𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝘁𝘄𝗼:
[Yaminah's POV]
"I-ikaw a-ang kapatid ko?" Utal na wika ko rito.
Nginitian naman ako nito ng kaunti. "Yes I am. Ako ang kapatid mo, Yaminah."
"R-Reed..." May pagtataka parin na wika ko. "I can't believe this."
Nakita ko ang pagtawa nito. "Me, either." He said.
Hindi ko alam kung paano ipo-proseso sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari. Nakakagulat na sa dinami-rami ng tao na magiging kapatid ko ay siya pa.
"Magkakilala kayo?" Napatingin kami kay papa nang magtanong ito.
"Opo. Kaklase ko siya." Tipid na sagot ni Reed.
"Really? Edi maganda kung ganoon pala." I don't think so.
Mukhang napansin naman ni Tita Leyla ang pagtataka at paga-alinlangan ko kaya nilapitan niya ako at marahan na humawak sa aking balikat. "Reed has already talk a lot about you. Alam ko ang pinagdaanan niyong dalawa, from enemy to brother." Nginitian niya ako bago alisin ang kamay nito sa balikat ko. "Palagi ka niyang kinu-kweto saakin. Kung gaano ka raw ka-bait at ka-tapang na babae. Alam kong matagal na niyang gusto na magpakilala bilang kuya mo kaso hindi niya magawa dahil sa sitwasyon namin ng papa mo. But now, he's here. I hope na matanggap mo siya kahit hindi siya anak ng nanay mo."
Tinignan ko si Reed na nakatingin din saakin. May bahid ng lungkot, pangungulila at pangamba ang mga mata niya. Tanggap ko naman siya eh kaso masyado lang ako nagulat na siya pala. Siya pala ang kapatid ko. Pero sino ba naman ako para umakto ng ganito. Sa'ming dalawa, alam kong mas naghirap si Reed. Lumaki siya na walang kinagisnang ama, habang ako, lumaki na buo ang pamilya. Sino ba ako para kwestiyunin siya.
"Nagulat lang po siguro ako pero tanggap ko siya. Kaylangan ko lang po siguro ng oras para i-proseso ito." Mahina kong sabi pero sapat na para marinig nilang lahat.
Tumikhim si papa ng malakas kaya napatingin kami sakanya. "Tara, kain na tayo." Anito. Tumango naman kaming lahat at agad na umupo para makapag-order na.
"Anong gusto mo?" sabi ni kuya re---I mean Reed.
"Kahit ano nalang."
"Nakakain ba 'yang, kahit ano nalang?"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Para sabihin ko saiyo Reed---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ito. "Kuya. Call me Kuya Reed."
"Excuse me?" I said.
"Dadaan ka? Daan kana." Pilosopo na sagot nito.
Hindi ko naman mapigilan na murahin siya ng mahina. Tinawanan niya lang ako bago tignan ng seryoso. "When I told you to call me kuya, I wasn't kidding." Seryosong wika niya.
"Huh? Hindi ako sanay tsaka ayos na 'yung Reed nalang. Parang 'yung dati lang di---" Again, hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko.
"Sign of respect. Sapat na bang dahilan 'yan para tawagin mo akong kuya?"
Napabuga naman ako ng mahina dahil doon. "Chill. Huwag ka ng magalit. Baka tumanda ka agad Kuya Reed." Diniin ko pa ang salitang kuya para mapakalma siya dahil mukhang naiinis na ito.
"I don't care. Gwapo parin naman ako kahit na tumanda ako."
"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo." Inis na sabi ko rito habang tinitignan ko siya na para bang diring-diri ako rito.
"Syempre nagmana ako saiyo"
"Hindi kaya makapal ang pagmumukha ko!"
Inilapit nito ang mukha niya saakin bago bumulong. "Natatandaan mo 'yung first day mo sa klase? Ano nga ulit ang sabi mo? Magiging valedictorian ka?" Nakangising wika niya.
"Huh? May sinabi ba akong ganon? Parang wala naman eh." Maang-maangan kong wika. Alam ko naman na may sinabi akong ganyan pero hindi ako aamin. Never.
"Sabi mo eh." Aniya.
Nakita namin ang pag pasok ng mga waiter sa kwarto kaya napunta roon ang atensyon naming dalawa. Isa-isa nilang inilapag ang mga iba't-ibang putahe sa lamesa. Hindi ko alam ang tawag sa mga pagkain na 'to dahil hindi naman ito Filipino food, parang italian siya.
"Try this. Panzanella ang tawag diyan. Masarap 'yan." Inabot saakin ni Kuya Reed ang pagkain na Panzanella raw ang tawag.
Kinuha ko naman ito at tumikim. "Yup, masarap nga siya." aniko bago kumuha ulit at kainin.
