𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝘀𝗲𝘃𝗲𝗻:
Ipinagpatuloy namin ang paghahanap ng mga ebidensya kay ku--Caleb at mula roon ay natuklasan namin na hindi talaga nagsi-sinungaling si Joan at purong katotohanan ang lahat ng paratang nito.
"Kriminal talaga ang kuya mo, Yaminah." Naiinis na ani ni Jess.
"Hindi ko siya kuya dahil wala akong kapatid na kriminal." Matapang na sagot ko.
Desidido na akong magsampa ng kaso laban kay Caleb. Sapat na ang mga ebidensyang nakalap namin para madiin siya sa mga krimen na dapat ay matagal na niyang pinagbabayaran.
Totoong na-bankrupt ang company namin pero ngayon ko lang nalaman na ang dahilan pala ng pagka-lugi at patong-patong na utang namin ay si Caleb ang dahilan. Nilustay nito ang pera ng kompanya at hindi pa siya nakuntento roon dahil nangutang pa siya ng milyon-milyon sa bangko at ang dahilan niya ay para raw ito sa kompanya kahit ang perang iyon ay gagamitin niya lang sa pansariling kapakanan. Napaka-selfish niya!
"How about the case of Claudine? Wala tayong concrete evidence para idiin ang kuya mo. Mahihirapan tayo roon, lalo't wala tayong witness o kahit video man lang ng krimen." Wika ni Reed.
"Hindi ba pwede na gawing ebidensya ang sinabi ni Joan?" I asked.
"Pwede naman pero hindi parin sapat na ebidensya 'yon. Madali lang gumawa ng kwento, Yaminah. Mas maganda sana kung nai-video niya iyon o kahit voice record lang habang sinasabi ni Caleb na siya ang pumatay kay Claudine."
Napa-isip ako. "Wala tayong choice kundi puntahan si Caleb at harap-harapan na paaminin." Aniko.
Mukhang hindi sang-ayon si Uno sa suwestiyon ko. "Delikado. Paano kung hindi siya umamin at baliktarin niya tayo."
"Kung sakali man na mabaliktad tayo, wala tayong magagawa kundi isiwalat agad-agad ang lahat ng katiwalian niya. Sigurado rin akong hindi tayo papabayaan ng mga magulang natin." I said with determination.
Tumango sila sa'kin kahit na bakas parin ang paga-alinlangan sa kanilang mukha.
"Uhmm... Pwede bang mag-salita?" Ani ni Milo.
"You're already talking, stupid." Mataray na saad ni Uno.
Inismiran naman siya ni Milo. "Napaka-KJ mo talaga. Tse, hindi kita bate."
"Edi don't."
"Talagang hindi."
Tumawa nalang kaming lahat dahil sa paga-away nilang dalawa. Para silang magkapatid kung umasta.
Tinapos namin ang buong araw na puro asaran lang kami. Ngayong natapos na naming ayusin ang lahat, kaylangan nalang namin na paaminin si Caleb sa ginawa niyang krimen kay Claudine at pagkatapos non ay sigurado akong matatapos na rin ang problema ko.
This past weeks ay kumpol-kumpol na problema ang dumating saakin; school problem, personal problem and family problem.
Minsan ay napapa-isip ako kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, ako pa ang nagawang piliin ni God para harapin ang mga problema na ito. Isa lang akong estudyante at wala pa akong sapat na kapasidad para solusyonan ang lahat ng mga 'yon.
Subalit nang patagal ng patagal ay nare-realize ko ang totoong pakay ng Panginoon kung bakit niya ibinigay ang mga pagsubok na ito sa'kin. Dahil gusto niyang matuto akong magtiwala, matuto akong humarap sa lahat ng hamon at matutunan ko na, hindi sa lahat ng oras ay nagi-isa ako; palaging may tao na handa akong tulungan.
Life is so magical. Maraming bagay ang dumarating ng hindi mo inaasahan at ang tanging magagawa mo na lang ay sumunod sa daloy ng iyong buhay.
Nawa'y matapos na ang problemang ito, para makapag-pahinga na ako. I'm so tired.
