Chereads / The Love Wars / Chapter 25 - Traitor

Chapter 25 - Traitor

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝗳𝗼𝘂𝗿:

"Sige mag-usap tayo Joan."

Hindi ako nito sinagot bagkus ay dumeretso siya papunta sa hagdan at bumaba. Sinundan ko siya. Hindi ko alam kung ano ba ang kaylangan niya saakin at kung bakit ba kaylangan niya pa akong kausapin.

Matapos niyang mawala ng halos ilang taon at abandunahin si Kuya Caleb ay bigla siyang magpapakita saakin na para bang ayos lang ang lahat. Na para bang wala lang sakanya ang ginawa niya sa kuya ko.

Nakapunta kami sa pinaka-ground floor ng building na ito at dumeretso kami sa playground. Umupo si Joan sa bakal na silya ng isang swing habang umupo naman ako sa kabila. Sa loob ng ilang buwan ko rito, ngayon na lang ako ulit naka-balik sa playground na 'to.

"Anong kaylangan mo?" Tanong ko rito.

"Gaya ng sabi ko kanina. I need to talk to you. You need to know this." She answered.

Tinignan ko siya ng seryoso. "At ano ang kaylangan kong malaman?"

May kinuha itong envelope sa kanyang bag. Binuksan niya ito at ibinigay saakin ang isang puting papel. Maraming nakasulat at karamihan doon ay numero. Hindi ko maintindihan. "Ano 'to?" Curious na tanong ko.

"Ayan ang mga pera na ninakaw ng kuya mo sa inyong kumpanya." Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito at tinignan ko siya ng may nagtatakang mukha. "And do you think na paniniwalaan ko ang sinasabi mo?"

"Alam kong mahirap pero kaylangan mong maniwala. Hindi ko alam kung ano at bakit niya ito ginagawa sainyo. Pinapa-imbestigahan ko na siya pero palagi kaming nabibigo na makakuha ng impormasyon tungkol sakanya."

"Kung may galit ka man sa kuya ko. Pwede bang siya nalang at huwag mo na akong isali!" Hindi ko na napigilan na mapa-sigaw dahil sa galit. Hindi ako makapaniwala na pinapaikot ako ngayon ni Joan.

"Alam kong galit kayo saakin dahil iniwanan ko ang kuya mo dati. Pero sana maintindihan niyong ginawa ko iyon dahil kaylangan kong protektahan ang puso at pamilya ko."

"Protektahan? Bakit? Ano bang ginawa niya sainyo?"

"Ginagamit niya ako para sa pera. Unti-unti niyang kinukuha ang pera at kayamanan namin para sa---" Pinigilan ko ito. "That's bullshit, Joan! Huwag mo akong lokohin. Hindi ako tanga!" Sigaw ko.

"Hindi ako nagsi-sinungaling! Palagi siyang humihingi ng tulong saakin. Kesyo nagkasakit ka raw, may nangyari sa pamilya niyo, kaylangan daw magbayad para sa tuition. Pero lahat ng iyon ay kasinungalingan lang. May iba siyang pinangga-gamitan."

"Sakit? Ako? Mapera kami dati kaya bakit naman siya hihingi ng tulong saiyo? Kung hindi lang sana na-bankrupt ang kumpanya namin baka mas marami pa kaming pera kaysa sainyo. Kaya huwag mo akong niloloko!"

"Iyon nga ang hindi ko alam! Kung bakit niya iyon ginagawa! Maniwala ka saakin Yaminah! Para sainyo ito." Sagot nito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko na siya. Hindi ito lumaban bagkus ay hinayaan niya lang ako. "Huwag mo akong pupuntahan kung ganyan lang ang sasabihin mo!"

"Hindi mo siya totoong kapatid!"

Agad akong na-estatwa sa sinabi niya. "Anong sabi mo?"

Mayroon itong kinuha na isa pang puting papel sa envelope at ibinigay ito saakin. "Iyan ang DNA Test niyong dalawa. Nakalagay diyan na negative at hindi kayo magka-dugo. Ang akala ko dati ay ikaw ang ampon pero it turn out na si Caleb pala ang ampon at hindi ikaw. Kahit ako ay nagulat nong malaman ko iyan. Maniwala ka."

Natigilan ako at hindi makapag-salita habang hawak-hawak ko ang puting papel. Nakalagay dito na negative at hindi kami magka-ano-ano ni Kuya Caleb. "Peke ito. Hindi ito totoo."

Umu-urong ako habang lumalapit naman sakin si Joan. Pilit niya akong hinahawakan pero hinahawi ko lang ito. Ayaw kong maniwala pero mayroong part ng sarili ko ang gustong paniwalaan ito. Litong-lito na ako.

"Alam kong mahirap itong paniwalaan pero ito ang totoo." Muli niyang wika habang pilit akong hinahawakan.

"No. It can't be true."

"Totoo ito Yaminah. Ito ang katotohanan. Naa-alala mo yung araw na ni-reject ko ang kuya mo?" Tumango ako rito.

"Hindi ko siya ni-reject non. Nahuli ko siyang nagnanakaw ng pera sa kompanya niyo at balak ko siyang isumbong kaso pinagbantaan niya akong papatayin kung magsasalita ako. Hindi totoo na ni-reject ko siya dahil never naman siyang nanligaw saakin."

"Huh? Paanong....." Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ko dahil bigla nalang bumuhos ang mga luha ko. Hindi na kinakaya ng puso at utak ko. Masyadong nakakagulat. "All this time, niloloko niya kami!"

"Yes. Niloloko niya lang kayo. At ang suspetya ko, siya ang nasa likod ng pagbagsak ng company niyo."

