Chereads / The Love Wars / Chapter 30 - Fight

Chapter 30 - Fight

๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ง๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜†-๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฒ:

"Caleb Ava Huxley ang full name niya."

Kita ko ang gulat sa mga mata nila nang sabihin ko ang mga katagang iyon.

"N-nandito n-na... siya sa P-pilipinas." Nanghihinang dagdag ko.

Sigurado akong alam na niya ang plano namin. Sira na. Lahat ng plinano namin ay alam na ni Caleb.

"Sorry. Sorry, hindi ko sinasadya na masabi sakanya ang lahat. A-kala ko k-kase.... ay siya 'yung p-private investigator na p-pinadala niyo."

"Eh hindi nga kase siya!!!"

Nagulat naman silang lahat dahil sa pag-sigaw ko.

"Hindi nga siya ang Private Investigator! At kung siya man nga iyon, bakit ikaw ang kakausapin niya? Hindi ba dapat si Uno o kaya ay ako?" Inis kong tugon.

"Huminahon ka Yaminah." Pigil ni Aiden saakin.

"Hinahon? Paano ako hihinahon kung alam na niya ang plano natin! Nabuking na tayo!"

Lumuhod si Milo saakin at hinawakan ang binti ko. "Sorry, Yaminah... H-hindi ko s-sinsadya. Ang bobo ko talaga. Ang bobo ko."

Nakita ko na pilit siyang pinapatayo ni Reed pero hindi ito nagpatinag at pinanatili niya ang kanyang pwesto.

"Sorry, Yaminah." Usal ni Milo.

Pinilit kong huminahon kahit na konting-konti nalang ay sasabog na ako.

Nang maging mahinahon na ako ay pinantayan ko si Milo. "Ayos lang 'yon Milo. Hindi mo sinasadya at sigurado akong hindi mo ginusto 'yon."

Nginitian ko ito. "Tumayo kana diyan, Milo. Magagalit talaga ako kapag hindi kapa tumayo."

Mabilis naman itong tumayo.

Tumayo na rin ako. "Ngayong nandito na si Caleb sa Pilipinas at alam na niya ang lahat ng plano natin. Wala na tayong magagawa kundi ang harapin siya."

"Delikado." Angal ni Uno.

Tinignan ko ito. "Kahit naman na sundan natin ang pinaka-plano ay delikado parin. Lahat ng pagpipilian ay delikado." Sagot ko.

Napatahimik naman ito sa sinabi ko.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang cellphone number ni Caleb. Alam kong ito ang numero niya dahil madalas kaming mag-usap dati gamit ito.

Unang ring palang ng aking cellphone ay sinagot na niya agad. Mukhang inaasahan niya talaga ang pagtawag ko.

"Hello, my beautiful sister." Masiglang bati nito.

"Wala akong oras para makipag-biruan sa'yo." Malamig kong sabi.

Inilagay ko ang cellphone sa isang lamesa at isinet sa loud speaker para marinig naming lahat.

"Hindi ba, mahilig ka sa mga joke? Nawala lang ako sa tabi mo, nagbago agad ang hilig mo."

"Tangina mo Caleb! Alam kong alam mo kung ano ang kaylangan ko sa'yo!"

"Oww..... Sinisigawan mo na ako ngayon, bunso?" Tunog bata na sabi ni Caleb.

"Huwag mo akong sagarin, CALEB." Mahina pero may diing ani ko.

Narinig kong tumawa ito. "Ako ang kaylangan mo diba? Edi, puntahan mo ako ngayon sa dati nating bahay. Ikaw lang ang gusto kong makita at wala ng iba." Anito.

Matapos niyang sabihin iyon ay mabilis kong pinatay ang tawag sa cellphone.

"Anong plano?" Tanong agad ni Uno.

"Susundin natin ang sinabi niya. Pupunta ako sa dati naming bahay nang mag-isa at kapag hindi ako nakabalik within 1 hour ay tumawag na kayo ng pulis." Tugon ko.

"Sasamahan ka namin."

Pinigilan ko si Uno. "No. Ako lang ang gusto niyang makita kaya ako lang ang pupunta."

"Pero delikado."

Napabuga naman ako ng malakas dahil doon. "Kilala ko si Caleb. Kapag hindi ko siya sinunod, siguradong gaganti 'yon. Ayaw kong mapahamapak ang kahit sino-man sainyo."

"No."

"Uno.... " Hinawakan ko ang kanyang mukha. "...Magtiwala ka sa'kin."

"Pe--"

Siniil ko siya ng halik.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa biglaang pag-halik ko pero tumugon din naman siya saakin makalipas ang ilang sandali.

Habol ko ang aking hininga ng matigil kami sa paghahalikan.

"Magdadala ako ng maliit na camera para ma-record ko ang lahat ng mangyayari sa'min." Aniko kahit na hirap parin akong huminga.

"Kung sakali man na may mangyaring masama saakin, kayo na ang bahala sa camera. Gamitin niyo ang camera, bilang ebidensya laban kay Caleb." Dagdag ko.

Napapikit si Uno at nagsimulang tumulo ang mga luha niya. "No. Hindi kita papayagang pumunta ng mag-isa roon."