Napatawa naman ito ng mahina dahil sa pagiging sugapa ko sa pagkain. Wala na akong pakielam kung ano man ang maging hitsura ko ngayon dahil gutom na ako.
Dumaan ang mahabang oras at natapos din kaming lahat sa pagkain. Nakita ko pa ang pag-abot ni Tita Leyla ng bayad sa waiter. Pipigilan pa sana siya ni papa sa pagbabayad pero si Tita Leyla na mismo ang nag-insist na magbayad kaya wala ng nagawa si papa.
"Tungkol nga pala....." Napatingin kami kay Kuya Reed ng bigla itong magsalita. "Tungkol nga pala doon sa pag-aaral ni Yaminah. Kami ng bahala doon."
"Huh? Teka lang." Pigil ko rito.
"Why? Mas maganda na 'yon kesa naman sa mag-take ka ng scholarship dahil hindi naman lahat ng gastusin mo sa paaralan ay babayaran non. Beside, wala ka namang trabaho para suportahan ang pag-aaral mo." Litanya ni Kuya Reed.
"He's right, Yaminah. Alam kong nakakahiya pero ito na ang better option na pwede nating gawin." Ani ni papa.
"Pero---"
"Wala ng pero pero Yaminah." Pigil ni papa saakin. Napabuga nalang ako ng malakas dahil doon. "Huwag ka ng magmatigas. Kami na ang nakikiusap saiyo. Tanggapin mo na 'yon." Dagdag ni papa.
"Sige na nga." Wika ko. Kahit na labag sa loob ko ay nag-agree nalang ako. Wala naman akong magagawa eh, desidido na sila.
"So, settled naba ang lahat?" Tumango lang kami sa tanong ni Kuya Reed. "Then, uuwi na kami. May pasok pa bukas. Have a nice day and nice to meet you all. Especially you, papa." Wika ni Reed. Yinakap naman siyang muli ni papa. "Nice to meet you too son."
Kahit na ang tanging ginawa ko lang ngayon ay kumain. Parang pagod na pagod ako, physically and mentally. Ang daming nangyari sa loob ng isang linggo. Ang daming naganap. Ang daming rebalasyon.
"Are you okay?" Tanong ni papa habang tinatanaw namin ang sasakyan nina Reed na paalis.
Gusto ko man na ipiling ang aking ulo at sabihing, hindi, hindi ako ayos. Mas pinili ko nalang na tumango. Litong-lito ako ngayon. I don't know. Masaya naman ako kanina no'ng papunta kami rito pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko ng ma-meet ko na sila. "Uwi na po tayo." I said.
"Mas mabuti nga iyon para makapag pahinga ka." Dad answered.
-----
Someone's POV
"Any update?" Tanong ng isang supustikadang babae sa lalakeng naka-itim.
"Meron na po, madam. Tugma ang lahat ng conclusion natin. Nag-aaral si Yaminah sa Lidford Academy na pagmamay-ari nina Antony Lidford at Heyrie Lidford. Kasama ni Yaminah sa eskwelahan ang mga anak ng mag-asawang Lidford na sina Uno Lidford at Jess Lidford." Wika nung lalake na naka-itim.
"Really? Eh yung peke niyang pamilya?"
Tumingin ang lalake sa isang envelope na hawak niya at agad na kinuha ang puting papel na naglalaman ng mga information ni Yaminah. "About naman doon, madam. Biological parents ni Yaminah ang mga Huxley at hindi siya ampon. Mayroon siyang half brother na ang pangalan ay Reed Alvarez, kaibigan din ni Uno 'yan."
"How about Caleb? How is he?"
Napayuko ang lalake at hindi alam ang salitang dapat na sabihin niya. May paga-alinlangan itong sumagot. "Naka-block ang ating system sakanya at lahat ng spy na pinadala natin para mag-manman sakanya ay kasalukuyang nawawala."
"That guy..." May bahid ng pagka-inis ang boses ng babae. "Masyado siyang matalino at matinik pero hindi ako magpapatalo at sisiguraduhin ko na babagsak siya."
Napatingin ang lalake sa babae ng bigla itong tumayo at lumapit sakanya. "Magpapunta ka ng mga dagdag na bantay para manmanan ang lalakeng iyon."
"S-sigurado kayo, madam?"
Tinignan siya ng seryoso ng babae at tumawa pa ito ng kaunti na para bang nababaliw. "Kaylangan ko siyang unahan." Kinuha nito ang baso na may lamang wine at sumimsim dito. "Pumunta ka ngayon sa eskwelahan na pinapasukan ni Yaminah. Kaylangan natin siyang maka-usap."
Tumayo ang lalake at nag-salute sa babae. "Masusunod, madam Joan."