𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗶𝗻𝗲𝘁𝗲𝗲𝗻:
Maaga palang ay nasa eskwelahan na ako. Kaylangan ko kaseng maghanda para sa gaganaping presentation mamaya. Hindi lang kase basta project na dapat mong gawing ang tree friend. Kaylangan mo rin itong ipaliwanag at i-present sa harap.
*Ring-Ring-Ring-Ring
Tumunog na ang bell pero wala parin ang mga garapata rito. Hindi ko alam kung saan ba sila nagpunta. Hindi sila puwedeng mawala rito dahil kaylangan ko sila para sa presentation.
Tumayo na ako at lumabas. Hindi ko alam kung saan sila unang hahanapin pero isa lang ang alam ko, kaylangan ko sila ngayon. Ayaw ko na mag-isang magpaliwanag sa harapan. Nakaka-stress kaya 'yon.
"Jess, nakita mo ba sina Uno?" Tanong ko sakanya. Siya ang una kong pinuntahan dahil nagbabaka-sakali akong may alam siya kung nasaan sila.
"Nasa garden ata sila. Hindi ako sure eh. Doon kase dumeretso si kuya no'ng nakapunta kami rito" Sagot niya.
Tinanguan ko ito at dumeretso na sa garden. Nasa third floor ako ngayon at nasa pinaka-baba ang garden. Hindi ko alam kung ano bang masamang nilalang ang sumapi sakanila at ngayon pa nila naisipan na magliwaliw doon. Hindi ba nila alam na may presentation ngayon o baka naman tinakasan nila ako. Mapapatay ko talaga ang mga 'yon kapag nagkita kami.
Nang tuluyan na akong makapunta sa garden ay nakita ko ang apat na garapata na nakahiga habang humihithit ng sigarilyo. Wala na ngang ambag sa mundo tapos dumagdag pa sila sa polusyon. Mga salot talaga.
"Hoy!" Sigaw ko sa mga ito na siyang nagpatayo sakanila.
"Bakit ka sumisigaw?!" Inis na tanong ni Uno saakin habang pinapagpag ang pwetan niyang nadumihan dahil sa pagkaka-higa sa damuhan.
Inirapan ko lang siya bago sagutin. "Anong pakielam mo kung sumigaw ako?! Pagmamay-ari mo ba itong eskwelahan?!" Mataray kong sagot.
"Hindi ba halata sa name ng school na ito at apelyido ko? This school is my property. Ang lupang inaapakan mo ay pagmamay-ari ko. Maging ang inuupuan at pinapasukan mo ay akin din. Now, pwede naba kitang pakielaman ngayon?" Iritableng sabi niya.
Napatihimik naman agad ako dahil doon. Pagmamay-ari niya ang eskwelahan na ito?! Ay oo nga pala. Lidford ang apelyido niya at Lidford Academy naman ang name ng eskwelahan na ito. Bakit ngayon ko lang napansin?!
"Saiyo pala 'to. Hahahaha." Akward kong tawa.
Nginisian niya lang ako bago siya lumapit saakin. Sobrang lapit. "Sa susunod, itikom mo ang bunganga mong 'yan. Baka hindi ako makapagpigil at-"
Hindi ko na ito pinatapos dahil sinagot ko agad siya. "Bakit?! Hahalikan mo ako?!"
"Hindi kalang pala bungangera dahil assumera karin. Kung hindi mo ititikom ang bibig mo ay baka masapak ko 'yan. Masyadong nakakarindi ang boses mo."
Sa pangalawang pagkakataon ay muli ako napahiya. "Syempre alam ko 'yon. Nagbibiro lang naman ako. Hehehe."
Hindi niya ako sinagot at tinalikuran lang ako. Nakita ko pa ang pagtawa ng mahina nina Aiden bago rin ako talikuran. Nakakahiya, shocks. Bakit ko ba naisipan na hahalikan niya ako?!
Assumerang frog ka talaga, Yaminah.
----
"It's your turn." Turo saamin ni Sir habang minomostra niya kami na pumunta sa harapan.
Narito na kami sa classroom at ito narin ang oras na kaylangan na naming i-present ang aming project na tree friend.
Kinuha nani Uno ang friend tree na gawa ng kaibigan niya. Nakadikit narin doon ang mga litrato namin na kinuhanan ni Jess.
"Wow, ang ganda ng gawa niyo. Kayo gumawa niyan?" Komento ni sir habang sinisipat ang project namin.
Sasabihin ko sana na, hindi kami ang gumawa kaso agad akong pinigilan ni Aiden. "Opo sir. Kami ang gumawa niyan." Nakangiting sabi nito.
"Hindi naman tayo ang gumawa niyan eh." Bulong kong sabi kay Aiden.
"Sumakay kanalang, Yaminah. Baka bumaba ang grade natin kung malaman niyang hindi tayo ang gumawa." Bulong na sagot ni Aiden.
Tumango nalang ako dahil doon. Alam kong masama ang mag sinungaling pero kaylangan namin na gawin iyon, sa ngalan ng grade.
Lumapit saamin si sir at sinipat ang project na'min. Tumango-tango pa siya bago magsulat sa class record nito.
"Now. 'Yung definition naman ng frienship ang i-present niyo." Sabi ni sir saamin.
Natuod naman kaming lima dahil hindi 'yon kasama sa prinactice namin.
"Oy, explain mo raw iyon." Bulong ni Reed saakin.
"Oh, bakit ako? Dapat ikaw." Sabi ko naman sakanya.
Nanlaki naman ang mata niya at tinuro si Aiden. "Ikaw ang matalino diba? Ikaw nalang ang gumawa."
