Chereads / The Love Wars / Chapter 14 - Top 10—15

Chapter 14 - Top 10—15

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝗵𝗶𝗿𝘁𝗵𝗲𝗲𝗻:

[𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩]

"Our long gown round will start now!" Magiliw na saad ng Emcee.

Nagsimula ng rumampa isa-isa ang sampong natitirang kandidata sa stage, habang pinapatugtog ang Finesse nina Bruno Mars at Cardi B.

Suot ang isang fitted na long red gown ay confident na rumampa si Jess. Kitang-kita mo rito kung paano nito ihampas ang balakang niya at iwagayway ang suot nitong red na gown. Kapansin-pansin din ang fierce make-up nito na siyang mas nagpasabog at nagpakinang sa hitsura niya. Tila isa itong bida-kontrabida sa isang pelikula.

Hindi rin naman nagpakabog si Matrica dahil taas-noo niyang nirampa ang stage na parang siyang nasa runaway. Kapansin-pansin din ang suot nitong silver long gown na may hati pa sa gitna, dahilan para mas lumitaw ang hubog ng dibdib nito at ang hubog ng katawan niya. Tinernuhan niya rin ang kanyang gown ng isang light make-up na siyang mas nagpalitaw ng mala-anghel niyang mukha. Tila isa itong anghel dahil sa kanyang mukha subalit nag-ala demonyo naman ito dahil sakanyang makamandag na suot.

Sa kabilang banda naman ay kinakabahan si Yaminah habang pinapanood nito si Matrica sa isang maliit na monitor. Siya nalang ang natitirang kandidata sa backstage dahil lahat ng kasama niya ay nakarampa na.

"Last but not the least. Our, candidate

number 26. (Yaminah)." Pagtawag ng Emcee rito.

Unti-unting lumabas si Yaminah, suot ang isang gold long gown habang naka-terno ang kulay ginto nitong heels. Mapapansin mo rin ang maputi nitong hita dahil ang kan'yang gown ay may hiwa sa baba. Kumpyansa itong nirarampa ang kahabaan ng stage. Makikitaan mo ito ng isang umaapaw na determinasyon sa mukha habang nilalakbay ang entablado. Aakalain mo na dyosa si Yaminah dahil sa purong ginto na suot niya at dahil narin sa tila pakpak nito na nakalagay sa likuran ng kanyang gown. Para itong mamahalin na vase na hindi pwedeng masira dahil sa halaga niyang taglay.

Natulala naman ang lahat nang matapos na ito sa pagrampa. Halos balutin ng sigawan at palakpakan ang buong gymnasium dahil hindi magkamayaw sa pagsigaw ang lahat, matapos nilang masaksihan ang pagrampa ni Yaminah, suot ang gold gown nito. Hindi rin lumagpas sa paningin ni Yaminah ang ngiti na ibinibigay ni Reed sakanya.

"T-tapos na." Utal pang sabi ng Emcee dahil maging siya ay nabighani sa gandang taglay ni Yaminah.

"Tama, tapos na! Palakpakan natin ang sampong kandidatang ito!" Sabi ng Emcee na siyang ginawa agad ng mga tao roon.

Nang matapos na rumampa ang sampong kandidata ay luminya sila sa stage at sabay-sabay na nag-pose.

Habang ang emcee naman ay binabasa ang pangalan ng limang nakapasok sa Top 5.

"Congratulation....

contestant number 12

contestant number 18

contestant number 24 (Jess)

contestant number 25 (Matrica)

contestant number 26" (Yaminah)

Isang masigabong palakpakan at hiyawan ang agad mong maririnig sa buong gymnasium kung saan ginaganap ang pageant.

May mga natuwa sa resulta ng laban pero may ilan ding nalungkot dahil ang mga pambato nila ay hindi nakasama sa TOP 5.

Sa kabilang banda naman ay tuwang-tuwa sina Jess, Matrica at Yaminah sapagkat pare-pareho nilang nalagpasan ang long gown competition at pare-pareho rin silang pasok sa Top 5.

Kahit na masaya ang nararamdaman nila ay hindi nila pwedeng ipagkaila na mas tumaas na ang tensyon. Dahil ngayong lima nalang ang tanging natitira ay mas humihipit na ang labanan.

Ang malaking katanungan ngayon ay, sino ang makakapasok sa Top 3 at sino ang magwawagi sa huli.

