Chereads / The Love Wars / Chapter 19 - Picture

Chapter 19 - Picture

𝗖𝗵𝗽𝗮𝘁𝗲𝗿 𝗘𝗶𝗴𝗵𝘁𝗲𝗲𝗻:

[𝗬𝗮𝗺𝗶𝗻𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩]

Pangalawang araw na ito at hindi naging maganda ang unang araw namin. Hindi ko alam kung ano bang nangyari kay Aiden at Uno pero isa lang ang alam ko, may away na nangyari kahapon.

Nagulat pa nga kaming lahat ng makita namin si Aiden na dumudugo ang labi tapos maitim ang mata. No'ng tinanong namin siya, kung ano ba ang nangyari, hindi naman niya kami sinagot.

Nasa garden kami ngayon at dito naman naisipan na gawin ang picture taking para sa aming project. Bukas nalang daw namin gagawin ang friend tree dahil may isang araw pa naman bago i-pass ang project.

"Ready naba?" Tanong ni Jess. Nag-thumbs up lang ako rito. May hawak na isang camera si Jess at kasalukuyan niya itong itunutok saamin para makuhanan kami.

*click

*click

*click

*click

"Ano ba 'yan?! Umayos naman kayo!" Inis na sabi ni Jess. Ilang beses na atang nag-click ang camera pero wala pang magandang kuha.

Paano ba naman makakakuha ng maayos kung hindi kami magkasundo-sundo. Sina Reed at Milo ay puro kalokohan lang ang ginagawa. Sina Uno at Aiden naman ay ayaw ngumiti ng maayos. Bakit ba ayaw nilang mag-ayos? Buti nalang ako, kahit hindi ako mag-effort, pretty parin ako. Hays.

"Isa pa." Wika ni Jess. Ilang beses niya na bang sinabi ang salitang 'yan? Isa? Dalawa? Sampo?

Nag-pose ako ulit ng pagkaganda-ganda kaso 'yung dalawa naman ay kung makapag-pose, parang dala ang problema ng buong daigdig

"Ngumiti naman kayo Uno at Aiden!" Inis na sabi ko. Kapag talaga nakakuha kami ng mababang grade dito ay baka mahampas ko ng dos-por-dos ang mga panget na 'to.

"Edi sana nag-solo kanalang." Mataray na sagot ni Uno. Gago 'to ah! Kung pwede lang sana na mag-solo ako, edi sana matagal ko ng ginawa. Bakit kasi kaylangan pa akong i-grupo rito eh?

"Hindi tayo matatapos kung puro kayo ganito. Ano ba 'yan? Maki-cooperate naman kayo!" Buryong-buryo na ani ko.

"Matatapos tayo kung hindi ka puro reklamo." Sabi ni Uno.

"Kasalanan ko pa?"

"Oo."

"Ay sorry naman po. Mukhang ako pa ang nakaka-abala sainyo. Sorry po ah." Sarcasm na sabi ko. Nakita ko naman ang pag-irap niya kay inirapan ko din siya.

"Alam niyo, mas magandang itigil nalang natin 'to." Sabi ni Jess.

"Teka lang. Hindi pwede 'yon. Baka bumagsak ako." Pigil ko naman dito.

"Hindi tayo matatapos sa ginagawa natin, hangga't mainit ang ulo nina Uno at Aiden sa isa't-isa." Sagot naman niya. Tumango nalang ako rito bilang tugon. Tama siya. Wala kaming matatapos kung ganito nila tratuhin ang isa't-isa.

"Gamitin nalang natin 'yung mga picture niyo kahapon." Ani ni Jess.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya dahil wala naman akong natatandaan na nagpa-picture kami kahapon. "Anong picture?"

"Habang naglalaro kayo kahapon, palihim ko kayong kinuhanan ng litrato. Mas maganda kung iyon ang gagamitin natin dahil natural iyon at hindi pilit." Sabi niya habang inilalagay ang camera sa bag nito. Inabot naman nito ang cellphone niya at ipinakita saamin ang mga picture namin.

Maganda. Sobrang ganda ng nga kuha niya. Para talaga kaming mag-bestfriend dito. Wow.

"Ang gwapo ko naman diyan." Sabi ni Reed habang tinuturo ang mukha niya sa cellphone.

Ang pwesto namin sa litrato ay nakapatong si Reed saakin habang kinikiliti ako. Sina Uno at Milo naman ay hawak-hawak si Aiden.

"Mas gwapo ako. Look at this." Sabi naman ni Uno tapos ay tinuro pa nito ang mukha niya na nakangiti habang hawak-hawak si Aiden.

