Chereads / The Love Wars / Chapter 31 - Revelation

Chapter 31 - Revelation

๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ง๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐˜๐˜†:

[Third person's POV]

Alikabok at mga puting tela na naka-tambon sa mga gamit ang siyang unang nadatnan ni Yaminah nang dumungaw ito sa pinto ng kanilang lumang bahay.

๐™‰๐™–๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™ก๐™ž๐™  ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ ๐™ค.....

Luminga-linga muna ito bago maingat na pumasok. Hindi siya gumagawa ng kahit anong ingay dahil hindi niya alam kung ano at sino ba ang narito. Maaaring hindi nagi-isa si Caleb at maaari ring mayroon siyang mga ulupong na nakabantay kaya mas doble-ingat ang ginagawa niya.

"Caleb...." Tawag nito sa kanyang huwad na kapatid ng makatapak na ito sa pinaka-loob ng kanilang bahay.

Walang sumagot.

Hindi na ito nagsalitang muli at mas pinili niyang tignan nalang ang bawat sulok ng bahay.

๐˜ผ๐™ก๐™–๐™ข ๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ก๐™–๐™ข ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐˜พ๐™–๐™ก๐™š๐™— ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ ๐™ค ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™จ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™ž๐™ฎ๐™–?

Una nitong pinasok ang kanilang dining area at kagaya parin ng dati ang hitsura nito. Kung ano ang huli niyang dinatnan no'ng umalis siya rito ay ga'non parin ang pwesto ng mga kagamitan doon. Walang nagbago.

Muling bumalik ang mga masasayang alala niya rito sa dining area. Kung paano sila magtawanan at magkwentuhan. Isabay mo pa ang nakaka-sukang kwento ng kanyang ina tungkol sa love story nila ng kanyang papa.

Hindi niya makuhang maisip kung paano nabaliktad ang lahat. Tanggap niya ang kanyang kapatid na si Caleb kahit hindi niya ito kadugo subalit ang hindi niya alam ay kung paano nagawang magnakaw ni Caleb sa kanilang kompanya; kung paano niya lokohin ang buong pamilya nila at kung paano niya nagawang pumatay ng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundo.

๐™†๐™ช๐™ฎ๐™– ๐˜พ๐™–๐™ก๐™š๐™— ๐™–๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ง๐™ž ๐™จ๐™–'๐™ฎ๐™ค?

Sinunod niyang sipatin ang kusina, sala, banyo at maging ang kwarto ng kaniyang magulang ay tinignan niya rin subalit hindi niya nakita si Caleb.

Tumingit ito sa hagdan paangat sa second floor.

Hindi naman kalakihan ang luma nilang bahay dahil hanggang dalawang palapag lamang ito at ang second floor nila ay naglalaman lamang ng tatlong kwarto; kwarto niya, kwarto ni Caleb at guest room. Nasa unangย  palapag ang kwarto ng kanilang magulang.

Maingat itong humahakbang paitaas.

Nang makarating na ito roon ay unti-unti siyang naglakad papasok sa guest room subalit kagaya ng kanina ay hindi niya nakita si Caleb.

Sinunod naman nito ang kwarto ni Caleb; nagba-baka-sakaling naroon siya subalit 'ni anino nito ay hindi niya natagpuan roon.

Tumingin ito sa huling kwarto at kaisa-isang parte ng kanilang bahay na hindi niya pa napupuntahan. Ang dati niyang kwarto.

Biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso niya nang makarinig ito ng whistle na nagmumula sa dati nitong kwarto.

Hindi ko pa man nakikita ang loob ng dati kong kwarto ay malakas na ang aking kutob na naroon na siya....

si Caleb.

Kinakabahan man ay matapang niya paring hinakbang ang kanyang mga paa. Wala ng atrasan 'to.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at tumambad sakanya ang madilim na espasyo ng dati niyang kwarto. Walang nakabukas na ilaw at maging ang mga bintana ay may nakatapal na mga kurtina.

Kinuha ni Yaminah ang kanyang cellphone at agad na inopen ang flashlight nito. Sinwitch niya ang mga ilaw ng makita niya ito.

"Ang tagal mo naman dumating."

Tila naestatwa ito sa kanyang kinakatayuan nang marinig ang boses ng lalakeng kinakamuhian niya ng sobra.

"C-caleb." Utal na ani nito.

Tumingin si Yaminah sa lugar ni Caleb at natagpuan niya itong naka-upo sa kamang naroon habang humihithit ng sigarilyo. Hindi rin nakaligtas sa mata ni Yaminah ang baril na nakasukbit sa bewang ni Caleb.

Humalakhak ng malakas si Caleb na siyang nag-patayo ng mga balihibo ni Yaminah. Para bang isang nakakatakot na boses ang naririnig niya ngayon at ayaw na niyang marinig pa itong muli.

Mas lumaki ang katawan ni Caleb ngayon. Ang kanyang biceps at dibdib ay mas lumobo at kapansin-pansin din ang katawan nitong hapit na hapit sa kanyang polo. Ang maikli nitong buhok ay mahaba na ngayon.

Ang laki ng pinagbago ni Caleb.

"Wala bang welcome diyan, my little sis?" Asar na wika ni Caleb.

Ang nakangiting mukha ni Caleb ay biglang nawala nang hindi sumagot si Yaminah sa sinabi nito.

"Oh, I forgot. May regalo pala ako sa'yo." Pilit na wika ni Caleb bago kuhain ang isang plastic at ibato kay Yaminah.

Nasapo naman ni Yaminah.

"What the fuck!" Gulat na wika ni Yaminah bago itapon ng mabilis ang plastic.

Tumilapon ito sa sahig at mula roon ay lumabas ang ulo ng isang patay na aso. Sariwa pa ang dugo nito at halatang kakapatay palang.

"Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko? Hindi ba matagal mo ng gustong magka-aso?"

"Fuck you Caleb!"

Tumawa ng mahina si Caleb. "Ayaw mo ba ng ulo? Hindi mo naman kase sinabi na gusto mo pala ng buo. Hehehe." Anito na para bang wala lang sakanya ang pagpatay ng isang aso.

"Napaka-sama mo!" Sigaw ni Yaminah.

"Ako? Masama?" Kunwareng nasasaktan na sabi ni Caleb. "Bobo! Matagal na. BWAHAHAHA."

Lumapit si Caleb kay Yaminah. Napa-atras si Yaminah subalit kung mamalasin nga naman ay na-corner ito sa pader.

"Huwag mo naman ipakita na takot na takot ka talaga sa'kin." Ngising sabi ni Caleb. "Nasasaktan ako." Dagdag na emote niya.

Hindi makahinga si Yaminah sapagkat ang mukha ni Caleb ay napakalapit sakanya. Kaunting dipa nalang ay maaari ng magdikit ang kanilang mga labi.

Napansin naman ni Caleb ang pagiging uneasy ni Yaminah kaya patawa-tawa itong umatras. Nakahinga naman ng maluwag si Yaminah nang magkaroon na ng sapat na espasyo sa pagitan nilang dalawa.

Muling umupo si Caleb sa kama at magiliw na tinanaw si Yaminah na nanginginig ngayon. "Akala ko pa naman, matapang ka but it turns out na mali ako."

Kahit na takot ay pinilit paring magsalita ni Yaminah. "Hindi ako natatakot sa'yo."

"Really?" Natatawang ani ng lalake. "I don't think so."

Kumuha ng sigarilyo si Caleb sa kanyang bulsa at ito'y sinindihan. "Pumunta na tayo sa totoong pakay mo." Ibinuga ni Caleb ang usok na galing sa sigarilyo. "Gusto mong malaman ang katotohanan diba?"

Mabilis na tumango si Yaminah.

"Itanong mo lahat ng gusto mong malaman, Yaminah then sasagutin ko."

Huminga ng malalim si Yaminah bago nagsalita. "B-bakit h-hindi...m-mo---"

Pinutol ni Caleb si Yaminah. "Paano kita sasagutin Yaminah kung nauutal ka?" Natatawang ani niya.

Lumunok si Yaminah ng ilang beses at huminga ito ng sobrang lalim para mabawasan ang nerbyos na nararamdaman niya.

"Bakit hindi mo sinabi na hindi kita totoong kapatid?" Nakahinga ng maluwag si Yaminah ng masabi niya ito ng deretso.

"Paano ko ba sasagutin 'yan? Ay sige. Simulan natin ang kwento no'ng inampon ako ng mag-asawang Huxley. Matagal na silang kasal pero hindi sila biniyayaan ng kahit isang supling kaya napagpasyahan nilang ampunin ako. 4 years old lang ako no'n. Masaya kami nung una, not until ipanganak ka." Kuya's said.

"Kitang-kita ko kung paano sila magsaya nung nalaman nilang magkakaroon na sila ng anak. Anak na kadugo nila. At ikaw 'yon. Umaga-Gabi, ang atensyon nila ay nasayo lang. Nakalimutan nila ako pero hindi ko magawang magalit sa'yo. Paano ako magagalit sa isang sanggol na walang kamuwang-muwang sa mundo?"

"Naging maganda naman ang daloy ng buhay natin. Nawala ang selos at inggit ko sa'yo pero alam mo kung ano ang naging dahilan kung bakit ako nagnanakaw sa kompanya natin?"

"Bakit?" Tanong ko.

"Well, narinig ko lang naman ang magaling mong ama na balak niyang ipamana ang lahat ng ari-arian nila sa'yo! Hindi nila ako naisip! Ako ang nagpatakbo at nagpalago ng negosyo natin! Lahat ng pwedeng gawin ay ginawa ko para lang mapakita sakanila na deserving akong maging parte ng pamilya niyo pero bakit ikaw. Ikaw parin ang nakikita nila?! Alam kong hindi nila ako tunay na anak pero bakit ang unfair?! Ako 'yung nandyan nung wala ka pa. Ako 'yung nandyan nung malungkot sila! Ako 'yung nandyan nung bumabagsak na ang kompanya pero kahit isang appreciation ay hindi nila ako binigyan. So, unfair!" Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Caleb.

Gulat na gulat si Yaminah. "Pero hindi ko parin maintindihan. Bakit kaylangan mong magnakaw?!"

"Dahil mas maganda na bumagsak nalang ang ponyetang kompanya niyo kesa sa pakinabangan mo ang pinaghirapan ko." Galit na tugon ni Caleb. "Tsaka anong sabi mo? Nagnakaw? Hindi ako nagnakaw, kinukuha ko lang ang pera na dapat ay saakin. Dahil ang kalahati ng pera na mayroon kayo ay galing sa paghihirap ko!"

Walang masabi si Yaminah. Gusto niyang magalit pero naiintindihan niya ang pinagga-galingan nito. Gusto lang ni Caleb ang mahalin siya ng mga magulang nila pero hindi nila iyon naibigay.

Marahas na pinunasan ni Caleb ang mga luha niya. "Stop this drama at sunod nating pag-usapan ang rason kung bakit kaylangan mo pang maglagay ng camera sa bag mo."

Nagulat si Yaminah sa sinabi ng kanyang huwad na kapatid. Hindi nito alam kung paano nalaman ni Caleb na may dala itong camera at paano rin niya nalaman na nakalagay ito sa bag.

"๐—Ÿ๐—ฒ๐˜'๐˜€ ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ธ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—–๐—น๐—ฎ๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฒ....."