Chereads / The Love Wars / Chapter 18 - Claudine

Chapter 18 - Claudine

๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฒ๐—ป:

[Yaminah's POV]

"Ano ba 'yan! Ang gulo-gulo niyo!" Sigaw ko kay Reed nang matabig nito ang baso at matapon ang tubig na nakalagay doon.

Gaya ng sabi ni Uno kahapon, pumunta nga rito ang tatlo at dito nag hasik ng lagim. Joke lang. Nandito sila para gumawa ng project na pinapagawa ni sir. Kanina pa kami rito pero hindi kami makapag-simula dahil puro lang sila kalokohan.

"Yaminah." Pagtawag ni Aiden saakin.

"Ano? Kapag kalokohan na nanaman 'yan, babatukan na talaga kita." Sabi ko habang nakatingin dito at hinihintay ang sasabihin niya.

"Grabe ka naman sa kalokohan. Gusto ko lang sanang itanong kung may lahi kabang baboy."

"At bakit mo naman natanong 'yan?"

"Ang taba-taba mo kase, akala ko may lahi kang baboy. Mag oink-oink ka nga, ico-confirm ko lang."

"Aba't, gago ka ah!"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik at agad akong tumayo. Nakita ko ang pagtayo rin nito at nagsimula na kaming maghabulan. Iyong tatlo naman ay tinatawanan lang kami. Hayop na iyan. Sa sexy kong ito, mapagkakamalan akong baboy. Kung magiging baboy man ako, baka ako na ang pinaka-magandang baboy sa balat ng lupa.

"Kapag talaga nahabol kita, Aiden. Isasaksak ko itong ballpen na hawak ko sa tagiliran mo." Banta ko rito. Tumawa lang siya ng malakas.

"Hindi mo nga ako mahabol 'e. Ay teka lang, paano mo nga pala ako mahahabol, eh hindi ka nga makatakbo dahil ang bigat-bigat mo." Pang-aasar niya saakin.

"TANGINA MO!"

Naghabulan kaming muli. Napaka-bilis nitong tumakbo. Sumasali ba sa track and field ang garapatang 'to?

"Sali naman kami diyan." Napatingin naman agad ako kay Reed na ngayon ay nakatayo habang nakangiting nakatingin saakin. Nakatayo narin sina Milo at Uno, mukhang balak ata nilang sumama kay Aiden sa pang-aasar sa'kin.

"Bawal sumali ang panget dito." Sabi ko lang sakanila. Tumawa naman ng malakas si Aiden dahil doon.

"Ah ganon. Humanda kayo saakin." Sabi ni Reed bago tumakbo ng mabilis papunta saakin.

"TAKBO!"

Sigaw ko kaya muli kaming naghabulan. Si Milo at Uno naman ay nagsimula naring tumakbo para habulin ako at si Aiden.

Masyadong mabilis si Reed kaya nahabol niya agad ako. Tutulungan pa sana ako ni Aiden para makawala kaso hawak-hawak siya nina Uno at Milo.

"Sino nga 'yung panget ulit?" Tanong ni Reed habang kinikiliti ako. Si Aiden naman ay sinasapak ng mahina nina Uno at Milo. Taena, may wrestling pa atang magaganap.

"T-teka l-ang. BWAHAHAHAH." Hindi ako makasagot ng maayos dahil sa pagkiliti nito.

Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ko binabawi ang sinabi ko; na panget ito.

"Tama na muna 'yan. Halika at mag meryenda muna kayo." Sabi ni Jess sa kalagitnaan ng aming laro.

Napatigil naman kami agad sa paglalampungan namin at mabilis na tumayo. Napatawa pa ako sa hitsura ni Aiden dahil gulo-gulo ang buhok nito at lukot na rin ang damit niya. Lumapit kami kay Jess na may dalang meryenda.

"Buti naman at may ambag ka rin sa wakas." Pagbibiro ni Aiden kay Jess habang kumukuha ng tinapay. Tumawa naman kaming lahat dahil doon.

"Gago." Kunwareng inis na sabi ni Jess bago hampasin ng mahina si Aiden.

Hindi naman ako makapag-concentrate sa pagkain ko dahil kanina pa sumusulyap si Uno sa aking gawi. Hindi naman sa pagiging assuming or what, pero feeling ko ay gandang-ganda siya ngayon saakin. Alam ko naman na pretty ako pero sana naman huwag niyang masyadong ipahalata. Nai-istress ang beauty ko.

"Hinay-hinay lang sa pagtingin saakin, Uno. Baka maubos ang ganda ko." Sabi ko rito. Bigla naman itong nasamid dahil sa sinabi ko at nagresulta ito ng pagkatapon ng mga pagkain sa bibig niya. Dugyot.

"Excuse me?" Mataray na sabi nito.

"Aysus. Pa-humble kapa. Kung nagagandahan ka saakin, pwede mo namang sabihin agad. Hindi naman ako magagalit."

"Fuck! I didnโ€”shit!" Sabi ni Uno. O diba? Kaya hindi siya makapag salita ng maayos dahil tama ako. I'm so pretty talaga.

Nakita ko ang pagpula ng mukha ni Uno. Hindi rin ito makatingin ng maayos saakin na para bang nahihiya siya dahil doon. May hiya pa pala 'to.

Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ang atensyon ko kay Jess na nagku-kwento ngayon.

"Alam niyo, may nagbigay saakin ng love letter kanina. Kahit na medyo luma na ang style na iyon, kinilig parin ako." Nakangiting sabi ni Jess saamin.

Bigla namang tumaas ang kilay ni Uno at seryosong tumingin kay Jess. "What did you just say? May nagbigay ng love letter saiyo?"

"Ano kabanaman kuya. Admirer ko lang iyon, beside hindi naman siya nagpakilala. Kasalanan ko bang may kapatid kang maganda."

Nagtawanan kami ulit dahil doon. Si Uno naman ay nakikitawa rin pero halatang naiinis parin siya. Protective kasi siya masyado sa kapatid niya. As far as I know, muntik ng namatay si Jess no'ng mga bata palang sila. Buti nalang ay nasagip siya ni Aiden dahil kung hindi, baka patay na siya.

"Sa tingin mo, kanino galing iyon?" Seryosong sabi ni Aiden habang nakatutok ang tingin niya kay Jess.

"Idunno. Sa dinami-rami ba naman ng admirer ko. Sa tingin mo, malalaman ko pa 'yon?"

"You're right." Simpleng sabi ni Aiden.

"Bakit parang dissapointed ka? Don't tell me, saiyo galing iyon." Biro ni Jess.

Walang tumawa kahit isa. Hindi ko alam pero parang may kutob ako. May kakaiba talaga kina Jess at Aiden. Parang may ugnayan sila na mas higit pa sa kaibigan.

"Huh? Hindi ah." Defensive na sabi ni Aiden. Akward naman kaming tumawa dahil doon.

"Pumasok na kayo sa loob. And you," Turo ni Uno kay Aiden. "Mag-usap tayo rito."

Seryoso ang tinginan nilang dalawa na para bang ano mang oras ay magsusuntukan sila. What happened? Parang kanina lang ay masaya at nagtatawanan kami pero ngayon.....

"NOW!" Nagulat kaming lahat sa biglang pag-sigaw ni Uno kaya wala na kaming nagawa kundi pumasok sa loob at iwanan ang dalawa.

---

UNO'S POV

Hinintay ko na munang makapasok ang lahat bago harapin si Aiden na ngayon ay nakaduko at hindi makatingin ng maayos saakin.

"Now, talk." Simpleng saad ko pero mababakas mo parin ang otoridad doon.

"I like your sister."

Maikling salita pero sapat na para painitin ang ulo ko. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at sinapak ko na agad siya. "You're a traitor! Gaguhin mo na ang lahat huwag lang ang kapatid ko."

"Seryoso ako sa kapatid mo." Sabi nito habang nasa ibaba ko siya. May bahid na ng dugo ang mukha nito at namamaga narin ang mata niya dahil sa pagsuntok ko.

"Ilan na ba ang nai-kama mo? Isa? Dalawa? Apat? Sampo? Hindi ko na mabilang. Kung balak mong isama doon ang kapatid ko. Puwes hindi ako papayag. Napaka-gago mong tao para maging boyfriend ng kapatid ko."

"Bakit ikaw? Hindi ba pinatay mo ang girlfriend ko dati. Sa ating dalawa, ikaw ang mas gago."

"Hindi ko siya pinatay."

"Huwag ka nang mag-sinungaling, pinatay mo siya. Naririnig mo ako, pinatay mo ang girlfriend ko!" Sigaw nito saakin at sinapak rin niya ako pabalik. Hindi ko ininda ang sakit ng pagtama ng kamao niya. Susuntukin ko rin sana ito pero para bang nawalan ako ng lakas bigla.

Nakita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ni Aiden sa harapan ko. Tumigil na ito sa pagsuntok saakin pero ramdam ko parin ang sakit. Hindi ito sakit sa katawan kundi sakit sa puso. Nasasaktan ako dahil nasaktan ko nanaman ang bestfriend ko at ang mas masakit pa doon ay hindi ko na maaalis ang sakit na nararamdaman ni Aiden dahil alam kong permanente na ang sugat na binigay ko sa puso niya.

"Pinatay mo siya, Uno. Sa ating dalawa, ikaw ang walang puso. Kaya huwag mo akong papangaralan sa mga ginagawa ko. Dahil never kitang sinumbatan no'ng nawala siya." Sabi nito.

"Kaya ba ang kapatid ko ang gusto mong puntiryahin dahil gusto mong maghiganti saakin?" Tanong ko dito.

"Malinis ang intensyon ko sa kapatid mo. Kung akala mo gagawa ako ng masama para ipaghiganti ang girlfriend ko dati. Puwes nagkakamali ka dahil hindi ako tutulad saiyo. Gago na nga, kriminal pa." Sabi nito bago ako iwan.

Pinanood ko lang ito sa paglisan niya. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko ay mas pinili ko nalang na ipikit ang mga mata ko.

Paano ko pro-protektahan ang kapatid ko kung 'yung kaisa-isang babae na akala ko'y mapro-protektahan ko ay napatay ko.

Muli kong iminulat ang mga mata ko at tinignan ang bughaw na kalangitan. Mula sa mga ulap na'to ay nakikita ko ang hitsura ng babaeng minsan ko ring minahal.

"I'm sorry kung hindi kita naligtas, Claudine." Bulong ko sa hangin.