"Baka masaya kalang kase si Aiden ang kasama mo." Biro ko rito. Napa-irap naman agad si Uno dahil doon pero hindi naka-ligtas saakin ang pagngiti niya ng palihim.

"Alam niyo, kung ano mang problema niyong dalawa. Mas magandang ayusin niyo 'yan." Dagdag na wika ko. Nagka-tinginan naman sina Uno at Aiden. Alam kong gusto din nilang mag-usap pero pinipigilan lang sila ng kanilang pride. Walang gusto magpakumbaba. Walang gustong mag-sorry.

"I'm sorry." Napatingin naman kami kay Aiden ng bigla itong magsalita ng mahina. "I'm sorry, bro. I didn't mean na sabihin iyon. I know na isa karin sa nahirapan no'ng nawala siya. I'm sorry." Dagdag na sabi ni Aiden.

Tinignan lang siya ni Uno at tinanguan. Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ni Uno pero nagulat nalang kami ng bigla nitong yakapin si Aiden.

"Hindi kase showy si kuya sa nararamdaman niya pero alam kong importante sakanya ang bawat isa saatin." Bulong ni Jess saakin.

"Saatin? Baka sainyo."

"No. Importante karin sakanya."

"Ako? Importante? Patawa ka."

"Sa tingin mo, sisigaw si kuya no'ng pageant mo kung hindi ka importante?" Mahinang sabi niya. Hindi naman ako nakapagsalita agad dahil doon. Ayaw kong mag-assume.

"Yehey. The quadro is back!" Sigaw ni Milo nang wakasan na nina Uno at Aiden ang yakapan nila.

"Gago." Wika naman ni Uno na siyang nagpatawa saamin.

-----

Huling araw na ngayon at bukas na namin ipa-pass ang friend tree pero hindi pa namin natatapos 'to.

"Nasaan naba sila?" Naiiritang tanong ko. Masyadong pa-importante ang mga lalakeng iyon.

"Yaminah, nasa mall daw sila. Nakita raw sila ni Fred (Kaklase ni Jess) doon." Sabi ni Jess habang ibanababa ang cellphone niya. Hindi ko naman mapigilan ang sumigaw ng malakas. Bakit nasa mall sila?! Matatapos ba ang project namin kapag pumunta sila doon?!

"Oh, saan ka pupunta?" Sabi ni Jess nang makita niya ako palabas sa pamamahay nila.

"Manghuhuli ng mga garapata. Masyado na silang marami kaya kaylangan na nilang tirisin."

"Huh?"

"Ang ibig kong sabihin ay pupuntahan ko sina Uno sa mall. Hindi pwedeng ako lang ang nai-istress dito. Hindi lang naman ako ang may project doon." Iritableng sabi ko.

"Sama ako. Iyong kotse ko nalang ang gamitin natin. Tara." Aya ni Jess kaya agad akong napatango. Mas maganda na 'to kesa naman sa gumastos pa ako para sa taxi.

Makalipas ang 30 minutes ay nakarating narin kami sa mall. Napakalaki ng mall na ito kaya paano ko sila hahanapin? Kapag talaga natunton ko kung nasaan sila, sisiguraduhin kong matatanggap nila ang hinagpis ng isang api. Mga bruhatilyong garapata!

Pumasok na ako sa mall at sinimulang hanapin ang mga iyon. Halos makalahati ko na ang lugar na ito pero kahit anino nila ay wala akong maaninag. Saang lupalot ba ng mall sila nagpunta?!

"Nakita mo na?" Tanong ni Jess.

"Hindi pa nga eh." Sagot ko naman.

"Ipagtanong nalang natin sila. Tara." Suhestiyon niya na agad kong sinang-ayunan.

Lumapit kami sa isang babae na mukhang ka-edad lang din namin. "Pwede bang magtanong." Wika ko ng makalapit na ako rito.

"Yes. Ano 'yon?"

"Itatanong ko lang sana kung nakakita mo 'yung apat kong kaibigan. Matangkad sila, maliban doon sa isa tapos gwapo rin. Blonde ang buhok no'ng isa tapos nakaku-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita ang babae.

"Sina Aiden, Uno, Reed at Milo ba ang hinahanap mo?"

"Teka lang. Paano mo nalaman?"

"Estudyante rin kasi ako sa Lidford Academy kaya kilala ko sila, even you." Sagot naman nito.

"Nandoon sila sa bookstore kung hinahanap mo ang mga iyon. Doon ko kase sila last na nakita." Dagdag pa nito.

"Thank you!" Sigaw ko bago tumakbo ng mabilis papunta sa bookstore. Kaylangan kong magmadali dahil baka hindi ko sila maabutan.

