𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗼𝘂𝗿𝘁𝗵𝗲𝗲𝗻:
[𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩]
"From 53 candidates. Only three candidates nalang ang natira. Sino kaya sakanila ang magiging Ms. Nutrition 2018 of Lidford Academy. Huwag na nating patagalin pa at tawagin na natin ang tatlong dilag na maglalaban-laban para sa title ng Ms. Nutrition 2018 at sasamahan si Reed sa trono nito." Wika ng Emcee bago tawagin ang tatlo.
Sabay-sabay namang lumabas sina Jess, Matrica at Yaminah habang suot parin ang long gown nila.
"Para sa huling round. Bibigyan ng parehong tanong ang tatlo na sasagutin din nila. Papasakan ng headset ang kandidatang hindi pa nakakasagot habang sumasagot naman ang isa. So, let's begin. Candidate number 24 (Jess). Please, step forward."
Humakbang naman paharap si Jess habang ang dalawang naiwan ay nilagyan ng headset na may tugtog sa tenga para hindi nila marinig ang tanong.
"Here's your final question. Do you think you are the most desirable winner of the evening? Why?"
"I believe, yes. Maaaring mas angat ang dalawa sa akin subalit hindi ito hadlang para hindi ko masungkit ang korona. Sapagkat naniniwala ako na ang pagka-uhaw ko sa korona, ang siyang magsisilbing lakas ko para manalo. Thank you." Jess answered. Nagpalakpakan naman ang lahat dahil sa sagot nito. Short but deadly ang sagot niya.
Matapos sumagot ni Jess ay bumalik na ito sa pwesto niya kanina. Hindi na siya pinasakan ng headset. Sapagkat tapos na itong sumagot.
Unti-unti namang tinanggal ang headset sa tenga ni Matrica at naglakad na ito papunta sa tabi ng Emcee. "Here's your final question. Do you think you are the most desirable winner of the evening? Why?"
"Thank you for that wonderful question. I believe, yes. Unang-una sa lahat, naniniwala ako na ang korona at titolong ibibigay at igagawad saamin ay para saakin talaga. Maybe I look like a self-serving candidate but I'm competing in this contest to win and not to lose. And if ever na manalo man ako rito, gagamitin ko ang aking platform para mag spread ng awareness sa mga problem na kinakaharap ng ating eskwelahan at bansa ngayon. So, I believe that my desire to win is enough to get the title and crown that every candidate want. Thank you." Matrica answered.
Nang matapos si Matrica sa pagsagot ay siya ring pagpalakpak ng lahat at paghiyaw. Kagaya ni Jess, bumalik na rin ito sa puwesto niya kanina. Humakbang naman ng pasulong si Yaminah dahil siya na ang susunod na sasagot. Kinakabahan man pero ito na ang chance niya.
Nakita nito kung paano palakpakan at hiyawan ng lahat ang dalawang kandidatang nauna kaya mas dumagdag ito sa tension na nararamdaman niya. Paano kung pumalpak ako? Paano kung sumablay ako? Paano?
"Are you ready? If yes, then here's your final question. Do you think you are the most desirable winner of the evening? Why?"
"Uhmm, I think, no...." Panimulang sagot nito. Taliwas ang sagot nito sa dalawang kandidata na nauna. Kung sila ay pinaglaban na karapat-dapat sila. Salungat naman ang sagot ni Yaminah. Dahil din doon ay umani siya ng iba't ibang negatibong reaksyon mula sa mga manonood.
Bakit sumali pa 'yan? Ayaw naman pala manalo.
Halatang bobo!
Kaya nga sumali siya para makuha ang crown tapos hindi raw siya deserve manalo. Yuck!
Patikim lang pala ang kanina, useless!
Ganda lang pala ang ambag niya dito.
Bobo naman ni girl.
Dapat pala yung isang candidate nalang ang nakapasok at hindi siya eh.
Sayang ang opportunities girl.
Ilang lang iyan sa mga natanggap na negative feedback ni Yaminah. Hindi naman mapigilan ng mga kaklase niya ang magalit dahil ayaw nilang pinagsa-salitaan ng masama si Yaminah ng iba.
