Chereads / The Love Wars / Chapter 16 - Brother

Chapter 16 - Brother

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗶𝗳𝘁𝗵𝗲𝗲𝗻:

Kasalukuyan akong nasa Restaurant ngayon dahil dito namin na-isipan na ipagdiwang ang aking pagka-panalo. Wala si Jess dito at iyong apat na garapata dahil mayroon ding naganap na celebration sakanila.

Inayos ko na muna sandali ang bestidang suot ko bago umakyat sa isang mini stage dahil gusto ng mga kasama ko rito na magbigay daw ako ng speech. Ayaw ko nga sanang pumayag kaso kinonsensya nila ako. Kahit bayad ko nalang daw iyon sa pag-suporta nila saakin.

"Hindi ba sira itong mic?" Kunwareng tanong ko kahit alam ko naman na hindi ito sira. Tumawa naman ang mga kasama ko roon.

"First of all, I just want to say thanks to God because he gave me strength, wisdom and confidence para matapos at mairaos ko ang pageant na iyon. Second, sa family ko na walang sawa akong sinusuportahan kahit na wala sila sa tabi ko, they always make sure na mapaparamdam nila saakin ang suporta nila." Tumigil ako sandali para punasan ang luha kong tumutulo na.

"Third and lastly, gusto kong magpasalamat ang mga kaklase at kaibigan ko and especially kay Sir dahil hindi niyo ako pinabayaan no'ng muntik na akong mawalan ng pag-asa sa kompetisyon. Nakakalungkot man na hindi ako nanalo bilang Ms. Nutrition pero nagpapasalamat parin ako dahil 1st runner-up ako (2nd place). Kahit na natalo ako roon, I'm still thankful dahil nai-represent ko ang section natin ng maayos at hindi ko magagawa 'yon kung wala kayong lahat. Thank you very much and I love you all guys!"

Nang matapos na akong mag-speech ay tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nagulat nalang ako ng humahagulgol na ako sa harap ng lahat. Yinakap naman agad ako ni sir at sinundan siya ng aking mga kaklase. We did a group hug.

"Thank you." Muling sabi ko habang nasa kalagitnaan kami ng yakapan.

-----

Lumipas ang ilang oras at natapos nadin ang celebration namin. Hindi kami pwedeng mag-stay dito ng sobrang tagal dahil may pasok pa kami bukas.

Tsaka kaylangan ko rin na umuwi agad dahil pinagbantaan ako ni Uno na sasaraduhan niya raw ako ng gate kung hindi raw ako uuwi.

"Umuwi ka agad dito kung ayaw mong saraduhan kita ng gate."

Ayan ang huling sabi niya saakin bago ako bagsakan ng cellphone. Akala mo kung sino. Siya na nga 'yung tumawag saakin tapos siya pa ang may karapatang mag-sungit.

"Hatid na kita sainyo, Yaminah." Aya ni sir sa akin.

"Hindi na po, sir." Tanggi ko rito.

Pinilit pa ako nito pero hindi siya nagtagumpay. "Okay, basta mag-iingat ka." Paalala nito sa akin na tinanguan ko lang.

Lumabas na ako sa restaurant at pumara ka-agad ng taxi. Hindi naman malayo ang lugar na pinagdausan ng celebration sa bahay nina Uno.

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na umabot ako ng Top 3 at nanalong 1st runner up. Unexpected but worth-it. Naalala ko pa nga na sobrang naiyak si Matrica ng i-announce na siya ang nanalo bilang Ms. Nutrition. Wala namang nagreklamo sa pagkapanalo niya dahil deserve naman nito ang magwagi.

Nang nasa tapat na ng bahay ang taxi ay agad akong nagbayad at bumaba roon. Muntik pa akong natapilok habang naglalakad ako papasok sa bahay dahil sa mga plastik cup na nagkalat sa labas. Mukhang dito dinaos ang celebration ni Jess.

Pagpasok ko palang ay rinig na rinig ko na agad ang malakas na tugtog. Super dami rin ng tao rito. Pati ata kapit-bahay namin ay inimbita nila.

Mayro'ng nagsasayaw na mga tao sa gitna habang may DJ na nagpapatugtog. Halos masuka pa ako ng makita ko kung gaano ka-wild ang mga tao rito. May naghahalikan at mayroon ding gumagawa na ng milagro. Ano ba 'yan?!

Nagmadali akong umakyat sa kwarto dahil hindi ko na masikmura ang mga nakikita ko. Kung ano ang kina-chill ng celebration ko ay siya namang kina-wild ng kay Jess.

"Nandito kana Yaminah!" Sigaw ni Jess ng mabuksan ko na ang pintuan ng aking kwarto. Hindi lang siya ang nandito dahil narito rin ang apat na garapata. Anong ginagawa nila sa kwarto ko?!

