Chereads / The Love Wars / Chapter 24 - Ramble

Chapter 24 - Ramble

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝘁𝗵𝗿𝗲𝗲:

Hiyang-hiya ako habang naglalakad kaming dalawa ni Kuya Reed sa kahabahan ng hallway. Pinagti-tinginan kami ng mga estudyante dahil naka-akbay ang kuya ko saakin habang sumisipol.

Sinundo niya ako kanina sa apartment na inuupahan nina papa at ang sabi niya ay simula ngayon, siya na raw ang maghahatid saakin araw-araw.

Alam ko naman na wala itong malisya saaming dalawa dahil magkapatid naman kami pero hindi ko parin mapigilan ang makaramdam ng ilang, lalo na't walang kaalam-alam ang ibang estudyante rito tungkol sa relasyon namin. Baka isipin nila na mag-jowa kami. Hays.

Pumasok kaming dalawa ni kuya sa loob ng classroom at nakita ko pa ang gulat na mukha ng mga kaklase ko habang nakatingin saaming dalawa ni Kuya Reed. Mukhang nagtataka rin sila kung bakit kami magkasama at naka-akbay si Kuya saakin. Gusto ko man magpaliwanag at sabihin na, kapatid ko iyan. Pero ayaw ko naman na pangunahan si kuya. Siya na raw ang bahala na magpaliwanag sa lahat.

"You're late." Napatingin kami kay Sir. Al nang magsalita ito.

Dumuko naman ako para humingi ng paumanhin. "Sorry po sir."

"It's okay. Huwag niyo nalang sana ulitin." Anito bago kami senyasan na umupo. Siniko ko pa si Kuya Reed dahil sa hindi nito pag-hingi ng sorry pero hindi lang ako nito pinansin.

Hanggang sa pag-upo namin ay naka-sunod parin ang mga mata ng ilan sa mga kaklase ko.

Umupo na ako sa aking pwesto at umupo narin si kuya sa kanyang silya. Nasa harap ito at nasa likuran ako kaya medyo nakahinga ako ng kaunti dahil nabawasan ang mga matang naka-sunod saamin.

"The quarterly test will be held next week, class. So I'm assuming you're all prepared." Ani ni sir.

Agad naman na pumalibot ang mga bulungan at atungal sa buong classroom. "Alam kong marami ang ayaw sa test na ito pero wala tayong magagawa. That quarterly test is part of our curriculum. And kung gusto niyong maka-graduate. Kaylangan niyong pagbutihan." Dagdag ni sir.

Nagsi-tanguan kaming lahat. Kahit na may iilan ang tutol sa test na iyon ay wala naman silang magagawa. Mayayaman sila pero hindi nila hawak ang school system dito sa Pilipinas.

"Mayroon pa naman tayong one week to prepare that test kaya huwag kayong mag-alala. Beside, I believe that you can all do it. Fight!" Nakangiting wika ni sir. Napangiti naman kaming lahat at sabay-sabay na sinabi ang salitang fight.

Habang nasa kalagitnaan kami ng saya, biglang may pumasok na isang estudyante at sinabihan si sir na pumunta raw sa faculty dahil may urgent meeting daw. Nag-paalam ito saamin at sinabi na mag-behave raw kami hangga't hindi siya bumabalik.

Nang maka-alis na ito ay nagsimula ng mag rambulan ang lahat. De joke lang. Nag-ingay lang sila at nakipag-tsismisan sa isa't-isa. Buti nga ay ganyan lang ginagawa nila eh, usapan lang. Dati kase ay puro batuhan ng papel at murahan ang maririnig mo rito.

Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako at nagpaalam kay Kuya Reed na aalis sandali. "Samahan na kita." Sabi niya. Agad naman akong tumanggi rito. "Bibili lang ako ng pagkain sa canteen kaya diyan ka nalang." Tumango nalang ito at hindi na siya nakipag-argumento pa.

Lumabas na ako at nagsimula ng lakarin ang hallway papunta sa canteen. Every floor ng building dito sa Lidford Academy ay may kanya-kanyang canteen. O diba? Sosyal ang mayora niyo at may pa-canteen every floor. I kennat.

