𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝘀𝗶𝘅:
[Reed's POV]
Kanina pa ako pinagpe-pyestahan ng mga lamok pero hindi ako pwedeng mag-reklamo dahil baka bigla akong masampal ni Yaminah. Scary.
Nandito kami ngayon sa apartment ng pamilya ni Yaminah at dito rin naming ginagawa ang imbestigasyon. Wala ang mga magulang niya rito dahil inaasikaso nila ngayon ang mga kagamitan para sa itatayong bakery shop.
Gustuhin ko man na sa bahay nalang namin gawin ang imbestigasyon 'kuno' na ito kaso tinamatamad daw si Yaminah na dalhin ang lahat ng files ng kuya niya roon. O diba? Siya na nga ang may kailangan saamin tapos siya pa ang tamad. Kung hindi ko lang kapatid 'yan, baka nasapak ko na. Aish.
"Wala ba kayong aircon o kahit katol man lang. Ang lamok."
Natawa ako ng kaunti nang marinig ko ang hinaing ni Milo. Dalawang electric fan ang nakatutok saamin kaso hindi iyon sapat para maibsan ang init at paalisin ang mga lamok.
"Sino ba kaseng nagsabi na sumama ka?!" Inis na sagot ni Yaminah.
Tumayo ng tuwid si Milo. "Chill lang, nagbibiro lang ako eh." Simangot na ani nito.
Hindi na siya ulit sinagot ni Yaminah at ibinalik niya ulit ang atensyon sa computer. Hindi ko alam kung ano ba ang eksaktong naroon pero base sa nakikita ko ay para bang pera or share sa company.
"Look at at this.." turo ni Uno sa computer. Lumapit naman kami rito. "Akala ko ba ay na-bankrupt ang company niyo, Yaminah?"
"Yeah.... Mayb--I'm not sure."
Huminga ng malalim si Uno. "You're not sure? I thought, na-bankrupt na 'yon?"
"Yeah. Na-bankcrupt na nga siya but..... Arghhhh!.... Tangina, sabihin mo nalang 'yang nakita mo. Ang dami mo pang daldal. Ponyeta!"
Napataas ang kilay ni Uno at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Yaminah. "I'm just asking, no need to curse."
"As if naman na hindi ka rin nagmumura."
"You know what, huwag na lang natin 'tong ituloy. Pagod na ako sa pagiging mainitin ng ulo mo. Kami na nga ang tumutulong tapos ikaw pa ang ganyan." Inis na sabi ni Uno.
"Bakit ikaw? Kahit naman na wala akong ginagawa ay palagi karin namang galit?! Binu-bully niyo nga ako dati kahit wala man akong ginagawa eh!"
"Matagal na 'yon, Yaminah! Past is past! Forget!"
"Forget?! Kung gusto mong kalimutan ko 'yon then..... fuck you!"
"YOU?!"
Mukhang hindi na rin alam ng mga kasama namin dito kung paano sila patitigilin dahil natatakot kaming madamay. At nakakatakot sila.
"Huwag kayong umasta na para bang ayos lang ang lahat dahil never naging ayos 'yon! You ruined my highschool life! Ni apology ay wala akong natanggap then do you expect na kakalimutan ko ang lahat ng iyon?... If you think so, then your dumb!"
Pumagitna na ako sakanila. "Hey, calm down. Narito tayo para malaman ang katotohanan at hindi ang mag-away."
Tumingin ng marahas si Yaminah saakin.
"Kasama ka roon. Hindi ko alam kung paano niyo nagagawang makipag-usap saakin kahit na hindi maganda ang past natin. A simple sorry will do but may nag-apology ba? Diba wala!"
Lumapit ako kay Yaminah. "I'm sorry."
"You're just being sorry because I demand it. Magso-sorry ka parin kaya kapag hindi ko sinabi 'to? I don't think so." Anito bago lumabas ng kwarto.
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Maging ang paghinga namin ay para bang naging limitado dahil sa tensyon.
Alam kong naguguluhan siya ngayon at alam ko ring hanggang ngayon ay hindi nito matanggap na pwede pala siyang lokohin ng kuya niya, pero bakit pati kami dinadamay niya sa inis niya? I mean... whatever.
"What did you do to her?" Napatingin kami kay Jess nang magsalita ito.
"We did nothing to her." Uno's answered.
"Liar."
Katulad ni Yaminah ay marahas din itong lumabas.
--------
[Yaminah's POV]
Narito ako ngayon sa labas at kasalukuyan inilalabas ang sama ng loob ko. Wala naman akong balak na ungkatin pa ang nakaraan dahil alam ko naman na nagbago na sila pero hindi ko maiwasan. Masyado ng magulo ang utak ko. Drained na drained na ito. Para bang sasabog na ako.
