit ko ang braso ng isa sakanila. Mukha itong bad girl base narin sa suot niya. "Excuse me. May nakita ba kayong babae na mahaba ang buhok tapos hindi katangkaran at maputi."
"Si Yaminah ba? That war freak! Wala.....Wala akong nakita." Litanya niya.
It's fucking obvious na alam niya kung nasaan ito. "I'll ask you again: answer me or else--"
Agad niya itong pinutol marahil siguro sa pababantang saad ko. "N-nakita ko s-siya kanina na pababa sa ground floor. M-may kasama s-siyang isa pang babae."
"Babae? What do you mean? Tsaka anong nangyari sainyo?"
Napatigil naman ang dalawa. "Ahh.... wala iyon. Biruan lang." Hindi ito makatingin ng deretso saakin habang sumasagot.
"You're obviously lying. Tell me the fucking truth!" Sigaw ko.
"Y-yess..... Inaway kase namin siya tapos may dumating na babae then pinagtanggol siya. Iyon l-lang..."
"Inaway niyo siya?"
Lumunok pa sila ng ilang beses bago sumagot. "O-oo"
Napasinghap ako ng malaki at unti-unting bumigat ang pakiramdam ko. They hurt my Yaminah. They hurt her! "I don't want to see your face here ever again. Pack your belongings and depart. Don't come back because I'm going to rip your flesh off if you do." aniko habang pinipigilan ang sarili ko na masaktan ang dalawang ito.
"Y-yes. S-sorry." Anito bago tumakbo. Takot na takot sila habang papalayo saamin.
"That's so rude, dude." Natatawang wika ni Milo habang tinatanaw ang dalawa.
"I don't care." Maikli kong saad bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nilibot namin ang buong unibersidad hanggang sa mapadpad kami sa may playground. Mula roon ay natanaw namin sina Yaminah at isang babae na hindi ko kilala. Nagtago kami sa mga malalaking damo at mataimtim kaming nakiramdam.
Mula rito ay rinig na rinig namin ang mga rebelasyon tungkol sa kuya ni Yaminah. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon o gumagawa lamang ng kwento ang babae.
"Tangina no'ng kuya niya, sarap sapakin." Mahinang bulong ni Milo.
"True."
Nagulat kaming lahat ng makita namin si Jess na naka-upo kasama namin habang nakasilip at prenteng nanonood sa dalawang babae.
"What the hell are you doing here?!" Galit na bulong ko rito.
"Why? Kayo lang ba ang pwedeng ma-curious?"
"What the fuck!"
"Stop cursing, kuya! Nakita ko kase kayo kanina na tumatakbo papunta rito kaya sinundan ko kayo." She answered.
Sasagot pa sana ako pero agad ko itong binawi ng magulantang kami sa sinabi nang babaeng kasama ni Yaminah.
"Hindi mo siya totoong kapatid!"
"Shit." Hindi ko na napigilang makapag-mura dahil maging ako ay nagulat doon.
"Grabeng revelation 'to. Daig pa ang teleserye." Bulong ni Milo.
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Yaminah at natanaw ko pa ang pag-abot nung babae ng isang envelope. I think, that's DNA test.
Nais ko mang lapitan si Yaminah para patahanin sa pag-iyak at ikulong sa mga bisig ko subalit sigurado akong magagalit siya. Ayaw niya na kinaka-awaan siya.
Akala ko ay tapos na ang lahat. Akala ko ay 'yun na iyon pero mas nagulat kami ng madamay na ang pangalan ng dalawa sa grupo.
"Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit siya umalis sa bansa dahil bago pa man siya maka-alis, nakapatay siya ng tao." Ani ng hindi kilalang babae.
"Nakapatay?"
"Oo. Nakapatay siya ng tao. Dati niya itong kaibigan, si Claudine. Ex-girlfriend ni Aiden; ang kaibigan mo. Siya ang pumatay sa kawawang babae na yon pero ang mas nakaka-inis pa roon ay imbes na sumuko sa kapulisan. Isinisi niya ang krimen na ginawa niya kay Uno. Hindi ko alam kung paano niya ito ginawa dahil nung minsan na malasing siya, nai-kwento niya sakin na nakapatay siya ng tao at Claudine ang pangalan. Kaya no'ng umalis siya ng bansa, nagsimula akong mag-imbestiga at doon ko nga natuklasan na dati palang karelasyon ni Aiden ang babae."
Para akong nawalan ng hininga at naging mabigat ang bawat pagbitaw ko nito. Buong buhay ko, dala-dala ko ang bigat sa puso ko dahil sa mga nangyari dati. Dahil sa mga naganap. Dahil... dahil sa pagkamatay ni Claudine.
----
𝗙𝗹𝗮𝘀𝗵𝗯𝗮𝗰𝗸
Narito kami ngayon sa bahay nina Aiden at kasalukuyan kaming naghahanap ng mga bagay na pwedeng dalhin para sa gaganaping outing sa aming resort.