---

Nakalinya ang limang natitirang kandidata habang nakapaskil ang mga ngiti nila sa kanilang labi. Hanggang ngayon ay suot-suot parin nila ang mga long gown na isinuot nila kanina.

"The remaining candidates will pick their ramdom question here in the fishbowl." Paliwanag ng Emcee sa lahat.

Ang bawat kandidata ay bubunot ng question sa fishbowl, na kanila ring sasagutin. Ibig sabihin ay ramdom o walang nakakaalam kung anong tanong ang mapupunta sakanila.

Ang tatlong kandidata na magkakaroon ng pinakamagandang sagot ay ang makakapasok sa Top 3 o Final Round.

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang Q&A portion.

Sinimulan ito ni candidate number 12. Matapos niya ay si candidate number 18 naman ang sumunod. Malakas na hiyawan at palakpakan ang naganap matapos sumagot ng dalawa.

Unti-unti namang naglakad si Jess sa harap at sinimulang bumunot sa fishbowl, ibinigay nito ang nabunot niya sa Emcee.

"This is your question, candidate number 24 (Jess).... Who is your role model?" Wika ng Emcee.

Tumikhim muna ng mahina si Jess bago sagutin ang tanong.

"My brother is my greatest role model because he had exceptional determination and ambition in his own career, but also took the time to help and take care of me, when I need it. Hindi ko man palaging nasasabi pero mahal na mahal ko ang kuya ko dahil siya ang nagsilbing tatay at nanay ko, kapag wala sila sa tabi ko. Therefore, my brother is my role model and my hero too. Thank you." Sagot nito na siyang nagpahiyaw sa lahat. Hindi rin nakaligtas ang mga kantyawan ng iba kay Uno, na kapatid ni Jess. Aminin man o hindi ni Uno pero kinilig siya ng kaunti dahil sa sinabi ni Jess.

"Stop it! Fuck you all!" Inis na sigaw ni Uno sa mga taong kina-kantyawan siya. Natahimik naman ang mga ito dahil sa sigaw ni Uno.

Matapos sumagot ni Jess ay siya namang paghakbang ni Matrica papunta sa fishbowl. Bumunot ito roon at ibinigay sa Emcee.

"So, here's your question, candidate number 25 (Matrica) Where do you see yourself in the next 5 years?" Emcee said.

Nag-isip muna ng kaunti si Matrica bago lamunin ang stage dahil sa sagot nito.

"I aim to explore and improve my modeling skills throughout the next few years. Like my mother, I aspire to be a famous and successful model. If you have a strong family and an ambitious heart, I believe nothing is impossible. As a result, we must strive diligently to realize our life goals. Thank you."

Kagaya ng kanina ay nagpalakpakan din ang lahat dahil sa sagot ni Matrica. Hindi rin maiwasan na mapanganga ng iba, hindi dahil sa sagot nito, kundi dahil sa hindi nila maintindihan ang sagot niya. English kase.

Ngumiti muna si Matrica bago lisanin ang enteblado, kasabay ng pag alis nito ay siyang pagpasok ni Yaminah. Katulad ng apat na nauna, bumunot din ito sa fishbowl at ibinigay sa Emcee.

"Ito ang tanong mo, candidate number 26 (Yaminah). What makes you different from the other girls competing today?" Emcee said.

Kinakabahan man pero buong tapang itong sinagot ni Yaminah. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang mukha ng mga naniniwala sakanya. Ang mukha ng pamilya, kaibigan, kaklase, isama mo na 'yung apat na garapata.

"All of the girls I'm dealing with right now are confident, beautiful, and hardworking, but it's my life advocacy that sets me different from them. I want to demonstrate to all the girls who are watching right now that we are all gorgeous in our own right. There's no need to be insecure about other women's beauty because each of us is unique, strong, and attractive. That is what I am campaigning for: women's empowerment worldwide. Thank you."

Nakatanggap ng malakas na hiyawan at palakpakan si Yaminah dahil doon. Sumagot si Yaminah hindi lang para sa sarili niya bagkus sumagot ito na parang dala-dala niya ang sang-kababaihan. We're beautiful in our own.

---

Ngumiti muna ang Emcee bago i-announce ang numero ng mga kandidatang pasok sa final round.

"Congratulation candidate....

number 24 (Jess)

number 25 (Matrica)

number 26 (Yaminah)

Sa pangalawang pagkakataon ay nagdiwang ang lahat dahil ang tatlong dilag na si, Jess, Matrica at Yaminah ay nakapasok.