Hanggang ngayon ay ayaw kong maniwala sa sinasabi ni Joan. Ayaw kong maniwala na magagawa ni Kuya ang lokohin kami at ang..... pumatay.
Pero kahit anong tanggi ko ay masyadong malakas ang mga ebidensya laban kay kuya. Mula sa mga nawawalang pera sa kompanya, DNA Test, even the death of Claudine, siya ang itinuturo. I'm confused.
Nagkataon na sila ang kasama ko kanina kaya sakanila ko naibuhos ang sama ng loob ko. I feel sorry. Hindi ko gusto ang sumbatan sila, kusa nalang lumabas sa bibig ko.
"Yaminah."
Agad kong pinunasan ang aking pinge ng sandaling marinig ko ang boses ni Jess. Umupo ito sa tabi ko at marahan na hinawakan ang aking balikat.
"Hindi ko alam kung ano ba ang naranasan mo but... please..... Try to understand them."
Napatingin ako rito. "What? Understand them?"
"Yeah. Pagpasensyahan mo na kung ganoon ang naging trato nila sa'yo. May nangyari kasing hindi kaaya-aya noon. Iyon ang dahilan kaya naging ga'non ang mga ugali nila."
"Huh?"
Lumunok ito ng ilang beses bago magsimulang i-kwento ang lahat. Lahat-lahat. Nalilito ako sa una pero unti-unti ko ring naiintindihan ang lahat.
Kung bakit gan'on nila ako tratuhin. Kung bakit marahas sila. Kung bakit parang ang cold tumingin nina Aiden at Uno. Kung bakit parang may nakapalibot palaging maitim na awra sakanila. I didn't expect na ganoon pala ang naranasan nila.
Nagsimulang magbago ang lahat, noong namatay si... Claudine.
"Hindi ko alam kung bakit ka nadamay sa problema nila. Pero isa lang ang alam ko. Simula no'ng namatay si Claudine, nagsimula narin silang dumistansya sa lahat." Huling ani ni Jess bago tapusin ang kwento niya.
I thought, ugali na talaga nila ang mang-asar at mang-bully ng iba pero hindi ko alam na may pinaggagalingan pala sila. Na may madilim pala silang nakaraan.
"Higit sa lahat, si Aiden at Uno ang naapektuhan ng sobra. Gusto ka naming tulungan, Yaminah. Hindi dahil sa naaawa kami saiyo, bagkus ay umaasa kami na sa oras na malaman natin ang lahat-lahat, baka ito narin ang maging tulay para tuluyang mawala ang pader sa pagitan nina Aiden at Uno. Na baka ito na ang maging dahilan para bumalik ang dating ugali ni Uno at maibalik na ang dati nilang pagsasamahan. Let us help you."
Hindi ako nakapag-salita. Wala akong mahanap na kahit ano sa bibig ko para isagot kay Jess. Now I know, hindi nila ginusto ang maging gan'on, na-trauma lang sila sa mga nangyari sa nakaraan kaya pinili nilang naging marahas dahil natatakot sila na mapalapit muli sa iba at mawalan.
Sabay kaming bumalik sa loob ni Jess sa apartment ko at bumungad agad sa'min ang apat na naka-upo sa sofa at mukhang kanina pa kami hinihintay.
Dagliang tumayo si Reed na sinundan naman ng iba at mabilis na lumapit saakin. Hinawakan nito ang aking kamay at magaaan na hinalikan.
"I'm sorry, little sis. We didn't mean to do that. We regret it. Promise. We reg--"
I cut his off. "I know, kuya. Alam ko na ngayon. I'm sorry den if naging mainitin ang ulo ko. I'm sorry."
Napatingin ako sa tatlo ng sabay-sabay silang magsalita.
"I'm sorry, Yaminah." - Uno
"Sensya na beh." - Milo
"Hey, sorry." - Aiden.
Nginitian ko sila at mabilis na yinakap. Yinakap din naman nila ako pabalik, sumama pa saamin sina Jess at Reed. Group hug.
Sa wakas ay natagpuan ko na rin ang mga taong pwede kong pagkatiwalaan Hindi ko inakala na ang mga taong inayawan ko nung una, ay sila pang tutulong at magiging sandigan ko.
Bumitaw ako sa yakapan at masaya silang tinignan. "So, pwede naba tayong bumalik sa ginagawa natin kanina?"
"Oo naman. Hulihin na natin ang kuya mong fake."
Natawa ako ng biglang batukan ni Uno si Milo. "Hindi pa tayo sure kung may kinalaman ba talaga siya. Bobo."
Hinawakan ni Milo ang puso niyo at nagkunwareng nasasaktan. "Ang sakit mo naman magsalita, daddy."
Muli kaming natawa ng batukan uli siya ni Uno.
"Gago."