Palihim lang itong pag-alis namin kaya para kaming mga kriminal kung kumilos. Kakatapos lang naming lahat sa Grade 9 at bakasyon na namin ito.
"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni Claudine habang bitbit ang maliit na camera at isang bag sa kaliwang kamay niya.
Hindi ko mapigilan ang humanga sa angking ganda ni Claudine. Sa edad na labing lima (15) ay masasabi kong ganap na nag-matured na ang katawan niya. Ang maputi nitong balat, makinis na mukha at maging ang coca-cola nitong hugis ay masasabi kong kakaiba at nakakamangha.
Karelasyon ni Aiden si Claudine. Sa pagkaka-alam ko ay mahigit isang taon narin simula ng sagutin ni Claudine si Aiden. Hindi ako payag sa pagi-ibigan nila dahil masyado pa silang bata at ayaw kong masaktan ang aking kapatid na si Jess dahil may lihim itong pagtingin para kay Aiden. Pero kahit na mabuti ang aking intensiyon ay hindi ito tumugma sa nararamdaman ni Aiden. Akala niya ay pinipigilan ko sila dahil may gusto ako kay Claudine kahit na wala. Maybe, nagagandahan ako sakanya subalit hindi ako humantong sa punto na minamahal ko na siya.
Kahit anong paliwanag ko kay Aiden tungkol sa tunay kong nararamdaman, hindi ito nakinig bagkus ay mas pinamukha niya pa saakin na, naiinggit daw ako dahil malapit silang dalawa. Like, WTF! Wala nga akong gusto kay Claudine, ano bang mahirap intindihin doon? Mabuti na lamang at pumagitna saamin sina Reed, Claudine at Milo. Hindi rin naman nagtagal ay nagka-ayos kaming dalawa.
"Let's go." Masayang aniko habang bitbit ang isang plastik na punong-puno ng mga pagkain.
Sabay-sabay kaming sumakay sa isang van. Nirentahan lang namin ang sasakyan na ito dahil hindi namin pwedeng dalhin ang mga sasakyan namin. Siguradong papagalitan kami.
Hindi naman tumagal ang aming byahe dahil agad din kaming nakapunta sa resort na pagma-may ari ng aking pamilya.
Dumeretso kami sa isang kubo na malapit sa dalampasigan. Doon namin inilatag ang aming mga dala. Nang malagay na namin ang lahat-lahat ng aming dala sa kubo ay kanya-kanya kaming takbuhan papunta sa dagat. Hindi naman mainit kaya hindi namin kaylangan mag-alala sa mga balat namin.
Nagulat ako ng bigla akong hampasin ni Claudine. Nasa malalim na parte ang iba habang ako at si Claudine ay nasa mababaw lang. "Ayos ka lang?"
Tinignan ko ito. "Yes, why?"
"Nothing. Napansin ko lang na parang malungkot ka. Iniisip mo parin ba yung away niyo ni Aiden dahil saakin?" She said.
"Hindi ah." Sagot ko.
Kumuha ito ng bato at malakas na ibinato sa dagat. "Kaylanman ay hindi kayang mag-sinungaling ng mga mata." Anito.
"Who? Me? I'm not lying. Stop talking nonsense."
"Mr. Clown is pretending." Biro nito habang kinukurot ang aking pisnge.
Madalas nila akong tawagin na Mr. Clown dahil palabiro akong tao at masayahin. I don't know pero nature ko na siguro talaga yon, ang magpasaya ng iba.
"You know what. Alam ko naman na wala kang gusto saakin eh."
"How did you know? Paano kung may gusto nga talaga ako saiyo?" Matigas kong sabi.
Hinila nito ang aking mukha at hinarap sakanya. "Hindi ako manhid, Uno. Alam ko ang takbo ng utak mo dahil masyadong transparent ang emosyon mo." Anito bago iiwas ang tingin niya. "Alam ko rin na walang gusto si Aiden saakin."
Nalito naman ako sa sinabi niya. "Huh? Teka lang. Ano?"
Ngumuti ito saakin. "Cover up niya lang ako."
"Cover up?"
"Oo. Cover up. Panakip butas. Parang ganon."
"Hindi kita gets."
Tumayo ito. Inilapag niya ang kamay niya sa harapan ko at agad ko naman itong inabot, dahilan para makatayo ako. "Wala ako sa lugar para sabihin ito pero gusto kong maliwanagan ka. He like your sister. Mahal na mahal ni Aiden si Jess. Ginagawa niya lang ako na panakip para hindi mahalata ng kahit sino man ang lihim nitong pagtingin sa kapatid mo."
Agad akong napatingin kay Aiden na ngayon ay masayang lumalangoy kasama sina Milo at Reed. Nakita ko pa ang paglapit nila sa ilang lalake para makisali sa larong tubig nila. "Hindi ko napansin."
"Kaya nga ginamit niya ako para hindi mo mapansin eh. Why so dumb, Uno?"