"What are y'all doing here?!" Sigaw ko.

"Huwag ka ngang sumigaw! As if naman na bahay mo ito." Maarteng sabi ni Uno. Ay oo nga pala. Nakiki-tira lang ako rito.

"Sorry naman."

Hinawakan ako ni Jess at pina-upo sa kama ko. Nakita ko pa ang pag-irap ni Aiden saakin at paglayo ng kaunti ni Milo. Ang aarte nila.

"Uyy congrats pala sa'yo, Yaminah." Sabi ni Jess saakin.

"Well, congrats din saiyo."

"Akala ko si Matrica na ang pinaka-malakas kong kalaban kaso nandyan kapa pala." Kunwareng nagtatampo nitong sabi.

"Ganyan talaga kapag maganda." Maarte ko namang sagot. Tinawanan naman niya ako kaya tumawa rin ako.

"Osiya. Alis na muna ako. Asikasuhin ko muna ang mga bisita ko." Wika ni Jess bago ako iwan at lumabas ng kwarto.

Akward

Ayan ang nararamdaman ko ngayon. Walang nagsasalita kahit isa sa'min. Sinilip ko kung ano ginagawa nila at nakita ko si Aiden na nagbabasa ng libro habang si Milo naman ay nag c-cellphone. Si Reed naman ay nakatingin sa labas habang si Uno ay nakatingin sa akin.

"Congrats." Mahinang bulong ni Uno saakin. Agad naman akong napatigil ng marinig ko ito. "Thank you." mahina ko ring bulong.

"You did great." Dagdag na sabi nito.

"I know." aniko at nginitian siya. Wala ng nagtangkang magsalita pa ulit saamin. Napansin ko naman ang seryosong pagtingin ni Reed saamin pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang masama nitong tingin kay Uno.

May problema ba sila?

Nagkibit balikat nalang ako at iwinaksi ang naiisip ko bago kuhanin ang aking computer. Nagtingin-tingin ako ng pwedeng panoorin dito dahil medyo naiilang ako sa presensya ng apat. Kahit walang nagsasalita, ramdam ko ang malakas na tensyon. Para bang may nangyari ng hindi ko alam.

"Ayos lang ba kayo." Hindi ko na napigilan ang basagin ang katahimikan. Inilagay ko muna ang computer sa table ko at naghintay ng sagot.

Napatingin naman ang apat saakin pero kahit isa ay walang nagtangkang sumagot saakin. Lalapitan na sana ako ni Reed pero agad siyang pinigilan ni Milo. Nakita ko pa ang pag-iling nito kay Reed na wari'y may pinapahiwatig siya.

"Fuck this life!" Sigaw ni Reed na kinagulat ko. Sinamaan niya pa ng tingin si Uno bago lumabas. Sinundan naman siya ni Milo.

"Don't mind him. Stress lang siguro iyon." Sabi ni Uno bago lumabas. Bakit mai-istress si Reed? Diba dapat masaya siya ngayon dahil nanalo siya bilang Mr. Nutrition?

Tanging ako at si Aiden nalang ang natira rito. Tinignan ko siya habang umaasa na masasagot ang mga tanong ko sa aking isipan.

Umiling lang ito saakin bago tumayo para lumabas. Nang pipihitin niya na sana ang pinto ay tumigil siya bigla at tumingin saakin. "Hindi kita mapapatawad, sa oras na masira ang pagka-kaibigan namin dahil saiyo." Wika nito bago tuluyang lumabas.

Huh?

Ano bang nangyayari? Bakit parang magkaaway si Uno at Reed? Ano ang ibig sabihin ng pag-iling ni Milo? At ano ang ibig sabihin ni Aiden na hindi niya raw ako mapapatawad kapag nasira ang pagka-kaibigain nila?

Ano ba talagang nangyayari?!

----

Reed's POV

Kakatapos lang ng pageant at mabuti nalang ay ako ang nanalo bilang Mr. Nutrition. Nakakalungkot lang dahil hindi nanalo si Yaminah pero ayos lang iyon dahil siya narin ang nagsabi, sumali siya roon para i-represent ang aming section at hindi ang manalo.

"Congrats bro." Wika ni Aiden saakin ng sandaling maka-punta na ako sa bahay nina Uno. Dito gaganapin ang celebration ni Jess para sa pagka-panalo nito bilang 2nd runner up ng Miss. Nutrition.

"Thanks." Maikling sagot ko kay Aiden. Umupo ako sa sofa habang hinihintay namin na bumaba sa second floor si Uno.