"Tangina mo. Edi ikaw na sumali, tutal magaling kanaman diba?" Panunuyang tanong ng class clown nilang si Ferry doon sa babaeng nang-insulto kay Yaminah.
"Tanggapin mo nalang kase na bobo yang kandidata niyo." Panunuya naman nung babae.
"Coming from you?" Natigil naman ito dahil sa malamig na boses na narinig niya. Mula ito kay Uno at kitang-kita mo sa mga mata niya ang inis at galit.
"Sa susunod na makarinig pa ako ng masamang salita diyan sa bibig mo. Sisiguraduhin kong hindi kana makapagsa-salita." Dagdag ni Uno.
"S-sorry." Utal na sabi ng babae bago tumakbo ng mabilis, paalis doon.
Sa kabilang banda naman ay pilit na pinipigilan ni Yaminah ang maiyak dahil sa mga naririnig niya. Gusto man nitong dugtungan ang sagot niya subalit walang kahit anong salita ang pumapasok sa utak niya. Tila naapektuhan ito ng sobra dahil sa mga narinig niya.
"Kaya mo iyan, Yaminah!!!"
"Go! Go! Yaminah!"
"Hayaan mo ang mga panget na iyan. Inggit lang sila kase hindi pasok ang pambato nila."
Malakas na wika ng mga kaklase niya. Napangiti naman siya ng kaunti dahil doon.
"We believe in you! Yaminah!" Isang malakas na sigaw na siyang nagpatahimik sa lahat. Pilit na hinanap ni Yaminah ang nagmamay-ari ng boses na iyon at natagpuan niya ito sa taong pinaka kinaiinisan niya.
"U-uno?" Bulong nito sa sarili niya. Hindi siya makapaniwala na gagawin ni Uno iyon.
Napangiti naman siya ng malaki dahil doon. May kung ano bang kiliti siyang naramdaman dahil sa sigaw ni Uno. Unexpected na manggagaling iyon sa lalakeng pinaka-ayaw at kinai-inisan niya. Dahil din doon ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para dugtungan ang sagot niya.
"Can I continue my answer?" Tanong nito sa Emcee na agad naman niyang ikinatango.
Huminga muna ng malaki si Yaminah bago sumagot, "I believe na hindi sapat ang pagka-uhaw ko sa korona para manalo ako. Sapagkat gaya ng palagi kong sinasabi, pumunta ako rito para i-represent ang section namin at hindi ang manalo. Iyong makatungtong lang ako sa top 3 ay malaking premyo na sa akin iyon.
Subalit ang isang bagay na siyang nagpanalo sa akin kahit wala pa ang resulta ay ang suporta ng mga kaibigan, kaklase, guro at ng pamilya ko. Iyong marinig ko lang ang mga sigaw at palakpak ng mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, doon palang ay alam ko na sa sarili kong, I already won. Kung sakali man na hindi ako manalo sa patimpalak na ito, wala na akong pakielam doon. Hangga't alam ko sa aking sarili na napasaya at na-entertain ko ang lahat dito. Iyon na ang magsisilbing premyo na iu-uwi ko. Thank you."
Isang dumadagundong na sigawan at palakpakan ang agad na namayani sa buong gymnasium, matapos nitong sumagot. Sa muling pagkakataon ay pinamalas ni Yaminah ang talinong mayroon siya.
"Thank you candidate number 26." Ani ng Emcee habang nakangiti.
Yinakap naman agad ni Jess si Yaminah ng makalapit ito sakanya habang nginitian naman siya ni Matrica.
-----
Luminya ang tatlo sa harap dahil ia-announce na ang panalo.
"Goodluck, ladies." ani ng Emcee.
Nginitan lang siya ng tatlo habang ang mga estudyante at manonood ay kinakabahan dahil may kanya-kanya silang pambato sa tatlo.
"Our, 2nd runner up is candidate number 24. Jess Lidford."
Nagpalakpakan ang lahat matapos marinig na nasa third place o 2nd runner up si Jess.
Nang matapos ay naghawakan ng kamay ang dalawang natira. Nakangiti sila sa isa't-isa habang hinihintay ang pangalan at numero ng panalo.
"Our, Ms. Nutrition 2018 is candidate number....