Taka ko naman itong tinignan. "Anong pinagsasabi mo?"

"Hindi kaba nagtataka kung bakit kaylangan pang pumunta ng kuya mo sa ibang bansa para lang makalimutan ako? Nagpunta siya roon hindi dahil sa ayaw niya akong makita o para mag-move-on. Pumunta siya roon para mailayo ako sa mga magulang mo dahil ayaw niyang magsumbong ako. Katapusan na niya kapag nalaman niyo ang mga ginagawa niya. " Huminga ito ng malalim. "Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit siya umalis sa bansa dahil  bago pa man naka-alis si Caleb, nakapatay siya ng tao."

Taka ko itong tinignan. "Nakapatay?"

"Oo. Nakapatay siya ng tao. Dati niya itong kaibigan, si Claudine. Ex-girlfriend ni Aiden; ang kaibigan mo. Siya ang pumatay sa kawawang babae na yon pero ang mas nakaka-inis pa roon ay imbes na sumuko sa kapulisan. Isinisi niya ang krimen na ginawa niya kay Uno. Hindi ko alam kung paano niya ito ginawa dahil nung minsan na malasing siya, nai-kwento niya sakin na nakapatay siya ng tao at Claudine ang pangalan. Kaya no'ng umalis siya ng bansa, nagsimula akong mag-imbestiga at doon ko nga natuklasan na dati palang karelasyon ni Aiden ang babae."

Umiiyak na ako mabilis narin ang tibok ng puso ko. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga sinasabi niya. Gaano ko nga ba kakilala ang kuya ko?

"Yan na ba ang lahat?" Walang emosyon na wika ko.

"Hindi ko alam. Ayan lang ang nalalaman ko. Kung gusto mong malinawan tungkol kay Claudine, mas magandang kausapin mo si Aiden diyan."

"Hindi ko alam Joan. Mahirap. Sobrang hirap paniwalaan ng lahat ng 'yan." Litanya ko rito.

Tinapik niya ako sa balikat bago pulutin ang mga papel na nasa damuhan. Ibinalik niya ang lahat ng ito sa envelope at inilagay niya ito sa mga kamay ko. Ayaw ko pa sanang kuhanin kaso pinigilan niya ako.

"Hindi kita pipilitin na maniwala pero sana huwag mong ipagsa-walang bahala ang mga ito. Sana ay maliwanagan ka at huwag sanang dumating ang araw na pagsisihan mong hindi ka agad gumawa ng aksyon." Anito bago umalis.

Naiwan akong tulala at hindi alam ang gagawin. Magulo. Gulong-gulo ako. Gusto kong maniwala pero nagti-tiwala ako sa kuya ko. Tiwala akong hindi niya iyon magagawa. Tiwala ako sakanya dahil kuya ko 'yon.

Kaylangan kong kumpirmahin ang lahat ng ito. Kaylangan kong malaman kung totoo ba ang lahat ng ito o sinisiraan lang ni Joan si Kuya caleb.

Pero saan ako magsi-simula? Kung si Joan na mayaman at makapangyarihan ay hindi magawang lumapit sa kuya ko. Paano pa kaya akong hamak na babae lang. Kaylangan ko ng tao na may sapat na kakayahan para tulungan ako rito. Tao na sa tingin ko ay mayroong sapat na pera at impluwensya para makasagap ng kahit katiting lang na impormasyon sa kuya ko. Tao na alam kong mayro---

Naantala ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng maliit na boses, galing sa damuhan.

"Huwag nga kayong maingay."

"Narinig niyo ba yon. May kinalaman daw yung kapatid ni Yaminah sa pagkamatay ni Claudine."

"That fucker! Talagang diniin niya saakin ang krimen niya."

"Oyy. Patahanin niyo nga si Uno. Baka marinig tayo!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at aking hinawi ang mga malalaking damo na siyang nagtatakip sa mga mokong na ito.

"Anong ginagawa niyo rito?!" Galit na sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata nila at agad na tumayo ng tuwid sa harapan ko. Nandito silang lahat; Uno, Reed, Aiden, Milo at maging si Jess ay narito rin. "Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Wala kaming narinig." Depensa ni Reed saakin.

"Oo nga naman. Wala kaming narinig. Hindi namin alam na ang kuya mo ang siyang nagpabagsak sa Kompanya niyo. Hindi rin namin alam na hindi mo siya tunay na kapatid at syempre hindi rin namin ala----" Natigil sa pagsasalita si Milo ng binatukan siya ng malakas ni Uno.

"Shut up! Yes. Narinig namin ang lahat. Lahat-lahat." Diniin pa talaga ni Uno ang huli nitong sinabi.

"Hindi niyo naman ako na-inform na may lahi pala kayong tsismiso." Inis na saad ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Why? May karapatan naman siguro kaming malaman yon dahil damay din kami roon."

"Excuse me? Si Aiden lang ang kasali."

"Pero isa ako sa diniin ng kuya mong huwad sa krimen na dapat ay siyang humarap. Am I right?" Mariin na sagot ni Uno.

Nagtaas ng kamay si Jess kaya napa-tingin kaming lahat dito. "Willing kaming tumulong. Alam kong gusto mo ring malaman ang katotohanan. Kaya we're here to help you. You can use our money and influence para makasagap ka ng information sa kuya mo."

"My sister is right. Use us." Ani ni Uno.

"But----"

Tinakpan ni Uno ang bibig ko. "No but. Kapag sinabi naming tutulong kami. Tutulong kami." Naparolyo nalang ako ng mata.

"As if naman na may choice pa ako."