Nandito na ako, Aiden at Milo. Balak pa sanang gumawa ng alternate celebration ang family ko kaso I refuse it. Ayokong gumastos pa ng malaki si mama. I'm not rich gaya ng mga kaibigan ko. Isang janitor si mama sa company nina Uno. Kahit na ganoon ang trabaho ni mama ay kumikita siya ng kasing-laki ng sweldo ng isang engineer. May special treatment din siyang natatanggap dahil kaibigan ko ang may-ari ng kompanyang pinagtra-trabahuan nito.

Napaka-laki ng utang na loob ko kay Uno dahil hindi ako makakapag-aral at mabubuhay kung hindi dahil sakanya.

"The king is here." Biro na sabi ni Milo habang tinatanaw si Uno na pababa sa hagdan. Kasama nito si Jess na naka-suot ng kulay yellow na dress.

"Dahan-dahan lang sa pagtingin sakanya, Aiden. Baka malusaw 'yan." Bulong ko kay Aiden. Inirapan niya lang ako.

Para sa kaalam niyong lahat. Si Aiden ay may lihim na pagtingin kay Jess. Hindi ko alam kung kailan niya ito nagustuhan pero nagulat nalang ako nang makita ko siyang palihim na naglalagay ng love letter sa locker ni Jess. Creepy right? Sigurado akong magagalit si Uno kapag nalaman niyang may gusto si Aiden sa kapatid nito. May dark past kasi ang dalawang 'to.

"Buti naman at nakarating kayo dito." Nakangiting wika ni Jess.

"No problem. Basta ikaw." Sagot naman ni Aiden.

"Invited ba si Yaminah dito?" I asked.

Umiling lang saakin si Jess. "Invited siya pero hindi ko alam kung makaka-punta ito. May celebration din kasi silang ginawa. Malapit lang naman dito iyon. Baka hahabol nalang siguro siya." Tinanguan ko nalang ito.

Pina-punta kami ni Uno sa second floor para doon na muna manatili dahil siguradong dadagsa ang mga tao dito mamaya.

"Kaninong kwarto 'to?" Tanong ni Milo ng maka-pasok kami sa silid na kulay asul.

"Yaminah." Maikling sagot ni Uno.

"WHAT?!" Napa-sigaw naman ako dahil doon.

"Excuse me?"

"Uhmm, sorry. Nagulat lang ako."

"Nagugulat din ako Reed pero never akong sumigaw. Masyado kang OA."

"Sorry naman Uno. Na-shock lang kase ako. Hindi ko in-expect na magkasama pala kayo ni Yaminah sa isang bahay."

"Me too. I didn't expect na makakasama ko ang bungangerang babae na 'yon." Bored na sagot niya bago humiga sa kama.

Lumipas ang ilang oras at napuno nga ng sobrang daming tao ang baba. Mabuti nalang ay nasa kwaryo kami ngayon at hindi kami nakikisiksik sa baba.

"Umuwi ka agad dito kung ayaw mong saraduhan kita ng gate." Napatingin ako kay Uno nang magsalita ito. May hawak siyang cellphone at may kausap ito.

"Si Yaminah ba 'yan?" I asked.

"Why did you ask?" Naka-taas na kilay na tanong niya habang ibanababa ang cellphone.

"Just answered my damn question." Medyo naiinis na sabi ko.

"Why? Dahil ba may gusto ka kay Yaminah, kaya nac-curious ka?" Mapanuyang wika nito saakin.

"You know nothing." Sagot ko rito.

"You're wrong. I know everything."

Nilapitan ko ito at agad na kinuwelyuhan. "Really?"

"Yes."

"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ni Aiden saamin. Hinila naman ako ni Milo palayo kay Uno.

Nginisian lang ako ni Uno at dinuro. "Tandaan mo ito. Kung ano man ang balak mo kay Yaminah. Mas mabuting dumistansya kana dahil matatalo kalang."

"Why? May gusto kaba sakanya?" Taas-kilay kong tanong dito.

"What if i say yes? What will you gonna do? Beat me?"

"Kilala kita Uno. Hindi ka lang mang-aagaw, mamamatay-tao kapa!" Sigaw ko naman dito. Nakita ko ang pagpula ng mukha nito at galit na galit niya akong nilapitan. Buti nalang ay hawak-hawak siya ni Aiden kaya hindi niya ako masuntok.

"You know nothing!" Sigaw nito saakin.

"Gaya ng sabi mo kanina. I know everything." Nakangising sagot ko. Now, it's my turn.

"Hindi ako papayag na maging kayo ni Yaminah. Kahit hindi mo sabihin saakin, alam kong nagugustuhan mo na siya." wika ko.

"Sino kaba sa buhay ni Yaminah para diktahan ako kung ano ba ang dapat kong gawin sakanya?"

"I'm her long lost brother."