Nginitian ko siya at marahang hinawakan ang kanyang mukha. "Gawin mo ang pabor ko, hindi para saakin. Gawin mo iyon para sa hustisyang matagal niyo ng hinahanap para kay Claudine." Aniko.

Kinuha ko ang aking cellphone sa lamesa at sinimulang i-dial ang isa sa mga kakilala kong makakatulong saakin.

"Hello?" Bati nito saakin.

"Joan? Ako 'to si Yaminah."

"Oww, Yaminah. Buti naman at natauhan kana sa huwad mong kuya." Tugon niya.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Kaylangan ko ng camera. Maliit na camera. Iyong pang spy."

Hindi ito agad nakapag-salita. "Huh?"

"Sabi ko, kaylangan ko ng maliit na camera. Iyong hindi madaling makita."

"Camera? Aanhin mo 'yon?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Kaylangan ko ang camera ngayon. Pupuntahan kita sa bahay niyo para kunin." Aniko.

May sasabihin pa sana si Joan kaso agad ko ng pinatay ang cellphone. Kaylangan kong magmadali kaya wala akong oras makipag-chikahan.

Tumingin ako sa lahat.

Alam kong hindi sila sang-ayon sa desisyon kong pumunta na mag-isa pero ito lang ang tanging paraan para mapaamin si kuya sa ginawa niyang krimen kay Claudine.

Kayang-kaya namin siyang ipakulong ngayon dahil may sapat na kaming ebidensya para idiin siya sa pagnanakaw sa aming kompanya. Pero ayaw kong makulong siya nang hindi pinagbabayaran ang ginawa niyang pagpatay kay Claudine.

"Puntahan niyo sina mama at papa ngayon. Gusto kong ipaalam niyo ang lahat ng ginawang katarantaduhan ni Caleb." Bilin ko.

"Hindi ka namin iiwan." Matigas na wika ni Uno.

"Uno huwag mo akong pahirapan. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Caleb. Ako ang gusto niyang makita!"

"Pero Yaminah. Ayaw kong mapahamak ka."

"Hindi ako mapapahamak. Sisiguraduhin kong babalik ako ng buo; walang labis, walang kulang."

Hinawakan ko ang kanyang mukha at sa isa pang pagkakataon ay nagdikit muli ang aming mga labi.

"I love you, Uno." Aniko sa gitna ng aming halikan.

"I love you too." Sagot niya.

Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko nang matapos ang aming halikan. Walang confession na naganap sa pagitan naming dalawa pero sa mga oras na ito ay alam kong pareho ang nararamdaman namin ni Uno.

Mahal namin ang isa't-isa.

Lumayo ako ng kaunti at mabilis na pinulot ang mga gamit kong nasa lapag. Humarap ako sakanila bago wikain ang huli kong salita.

"O siya. Aalis na ako mga garapata. Basta ang binilin ko ah; puntahan niyo sina mama at papa. Sabihin niyo kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon."

"Sigu--"

Pinutol ko ang sasabihin dapat ni Milo at mabilis kong tinawid ang pagitan namin at mahigpit siyang yinakap. Yinakap ko rin sina Milo at Reed. Maging si Jess na kakarating lang at walang ka-alam-alam sa mga nagaganap ay aking yinakap.

Wala akong kaide-ideya kung ano ba talaga ang dadatnan ko kapag nagkita na kami ni Caleb pero gusto kong masigurado na kung ito man ang huli naming pagkikita ay atleast naiparamdam ko na mahal ko silang lahat.

"Magiging ayos lang ako, pangako." Huli kong wika bago sila iwanan.

-----

๏ฟผ

"Ito na ang pakay mo, Yaminah." Wika ni Joan, matapos ibigay ang isang maliit na camera.

Kinuha ko ito at idinikit ang maliit na camera sa harap ng aking bag para hindi mapansin ni Caleb na pasikreto ko siyang vini-video-han mamaya.

"Gusto man kitang samahan para kausapin si Caleb kaso hindi pwede. Malapit na akong ikasal at ayaw kong madamay pa kami." Wika ni Joan saakin.

"Babalik na rin ako mamaya sa Japan para doon na tumira kasama ang fiancรฉ ko. Bumalik lang talaga ako sa Pilipinas para kausapin ka tungkol sa mga kalokohan ni Caleb. Ayaw kong mabuhay ng may pagsisi na hindi ko nasabi sainyo." Dagdag pa nito.

Pinanatili kong tikom ang aking bibig at walang sabi-sabi na lumabas.

"Magi-ingat ka." Sigaw nito habang nakadungaw sa harapan ng pinto nila.

Kinaway ko lang ang aking kamay sa ere; sensyales ng pagpa-paalam ko.

Masama ang kutob ko ngayon at para bang may mangyayaring hindi maganda mamaya pero hindi ito ang oras para matakot ako.

Naniniwala ako na kung oras mo na para mamatay ay oras mona. At kung may masama mang mangyari mamaya, sinisigurado kong mawawala ako sa mundo ng may dangal at may nagawang tama.

Ipinara ko ang isang taxi at sumakay roon.

"Saan po tayo ma'am?" Tanong ng driver.

"Dito po." Aniko bago ibigay ang isang papel na naglalaman ng address ng aming bahay.

Humanda ka dahil parating na ako Caleb.