𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆:
Kakatapos lang ng klase at medyo na-overtime kami dahil kaylangan naming maghabol ng lesson. Malapit na kase ang periodical exam para sa first quarter.
Stress masyado ang beauty ko dahil halos dalawang buwan lang ang pagitan ng periodical exam para sa first quarter at second quarter. Hindi ko ba alam sa eskwelahan na ito. Alam na pala nilang nahuhuli na kami sa mga lesson tapos mas inuna pa nilang pagtuunan ng pansin ang mga event. Aish. Kami tuloy ang nagdudusa.
"Anong mukha 'yan?" Natatawang tanong ni Jess habang nagdra-drive pauwi.
Inirapan ko lang siya. "Magdrive kanalang diyang, Jess. Baka masampal kita bigla. Stress ako ngayon." Mataray na sagot ko rito.
Mukhang natakot naman siya dahil bigla itong tumahimik. Wala ako sa mood ngayon para makipagbiruan.
Bumaba na kami ni Jess ng makarating na kami sa tapat ng bahay nila. Kinuha ko na ang mga gamit ko sa loob at lumabas.
Papasok na sana ako sa loob ng mala-palasyo nilang bahay kaso agad akong napatigil ng makita ko sina mama at papa na nakangiti habang nasa bungad ng pintuan.
"Hala!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
"Wala bang yakap diyan?" Nakangising sabi ni Mama. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad ko itong ginawaran ng isang mahigpit na yakap, sinunod ko naman si papa.
"Kailan pa kayo umuwi?" Tanong ko, matapos bitawan ang aming yakapan.
"Kanina lang. Dumeretso na kami rito dahil na-miss kana namin." Nakangiting sagot ni Mama.
"Pasok na muna po kayo. Sa loob nalang po kayo magusap." Wika ni Jess.
Tumango naman kaming lahat at pumasok na sa loob ng bahay nila. Hindi parin maalis-alis ang ngiti sa mga labi ko. Shit. Nakaka-gulat kase ang pagdating nila.
Umupo kami sa sofa at kumuha naman ng makakain si Jess. "Nasaan pala si kuya, mama? Ayos naba siya?" Tanong ko sakanila.
"Oo, medyo ayos na siya pero kaylangan niya parin ng mga therapy dahil may mga suicidal thought parin siya. Nandoon parin siya sa New York, anak." Sagot naman nito.
Tinanguan ko naman siya bilang tugon. Atleast, may improvement na sa lagay ni kuya.
Si papa naman ay kanina pa seryoso na siyang pinagtataka ko. "Masyado kanaman atang seryoso papa?"
"May gusto kasi akong sabihin saiyo, Yaminah." Wika niya.
Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Iyong last na nagsabi sila ng ganito ay hindi naging maganda ang kinalabasan non tapos mayroon na nanaman ngayon. Dyusko.
"Ano 'yon?"
Huminga muna ng malalim si papa bago muling nagsalita. "Mayroon kang half-sibling. May anak ako sa labas."
Napatigil naman ako ng marinig ko ang winika niya. Tinignan ko siya ng seryoso at sinisipat ko kung totoo ba ang sinasabi ni papa. Mukhang seryoso naman ito at hindi nagsisinungaling saakin.
"Alam mo ba 'to, mama?"
"Medyo anak. Bago kami umalis dito sa bansa ay alam ko na." Hindi ito makatingin saakin habang sumasagot siya.
Hindi naman ako makapaniwala sa lumabas sa mga bibig niya. Alam nila? Bakit ako, hindi ko alam? Bakit palagi nalang na ako ang huli nilang pinagsasabihan? Aish.
"Anak pasensya kana. Kama-kailan ko lang din kase nalaman. Ayaw ko pa sanang sabihin sainyo dahil gusto ko munang maka-sigurado kung totoo bang may anak ako sa labas kaso nalaman agad ng mama mo." Paliwanag naman ni papa.
"At totoong may anak ka sa labas?"
"Oo anak. Ayon din sa nabalitaan ko ay nag-aaral siya sa unibersidad na pinag-aaralan mo." Sagot niya.
"Kung ganon. Sino siya?"
"Hindi ko pa alam, anak. Bukas ay magkikita kami nung babae na nabuntis ko at ang anak namin. Bukas nalang niya raw sasabihin ang lahat-lahat." Sagot naman ni papa. "Isa iyon sa dahilan kung bakit kami umuwi rito. Gusto kong makilala ang anak kong hindi ko nasubaybayan sa paglaki at gusto ko rin na makilala niyo siya. Ayaw kong maglihim, anak. Mahal na mahal ko kayo." Naiiyak na dagdag ni papa.
Kahit gulat ay tinaggap ko nalang. May magagawa paba ako? Syempre wala.
"Last na tanong ko nalang ito, papa."
"Ano 'yon, Yaminah?"
"Nagtaksil kaba kay mama? I mean, nangaliwa kaba habang kayo ni mama?" Seryosong tanong ko rito.
Napalunok naman siya at huminga pa ng malalim bago ako sagutin. "Hindi anak. Wala akong kaalam-alam na nabuntis ko pala ang dati kong kasintahan. Kung alam ko lang iyon baka matagal ko na itong tinama. Pero alam ng Diyos na kailanman ay hindi ko ipagpapalit ang mama mo."
Napangiti naman ako sa sagot niya. Atleast, malinaw saakin na walang third-party na naganap at walang lokohan. "Kung ganon naman pala ay kaylangan na nating maghanda. Excited na akong makita ang kapatid ko. Gwapo kaya siya? O maganda?"
