𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝗼𝗻𝗲:
Maaga akong nagising dahil kaylangan ko pang maghanda para sa pagpasok ko sa school. Kahapon pa kami nakalipat sa apartment na nabili nila mama. Hindi ito malaki pero sakto na siya para sa'ming tatlo.
Inayos ko na ang aking mga gamit para maka-alis na. Kaylangan kong magmadali dahil magco-commute pa ako papunta sa school, ibinenta kasi ni papa kahapon ang kotse, pandagdag puhunan daw para sa bakery na itatayo.
"Kain kana muna rito, Yaminah."
Inilingan ko naman si mama ng tawagin niya ako para sumalo sakanila sa hapag-kainan. "Magdadala nalang ako ng sandwich 'ma. Baka ma-late ako." Sabi ko bago kumuha ng isang pares ng tinapay at tuluyan ng umalis.
Habang nasa biyahe papunta sa eskwelehan ay bigla kong naisip ang aking half-sibling. Mamayang hapon na kami makikipag-kita sakanila. Naka-usap ko narin kahapon si sir na liliban muna ako para sa pang-hapon na klase. Buti nalang ay pumayag siya.
Ano kayang hitsura ng kapatid ko? Ayos lang kaya ang lagay niya? Mas matanda ba ako sakanya o mas bata ako? Matatanggap niya ba ako? Galit ba siya saamin? Hays. Ang dami kong tanong at mamaya ay masasagot ang lahat ng 'yan....sana nga masagot.
"Para po." Sabi ko sa jeepney driver ng tumapat ang jeep niya sa unibersidad na pinapasukan ko. Agad akong bumaba roon at pumasok na. Binati ko pa ang guard na mukhang puyat dahil hindi na ako nitong nagawa na batiin pabalik. Kawawa naman.
Kaunti palang ang mga estudyanteng nandito sa aming classroom ng makapasok ako. Mukhang napa-aga ako masyado.
Pumunta na ako sa aking silya at nung uupo na sana ako ay bigla kong napansin ang mga bag na nakalagay sa mga silyang nasa harapan ko; sina Aiden, Uno, Reed at Milo ang naka-upo roon. Nandito na pala sila.
Ipinikit ko na muna ang mga mata ko at piniling umidlip muna kahit sandaling oras lang. Napuyat kase ako kahapon kaka-ayos ng gamit ko sa bagong apartment namin.
Rinig ko pa ang mahihinang bulungan sa buong classroom bago ako tuluyan na kainin ng dilim at makatulog.
----
"Hoy."
Nagising ako dahil sa mga mahihinang tapik at tawag saakin. Iminulat ko ang aking mata at natanaw ko si Uno na sobrang lapit saakin habang ito'y nakatingin.
Hindi ako makahinga ng maayos dahil sobrang lapit niya. Parang isang pulgada lang ata ang distansya niya saakin. Kaunting maling galaw ko lang ay sigurado akong magdidikit ang aming mga labi.
"Lumayo ka nga saakin." Aniko. Agad kong inilayo ang aking mukha sakanya. Lumunok pa ako ng ilang beses dahil tila natutuyo ang aking laway. Shit. Ano ba 'to?!
Hindi na ako pinansin ni Uno at umupo nalang sa silya niya. Itinutok ko naman ang aking paningin kay sir na nagsisimula ng magturo.
Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko pero ang bilis ng tibok ng puso ko. May sakit ba ako o baka naman may problema na ang puso ko? Ang bilis. Sobrang bilis ng tibok nito. Para bang nakikipag-karera ito.
Hinahampas ko ng mahina ang aking dibdib, nagbabaka-sakali na huminto o bumagal ang tibok nito. Para akong nakikipag habulan dahil habol-habol ko ang aking hininga. Napaka-weird ng nararamdaman ko!
"Understood?" Tanong ni sir. Tumango naman kaming lahat, kahit ako ay tumango na rin kahit wala akong naiintindihan.
"Hoy, kanina kapa nakatingin kay Uno. Baka matunaw 'yan." Bulong ni Milo saakin. Nakaharap siya ngayon saakin.
"Huh? Ako? Hindi ah!"
"Salungat sa sagot mo ang pinapakita at ginagawa mo." Nakangising wika niya.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata." Tumahimik ka. Baka marinig ka niya. "
"So, tinitignan mo nga siya?"
"Of course not! I mean, yes. Huh? No."
Tinawanan niya ako ng makita ako nitong hindi masabi ang sagot ko. "It's okay to be in denial sometimes pero huwag mong aaraw-arawin, baka masanay ka at maging manhid ka." Makahulugang sabi nito bago ibalik ang tingin kay sir.
Naguluhan naman ako sa winika niya at hindi ko ito maintindihan. Ako, in denial? Kanino? Kay Uno? Nagulat lang ako kase sobrang lapit niya kanina kaya, weird ako gumalaw. Tama. Iyon nga ang dahilan....pwede ring hindi?
"Class dismissed." Ani ni sir bago lumabas bitbit ang mga gamit niya. Uwian na pala, hindi ko man lang napansin ang oras.