Pagkarating ko roon ay nakita ko sina Uno at Aiden na busy-ing tumitingin ng libro habang sina Milo at Reed naman ay may kausap na babae. Pati ba naman dito? Malalandi pa rin sila?

"Hoy!" Sigaw ko sakanila. Napatingin naman ang mga ito sakain at nakita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Uno.

"What are you doing here?" Tanong ni Uno.

"Huwag mo akong ma-english english diyan ah! Bakit niyo ako iniwan?! Alam niyo bang hindi pa tapos 'yung ginagawa nating tree friend?!"

"Yeah, we know." Bored na sagot ni Uno bago niya ibalik ang nito tingin sa mga libro.

"Alam niyo naman pala eh! Bakit pa kayo umal-"

"You know what, itikom mo nalang ang bibig mo. Pinagawa ko na ang tree friend sa kaibigan ko kaya wala ka ng dapat na problemahin." Putol na sabi ni Uno.

Napataas naman ang kilay ko dahil doon. Kaya pala umalis sila dahil pinagawa na nila. "Dapat sinabi niyo agad."

"Nagtanong kaba?" Pilosopong wika ni Uno.

"Hindi."

"Iyon naman pala eh." Masiglang sabi ni Milo. Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Nandito kana rin naman sa Mall. Bakit hindi mo nalang kami samahan na mamasyal?" Suhestiyon niya.

Aangal pa sana ako kaso biglang nagsalita si Jess. "Oo nga naman, Yaminah. Para naman makapamasyal tayo. Bonding narin."

"May magagawa pa ba ako?" Sabi ko. Tumawa naman silang dalawa dahil doon.

"Let's go. Kain na muna tayo." Masayang wika ni Milo bago ako hilain palabas. Tahimik naman na sumunod sa'min ang iba.

----

Kanina pa ako naglalaway sa mga pagkain na nasa harapan ko. Ayaw nila akong bigyan dahil hindi naman daw ako nagbayad. Hindi ko naman kase alam na mamamasyal pala ng biglaan, edi sana nakapag-dala ako ng sapat na pera.

"Gutom kanaba?" Tanong ni Aiden saakin. Tumango lang ako sakanya. "Edi bumili ka." Asar na sabi nito. Tumawa naman ang lahat dahil doon.

"Kung isungalngal ko kaya itong kutsarang hawak ko sa'yo para manahimik naman 'yang bibig mo." Inis kong sabi dito. Nginisian niya lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Here. Eat this." Nagulat ako ng biglang lumapit saakin si Uno at ibigay ang plato niya na may lamang pagkain. Take note, iyong mismong plato na pinagkainan nito ang ibinigay niya saakin. Hindi naman sa maarte ako pero never kong kakainin ang pagkain na nakalagay sa pinggan niya. Baka may germs pa ang laway nito tapos madamay ako.

"Kainin mo na 'yan, Yaminah. Baka mamatay ka ng hindi oras." Bulong ni Jess saakin.

"Hindi ko ito kakainin. Never." Maarteng sabi ko. Hindi bale ng mamatay sa gutom kesa sa kainin ang binigay ni Uno.

"Eat this or I will eat you. Choose." Nanlaki naman agad ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Huh?"

"Hindi kalang pala bungangera, bingi ka rin."

"Gago!" Inis na bulong ko rito bago kainin ang pagkain na ibinigay niya. Baka totohanin nito ang sinabi niyang kakainin ako. Baka bigla akong masampal ni mama kapag nalaman nilang nagpakain na ako. Scary.

-----

Someone's POV

"Did you already find her?" Tanong ng isang babae.

"Hindi pa po madam pero nakakuha kami ng information na maaaring nag-aaral siya sa Lidford Academy." Sagot naman ng isang lalake.

Kinuha ng babae ang isang glass of wine at sumimsim doon. Makikitaan mo ng ganda at sexy ng katawan ang babae pero sa kabila non ay hindi mo maaaring maipag-kaila na nay dala rin itong panganib. Nakakatakot ang aura niya at nakakakilabot.

"Sa dinadami-rami ng lugar na pwede siyang itago ng peke niyang pamilya. Bakit doon pa sa eskwelehan na pagmamay-ari ng mga Lidford? " Inis na sabi ng babae. Hindi naman siya sinagot ng lalake dahil maging siya ay kinakabahan at natatakot sa awrang pinakakita ng kanyang amo.

"Pumunta ka ngayon doon. Alamin mo kung nandoon ba talaga siya." Dagdag nung babae.

"Masusunod po, Madam Joan."