𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝗲𝗶𝗴𝗵𝘁:
Dalawang araw na ang lumipas pero hindi ko parin makalimutan ang katangahang ginawa ko.
Then fuck me
Sino ba naman ang matinong tao na magsasabi ng ganyan? Aish. Ilang araw ko narin hindi pinapansin ang apat na garapata dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa mga sinabi ko.
Kung mababalik ko lang sana ang panahon, isa ang pangyayaring 'yon sa mga babaguhin ko.
"Do you understand?!"
Sabay-sabay kaming sumigaw ng 'OO' kay sir nang magtanong ito. Nasa classroom ako ngayon at gaya ng dati ay hindi ko parin pinapansin ang apat. Nasa likuran lang nila ako at mataimtim na nakikinig sa dini-discuss ni sir.
Alam kong alam nila ang dahilan kung bakit ako umiiwas at alam ko rin na pinagtatawanan nila ako ngayon. Mga shuta sila. Tanging si Milo lang ang walang kaide-ideya kung bakit ako umiiwas. Wala kasi siya no'ng sinabi ko 'yon.
"Bukas na ang periodical test for 1st quarter. So, I expect na handa na kayong lahat." Ani ni sir.
Tumango kaming lahat kahit na may iilan ang hindi sigurado kung handa na ba talaga sila. Doble ang kaba na nararamdaman naming lahat dahil mas mahirap ang mga test dito kumpara sa ibang eskwelahan, isama mo pa na graduating kami at pwede kaming bumagsak, sa oras na hindi namin 'to mapasa.
Discussion lang ang ginawa namin ngayon kaya agad ding natapos ang klase.
Imbes na dumeretso pa-uwi ay mas pinili kong puntahan si Jess dahil kaylangan kong kahunin ang mga gamit na hihiramin namin para sa bakery namin.
Nagbukas na kahapon ang aming maliit na bakery at masasabi kong 'successful' ang unang araw nito.
Dahil sa kakapusan ng pera ay marami paring mga gamit ang hindi namin nabili. Kaya minabuti ni mama na manghiram ng mga gamit kina Uno at ibabalik nalang kapag naka-ipon na kami ng sapat na pera para sa pambili nito.
Nakita ko si Jess na nasa bukana ng classroom nila habang hawak-hawak ang isang bouquet ng roses. Mukhang alam ko kung kanino galing ang mga bulaklak na iyon.
"Iba rin talaga si Aiden. May pa-flowers." Aniko.
Napatingin ito saakin at bakas ang pagkabigla nito, mukhang hindi niya inaasahan ang pagdating ko.
"Ah... Eh... O-Oo. S-sakanya g-galing ito."
Natawa ako dahil sa pagka-utal niya. Napansin ko rin ang pamumula ng pisnge niya.
"Huwag ka ng mahiya sa'kin. Alam ko naman na si Aiden ang nagbigay niyan."
Ngumiti ito ng kaunti. "Hindi naman sa gan'on."
Kinuha ko ang bulaklak sakanya at mariin na sinipat. Mukha fresh pa ito at kaka-pitas lang. Ibinalik ko rin naman agad pagkatapos sipatin.
"Iyong hinihiram nina mama, nasaan na?" Aniko.
"Ay oo nga pala." Bumalik ito sa loob ng classroom at may kinuha na isang plastik. "Nandito na lahat ng hinihiram ni Tita. Pakisabi rin pala na, salamat doon sa binigay niyang tinapay saamin kahapon." Dagdag nito.
Tinanguan ko lang siya bago tuluyang umalis.
Masaya ako para kay Aiden at Jess dahil sa wakas ay pinayagan na ni Jess na manligaw si Aiden. Matagal ko ng napapansin ang lihim na pagtingin ng dalawa sa isa't-isa pero nahihirapan silang ipakita iyon dahil tutol si Uno sa pagi-ibigan nila. Kahit kailan talaga, kontrabida si Uno. Kairita.
------
"Pakopyain mo ako mamaya, Yaminah." Ani ni Milo saakin.
Ito na ang araw. Ang araw ng periodical test.
Alam ko kung paano ako naghirap kagabi para makapag-aral ng leksyon, subalit hindi ko parin maiwasan ang kabahan.
"Alam mo, pakyu ka." Sagot ko kay Milo.
Sumimangot naman ito bago humarap sa desk niya. "Damot mo."
Umirap lang ako rito.
Nandito na ang lahat, maging ang aming guro na si Sir. Al ay narito narin. Ang mga test paper nalang ang hinihintay namin para masimulan na ang pagsusulit.
Lumipas ang ilang minuto at dumating narin ang mga test paper. Minor subject muna ang sasagutin namin ngayon at mamayang hapon naman ang major subject.