"Hoy! Ayos ka lang." Napatingin ako kay Kuya Reed ng bigla itong magsalita.
Narito kami ngayon sa classroom at bakante ang oras namin dahil kakatapos lang magturo ni sir.
"Yup. May iniisip lang."
"Tungkol ba ito sa kuya mong huwad?" He asked.
Umiling ako rito. "Hinde."
"Hinde? Then what? Kung may problema ka, nandito lang ako."
Nilingon ko ito at natanaw ko ang mukha nitong may bahid ng paga-alala. "Yup. If anything bad happen to me. Sasabihin ko agad saiyo."
Nginitian niya ako. "As you should. Alam mo naman na importante ka sa buhay ko at hindi ko hahayaan na mapahamak ka."
"I know." Tipid na sagot ko.
Nagulat pa ako ng bigla ako nitong yakapin pero hindi na ako umangal at hinayaan ko nalang siya. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Matagal ko ng gusto na makasama ka at ngayong nandito kana, hinding-hindi kita pababayaan. Itaga mo sa bato." Sabi ni kuya habang nakayapos parin saakin.
Natigil kami sa pagyayakapan ni kuya ng biglang may magsalita sa hindi kalayuan. "Ang sweet naman ng mag-kapatid na 'to. Daddy Uno, yakapin mo rin ako." Boses bata na sabi ni Milo.
Natawa naman kaming dalawa ni kuya dahil doon. Tumingin kami sakanila at napansin kong kumpleto ang tatlo; Uno, Aiden at Milo.
"Shut up!" Anas ni Uno.
"Sakit mo mag-talk daddy. Sumbong kita kay mommy."
Nagulat ako ng biglang yumakap sa'kin si Milo. Nag-tila bata pa ito na para bang inagawan ng lollipop.
"Mommy, si daddy ina-away ako."
Pilit kong inilalayo ang mukha niya dahil tumama ang ilong nito sa dibdib ko.
Alam kong maliit lang ang dibdib ko pero ang importante ay may utong 'yon. Tse.
"Tigilan mo nga ako, Milo. Never mo akong magiging mommy."
"Ayaw mo ba saakin?" Napa-rolyo nalang ako ng mata nang muling magboses bata si Milo.
"Wala akong anak na panget kaya lumayo ka sa'kin."
Umurong ito ng kaunti at umacting na para bang ina-alipusta namin siya.
"Kung ayaw niyo akong maging baby puwes ako nalang ang gagawa ng sarili kong baby." Anito bago padabog na lumabas sa classroom.
Napatapik nalang sa noo si Uno. "Isip-bata parin talaga ang gagong 'yon."
"Parang hindi kana sanay kay Milo. Alam mo naman, bihira lang maka-inom ng gatas kaya naging ganyan ang utak."
Napatawa ako ng malakas dahil sa hirit na biro ni Aiden. Ponyeta sila. Sigurado akong magwawala si Milo kapag narinig niya ang mga pinagsasabi ng mga mokong na ito tungkol sakanya.
Kumuha ng isang silya si Uno at umupo sa tabi ko. "Pero ito seryoso. Malapit na--"
I cut his off. "Palagi ka namang seryoso, Uno. Wala namang nagbago."
Tumawa naman muli ng malakas ang mga taong nasa paligid ko. "Fuck you, Yaminah."
"Then Fuck Me."
Kung ano ang bilis ng tawanan nila ay siya ring bilis ng pagtahimik nila. Napatakip naman agad ako ng bibig ng ma-realized ko ang mga nasabi ko.
Akward
Tanginang yan. Lupa, lamunin mo ako, plsss. Hiyang-hiya ako habang pinagmamasdan ang mukha nilang lahat na may naka-pintang gulat na reaksyon.
"Yaminah, gusto mong i-fuck kita?" Nakangising tanong ni Uno.
"Huh? M-may sinabi b-ba ako?..... Ay oo nga pala..... Kaylangan ko ng umuwi, may gagawin pa pala ako."
Hindi ko na hinintay na sagutin nila ako dahil dagli-dagli kong iniligpit ang gamit ko at mabilis na lumabas.
Nakakahiya. Arghhhh.....