Sarado ang mga karamihan ng pinto sa mga classroom at kasalukuyan na nagtuturo ang mga guro roon. Mayroon din namang katulad ng section namin na vacant ang klase dahil sa urgent meeting ng mga guro.

Habang naglalakad ako papunta sa canteen, may dalawang babae ang biglang humarang sa daraanan ko. Hindi ko alam kung ano ang kaylangan nila pero hinaharangan nila ang daan ko. Kapag pupunta ako sa kaliwa ay pupunta rin sila roon. "Anong problema niyo?"

"Nothing." Sagot ng isa sakanila.

Halatang basagulera 'yung sumagot saakin dahil sa uniporme niyang hindi ayos at lipstick nitong kulay itim. Isama mo narin ang tattoo niya sa binti. Real life bad girl ng Pilipinas. Bad girl na dugyot.

"Anong wala? Pwede bang linawin niyo nga ako. Gusto ko lang pumunta sa canteen kaya pwede bang umalis kayo sa daan ko."

Inismiran ako ng isa sakanila. "Bakit kami aalis sa daanan mo? Pagmamay-ari mo ba ang eskwelehan na ito?"

"Hindi. Pero kapag hinampas ko itong ballpen na hawak ko sa pagmumukha niyo. Sigurado akong makikita niyo ang totoong may-ari nito." Matapang na sagot ko.

"Narinig mo iyon? Ihahampas daw ang ballpen sayo, sisteret." Ani ng babaeng fuck girl ang datingan dahil sa naka-usli nitong bra at palda niyang sobrang ikli. Para bang kaunting hangin lang ay lilitaw na ang panty niya. Shocks. Delikasadang babae.

Umangkla naman ang kilay nung mukhang bad girl. "Matapang ka masyado. Gusto ko lang naman magtanong saiyo."

"Ano naman ang itatanong mo?"

Kinuha nito ang bubble gum sa bibig niya at pina-ikot sa kanyang mga daliri bago itapon sa sahig. "Kaano-ano mo si Reed? Bakit kasama mo siya kanina? Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagiging malandi mo? Una si Uno ang nilandi mo tapos si Reed naman ngayon. Masyado kanaman atang sugapa."

Napa-taas ang kilay ko dahil doon. "Sinong malandi? Ako? FYI lang ah. Hindi ako ang lumalapit sakanila dahil sila ang lumalapit saakin. Know your fact, gaga." Mataray kong sagot dito.

Ang kaninang naka-arko nitong kilay ay mas umarko pa, matapos marinig ang sinabi ko. "Hindi kalang pala malandi dahil assumera karin." Anito.

Lumapit saakin ang mukhang fuck girl at marahan na hinawakan ang buhok ko. "Sisteret, banatan naba natin 'to?"

Pumorma ang isang ngisi sa labi nung mukhang bad girl. "Sige sisteret, banatan na natin 'yan." Sagot niya bago hablutin ang buhok ko.

Halos masubsob ako dahil dalawang kamay ang nakahawak sa buhok ko. Gusto ko man lumaban pero hindi sapat ang lakas ko para labanan ang dalawang 'to. Bumitaw ang isa sa buhok ko at marahas niyang iniharap ang aking mukha sakanya. Ngumisi pa ito bago duraan ang aking mukha. Amoy na amoy ko ang mabaho nitong laway. Nakakadiri.

"Landiin mo na ang lahat, huwag lang ang aking boylet na si Reed." Matigas na sabi nung mukhang bad girl bago ako sampalin ng malakas. Isa. Dalawa. Tatlo. Lima. Siyam. Maraming beses niya akong palit-ulit na sinampal. Namumula na panigurado ang mukha ko dahil sa mga hagupit ng kamay niya.

Iyong mukhang fuck girl naman ay patuloy parin sa paghablot sa buhok ko. Hindi ko ba alam kung ilang hibla na ng buhok ko ang nakuha niya pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit na ng anit ko. Parang gusto na ata ako nitong kalbuhin.

"A-ano bang k-kasalan arghhhhh k-ko?!" Halos hindi ako makapagsalita dahil ang hapdi ng anit at mukha ko.