Inayos ko na ang mga gamit ko at nagmadaling umalis. Kaylangan kong maka-uwi agad dahil ngayon na ang oras na makikipag-kita ako sa aking long-lost-sibling.
"Are you in hurry?" Tinanguan ko lang si Uno ng magtanong ito. Hindi ko na siya tinignan dahil ayaw kong maramdaman ulit ang naramdaman ko kanina. Nakakatakot.
"O sige. Alis na ako, bro." Napatingin ako kay Reed na nagmamadali ring umalis. Sumabay na ako rito palabas dahil halos sabay lang din kaming natapos na ligpitin ang aming mga gamit.
Walang nagsasalita at mukhang pareho kami na malalim ang iniisip. Hindi naman ako tsismosa para tanungin pa ang nasa utak niya.
Naghiwalay kami ng landas ng makalabas na kami sa building. Dumeretso ito sa parking lot habang dumeretso naman ako sa labas para mag-commute.
"Para po." Sigaw ko sa isang jeep. Tumigil naman ito kaya sumakay na ako roon.
Hindi naman nagtagal ang aming biyahe dahil dumaan sa shortcut ang jeep kaya naka-uwi ako ng mas maaga sa inaasahan.
Agaran akong pumasok sa loob ng marating na namin ang aking destinasyon. Nakita ko pa sina mama at papa na nakabihis na ng formal kaya agad akong umakyat para makapagbihis na rin.
Nagsuot lang ako ng isang puting damit na may design na winnie the pooh at tinernuhan ko ito ng high waist na pantalon. Isinuot ko rin ang aking puting sandals para makumpleto ang aking outfit. Tinignan ko sa salamin ang aking hitsura kung ayos lang ba ito at nang makita kong presentable na ang hitsura ko ay agad na akong bumaba.
"Ang ganda talaga ng anak ko." Komento ni mama habang tinatanaw ako pababa. Ngumiti lang ako sakanya at iwinagayway pa ang aking kamay na para bang nasa pageant parin ako.
"Saan pa ba ako magmamana? Edi sa nanay kong maganda." Wika ko rito with flip hair.
Hinawakan ni papa ang kamay ko at hinila palapit sakanila. "Ang mag-ina ko talaga. Pareho kayong maganda at isa kayo sa mga pinaka-magandang bagay na nangyari sa buhay ko."
"Ikaw talaga, Reynaldo. Ang tanda-tanda mo na pero mambobola ka parin." Natawa naman kami ni papa sa sinabi ni mama.
"Hindi ko kayo binobola dahil totoo ang lahat ng iyon." Sagot ni papa saamin. Yinakap ko naman siya, sinundan naman ito ni mama.
"Halika na. Baka magka-iyakan pa tayo rito."
Tumango naman kami ni mama. Sabay-sabay kaming lumabas at sumakay sa kotseng nirentahan ni papa.
-----
Third Person's POV
Nakangiting pumasok ang pamilya Huxley sa isang mamahalin na restaurant. Isang waitress ang lumapit sakanila para i-guide kung saan ba sila dapat umupo.
Nagtungo sila sa isang VIP room at doon daw ang lugar ng pagkikitaan ng pamilya Huxley at ang anak sa labas ng kanilang padre de pamilya.
Pagkabukas ng pintuan ng kwartong iyon ay bumungad agad ang mukha ng isang babae na simple lang ang damit pero mababakas mo parin ang ganda niya.
"Leyla."
Napatingin ang mag-ina sa lugar ng babae ng sambitin ni Reynaldo, ang padre de pamilya nila, ang pangalan ng babae.
"Reynaldo. Long time no see." Nakangiting wika ng babae.
Wala kang mababakas na kahit anong inis o galit sa babae. Magaan ang awra nito at para bang hindi ito naiilang kahit na kaharap niya ang lalakeng bumuntis sakanya at ang pamilya nito.
"Long time no see.....Ito nga pala ang ang mag-ina ko. Si Shiela, ang asawa ko tapos ito naman si Yaminah, anak ko. Nasa ibang bansa ang isa ko pang anak na si Caleb." Pakilala ni Reynaldo sa pamilya niya. "Yaminah, Shiela, ito naman si Leyla Alvarez. Ang ina ng anak ko."
Lumapit si Shiela kay Leyla at yinakap ito. Nagulat pa si Leyla ng bigla siyang yakapin ng babae. Ang akala niya ay magagalit ito sakanya dahil nabuntis siya ng asawa nito pero mukhang hindi tugma ang nasa utak niya at totoong ugali ng babae. Ngumiti naman si Leyla at yinakap din ito pabalik.
"Mano po." Magalang na sabi ni Yaminah bago inabot ang kamay ni Leyla at nag-mano. Ngumiti naman si Leyla sakanya.
"Ang swerte mo sa iyong pamilya, Reynaldo. Mababait sila tapos ang gaganda pa." Puri ni Leyla.
Tumawa naman ng mahina si Shiela bago hampasin ng mahina si Leyla. "Ano kaba naman. Ang ganda mo rin kaya."