Natawa naman ako dahil doon. She's right. Kahit na Rank 1 ako sa Highest 10 ay hindi ko mapigilan ang ma-bobo kapag siya ang kausap ko.
"Mas mabuting samahan mo muna sila at magsi-cr lang ako." Anito.
"Huh? Samahan na kita. Sabay na tayong pumunta roon." I said.
Umiling ito saakin. "No need. I can take care of myself."
"Hindi kita mapo-protektahan kapag naka-hiwalay ka saakin."
"Ano ka ba naman. Diyan lang ako sa cr. Para namang pupunta ako sa ibang bansa. Patawa ka, Uno." Nakangiti niyang wika.
Hindi na ako nakipag-argumento pa at hinayaan ko siyang lumisan para pumunta sa cr.
Pero iyon na rin pala ang huling beses na makaka-usap ko siya. Iyon na pala ang huling beses na makikita ko ang mga ngiti niya. Kung alam ko lang..... kung alam ko lang na iyon na pala ang huli, dapat pala ay pinigilan ko siya. Dapat pala ay sinamahan ko siya para naprotektahan ko siya.
"CLAUDINE!" malakas na tawag namin sakanya habang nililibot namin ang buong resort. Madilim na ang kalangitan subalit hindi pa siya bumabalik.
Ayokong mag-isip. Ayokong mag-isip dahil hindi ko nagugustuhan ang pumapasok sa utak ko. Masyado akong nag-aalala at natatakot ako. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sakanya.
Pero masyadong marahas ang mundo dahil nangyari nga ang nasa isipan ko. Ang mga pangyayari na pinapanalangin kong huwag mangyari ay naganap.
Nakita namin si Claudine na nakahandusay habang duguan. Hindi ko mapigilan ang maiyak at sumigaw dahil sa lungkot at galit. Bakit..... bakit mo kami iniwan, Claudine?!
"What did you do to her?" Galit na sabi ni Aiden bago ako itulak at paulit-ulit na suntukin.
Pinipigilan siya nina Milo at Reed pero hindi ito nagpapigil at patuloy lang siya sa pagpapa-ulan ng mga suntok sa mukha ko. "H-hindi k-ko alam." Garalgal na sabi ko.
"Ikaw ang huli niyang kasama! Kaya paanong hindi mo alam! Huwag mo kaming lokohin!" Sigaw ni Aiden.
Hindi ako lumaban sa mga suntok ni Aiden dahil tila nagmanhid na ang katawan ko. Wala na siya. Wala na ang babaeng minsan kong pinangakuan na po-protektahan ko.
Kumalma lamang si Aiden ng dumating na ang mga pulis. Death on the spot si Claudine. Saksak sa puso ang naging sanhi ng pagkamatay niya.
Ako ang sinisi ni Aiden sa pagkamatay ni Claudine pero hindi ito pinaburan ng korte dahil masyadong mahina ang ebidensya laban saakin. Napatunayan na inosente ako. Isa rin ito sa dahilan kung bakit kami nahuli ng isang taon sa klase. 17 years old na kami nung ipinagpatuloy namin ang pagpasok sa Grade 10.
Matagal-tagal na panahon ang ginugol namin para maibalik ang dati naming samahan. Pero kahit anong balik namin ay hindi namin ito maibalik, may lamat na kase.
Kahit na napatunayan na ng batas na inosente ako ay alam kong ako parin ang sinisisi ni Aiden sa pagkamatay ni Claudine.
Sinubukan kong hanapin ang totoong salarin para malinis ko na ng tuluyan ang aking pangalan subalit bigo akong magawa ito.
Bago ang pasukan ay muli kong pinuntahan si Aiden at humingi ako ng kapatawaran para sa hindi ko pagprotekta kay Claudine.
"Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Claudine pero gusto kong humingi ng tawad dahil hindi ko siya naprotektahan nung kaylangan niya ako. Ako ang huli niyang kasama pero hindi ko man siya nagawang bantayan." Sabi ko. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol at mapaluhod dito.
Lumuhod din ito at pumantay saakin. "Pagpasensyahan mo narin ako kung ikaw ang nasisi ko. Hindi ko lang matanggap na ikaw ang huli niyang nakasama sa ating dalawa. Masyado akong nainggit saiyo. I'm sorry, bro."
Simula non ay naibalik na namin ang dati naming pagka-kaibigan. Pero kahit na ganoon ay hindi ko na nagawang maibalik ang dating ako. Ang dating masayahin na Uno ay naging cold at mainitin ang ulo. Nagsimula narin akong dumistansya sa lahat maliban sa pamilya at mga kaibigan ko.
Mula noon ay ipinangako ko sa sarili kong ibibigay ang hustiya sa pagkamatay ni Claudine.
𝗘𝗻𝗱 𝗼𝗳 𝗙𝗹𝗮𝘀𝗵𝗯𝗮𝗰𝗸