"Anong kasalanan mo? Malandi ka kase! Ayan ang kasalanan mo!" Sagot nung bad girl bago ako nito sampalin muli. Teka lang. Ang sakit na ng pisngi ko. Ponyeta!

"Kasalanan ko ba kung maganda ako tapos panget kayo." Sabi ko.

Mukhang nainis naman ang dalawa roon kaya mas lalong hinigpitan nung fuck girl ang pag-hawak sa buhok ko habang sinasampal ako ng paulit-ulit nung bad girl. Kapag talaga nakawala ako rito, bubugbugin ko ang mga panget na 'to.

"Anong ginagawa niyo?!" Kahit hirap ay sinubukan kong tumingin sa lugar kung saan nagmula ang boses na iyon.

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang pagdating niya.

"Huwag ka ng makielam dito?!" Sigaw nung bad girl.

"Makikielam ako sa ayaw at gusto mo. Bitawan niyo siya o baka gusto niyong pulutin sa kangkungan?" Mataras naman na sagot nito.

Tumawa ng mahina ang bad girl na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi nung kausap niya. "Hindi ko alam kung bakit napaka-rami niyong pilit na dumidikit sa malanding babae na 'to."

"At anong tingin mo sa sarili mo? Desente? Inosente? Kung tutuusin mas mukha ka pang pokpok sa mga nagsasayaw sa bar. Mukha kang higad na handang bumakaka kahit walang bayad."

Napatigil ang dalawa at tinignan ng masama ang pangahas na taong iyon. Nakahinga ako ng maayos dahil binitawan narin nila ang buhok ko kaya nakatayo na ako at naka-layo sakanila. Kitang-kita ko ang masama nilang tingin na pinupukol sa taong iyon.

"Ang kapal ng pagmumukha mo!" Sigaw nung bad girl.

"Kasing kapal ng make-up mo. Hindi mo ako nasabihan na may birthday party pala rito."

"Birthday party?" Nagtatakang tanong nung fuck girl.

"Oo. Mukha ka kasing clown kaya akala ko may birthday party dito."

Mas nanlaki at namula ang mukha nila dahil doon. Tumakbo ng mabilis ang bad girl papunta roon. Susunod pa sana 'yung mukhang fuck girl kaso agad kong hinablot ang buhok niya.

Anong akala niya? Nakakalimutan ko na ang pagsabunot niya saakin? Tanginang 'yan. Hinablot ko ang buhok niya ng sobrang lakas kaya nasubsob ito sa sahig. Hindi pa ako nakuntento dahil inapakan ko pa ang mukha nito para mas magdikit ang mukha niya at sahig. Uma-aray na ito at nagmamakaawa saakin pero hindi ko siya pinasin bagkus ay kinuha ko ang ballpen sa aking bulsa at tinusok iyon sa pwetan nito.

"ARAYYYYYY!" Sigaw niya pero hindi ko ito pinansin at mas diniin ang ballpen sa pwet niya.

Sa kabilang banda naman ay kasalukuyang nakayuko 'yung bad girl habang may paa na naka-apak sa likuran niya.

"Sa susunod na makita ko pa kayo rito na gumagawa ng kabalastugan, sisiguraduhin kong hindi lang 'yan ang mapapala niyo!" Sigaw ko bago bitawan ang fuck girl. Maging ang bad girl ay nakawala narin. Tumakbo silang dalawa na para bang takot na takot.

"Salamat." Ang tanging sabi ko roon sa tumulong saakin. Hindi ito sumagot bagkus ay tinignan niya lang ako. "Kung wala ka ng kaylangan, aalis na ako."

Nang akmang aalis na ako ay agaran nitong hinablot ang braso ko. "We need to talk."

"Wala tayong dapat pag-usapan." Aniko habang pilit na hinihila ang aking braso sakanya.

"Marami. Marami tayong dapat pag-usapan!" Sagot nito. "Kahit ngayon lang. Please."

Mukhang wala na akong magagawa kundi kausapin siya. Ayaw ko naman na magmukhang mataray at masabihan ng walang utang na loob lalo na't tinulungan niya ako.

"Sige mag-usap tayo, Joan."