"Why me? Dapat si Milo. Siya 'yung maraming kaibigan saatin eh." Turo naman ni Aiden kay Milo.
"Ako? Maraming kaibigan? Nakikipag-plastikan lang ako sakanila eh. Dapat si Uno, siya 'yung rank 1." Wika ni Milo habang tinuturo si Uno.
"Dahil lang sa Rank 1 ako, dapat ako na ang gagawa? Where's the equality?" Sagot naman ni Uno.
Tanginang 'yan. Pati equality ay napasok dito. Sasagutin lang naman nila 'yung tanong eh. Nakaka-irita.
"Wala bang sasagot?" Nakataas na kilay na tanong ni sir.
"Meron po sir. Hehehehe" Sagot ko naman rito.
"Then, start. Inip na inip na ako."
Tumikhim ako ng dalawang beses bago magsalita. Walang mangyayari kung magtuturuan kami rito. "Ang friendship po ay may dalawang antas para saakin. Una, iyong kaibigan na pwede mo lang i-label hanggang sa friend lang at ang kaibigan na kung ituring mo ay pamilya na. May mga kaibigan na nagtatagal at mayroon din naman na hindi. Mahirap po kasi siyang i-explain, lalo na kung never kapang nagkaroon."
Napangiti naman ako ng mapait dahil doon. Gaya ng sabi ko, mahirap siyang i-explain, lalo na kung never kapang nagkaroon. At isa ako sa mga tao na never pang naka-experience na magkaroon ng totoong kaibigan. Lahat sila ay peke at ginagamit lang ako sa sarili nilang kapakanan. Siguro isa rin iyon sa dahilan kung bakit buong buhay ko ay naka-asa lang ako sa aking pamilya. Natatakot kase akong mag-isa dahil takot akong maranasan muli 'yung mga panahon na isa-isa akong tinalikuran ng akala mo ay mapagkaka-tiwalaan mo.
"Bakit, Yaminah? Wala ka bang kaibigan?" Tanong ni sir saakin.
Umiling lang ako rito para ipahiwatig na ang sagot ko ay, wala.
"What? Kung wala kang kaibigan, eh ano mo kami?" Taas na kilay na sabi ni Aiden saakin. Napatingin naman ako dito at nagulat pa sa winika niya.
"Huh? Kaibigan? Tayo? Kailan pa?"
"I don't know. Basta bigla ko nalang na-feel na kaylangan mo kami as a friend." Sagot ni Aiden. Tumingin ito kay sir at ngumiti ng kaunti. "Maybe, gano'n po siguro ang definition ng friendship. Dumarating sa hindi mo inaasahang panahon at inaasahang pagkakataon. Friendship is magical. Katulad ng magic, bihira mo lang ito makita at kung mamalasin ka, baka hanggang sa pagpanaw mo ay wala kang makita kahit isa." Dagdag ni Aiden.
"Oo nga po sir. Ang kaibigan ay hindi lang basta-basta isang tao na darating lang ng biglaan sa buhay mo. Lagi nating tatandaan na, may mga taong dumarating, hindi para mag-stay sa tabi natin kundi para bigyan tayo ng aral sa buhay. Kagaya ng kaibigan, hindi lahat ay nananatili pero sigurado akong lahat sila ay nag-iiwan ng aral na siyang isasabuhay mo." Nakangiting sabi ni Milo.
"Ganon ba ang turing niyo kay Yaminah? Kaibigan?" Tanong ni sir saamin.
"No."
Napatingin naman ako kay Reed ng bigla itong sumagot. Hindi ko alam pero may kirot akong naramdaman dahil sa sinabi niya. Oo nga naman, sino ba naman ako para ituring nilang kaibigan. Kaya lang siguro sinabi ni Aiden na kaibigan ko sila ay para hindi ako magmukhang lonely dito.
"Hindi namin siya kaibigan dahil pamilya na ang turing namin sakanya."
Biglang tumigil ang mundo ko ng biglang magsalita si Uno. P-pamilya? Ako? Hindi ko alam kung bakit pero nagulat nalang ako ng isa-isa ng tumulo ang mga luha ko.
Ang sarap pala sa pakiramdam na may isang tao na kahit hindi mo kasundo ay tinuturing kang ka-pamilya. Hindi ko alam kung ano bang emosyon ang dapat kong maramdaman. Halo-halo na.
"Napaka-iyakin mo talaga." Buryong wika ni Uno.
"Kayo kase eh. Lagi niyo akong ginugulat." Kunwareng inis na sabi ko.
Naglakad si sir sa harapan namin at tinapik ang balikat ko. "Stop crying."
Tumigil naman agad ako sa pag-iyak pero patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko. I'm so overwhelmed sa mga narinig ko.
"Bibigyan ko kayo ng perfect na grade dahil gustong-gusto ko ang ginawa niyo. Tsaka nai-defined niyo ng maayos ang kahulugan ng friendship."
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang iwinika ni sir. Perfect? Naka-perfect kami! Yehey.
"Naka-perfect tayo!" Sigaw ko.
"Alam namin. Hindi naman kami bingi." Wika ni Uno. Pinalo ko naman siya ng mahina at napatawa siya roon.
"Parte pala ako ng pamilya niyo. So, pwede naba kitang tawagin na kuya? Kuya Uno?" Biro ko rito. Inirapan niya lang ako kaya napatawa ako roon. Tumawa rin ang tatlo na nagresulta ng pagtawa ng lahat.
Isa ito sa pinaka-masayang pangyayari sa buhay ko. Hindi ko 'to makakalimutan. Kailanman.