Chereads / The Love Wars / Chapter 17 - Grouping

Chapter 17 - Grouping

๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ถ๐˜…๐˜๐—ฒ๐—ฒ๐—ป:

Kanina pa umiikot ang mata ko dahil sa mga panget na naka-upo sa harapan ko. Yes. Iyong apat na garapatang mukhang paa ay naka-upo ngayon dito; sa harapan ko mismo. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan nila sa pagpunta rito pero wala na akong time para alamin iyon. As if naman na may pakielam ako.

"Yaminah!" Halos mapatalon ako dahil sa sigaw ni Sir. "Kanina pa kita tinatawag! Sagutin mo ang tanong dito para magising ang utak mo!" Dagdag nito.

Napangiwi nalang ako dahil sa kahihiyan. Kasalanan nila ito eh. Kung hindi sana nila sinira ang umaga ko, edi sana hindi ako lutang ngayon. "I'm sorry po."

"Tayo na raw. Ang bagal." Napatingin agad ako kay Milo na nang-aasar ngayon. Hayop na 'to. Wala talagang magandang dulot saakin. Mga panget.

Lalapit na sana ako sa blackboard ng biglang hawakan ni Uno ang kamay ko. "Ano nanaman ba?!" Inis kong bulong.

"Porselana ang sagot." Sabi lang nito. Humarap ulit siya kay sir kaya pinagpatuloy ko na ang pagpunta sa harapan. Sagot ba rito sa tanong ang sinabi niya? Ay, bahala na! Kagaya ng sinabi ni Uno ay isinulat ko ang PORSELANA sa underline.

"Very good." Ang sabi ni sir, matapos tignan ang isinulat ko. Nginitian ko lang ito at ikinaway pa ang kamay ko. Well, mukhang may ambag naman pala itong si Uno sa buhay ko. "Bobita! Math ang itinuturo ko at bakit ka magsasagot ng ganyan?!"

Nanlaki naman ang mata ko dahil doon. Teka lang. Shit! Math pala ang pinapasagot. "Sorry po."

"Puro kayo sorry. Pagbibigyan kita ngayon dahil maganda ang performance mo sa pageant pero next time. Hindi ko na ito-tolerate ito. Understood?!" Tumango lang ako doon.

Bumalik ako sa puwesto ko na may inis sa mukha. Pahamak talaga kayo. Mas nadagdagan naman ang inis ko, nang makita ko ang paghalakhak ng apat na iyon. Pinag tri-tripan ba nila ako?! Umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa inis kaya hinampas ko ng malakas si Uno sa likod. "Aray." daing nito.

"Gago ka. Ipapahamak mo pa ako. Bwiset." mahinang bulong ko rito para hindi marinig ni sir.

"Kasalanan ko bang lumilipad ang utak mo. Beside, hindi ko naman sinabi saiyong isulat mo 'yon eh. Desisyon mo 'yan."

"Kahit na. May pahawak-hawak kapa tapos wala rin naman palang kwenta ang sinabi mo. Gago!" Inis na wika ko. Hinampas ko ulit siya sa likod kaya napadaing ulit ito sa sakit.

"Shit! Bakit ba galit ka saakin? Inutusan lang ako ni Aiden eh." Turo niya kay Aiden na ngayon ay tumatawa ng tahimik. Inirapan ko lang ito bago hampasin din sa likod. Kagaya ni Uno ay dumaing din siya.

Nakita ko naman ang panlalaki ng mata ni Milo kaya hinampas ko rin siya. Anong akala niya, nakakalimutan ko na ang pang aasar nito saakin kanina?

"Ouchy doggie HAHAHAHA." Pang-iinis ni Reed sakanila. Hindi ko alam pero kahit wala naman itong ginagawa saakin ay hinampas ko rin siya. Damay-damay na 'to.

"Fuck!" Sigaw ni Reed kaya naka-agaw na kami ng pansin. Maging si Sir ay nakatingin na saamin ngayon. Shit!

"What the hell is happening?!" Napaduko nalang ako dahil sa lakas ng boses ni sir. Galit na galit na siya.

"Sir si Yaminah po kase, hinampโ€”" Hindi na natuloy ni Milo ang sasabihin niya nang hinampas ko ulit siya. Deserve.

"Yaminah, stop it!" Suway ni sir saakin. Nanlilisik akong tinignan ng apat kaya tinignan ko din sila ng masama.

Umupo na ako at nag focus nalang kay sir na ngayon ay nakatingin din saaming lima ng seryoso. "Kayong lima ang magka-group sa project." Wika nito. Huh? Project?

Aangal na sana ako pero muling nagsalita si sir. "Gumawa kayo ng isang friend tree at gusto ko na sa bawat sanga non ay may picture kayo. After non ay ipapaliwanag niyo saakin ang definition ng friend. Group yourself in to three then 'yung nag-aaway kanina, kayo ang magka-grupo."

"Hindi naman ata pwede iyan sir." Angal ko dito. Pinanlakihan ako nito ng mata kaya itinikom ko nalang ang bibig ko. Desidido na talaga siya. May magagawa pa ba ako, syempre wala na.

"Ang arte mo, as if naman na gusto kitang ka-grupo." Sabi ni Uno. Hindi ko na lang ito pinansin at itinutok nalang ang paningin ko sa labas.

Hindi kita mapapatawad, sa oras na masira ang pagka-kaibigan namin dahil saiyo

Muling bumalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Aiden sa'kin. Hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang isipin ang mga itinuran nito. Masisira ang pagkaka-kaibigan nila, dahil saakin? Bakit masisira iyon? Hays, nakaka-stress.

After ng gabing iyon ay bumalik sila sa dati. Iyong palagi nila akong aasarin at aasarin ko rin sila pabalik. Bumalik sila sa dati na parang hindi nila ako sinuportahan no'ng pageant ko. I mean, wala naman akong problema kung guluhin nila palagi ang araw ko pero hindi ko rin maalis sa isipin ko, ang umasa na pwede pa kaming magkasundo at maging magkaibigan; hindi ko ma-gets ang ugali nilang apat, minsan mabait saakin pero bumabalik din agad sila sa dati after a day.

"Hoy."

Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ni Uno. Iniikot ko ang aking paningin at nakita ko ang mga kaklase ko na palabas na ng room. Tapos na pala ang klase, hindi ko man lang napansin. I focus my eyes to Uno again, "What?" I asked.

"Bukas nalang natin pag-usapan ang gagawin natin sa friend tree na iyan. Nakatira kanaman sa bahay kaya papupuntahin ko nalang ang tatlo roon." Tinanguan ko lang siya.

"Anong oras? After class?" I asked.

"No. Wala tayong klase ng three days."

"Huh? How did you know? Wala pa ngang announcement 'e. Batas kaba dito?"

"Baka nakakalimutan mong Rank 1 ako sa Highest 10."

Ay oo nga pala.Bakit ba nakalimutan kong kasama pala ang kupal na ito sa ranking na iyan. Sabagay, if kasama ka roon ay may privilege kang malaman ang mga bagay-bagay or nangyayari sa school. Isa na doon ang mga announcement, sila ang unang makakaalam kasi no'n.

"See you tomorrow, Yaminah." Sigaw ni Reed saakin habang ikinakaway ang kamay niya sa ere.

Nginitan ko lang ito at nagpaalam narin. "Bye. See you tomorrow."