Nagsimulang maglakad si sir papunta saamin at isa-isa kaming binigyan ng test paper.
E.S.P
Iyan ang unang subject na aming sasagutin. Napaka-dali lang nito nung elementary ako pero hindi ko alam kung bakit, sobrang hirap na nito ngayong highschool.
Nagsimula na akong sumagot. May mga tanong na hindi ako sigurado kung tama ba ang sagot ko at mayroon din naman na sigurado ako. Karamihan sa tanong ay walang choices kaya mas nahirapan ako sumagot.
Bakit ba feeling major ang mga minor subject? Aish.
----
Tahimik at seryoso ang lahat habang nakatutok sa panibagong test paper na pinamahagi ni sir saamin.
Ito na ang pinaka-huling test na aming sasagutin. Aminin ko man o hindi pero nahirapan ako ng husto sa pagsusulit na ito.
Doble ang hirap at para bang pang-college na ang mga tanong dahil karamihan sa mga question ay wala sa libro. Mabuti nalang ay naituro ni sir ang mga ito.
"10 minutes left."
Kitang-kita ko ang pagmamadali ng lahat dahil kaunting oras nalang ang natitira at matatapos na rin ang pagsusulit.
"Time's over. Now, pass your paper."
Agad naman naming ipinasa ang mga test paper namin kay sir. May ilan pa akong nakita na nagsasagot pa at mukhang hindi sila naka-abot sa takdang oras.
"Mr. Sanchez, the time is already over."
Napatingin ako kay Milo ng i-call out ni sir ang apelyido niya. Nakita ko ang biglang pagsimangot niya at padabog nitong ibinigay ang test paper.
Lumapit ako sakanya. "Hindi ka natapos?"
Mas sumimangot ito. "Oo. Ang hirap kase ng math eh." Natawa ako ng bigla itong mag-maktol saakin.
Well, even me ay hirap na hirap sagutan ang math.
"It's okay. Bawi nalang next time."
Matamlay niya lang akong nginitian. "I hope so."
Hinawakan ko ito sa balikat at marahan na hinarap saakin ang kanyang mukha. "Ano kaba naman, huwag ka ng malungkot. Ayos lang 'yon."
Tinanguan niya lang ako at hindi parin naalis ang malungkot nitong mukha.
Sabay kaming lumabas at agad naming nakita ang tatlo. Sila ang unang natapos saamin kaya sila rin ang unang pinalabas ni sir.
"Bakit malungkot si baby Milo?" Wika ni Reed.
Nginusaan lang siya ni Milo. "Hindi ko kase natapos 'yung math."
Tumawa ng malakas si Reed at malakas na hinampas sa balikat si Milo. "Ayan ang napapala ng mga tao na imbes mag-review ay dumederetso sa club."
Taka naman akong napatingin kay Reed. "Club?"
"Oo, club. Balak ko sanang mag-group study kasama itong tatlo kaso hindi sumama si Milo dahil may pupuntahan daw siya tapos nagulat nalang kami ng tumawag ang manager ng isang clubhouse at pinapasundo ang mokong na ito at nadatnan namin siya roon na lasing na lasing." Sagot ni Reed.
"Wala naman talaga akong balak na uminom ng alak eh, ang kaso pinilit ako ni Lay." Depensa ni Milo.
Wait, Lay? Parang familiar ang pangalan na 'yon.
"Pinilit ka man o hindi, dapat hindi ka sumama. Alam mong may periodical test tapos iinom ka. Hibang kaba?" Litanya ni Uno.
Dumuko si Milo. "Alam ko naman 'yon. Ang sabi kasi ni Lay saakin ay kaylangan niya akong kausapin para raw sa kaso ni Caleb."
"Kaso ni Caleb? Ano?!" Uno's asked.
"Don't tell me, hindi mo alam. Hindi ba ay si Lay ang private investigator na pinadala mo para manmanan si Caleb."
Nakita ko ang paghampas ni Uno sa noo niya. "Wala akong pinapadala na private investigator. Sinong Lay ba 'yan?!"
"T-teka, hindi niyo siya kilala? Wait lang, may picture niya ako eh."
Kinuha ni Milo ang cellphone niya sa kanyang bulsa at pinakita ang larawan niya, kasama ang isang lalake.
Halos manghina naman ako ng makita ko ang lalake na nasa litratong pinakita ni Milo.
"C-caleb?" Biglang anas ko.
Kumunot naman ang mga noo nila. "Caleb? Ito si Caleb?!" Sigaw ni Uno.
"O-oo."
"Akala ko ba ay si Lay ito at paan--"
Hindi ko na siya pinatuloy sa sinasabi niya at agad na pinutol iyon.
"Caleb Lay Huxley ang full name niya."