"Hindi ko alam, anak." Natawa naman ako ng kaunti dahil doon. Ngumiti rin si papa pero halatang pilit lang.
"Ano kaba naman papa. Ayos lang saakin kung may kapatid ako sa iba. Ang importante ay sama-sama parin tayo." Nakangiting wika ko rito.
"Alam ko naman iyon. Kaso may isa pa kasi tayong problema, anak."
Napataas naman agad ang kilay ko roon. "Ano na nanaman 'yon?"
"Na-bankrupt ang kompanya natin. Hindi ko alam kung bakit pero nagulat nalang kami ng mama mo na punong-puno kami ng utang. Lahat ng stockholders ay umalis saatin, maging ang mga company partner natin ay iniwan rin tayo. Kahit masakit saamin ay kaylangan naming ibenta ang ating kompanya para mabayaran ang lahat ng utang natin, na hindi ko alam kung saan nanggaling." Sabi niya.
"Huh? Paano?"
"Iyon ang hindi namin alam, anak."
"Anong plano niyo ngayon, pa?"
"Baka magtayo na muna kami ng maliit na bakery shop habang hinihintay na magpadala ng pera, ang kuya mo."
"May trabaho si kuya? Akala ko ba, nagpapagaling siya roon?"
"Iyon na nga ang sabi ko sakanya eh. Magpagaling na muna siya kaso ayaw niyang papigil na magtrabaho. Isa siyang assistant ng isang engineer doon."
Tumango nalang ako. Hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong maramdaman ngayon. Dapat ba'kong matuwa dahil may kapatid ako o dapat akong malungkot dahil wala na kaming kompanya at much worse ay mahirap na kami.
Hinawakan ako ni mama. "Dito ka na muna sa bahay ng kaibigan ko, mukhang maayos naman ang lagay mo rito eh. Habang kami naman ng papa mo ay mangungupahan na muna ng maliit na apartment."
"Huh? Hindi. Sasama ako sainyo." Matigas kong sabi. "Sapat na 'yong iniwan niyo ako ng ilang buwan. Ayaw kong humiga sa malambot na kama hangga't alam kong naghihirap kayo."
"Anak! Hindi na tayo mayaman gaya ng dati! Hindi ka na namin kayang pag-aralin. Wala narin tayong magandang bahay dahil binenta ko na ito....Hindi ito ang buhay na gusto kong maranasan mo." Hindi na napigilan ni papa ang maiyak. Minsan lang siya kung umiyak kaya nagulat ako roon.
"Alam ko 'yon papa. Pero sana maintindihan mong ayaw ko kayong iwanan, lalo na at naghihirap tayo ngayon. Pamilya tayo. Problema ng isa, problema ng lahat." Ang sabi ko bago siya yakapin. Mas naiyak naman si papa dahil doon.
"Paano ang pag-aaral mo?" Wika ni mama habang tinitignan niya ako. Umiiyak narin ito.
"May scholarship naman diba? Handa akong mag-take ng exam para makakuha ng scholarship."
Tinapos ko ang usapan namin ng biglang pumasok si Jess. Nagulat pa ito ng makita niya kaming nag-iiyakan.
"Mukhang na-miss niyo ng sobra ang isa't-isa ah." Natatawa pa nitong wika habang inilalagay niya ang mga pagkain sa maliit na lamesa. Naki-tawa nalang din kami nina papa dahil ayaw naman namin na malaman pa niya ang problema namin. Nakakahiya.
"Alam niyo. Ang dapat na mas problemahin natin ngayon ay kung ano ba ang gagawin natin kapag nakita na natin ang half-sibling ko." Sabi ko. Tumango naman sila.
"Hindi ko rin alam eh. Natatakot ako, baka galit saakin 'yung kapatid mo. Baka isipin niya na iniwan ko siya." Malungkot na wika ni papa.
Hinawakan naman siya sa balikat ni mama. "Ano kaba naman, Reynaldo. Ang tanda-tanda mo na pero nerbyoso ka parin. Syempre tatanggapin ka non. Naniniwala ako. May awa ang Diyos."
Napangiti naman ako dahil doon. Tama siya. May awa ang Diyos.
"Ligpitin mo na ang mga gamit mo, Yaminah. Lilipat na tayo roon sa apartment." Sabi naman ni papa.
Ngumiti ako sakanya at agad na umakyat para mag-ayos. Nakita ko pa ang pagtingin ni Jess saakin. Sigurado akong malulungkot siya dahil aalis na ako rito.
"Bye." Ang tanging sabi niya habang tinatanaw ako paakyat para mag-impake. Kinawayan ko lang siya.
Alam kong maraming gustong itanong si Jess saakin subalit mas pinili niya nalang manahimik. Gusto ko man na ipaliwanag sakanya ang lahat pero kaylangan kong magmadali.
"Let's go." Sabi ko kay papa habang bitbit ko ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit ko.
Tinanguan naman ako ni papa bago lumabas. Sinundan ko naman siya.
Bago ako tuluyan na makasakay sa kotse ay nakita ko pa si Uno na tinitignan ako habang walang emosyon. Ayan na nanamn ang mga mata niyang walang emosyon eh. Nginitian ko lang siya at kinawayan.
Mami-miss ko itong bahay na ito. Pati 'yung mga to na nakatira rito at syempre si Uno.