"Talaga? Salamat." Nahihiyang sabi ni Leyla. "Ay, halika na muna kayo. Umupo kayo roon. Parating na ang anak ko. Galing kase siya sa school baka na-late lang."
Umupo naman ang pamilya Huxley at mataman na hinintay ang taong pakay nila.
"Kumusta kana?" Biglang tanong ni Reynaldo kay Leyla.
"Ako? Ayos lang ako. Isa akong janitor sa kompanya ng kaibigan ng anak ko." Tinignan pa nito si Reynaldo bago ituloy ang sasabihin niya. "Ang anak mo naman ay isang mabait na bata. Never siyang nagalit saiyo, Reynaldo. Alam kong nasaktan siya dahil wala itong kinilalang ama pero alam ko rin naman na naiintindihan niya ang sitwasyon natin."
Tumigil sandali si Reynaldo at humarap kay Leyla. "Pasensya ka na. Hindi ko kayo natustusan at natutukan no'ng pinagbubuntis mo siya. Hindi ko kase alam."
"I know. Kasalanan ko rin naman iyon dahil hindi ko sinabi saiyo. Naunahan kasi ako ng takot, takot na baka makasira ako ng pamilya." Malungkot naman na wika nito.
"Hayaan mo na iyon, Leyla. Babawi ako sa anak natin. Babawi ako sa mga panahon na wala ako sa tabi niya." Tumango naman si Leyla sa sinabi ni Reynaldo.
Wala ng nagsalita pang muli matapos ng usapan na iyon. Ramdam na ramdam mo ang pagka-inip nila habang hinihintay ang tao na kanina pa nilang gusto na makita. Pero sa kabila non ay may bahid parin ng kasabikan ang nararamdaman nila.
Napatayo sila agad ng biglang bumukas ang pintuan ng room na kinaroroonan nila. Iniluwa ng pintuan ang isang lalake na nakasuot ng tuxedo na navy blue at slack.
"Sorry, I'm late." Paumanhin nito habang pinagpagpag ang tuxedo niyang may bahid ng dumi.
"Nandito na pala ang anak ko." Masayang sabi ni Leyla bago lapitan ang lalake at yakapin ito.
Hindi naman makapaniwala si Reynaldo sa nakikita niya. "Ito naba ang anak ko?"
Tinanguan naman siya ni Leyla at naging hudyat iyon para takbuhin ni Reynaldo ang pagitan nila ng lalake. Binigyan niya ito ng mahigpit na yakap. "I finally met you." Masayang wika ni Reynaldo sa anak niya.
"Yes. We finally met, papa."
Hindi maipaliwanag ni Reynaldo ang nararamdaman niya ng tawagin siya na papa ng kanyang anak. Para ba itong isang hele na gusto niyang marinig gabi-gabi.
Muli niyang yinakap ang binata at hindi narin nito napigilan ang umiyak. "I'm sorry." Natawa pa ang binata ng marinig nito ang mahihinang hikbi ni Reynaldo.
"Stop crying, papa. It's okay."
"No, I abandoned you. It will never be okay."
"You didn't abandoned me. Hindi mo lang alam kaya wala kang nagawa." Nakangiting sabi ng binata.
Iniharap niya ang mukha ni Reynaldo sakanya at tinignan ito. Mababakas mo ang galak sa mukha ng dalawa. Maging ang binata ay malapit ng umiyak pero pinipigilan niya lang. "Hindi mo kaylangan na mag apology saakin. Kahit hindi kapa nagso-sorry, napatawad na kita."
Napapikit si Reynaldo sa kanyang narinig. "I'm so blessed to have you. Kung alam ko lang na may anak pala ako sa iba. Baka nasubaybayan kita sa paglaki."
"Past is past. Forget that. Ang importante ay magkasama tayo ngayon." Ani ng binata.
Nginitian siya ni Reynaldo at humarap sa kanyang mag-ina. "Ito nga pala si Shiela." Turo niya sa kanyang asawa. "Asawa ko 'yan." Lumapit naman si Shiela sa binata at yinakap ito.
"Iyon naman si Yaminah." Sabay turo sa anak niyang babae. "Anak ko."
Hindi na hinintay ng binata na lumapit si Yaminah sakanya dahil siya na mismo ang lumapit at yumakap dito.
Gulat na gulat naman si Yaminah sa mga nakikita niya. Hindi ito makapaniwala. Para bang panaginip lang ang lahat ng ito.
"I-ikaw a-ang kapatid ko?" Utal na wika ni Yaminah sakanya.
"Yes, I am. Ako ang kapatid mo, Yaminah." Nakangiting sagot nito.
"R-Reed?!"
Hindi parin makapaniwala si Yaminah na ang kanyang kapatid ay si Reed. Ang lalake na naka-away niya no'ng una silang nagkita, ang lalake na nakasama niya sa pageant, ang lalake na kaklase niya, ang lalake na kasama niya sa kalokohan at ang lalake na kasa-kasama nito palagi ay ang nawawala niyang kapatid.
"I can't believe this." Wala sa wisyong wika ni Yaminah.
Ngumiti naman si Reed na para bang expected na nito ang magiging reaksyon ni Yaminah. "Me, either."